nang lumalabo natitirang
antas ng pakikinig, titigil
at makikiapid. padahan-
dahan nang nakakalimot
na mabagal ang mga alon,
hindi nagagalit sa atin
ang mga puno, maging
ang lait ng kalangitan,
wala talagang tinamaan.
hindi na ba maisasadya
pangungupad sa lupa?
pangungusap ng kindatala,
iniwan na lang sa parirala,
at siwang-diwa, siyang
kalalagyan ng lahat
ng hindi pa nasisikatan,
nakapanghigit sa sarili.
dahil ano pa nga ba
ang hinihintay kung
sa tawag lang madali,
wala pang atu-atubili?