disclaimer: this is not an official transcript.
average reading time: 37 mins
note:
before remarking on errors,
check the audio from source first.
Boy: Tonight, our guest is the Vice President of the Republic of the Philippines, Vice President Leni Robredo. VP Leni, magandang gabi, welcome.
Leni: Magandang gabi. Thank you for having me.
Boy: Let's now begin our interview. Let's talk about the environment, specifically, mining which I think is one of the most controversial environmental issues. Nung Abril 2021, President Duterte lifted the 9-year moratorium on granting new mining permits through Executive Order 130. Samantala, December 2021, the Department of Environment and Natural Resources also lifted the ban on open-pit mining through Department Administrative Order No. 2021-40. Pinuri ito ng mining industry. Samantala, binatikos ito ng mga environment and human rights defenders. Ang aking katanungan, VP Leni, you are applying to become the President of the Republic of the Philippines, if elected, pagtitibayin mo ba ang desisyong ito o ipapawalang-bisa?
Leni: Ipapawalang-bisa ko. Para sa 'kin, Boy, napakahalaga pagdating sa usapin ng environment, na binibigyan at ineempower yung mga maaapektuhan. Gusto kong sabihin, binibigyan ng mekanismo yung mga stakeholders na pinapakinggan yung boses nila. Maraming mga mahahalagang batas na kailangang ipasa na. Example lang do'n yung land use, land use bill. Kailangang mapasa na 'yon bilang batas dahil yun yung magsasabi, yun yung magpapanukala, alin bang mga lugar dito sa bansa natin ang kailangang ideklara na mga no-mining zones. 'Pag hindi pa ito napapasa, yung pag-iissue natin ng mga permits ay hindi matatag yung pagiging basehan nito. Pangalawa, dun sa mga lugar na ipapayag yung mining dahil nakasaad sa Land Use Act na puwede yung gawing mga mineral sites, sisiguraduhin natin, 'no, yung makikinabang yung locality. Hindi negosyante, hindi hindi Pilipino, pero yung makikinabang, lalo na yung mga Indigenous Peoples, dapat sila yung makinabang. Dapat 'pag papayagan ito, Tito Boy, sisiguraduhin natin na yung boses nung mga maaapektuhan ay pinapakinggan. Having said that, maraming mga bagay na sila yung, parang sila yung magsasafeguard, sila yung magsasafeguard ng environment. Aasikasuhin natin yung, irarationalize natin yung mga iba't ibang mga opisina na walang overlapping ng functions, halimbawa, ng DENR, ng MGB, ng Climate Change Commission. Sisiguraduhin natin na klaro yung kanilang mga roles para yung accountability, klaro din. Sisiguraduhin natin na kahit sa pagpili ng mga mamumuno sa mga opisinang ito, pinakinggan din natin yung boses ng mga environment advocates kasi napakahalaga, Tito Boy, na yung magrerepresent sa 'kin sa cabinet, siya yung magiging alter ego ko. Siya yung alter ego ng President. Dapat nagkakasundo kami sa paniniwala, and yung paniniwalang 'yon, yung pinakapriority natin, ano ba yung makakabuti sa taumbayan, ano ba yung makakabuti sa bansa natin.
Boy: Okay. VP Leni, is this tantamount to saying na ika'y para sa total mining ban or ika'y naniniwala ba sa sustainable mining?
Leni: Ako, naniniwala ako, Boy, sa sustainable mining pero para sa 'kin kasi, yung sustainability, maaattain lang natin 'yon 'pag meron tayong maayos na mekanismo para yung mga nakatira do'n, yung mga taong mangangalaga ay binibigyan natin ng boses. Ngayon kasi...
Boy: VP, yun ang sinasabi madalas, 'no? I spoke to some people who are involved in the mining industry, and they would always say na, 'Pinangangalagaan naman namin ang mga displaced na IPs. Nagbibigay kami ng trabaho. We make sure that we don't pollute the rivers,' na kabaligtaran dahil ito ang reklamo ng mga environmental defenders.
Leni: Saka ito kasi, Tito Boy, na naaabuso. Alam mo, merong requirement sa batas na konsultasyon pero yung konsultasyon, kadalasan na ginagawa, eto, reklamo 'to, reklamo 'to ng mga taong on the ground na lagi nating nakakausap, ang kanilang reklamo ay parang masyadong superficial yung consultation na ginagawa, at hindi natin ito ipapayag, kaya nga sinasabi ko, ang pinakamahalaga, yung mekanismo. Hindi puwede na basta ka lang nagpameeting, ayun na. Sisiguraduhin natin na yung tunay na boses ng mga mamamayan, pinapakinggan, dahil kabahagi...
Boy: How do you do that, yung tunay na konsultasyon na iyong sinasabi?
Leni: Kailangan talaga, isabatas. When I was in Congress, I was the principal author of the empowerment bill. Yung empowerment bill, nilalayon niya, magiging mandatory, hindi lang sa mga local government units pero sa lahat ng mga government agencies, na magkaro'n talaga ng mga people's councils, na gustong sabihin nito, hindi lang na basta ka magpapameeting pero yung representation sa people's councils, represented yung mga mahahalagang stakeholders, and meron silang voting rights. Kabahagi sila mula sa step one, mula sa planning, hanggang sa implementation, hanggang sa monitoring, hanggang sa evaluation.
Boy: So, ang kapangyarihan ay manggagaling doon sa people's council na iyon.
Leni: Dapat. Dapat kasi sila yung apektado e.
Boy: Na ikokonsulta, at ikokonsulta ng gobyerno at saka ng mga tao na involved sa mining industry.
Leni: Saka iempower talaga sila, at 'pag sinabi kong iempower sila, kailangan, bago sila nagdedesisyon, sisiguraduhin natin na naiintindihan nila.
Boy: But you realize, VP, that meron ding mga contributions ang mining industry.
Leni: Totoo.
Boy: Sa ekonomiya...
Leni: And meron talagang mga responsible na mga mining companies, pero ang sinasabi ko...
Boy: Let's talk about the pandemic. Sa kasalukuyan po, VP Leni, dalawang bagay ang alam natin. Una, pinadapa tayo ng pandemyang ito. More than three million na ang confirmed cases dito sa ating bansa ayon sa Department of Health. Sa buong mundo naman, sabi ng John Hopkins Covid-19 dashboard ay three hundred million people na. Higit fifty million deaths na ang naitala sa Pilipinas, and more than five million naman ang buong mundo. Maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho, kabuhayan, at mga mahal sa buhay. Marami ang mga nasirang relasyon, mga nasirang plano at pangarap. 'Yan, alam natin 'yan. Alam natin yung viciousness noong virus. Pangalawa, alam din natin na ang virus na ito ay napakaunpredictable. Dito sa dalawang taon, maraming variants na ang ating naririnig, Alpha, Beta, Gamma, Delta, Delta Plus, Omicron. The virus acquires genetic changes. It's another way of saying, nagmumutate ang virus na ito. Paano, kailan, kung ano ang susunod, nobody knows. Ang tanong, VP Leni, given the unpredictability and the viciousness of this virus, kung ikaw, halimbawa, ang nakaupong Presidente, ano ang programa mo sa COVID-19?
Leni: Ngayong Vice President pa lang ako, Boy, naglaunch na kami ng COVID response initiatives, and ngayon, yung ginawa namin, ang pinakasadya lang talaga is to fill in the gaps. Hindi naman namin 'to mandato pero hindi puwede kasing nanonood lang kami so we shifted from one initiative to another. Nag-umpisa kami sa pagprovide ng PPE sets. Sinundan namin ng shuttle buses for frontliners. Sumunod yung mga dormitories, hanggang tinulungan na namin yung mga community marts, et cetera, et cetera, so it was a series of so many programs pero we learned a lot of lessons from that. Ano yung number one lesson? Yung number one lesson, kailangan talaga yung sense of urgency. Kailangan yung sense of urgency sa pagrespond kasi every minute, every second counts. Yung sa 'min, Tito Boy, yung aming naramdaman dito sa pagrespond dito, hindi puwedeng gagalaw ka lang 'pag perpekto mo na yung plano, hindi e. Ang kailangan, nandiyan na, gumalaw ka na. 'Pag ako, naging Pangulo, ieexpand ko 'yon, pero ako, meron na kasi akong benefit ng science, meron na 'kong benefit ng lessons from other countries, alam natin kung sinong mga bansa yung nagperform better than the others, so dapat matuto na tayo do'n. Kami, we have been following all the examples of so many countries na naging maayos na maayos yung overall COVID response, and madali na para sa 'tin kasi meron na e. Meron na tayong mga modelo. Susundan na lang natin pero ang sisiguraduhin ko lang, I will be on top of everything. 'Pag sinabi kong on top of everything, yung day-to-day na COVID response, ako mismo yung tututok. Sisiguraduhin ko na lahat ng mga, lahat, whole of government, all the agencies, all the local government units, are working harmoniously kasi yun yung tingin kong naging kakulangan ngayon. Lahat naman may ginagawa pero kulang ng konduktor kaya ang desisyon ng isang opisina, iba yung ginagawa ng iba, parang sobrang mixed yung messaging, sobrang mixed na nakita natin, na magsasabi ng ganitong desisyon, the following day, babawiin. E, yun yun nakakadagdag sa pagkaano 'yon, yung anxiety ng tao, so...
Boy: Okay. You raised two points. I'm sorry, VP Leni. Una, very, very important points, number one, marami kang mga leksyon na natutunan, mga modelo mula sa iba-ibang bansa. Can you be more specific kung anong mga leksyon, anong mga modelo ang ating pinag-uusapan?
Leni: Nung, iba-iba yun, Tito Boy, kasi, 2020, ano yun natutunan natin? Yun natutunan natin yun 2020, yung meron talagang mga pillars para sugpuin mo yun. Ano yung pillars? Yung testing, tracing, 'di ba, saka yung management ng disease. Dun pa lang, nagkulang na tayo. Iniinsist pa din nang iniinsist natin na hindi tayo magtetest nang marami kasi hindi naman kailangan. Yung contact tracing, two years after the pandemic, hindi pa din tayo nakakatake off nang maayos. Yung mga hospitals natin, two years into the pandemic, kulang pa din tayo ng health workers, so sa 'kin, kailangan, itong mga basic premises na 'to, alam na natin na eto yung pillars na kinakailangan nating gawin.
Boy: Do you do testing, do you do all these things that you're talking about before, because you don't know what's gonna happen. Hindi mo talaga alam kung kailan ang susunod na variant. Do you do these even when there is no surge?
Leni: Depende, depende. Kami talaga, ginagawa namin siya kahit nung walang surge, merong mga communities, kasi kami, Boy, meron kaming tracking system sa opisina, na tinatrack namin yung lahat ng mga local government units. Saan ba mataas yung cases, saan yung ganito, and gusto namin makatulong sa pagcontain so kahit walang surge, 'pag nakikita namin na merong lugar na medyo mataas yung cases, nag-ooffer kami.
Boy: I only raised that point dahil hindi ka puwedeng mabigla dahil alam natin na unpredictable talaga e. I mean, we know that behavior of the virus, and then you raised another point, 'I will be on top,' you know, 'Of the program, of the management of this virus.' Some of your critics may say, isn't that a bit too much of micromanagement, and you might be missing on a lot of things dahil nandun ka masyado sa detalye.
Leni: Boy, 'pag panahon ng crisis, kailangan mo magmicromanage kasi buhay ng tao yung nakataya. Ako, since March of 2020, araw-araw, I am on top of all the COVID response operations of the office, at ano 'yon a, hindi ako namili talaga ng trabaho. Nung kulang kami ng mga tao sa Bayanihan E-Konsulta, ako mismo, ako mismo nagduduty, ang nagduduty ako, yung mga unholy hours, para makatulog naman yung aming mga volunteers. 'Pag Swab Cab namin, kahit marami nagpopositive, nandiyan ako. 'Pag vaccine...
Boy: Let's talk about poverty. VP, tuwing eleksyon, maraming eleksyon, madalas, ang taumbayan, nakikita namin yung mga slogans, yung mga messages ng iba't ibang kandidato. Babalikan ko lamang ang ilan na may kinalaman sa poverty. Si President Gloria, naalala ko yung, 'Pagkain sa bawat hapag-kainan,' President Erap, 'Erap para sa mahirap,' President Aquino, 'Kung walang corrupt, walang mahirap,' so starring talaga ang mahirap 'pag eleksyon, sabi nga ng isang kaibigan. According to Philippine Statistics Authority (PSA), noong October 2001, 3.27 million ang walang trabaho, October 2010, 2.79 million ang walang trabaho, October 2016, 2 million ang walang trabaho, samantala, October 2021 po, 3.5 million ang walang trabaho. Ayon naman po sa SWS (Social Weather Stations), ang ibig sabihin po nito, perception po ito, okay, ang ating mga kababayan na nagugutom in percentile, in percentages, taken to consideration yung fluctuation ng ating population, third quarter of 2001, 9.3%, third quarter of 2010, 15.9 percent, third quarter of 2016, 10.6%, September of 2021, nung nakaraang taon po, 10% or around 2.5 million Filipinos ang nagugutom. Ito po ang aking tanong, sa kasalukuyan, according to PSA, meron tayong 3.5 million Filipinos na walang trabaho, jobless, 2.5 million na mga kababayan natin na nagugutom, you're applying to be President of this country, with these urgent problems of joblessness and hunger, ano po ang inyong gagawin?
Leni: Actually, Boy, naglabas na kami ng Kabuhayan para sa Lahat Program. Niroll out namin ito nung December, last month. Marami itong, marami siyang components pero bigyan mo lang akong pagkakataon na magrundown. Ang pinakauna, ang aming paniniwala, kailangan talagang maibalik ang tiwala sa pamahalaan. Yun yung number one. 'Pag sinabi nating kailangang ibalik ang tiwala sa pamahalaan, kasi ito yung crucial element para yung business confidence sa gobyerno ay bumalik. 'Pag maraming investments, maraming trabaho. Papa'no natin ibabalik yung tiwala sa pamahalaan? Kailangan, ang gobyerno, tapat. Kailangan, yung gobyerno, maaasahan. Kailangan, yung gobyerno, hindi kurakot. Kailangan, yung gobyerno, transparent saka accountable. Yun yung number one. Yung number two, nasa Kabuhayan para sa Lahat Program, kailangan nating tutukan yung mga industries na meron tayong opportunities dito. Eto yung mga local industries. Clinassify namin ito, Boy, into three. Yung pinakauna, blue industries. Ang blue industries, maritime saka fisheries, kasi ito, archipelago yung Pilipinas. Yung lahat na binubuhos natin, para sa mga kalupaan, pero mas marami yung ating katubigan so yung opportunities, nando'n. Yung green economy, agriculture saka yung mga climate jobs saka manufacturing kasi yung manufacturing is an opportunity. Yung manufacturing, eto magbibigay ng jobs. Yung pangatlo, ang tawag namin dun, gold industries, at eto yung tech, eto yung tech saka yung digital, digital industries, kasi tingin namin, at tingin ng aming team, ang laki ng opportunity nito at eto na yung future so sa 'kin, dapat yung pamahalaan, mag-invest dito. Eto yung pag-invest sa mga local industries. Yung pangatlo, kailangan talaga natin tulungan yung mga maliliit na mga negosyante kasi ngayong pandemic, sila talaga yung dapang-dapa. Alam natin na napakalaking percentage ng mga negosyante sa atin, mga maliliit, at sila yun naggegenerate ng mga maraming trabaho para sa 'tin so ako, ang proposal ko do'n, dapat sana, na number one, magbigay na ng conditional na stimulus grant para sa mga maliliit na negosyante. Yung condition nun, para 'wag siyang magtanggal ng mga empleyado, tulungan siya ng pamahalaan na magkaro'n ng kapital para mabuhay ulit yung kanyang negosyo. Yun yung number one. Yung number two, kailangan, access sa capital, kahit mga low-interest loans para dun sa mga negosyo na meron namang pambayad sa loans. Kailangan niya lang ng access para mabuhay niya ulit. Ang number three, kailangan talaga yung access sa, hindi lang access sa capital, pero access sa market, and sinubukan na namin 'to many, many times over. Halimbawa, yung ating mga, ating mga farmers, kailangan, gobyerno na yung bumibili ng mga produkto niya kasi yung gobyerno naman, kailangan niya ng pagkain para ipapamigay sa tao. Gobyerno yung pinakamalaking opportunity para sa mga maliliit natin na negosyante na makabangon muli.
Boy: Oo, okay. VP Leni, urgent yung gutom, you know, it's something that's immediate. Walang makain ngayon. We're talking about people who, 2.5 million Filipinos are hungry. So, napakinggan ko yung 'yong diskurso, yung solusyon, 'di ba, and naiintindihan ko 'yon pero gaano kabilis ang resulta no'n?
Leni: Hindi niya mapapawi yung gutom ngayon so ang kinakailangan...
Boy: Okay. So, meron ka ba do'n sa iyong programa na may short-term, long-term solution?
Leni: Yes. Actually, yung trabaho, both short- and long-term yun, Boy, pero yung ngayon, yung mga hindi nakakapasok, yung hindi nakakapasok kasi nagkasakit, o hindi nakakapasok kasi nagsara yung opisina.
Boy: What do you do to that?
Leni: Sa amin, Boy, nagbibigay kami ng mga ayuda pero dapat kasi mas mekanismo again e, mas mekanismo. Yung number one na pinopropose namin dito, maliban sa ayuda, ang 'pag sinabing ayuda, sinisiguro mo, may pagkain araw-araw, pero maliban do'n, kailangan sana, meron tayong unemployment insurance para yung mga nawawalan ng trabaho, na hindi naman nila kasalanan, at least, may safety net man lang sila.
Boy: Anong pagkakaiba, VP, ng ayuda at saka ng dole out?
Leni: Actually, ang ayuda, Boy, is dole out pero ito kasi, crisis situation ito e. Parang halimbawa, binagyo yung lugar na 'to, walang kuryente, walang tubig, wala silang makain...
Boy: So, it's an immediate solution to the problem.
Leni: Yes.
Boy: Okay.
Leni: Pero it's short-term. Ang tao, mas maaappreciate niya kung maliban sa ayuda, bigyan mo siya ng pagkakataon makapagtrabaho kasi mas long-term yun para sa kanya.
Boy: Okay. Let's now go to migrants, overseas Filipino workers. As of September 2019, ang estimate po ay 2.2 million OFWs worldwide according to the Philippine Statistics Authority again, 96.8% percent po nito ay may mga kontrata. Ang natitira po ay, ito'y mga walang kontrata. Sa remittances naman po, dahil napapag-usapan rin natin 'to madalas, ang mga bagong bayani, na ang nagbubuhay ng ating ekonomiya ay ang OFWs, bahagya, I mean, I'm not saying totally, ay 28.9 billion US dollars noong 2018, 30.1 billion US dollars noong 2019, 29.9 billion dollars noong 2020, at 25.9 billion dollars as of October 2021. Noong 2018 po, remittances sent by OFWs accounted for eleven percent of the total GDP of the country. Sa kabilang dako naman nito, so, merong napakalaki ng contribution, na napakalaki ng pera po na kanilang ipinapadala dito sa Pilipinas, sa kabilang dako po, may tinatawag na social cost. Ito yung sinasabi ng mga experts na unquantifiable, and that contributes to the destruction of the Filipino family. Ang aking tanong, VP Leni, how do you balance the economic contributions of the OFWs and the unquantifiable social cost of migration that leads to the destruction of the Filipino family?
Leni: Ako, again, Boy, isesegment ko yung aking sagot do'n. Yung number one, dapat ang overarching principle natin, yung mga kababayan natin, magtatrabaho sila abroad kasi yun yung gusto nila. Ang gusto ko sabihin, it is by choice and not by necessity. Ang problema kasi ngayon, kahit ayaw naman nilang iwan yung mga pamilya nila, wala silang choice kasi walang available na trabaho dito. So, papa'no yun mangyayari? Kailangan, ayusin natin yung economy natin para yung mga kababayan natin na umalis, nalulungkot na sa mga pamilya nila, gustong bumalik, may babalikan, kasi minsan, gusto naman nila bumalik, hindi sila makabalik kasi wala silang babalikan. Halimbawa, merong mga OFWs na nagretire na abroad, gusto nang dito magretire pero hindi nila maiwan yung kanilang mga tinatrabahuhan na bansa because of health care, dahil hindi natin maoffer sa kanila yung naooffer sa kanila nung kanilang, yung kanilang bansang pinagtrabahuhan. Yun yung number one, so kailangan, ayusin natin. Ayusin natin para hindi sila napipilitan, pero yung number two, yung mga umaalis at nag-aabroad, dapat ay binibigyan natin sila ng pagkakataon na mas maganda yung mga trabahong makukuha nila, and example lang nito, Boy, andami sa 'tin mga seafarers. Andami sa 'tin mga seafarers pero 'pag tiningnan mo, dun sa mga seafarers na umaalis, kaunting percentage lang sa kanila yung opisyal. Kaunting percentage lang yung opisyal. 'Pag tiningnan mo yung suweldo nung opisyal saka hindi opisyal, ang layo, so, pero ang gobyerno, meron siyang capacity na magprovide ng programa para yung mga nag-aambisyon maging seafarers abroad, pupunta sila, merong cadetship program para puwede silang maging opisyal. Unang-una, mas mataas yung suweldo nila. Pangalawa, mas mataas yung remittances, 'di ba? Pareho din 'yan. Yung mga nagdodomestic workers, yung mga ibang mga nagtatrabaho na paminsan, pupunta dun, underemployed. Mga teachers pero pupunta dun, mag-aalaga ng bata.
Boy: Mga doktor who choose to be nurses.
Leni: 'Di ba?
Boy: Pero, VP, pupuntahan ko yung dalawang points, because you discussed about a situation where sana yung dumating yung panahon na choice nila mag-abroad, hindi yung napipilitan but that's not real today. That's not real today. Let's talk about the reality today na kinakailangan, I just wanted to raise some points, kinakailangan magtrabaho abroad para masustain ang pamilya.
Leni: Mabuhay niya yung pamilya niya.
Boy: Mabuhay ang pamilya dito. There's another layer to this discussion. For lack of a better term, we also have dramatized, you know, the OFWs, and I don't mean to demean the contributions of the OFWs, na para bagang bagong bayani which denies, you know, the fact that they are there, hirap na hirap ang sitwasyon, et cetera, so, my question is, okay, let's be real, kailangan ng trabaho, napipilitan magtrabaho, what do you do?
Leni: Eto nga, Boy, eto yung first part ng sagot, 'di ba, kasi ito, mas long-term e. Gagawan mo talaga ng programa, pero yung retrainings, skills training, puwede na natin 'yon gawin ngayon, pero yung pangatlo, sa Naga, meron na kaming sinimulan na migrant resource office. Ito, ang attempt nito ay mabawasan yung social cost, meaning to say, merong pagkakataon na binibigay sa mga families na naiiwan, na pinapaintindi sa kanila, anong klase yun trabaho, yung anytime na gusto nila macontact yung kanilang mga pamilya, yung perang ipapadala sa kanila, merong may mga financial literacy programs, so, ano siya, buong programa...
Boy: Pero, VP, to be very extreme about it, do you look forward to a day when, I'm not even talking about choices at napilitan, 'no, na walang OFW?
Leni: Parang imposible 'yon.
Boy: Imposible 'yon.
Leni: Imposible 'yon.
Boy: Oo.
Leni: Kasi meron naman talagang mga Pilipino na hindi naman kailangan mag-abroad pero gusto nila.
Boy: But you realize also the cost.
Leni: Yes, pero ito kasi, ako kasi, 'pag ginusto mo, yung preparation dun sa social cost, mas handa ka, pero iba kasi e, iba 'pag napilitan ka lang. Iba 'pag napilitan ka lang. Halimbawa, marami yung iiwanan yung mga anak nila na bagong panganak, o mga baby pa, pero iiwan nila, mag-aalaga sila ng ibang bata kasi kailangan e.
Boy: At pagbalik nila, hindi na sila kilala ng kanilang mga anak.
Leni: Hindi na sila kilala.
Boy: And that's unquantifiable.
Leni: And nung nag-aabogado ako, Boy, andaming mga naghihiwalay na mga asawa because of the long separation.
Boy: Let's talk about social media. Ito naman, pag-usapan natin ang internet, at ang social media, pero dito tayo, VP Leni, pumunta, I want to talk about pornography. 2021, year-in-review report ng Pornhub, isang online adult video streaming website sa internet. Sabi dito, ang mga Pinoy spend eleven minutes, thirty seconds watching porn, making the Philippines top one. Nalampasahan ho natin dito ang Japan at ang France. Some of the known social media sites, apps, ang Twitter ho ngayon, medyo nagiging source na rin ng porn, Snapchat, and may mga Facebook groups, na have been used as alternative porn site. Si Billie Eilish is an American, Grammy Award-winning songwriter-singer. Eleven years old, she got exposed to porn, she got addicted, she indulged in sex, multiple partners, and yun ang naging standard. Akala niya, violent ang sex, and in her words, porn destroyed her brain. She felt devastated. She had nightmares, sleep paralysis. 'My mental health,' 'ika niya, 'Was damaged.' Last December, she turned twenty, si Billie Eilish, kilala 'to ng mga bata, and she's now on the road to recovery. Tanong, nalaman at naconfirm mo, hypothetical ito, VP Leni, nalaman at naconfirm mo na ang iyong anak ay addicted to cyber porn. Bilang magulang, ano ang gagawin mo, at bilang Presidente, again, because you're applying for the highest position of the land, bilang Presidente, paano ito makakaapekto sa iyong polisiya on the welfare and protection of children?
Leni: Ako, number one, bilang nanay, bilang nanay, ang pinakapriority ko, gumaling yung anak ko kasi sakit siya e. Gumaling yung anak ko, sisiguraduhin ko na tatanda siya na hindi niya dala-dala yung trauma galing dun sa pinagdaanan niya, pero bilang Presidente, andami kong puwedeng gawin. Yung isang wala sa 'tin ngayon, Boy, wala tayong batas na nagseeseek to make accountable etong mga social media sites. Ang gusto kong sabihin, kung anong ilalabas sa Facebook, kung ano ilalabas sa Twitter, kung anong ilalabas sa YouTube, whether porn 'yan, whether fake news, wala tayong kontrol so para sa 'kin, kailangang magkaro'n tayo ng batas na cinicriminalize natin, pinepenalize natin yung mga social media sites for them to be accountable and to be responsible, na hindi dapat 'to accessible sa mga tao, na wala pa siyang kahandaan magprocess, and in this case, yung example mo, mga bata na naaaddict, na nagiging addicted to that, because it's accessible, so dapat maging accountable, dapat maging responsible yung mga social media sites. Sisiguraduhin nila na yung content, accessible lang sa mga tao na kayang madigest yung content na 'yon.
Boy: Pero may responsibility dito ang magulang.
Leni: Merong responsibility ang magulang, kaya nga...
Boy: You know, in the discussion about access to the sites.
Leni: Hindi, kaya nga ako, Boy, ang paniniwala ko talaga, lahat, hindi lang dito sa issueng ito, pero ang paniniwala ko talaga, sa lahat, na pinakasusi para maganda yung operationalization saka implementation ng mga policy, lagi talaga siyang, lagi talaga siyang pinagtutulungan ng mga communities.
Boy: Okay, I get that. Yung sinasabi niyo pong kontrol, isn't that censorship?
Leni: Hindi yun censor, hindi yun...
Boy: You're talking about control, oo, 'di ba? You're talking about control. Isn't that...
Leni: Pero yung sa 'kin, hindi kontrol, pero ginagawa mo silang accountable, na dapat sila ay sinisiguro nila na yung mga lalabas sa kanilang social media platform ay ang makakaaccess no'n, yung mga tao na tama na yung mental saka psychological saka siguro...
Boy: VP, can that be legislated?
Leni: Yes, it can.
Boy: I mean, knowing...
Leni: Actually, eto yung pinaglalaban ngayon ni Maria Ressa. Eto yung content na pinaglalaban niya after she won, even before she won the Nobel Peace Prize, na yung social media platforms have been abused in many varied ways already, in many countries...
Boy: But you have to address the abuses because napakarami rin ng magandang nagawa ng social media at saka ng internet, 'no?
Leni: Yes, yes, kaya nga abuse siya kasi...
Boy: Correct, kaya nga abuse, oo.
Leni: Dapat sana, 'di ba, dapat sana yung social media, maganda yung naidulot niya sa 'tin kasi bigla na lang that the world has become so small and everything is in our grasp pero dapat kasi inaayos natin yung accountability, accountability ng mga tao saka mga organisasyon saka mga negosyo, na merong kontrol sa content na nilalabas nila. Ang gusto ko sabihin...
Boy: No, that's why yung control sa content, to me, it's a bit, it's bordering on, doesn't it border on censorship?
Leni: Pero sa 'kin, sa 'kin kasi, Boy...
Boy: Doesn't that infringe into the freedom of speech?
Leni: It depends on how the law will be passed, how, what the version of the law will be passed.
Boy: How would it be in your administration?
Leni: Pero sa 'kin, sa 'kin, Boy, mas sisiguraduhin ko na, halimbawa, merong porn sa aking site, hindi siya accessible sa mga bata, so, ako, hindi ako digital person pero I'm sure there should be a way kasi ngayon naman, meron na mga apps, 'di ba? Meron na ngayong mga apps, na yung mga magulang can control what their children can access, so it should be, you know, it should be a collaboration between the social media platforms, the families, schools, pati yung pamahalaan, so it is very doable.
Boy: It's doable within a certain period of time pero ngayon, 'pag tiningnan mo kasi, VP, ang social media ecosystem, where would you start?
Leni: Saka hindi siya static, 'di ba? Yung social media of ten years ago is so different from the social media now.
Boy: Social media today.
Leni: So, dapat talaga, Boy, yung batas ay hindi din static. Dapat sinasabayan niya yung demands of the time pero ang klaro dapat sa isip ng mga legislators, na ang pinakaprimary purpose is the protection of the people.
Boy: Specially, children.
Leni: Specially, children.
Boy: Let's now go to abortion, rape-related abortion. Sabi ng PINSAN (Philippine Safe Abortion Advocacy Network) at EnGendeRights, Inc., ito po yung mga data na ating nakuha, a Filipino woman or girl is raped every seventy-five minutes, about one in every eight Filipino women, who resort to abortion, is a rape survivor, seventy women induce abortion every hour, complications from unsafe abortion is one of the five leading causes of maternal death and leading cause of hospitalization in our country, in 2012 alone, six hundred ten thousand Filipino women induced abortion, over one hundred thousand women were hospitalized, and one thousand women died due to unsafe abortion complications, since there is no access to safe abortion in the country, at least, at least po, three women die everyday from unsafe abortion complications, and based on statistics, the number of induced abortions increases proportionately with the increasing Philippine population which means that the number will keep increasing as we will, if we don't act on it, kasi nga nagfufluctuate yung numbers. My question is, is it time to enact a law on abortion that would allow pregnant rape victims the choice of legal and safe abortion?
Leni: Ako, alam mo, I will be very honest with you, Boy. This is a topic that I'm very conflicted about because of the data that you had mentioned. I was a member of an NGO na talagang tinutulak yung pagdecriminalize, at least, magdecriminalize ng abortion para naiiwasan yung unsafe na mga ginagawa, pero the reason why I'm so conflicted about it, kasi ako, my faith teaches me na bawal talaga yung magpatay. Ang inaallow lang sa atin, Boy, na parang yung legal abortion, kung endangered yung life ng mother. Kung endangered yung life nung mother ay inaallow in very rare instances, and I think that should continue pero having said that, ako, kontra ako sa abortion, pero sa 'kin, bukas akong pag-usapan yung decriminalization ng abortion. I would like to listen to more people about it. I've listened to so much already, pero it is something that we should, mahirap yung balancing act e, kasi 'pag nakita natin yung ipinaglalaban ng mga sumusulong sa decriminalization ng abortion, meron naman silang dahilan, kasi 'pag bawal kasi, nagiging underground siya e, and 'pag naging underground siya, mas unsafe. 'Di ba, mas unsafe kasi, dahil hindi mo pinapayag, marami yung nagreresort sa mas, mga practices na hindi talaga siya medically safe, so sa akin, while I'm open to discussing decriminalizing abortion, if you ask me now, if I am for or against it, I'm against abortion.
Boy: Okay, pero may nasabi ka kanina na in certain instances, VP, na 'pag nasa danger ang buhay ng nanay, can you...
Leni: It is allowed.
Boy: It is allowed. Can you expound on it?
Leni: 'Pag nasa danger kasi yung buhay ng nanay, ang practice talaga, Boy, ang pinakauna, sinasave talaga yung nanay, and I think that should continue.
Boy: But doesn't that go against what the church says, dahil ang church, walang buts at walang ifs e. Ang simbahan, sinasabi, abortion, hindi.
Leni: Pero sa 'kin kasi, Boy...
Boy: Because you mentioned faith, VP.
Leni: Kaya nga sinasabi ko na contentious siya e. Contentious siya kasi if you are involved in the day-to-day, if you are involved in the day-to-day, like I was, when I was still a practicing alternative lawyer, you come across so many, you come across so many victims of rape, you come across so many unsafe pregnancies, lalo na, Boy, kasi kadalasan, yung biktima ng rape, mga minors, and talagang 'pag minor nagbuntis ay talagang laging questionable yung safety nung nagbubuntis...
Boy: Dahil ang katawan ng minor ay hindi pangnanay pa.
Leni: Ano talaga, in fact, we're doing a program with UNDP on teenage pregnancies, and ako, I would have to admit, I'm so, I'm conflicted. My faith tells me that abortion is not to be allowed. Ako, ako...
Boy: Have you had discussions with priests, with your counselors, with...
Leni: Yes, yes, a lot of discussions already, and...
Boy: Okay, alright, so, you've expressed your views that, in as much as you are against abortion, you're conflicted and...
Leni: I'm conflicted.
Boy: You're a work in progress, 'ika nga.
Leni: Totoo, kaya nga sinasabi ko, Boy, I'm open to more discussions about it kasi ako, ang paniniwala ko, masama siya pero yung realities kasi, and the lessons from other countries also, kaya ako, I know of a lot of friends from the NGO community who are really pushing for decriminalization of abortion.
Boy: Oo. VP, meron nga, mga kuwento, isang doktor na nagbuntis dahil nirape siya ng nagpaaral sa kanya. May isang babae na may dwarfism, nabuntis because unsafe din ang kanyang abortion. Maraming mga kuwentong gano'n, at tsaka kung babalikan natin yung istatistika na may kinalaman sa mga bansa na dati, mga Katoliko, I mean, the Catholic countries, Brazil, kung tagasaan ang ating Santo Papa, at maraming pang mga bayan, ay bukas na, on certain conditions. Meron nga, mga bayan na upon request of the woman ay puwede ang abortion.
Leni: Dun naman ako, Boy...
Boy: Hindi ka puwede do'n.
Leni: Hindi ako puwede do'n.
Boy: Because that's arbitrary.
Leni: Ako, klaro yun sa 'kin. Klaro yun sa 'kin kasi para sa 'kin, yung pagbubuntis is a responsibility.
Boy: Pero, hindi ba, pagpapahalaga 'yan doon sa babae, doon sa, that's women's rights, you know?
Leni: Totoo, and talaga, yung women's rights advocates, Boy, talagang merong mga diskusyon about this pero sa 'kin kasi, Boy, napakaklaro sa akin nun e.
Boy: Let's talk about drugs, and iquoquote ko lamang ang sinabi ni President Duterte, and I quote, 'I feel so bad about,' you know, 'All of these things kasi nalaman ko, paano ko makontrol in three to six months,' this was a declaration, I think, early on, or in the middle of his Presidency, 'Ang mga generals na pulis, nandiyan, tapos yung mga Bureau of Customs na inaasahan ko, PI, nasa droga. How will I succeed, e, nasa droga? Alam ko na nagkamali ako. Nagkamali talaga ako. Now, magtanong kayo, ang Pilipinas, are we or are we not a narcotics country? Yes, we are,' sabi ng Presidente. 'Sabi ko, tama 'yang silang mga kritiko ko, 'E, sabi mo, noong nag-Presidente ka, three to six months.' Hindi ko alam. Hindi ko alam pagpasok ko. E, Davao lang kasi ako so ang template ko, Davao. May droga pero sabi ko, maglaro ka do'n, patay ka talaga. Give me another six months. That self-imposed time of three to six months, well, I did not realize how severe and how serious the problem of drug menace in this Republic until I became President.' My question, VP Leni, you are applying to be, you know, the President of the country, ito, gusto ko malaman, how much do you know about illegal drugs in this country, at gaano kalala ito? Uulitin ko yung tanong ni Presidente, are we, are we not a narco-country? Depende sa 'yong kaalaman tungkol sa problema ng illegal drugs, ano ang programa mo laban dito?
Leni: I was given the opportunity to be ICAD co-chair, yung ICAD yung inter-agency task force, for eighteen days pero those eighteen days gave me enough opportunity to assess what was wrong with the anti-drug program, and at the end of the eighteen days, naglabas kami ng comprehensive na assessment of what was wrong, and naglabas kami ng mga, ano yung pakiramdam namin na dapat gawin. Ano 'to, five points ito, Boy. Yung pinakauna, how to maximize ICAD as the inter-agency task force. Andaming punto nito. We don't have time pero ito, example lang do'n, the reason why sobrang street-level enforcement yung anti-drug campaign, na dapat sana whole-of-government approach, nakakatulong dun sa much, ano 'to, emphasis on street-level enforcement kasi yung chairman is PDEA. Para sa 'kin, dapat sana yung chairman ng ICAD should be DDB, the Dangerous Drugs Board, kasi yun Dangerous Drugs Board is policy making. 'Pag DDB yung magchairman, ang chance na mas whole-of-government approach yung gagawin, mas malaki, so yun yung number one. Yung number two, 'pag tiningnan mo talaga yung ating datos, hindi siya kumpleto. In fact, when I was in ICAD, ongoing pa lang yung survey kung ilan ba talaga yung mga drug users. Natapos na yung survery after I was ICAD chair pero kahit meron na tayong datos na gano'n, sobrang raw and sobrang basic. Hindi nga natin alam kung ano nang, yung mga nahuhuli, yung mga nagsusurrender, ano nang...
Boy: VP, I'll let you continue ha, pero tama ka do'n kasi kahit yung datos ng Dangerous Drugs Board, I mean, I did extensive research for this interview, na ang kanilang basehan lamang ay yung mga facilities na non-government so kung titingnan mo, since twenty years ago, wala kang masyadong makukuha. Go ahead, please.
Leni: Ngayon nga, andami nating surrenderees, andaming nahuli. Hindi nga natin alam ano na yung interventions na ginawa nila. Ang iba, meron datos. Ang iba, wala, so yun number two, data. Yung number three, 'pag tiningnan mo yung budget for the entire anti-drug program, a large bulk of the budget is on street enforcement. Ako, this is wrong in so many instances. Unang-una, alam natin na kahit patulan natin nang patulan yung mga street-level na mga drug users, o small-time drug pushers, kung hindi natin tinututukan yung constriction ng supply, tuluy-tuloy lang 'yon.
Boy: Number three po 'yan. Anong number four po?
Leni: Ang number four, alisin na yung tokhang.
Boy: Okay. Number five?
Leni: Ang number five, dapat yung mga law enforcement agencies natin, itutok na yung kanilang energy sa supply constriction, yung mga drug pushers na.
Boy: Okay. To the best of your knowledge, Vice President Leni, are we a narco-country?
Leni: No.
Boy: Why do you say so?
Leni: The drug problem is huge, and ako, naniniwala ako na we have to pursue it with as much vigor pero there is a way of doing it.
Boy: As President of the Republic of the Philippines, can you give yourself a deadline? I mean, can you solve the drug problem in three, six, nine, twelve months? Would you dare say it?
Leni: I won't pero ang commitment ko, Boy, na we will be much better off after six years. Ako, ang drug problem, grabe. Kailangan natin ng mga legislation. Hindi nga natin mahiwalay yung user saka pusher, e, iba yung intervention no'n. Dapat mainstitutionalize natin yung community-based na rehabilitation kasi dun sa mga, sa mga habitual users na hindi naman mga addicted to it, kailangan, community-based yun e.
Boy: You know, my question started with, actually, how much do you know, gaano mo kakilala ang isang drug-dependent, halimbawa? Would you have an idea? Alam mo kung bakit naaaddict ang isang tao, because to me, it's an issue of what, loneliness, happiness, broken families, it's a search for, it's a journey towards something? Do you talk about four to six hours kind of happiness, seizure, may mga peak, may mga follow-up, all kinds of drugs, how much do you know about drugs?
Leni: It is just like any other addiction which should be treated kaya sa 'kin, para sa 'kin ay yung mga users talaga, kailangan nitong tingnan natin from a science-based...
Boy: Okay. Let's talk about the Philippine debt, utang. Here's the data from the Bureau of the Treasury, nang matapos ang termino ni President Erap, ang utang ng Pilipinas ay 2.6 trillion pesos, pagkatapos ni President Arroyo, umakyat na ito ng 5.1 trillion, umabot sa 6.5 trillion pesos nang matapos ang termino ni President Aquino, as of end November 2021, ngayong administrasyon Duterte, total Philippine debt is at 11.93 trillion pesos. Naririnig ko ito, at alam ko, naririnig ho natin ito, hindi ka pa ipinapanganak, hindi pa ipinapanganak ang isang bata, e, nagbabayad ka na ng utang dahil sa laki ng utang ng Pilipinas. Ang aking tanong, kung papalarin ka, Vice President Leni, na manalo bilang Presidente ng Pilipinas, paano mo babayaran ang utang na ito?
Leni: Ako, number one, I will honor the commitments kasi nakasalalay yung integrity ng bansa natin pero sisiguraduhin ko...
Boy: How will, I'm sorry. Go ahead.
Leni: Sisiguraduhin ko na yung inutang natin, lalo in the last few years, na dun talaga tumambak yung utang natin, sisiguraduhin ko na yung perang inutang natin ay napunta siya sa mga bagay na ang return sa 'tin, a thousand fold kasi kung umutang tayo, tapos yung return sa 'tin ay hindi naman malaki, bakit pa tayo umutang, so ako, susuriin ko lahat ng utang na ginawa, saan ba yun ginastos, sisiguraduhin ko na mapunta siya sa mga dapat papuntahan. Alam mo, Boy, hindi naman masama umutang. Hindi masama ang umutang kung kinakailangan talaga ito, and as I have said, yung returns nito sa atin, mas malaki kaysa dun sa inutang mo, pero masama ang utang kung ito ay napunta sa corruption. Masama ang utang kung ito, napunta sa mga bagay na hindi naman yung karamihan sa mga Pilipino ang makikinabang, so yung sa 'kin, having said that, 'pag tiningnan natin yung sinasabi natin na debt-to-GDP ratio, nagsimula tayo, pre-pandemic, forty, if I am not mistaken, forty-four percent yung debt-to-GDP ratio. Gustong sabihin no'n, meron pa tayong elbow room umutang, so dahil nangailangan tayo ng maraming pera during the pandemic, okay na umutang, pero ngayon, 'pag tiningnan natin ang debt-to-GDP ratio natin, nasa sixty percent na. Wala na tayong elbow room. Ang gusto kong sabihin, more than sixty percent, delikado na tayo na baka hindi natin mabayaran, so anong dapat nating gawin? Una, ayusin natin, na yung mga inutang natin, mapunta sa mabuti. Ang number two, kailangang mag-exert tayo ng maraming effort mapataas yung GDP natin. Mapapataas natin yung GDP natin, babalik ako dun sa unang tinanong mo about jobs, about economy, aayusin natin yung pamahalaan. Aayusin natin yung mga institusyon, aayusin natin yung tiwala ng tao sa pamahalaan, kasi yun lang yung paraan kung papa'no natin mapapalakas ulit yung ating GDP, ang ating growth rate, so yun yung mga kailangang gawin.
Boy: You mentioned about corruption. There is an estimate that twenty percent of the national budget goes to corruption. Your comment.
Leni: Totoo yun, and ang sa 'kin, Boy, it is not enough that I say na hindi ako magiging kurakot pero ang sasabihin ko lang, ang commitment ko 'pag ako, Presidente na, sisiguraduhin ko na malegislate yung mga mechanisms to prevent corruption. Ano yung mga mechanisms na yun? Making sure that all government procurement, processes are transparent. Nagfile ako ng bill nito, full disclosure bill, even without need of request from the people, yung lahat na ginagastos ng gobyerno, lahat na kontratang pinapasukan, dapat available yun to the public.
Boy: Okay. VP, paano mo babayaran, during your administration, would you do something like yung ginagawa na twenty percent of the national budget actually goes to debt management?
Leni: Kinakailangan, kinakailangan.
Boy: Kailangan 'yon.
Leni: Pero...
Boy: Kasi maganda raw tayong debtor. Yun ang aking, lumalabas sa research. Hindi tayo masyadong, pinauutang tayo dahil nagbabayad naman daw tayo.
Leni: Oo. Kung, ako, naalala ko kasi, economics student ako nung 1986, when the EDSA Revolution happened, this is the same question, kasi grabe yung utang ng Pilipinas pero tayo, ginapang natin e. Ginapang natin 'yon.
Boy: Yeah, but that was less than thirty billion.
Leni: Yes.
Boy: Yes.
Leni: Pero ginapang natin 'yon, ginapang natin. Pinakita natin na we will honor all our debts. Nakiusap tayo. Nakiusap tayo sa mga nagpautang sa 'tin na bigyan tayo ng mas malaking elbow room para mabayaran natin, and yung ating standing sa international community, naregain natin dahil we honored our commitments, so ngayon, obligado tayo to honor our commitments pero hahabulin natin yung mga inutang natin, saan ba yun napunta, sisiguraduhin natin na napunta yun sa mabuti, 'yon, yung GDP na...
Boy: Okay, and we make sure that we don't get trapped. I know Uganda as a country denies this, and China, na isang araw, gumising na lamang, 'di umano, na ang isang airport ay pag-aari na ng Tsina.
Leni: 'Di ba.
Boy: Ang karanasan ng Laos at ang karanasan ng Sri Lanka, na may mga ports na pag-aari na ng pinagkakautangan nila.
Leni: Ayaw nating mangyari yun sa 'tin.
Boy: That's right, oo, kaya ang sinasabi mo, dapat alam kung saan mapupunta ito, so, are you talking again about mechanisms, are you talking about...
Leni: Yung sinasabi ko kanina, yung mechanisms against corruption 'yon. Yung transparency, accountability...
Boy: Oo. No, but that can also apply...
Leni: Yes, yes.
Boy: To debt management.
Leni: Totoo, kasi ito, ito yung parati kong ineexplain sa mga kausap ko, Boy, na tayo, tayong mga tao, ang parati ko ngang pinapakita dito, 'pag kumakanta tayo sa banyo, kahit sintunado, okay, kasi walang nakikinig e...
Boy: Let's talk about the West Philippine Sea, VP Leni. Sa kasalukuyan, ang Spratly Islands, we're not claiming the whole of the Spratly Islands. To be very specific, ang kasama sa West Philippine Sea ay ang Kalayaan Islands Group, okay, at merong mga, mga isla po, Subi, Mischief Reefs, na natayuan na po ng mga hangars, underground storage, missile shelters, radar arrays, and other facilities ng Tsina. Noong July 12, 2016, naglabas ng desisyon ang Permanent Court of Arbitration, PCA po, pabor sa Pilipinas sa issue ng West Philippine Sea pero despite this, tuloy pa rin ang Tsina sa pagtatayo ng mga artificial islands at infrastructures sa mga teritoryong inaangkin nila na atin. Tuloy din tayo sa pagfifile ng diplomatic protests. As of December of 2021, we have filed two hundred forty-one protests, diplomatic protests. Sinagot naman tayo ng Tsina, one hundred fifty-two times. Tanong, dahil 'pag ika'y pinalad na maging Presidente, you will also be the chief architect of foreign policy. If all diplomatic efforts fail, bilang Presidente, do you think, VP Leni, the Philippines is strong enough and prepared to fight a defensive war against China to protect our territorial sovereignty?
Leni: Ako, paniniwala ko, Boy, hindi natin kailangan dumating sa puntong 'yon. Unang-una, meron tayong arbitral ruling na pabor sa atin. Ang pinakabuod nung arbitral ruling na 'yon, atin ang West Philippine Sea. Dahil atin yun, ipaglalaban natin yun pero having said that, ang laging punto, ang focus ng lahat na efforts, ano yung makakabuti sa best interest ng Pilipino, ano yung makakabuti sa best interest ng bansa, hindi lang ito sovereignty, Boy, e, pero kabuhayan ito e, kabuhayan ng ating mangingisda, ngayon, dadating na tayo sa time na magkakaproblema tayo sa supply ng kuryente, 'di eto yung, 'di ba, yung resource na manggagaling dito sa West Philippine Sea? Parang eto yung sustainability natin as a country, so having said that, dapat pinaglalaban natin. Una, ako, I am all for nurturing our very important relationship with China pero that relationship with China should be based on mutual respect and adherence to international law. Yun yung sa 'kin. Pangalawa, yun para sa 'kin, that decision of the arbitral court of tribunal, we should leverage that para yung coalition of nations na kasama natin sa pagprotect ng West Philippine Sea, mabuo natin kasi kung hindi tayo gumagalaw, bakit naman aasahan natin yung iba na gumalaw, so para sa 'kin, Boy, napakalaking win yung ating pinanalunan nung 2016. Maraming mga bansa na naghihintay kung anong gagawin natin. Hindi tayo kailangang pumasok sa giyera. Ang kailangan lang natin, mag-enter tayo into alliances with traditional and emerging partners, allies, para tulungan tayo sa pagprotect ng West Philippine Sea.
Boy: Okay. VP Leni, ang international tribunal court ay inimbitahan lamang, because you can only invite a country, ang nangyari, tinanggihan ng Tsina, 'Ayokong magparticipate,' so may mga kritiko na nagsasabi, 'Paano kayo nanalo? E, wala naman kayong kalaban doon sa arbitration,' at ang isa pa dito ay ang sinasabi ng Tsina ay, 'Infirm ang inyong reklamo, at saka ang inyong mga allegations ay hindi totoo tapos yun ang inyong kinakatigan. Ang gusto namin, bilateral talks.'
Leni: Alam mo, Boy, antagal ko nang sinasabi na sa issue ng West Philippine Sea, hindi magiging favorable sa Pilipinas ang bilateral talks kasi napakalaking bansa ng Tsina. Yung sa 'kin, yung multilateral na pag-uusap, yung pag-angkat natin ng kaso sa international arbitral court, eto talaga yung mechanism para meron tayo ng laban.
Boy: VP, so, tuluy-tuloy lamang 'yon, nagpoprotesta tayo pero they continue to build facilities, halimbawa, doon sa ating West Philippine Sea so what happens, kasi ang pinupunto ko ay maliit tayong bayan, and I am also against war pero huwag nating kalimutan, '79, there was that bloody border war between China and Vietnam, so, minsan, walang kinalaman ang laki ng bansa kung ang pinaglalaban ay sovereignty. Pagkatao na natin 'to e.
Leni: Pero sa 'kin a, Boy, andami natin puwedeng gawin. Unang-una, kailangan, pinapalakas natin yung ating defense. Pinapalakas natin yung ating defense, naglalaan tayo ng pera para siguraduhin na yung kinakailangan natin para depensahan yung sarili natin ay kaya natin pero having said that, again, sa atin, yung pinakaano kasi, low-hanging fruit, na to leverage that decision to form a coalition of nations para ang coalition of nations, mas malakas yun, kaysa mag-isa lang tayo, and 'yon, kaya ko sinasabing low-hanging fruit kasi willing yung mga bansa, willing yung mga bansa to...
Boy: What countries are you talking about? Countries are also involved in the South China Sea. Napakahalaga po ng South China Sea na diskusyon dahil over five trillion dollar trade ang dumadaan diyan sa pathway na 'yan.
Leni: Totoo, kaya nga, Boy, kung nakikita mo ngayon, sino ba yung mga nag-iinteres, aside from those directly affected, kasi yun those directly affected nung mga...
Boy: We're talking about Brunei, Malaysia, Indonesia...
Leni: Vietnam.
Boy: Vietnam, yes.
Leni: Aside from that, kung nakikita mo ngayon, meron nang bagong coalition na namuo.
Boy: Anu-ano, oo.
Leni: US, Australia...
Boy: Dahil ito yung may mga negosyo na dumadaan.
Leni: Oo, pero ito, kaya nga, sila nga mismo, hindi solo e. Sila nga mismo, gumagawa... coalition.
Boy: Okay. I'd like to talk to you, VP Leni, about the Constitutional provision on Presidential qualifications. You are applying to be the President of the Republic of the Philippines. It's a complex, gargantuan job. Napakalaki nung trabaho. Why? Because a President is a head of government, you are the chief architect of foreign policy, you're commander-in-chief of the Armed Forces of the Philippines, you sign budgets, manage finance, you appoint justices recommended by the Judicial and Bar Council, you confer the National Artist Award, manage disasters, pandemic, fights the drug war, head of your political party, has power over aliens, has power of eminent domain, practices general supervision over local governments, and pardon convicts, among others. Sinabi ko lamang po ito dahil napakacomplex ng trabaho bilang isang Presidente. Samantala, ang ating Saligang Batas, Article Seven, Section Two, of the 1987 Constitution, ay nagsasaad na ang qualifications para maging isang Presidente ay ang mga sumusunod, number one, natural-born Filipino, registered voter, must be able to read and write, forty years of age on the day of the election, must have resided in the Philippines ten years before the election. Ang aking tanong, VP Leni, napapanahon na ba para amyendahan ang probisyon na ito sa Saligang Batas, oo, hindi, at bakit?
Leni: Ako, Boy, hindi. Actually, it's a very contentious provision. Marami tayong mga kilala na nagsasabi, bakit naman ganyan kaminimum yung requirements ng pag-Papangulo, pero ako kasi, binasa ko, binasa ko yung mga diskusyon, yung mga debate nung framers ng 1987 Constitution, and yung pinakadahilan kung bakit ganito kaminimal yung qualifications na binibigay kasi gustong bigyan ng pagkakataon kahit yung hindi, alam mo, dito kasi sa Pilipinas, ang iba, hindi natatapos sa pag-aral dahil walang opportunity, so ayaw nating isara, ayaw nating isara yung daan para sa mga gaya nila, so, ito, while merong mga iba't ibang pagtingin tungkol dito, yung sa 'kin, naiintindihan ko kung bakit ganun yung mga requirements na nilagay, na totoo, we would have wished na ang Pangulo is better prepared, pero sa atin kasi, parang we put a lot of premium on not closing the doors on people who have not been given the opportunity to have enjoyed the same privileges that others had, so yun yung dahilan, and ako, I agree with them. I agree with them pero yung sa 'kin lang, Boy, siguro, yun dapat pagtuunan natin ng pansin, baguhin talaga yung klase ng pulitika na namumuo kasi over the years, yung klase talaga ng pulitika na namumuo, yun yung hindi nagbibigay ng malaking access dun sa mga wala dahil grabe yung patronage, dahil magastos masyado yung eleksyon. 'Pag ganito at ganito yung klase ng pulitikang namumuo, yung mga wala, hindi nabibigyan ng pagkakataon.
Boy: I hear you, VP Leni, pero puntahan ko lamang yung sinabi mo kaninang premium na para makapagparticipate ang, because that's the spirit of the law, it's democratizing participation. Malay mo, si Tatay, o, ay potensyal na maging Presidente ng Pilipinas.
Leni: Yes, kahit hindi nakapag-aral.
Boy: Pero may premium din tayo ha, VP Leni, na, naalala ko 'to, ang diploma, napakahalaga, idinidisplay sa sala. Ang nanay, madalas, sinasabi, 'Nasaan na ang diploma mo?'
Leni: Yun na yung pinakapinagyayabang ng mga magulang.
Boy: 'Yon, oo, napakahalaga sa atin 'yon dahil kung yung premium ang pag-uusapan natin, bakit yung premium na 'yon, wala doon sa mga kwalifikasyon? Senator Miriam Defensor Santiago raised that point, 'no, the late good senator, at sinabi niya, 'Ang police officer nga e, hinahanapan na dapat graduate ka, Presidente pa kaya ng Pilipinas,' reason why I had to enumerate the, you know, specific jobs of a President.
Leni: Ako, naiintindihan kita, Boy, pero, alam mo, iba-iba kasi yung dahilan kung bakit hindi nakapagtapos. Kung hindi ka nakapagtapos despite the many opportunities given to you, kasalanan mo na 'yon, pero...
Boy: Pero hindi naman natin kasi puwedeng...
Leni: Yun na nga, kaya hindi mo, dahil hindi mo puwedeng idelineate...
Boy: 'Di ba? Hindi natin puwedeng iqualify 'yon.
Leni: Hindi mo puwedeng alisan ng pagkakataon yung mga hindi nakapagtapos dahil walang-wala.
Boy: It's not in the Constitution of Turkey, for example, pero meron silang batas ngayon na nagsasabing dapat may higher education, pero we are aware, halimbawa, na sa Great Britain, kailangan, miyembro ka ng parliament. MP ka bago ka maging Prime Minister. Meron namang mga bansa, like France, ang isa sa mga requirements, may bank account ka, so ang sinasabi ko lamang 'to, VP, dahil as a country's President, you can initiate a move na para man amyendahan maaari, I'm not saying that you should do it, para lamang, dahil napakacomplex, napakahirap na ng buhay, 1987 is very different from 2001.
Leni: Totoo, pero para sa 'kin, Boy, para sa 'kin, siguro, down the road, puwede 'yang pag-usapan, pero sa 'kin kasi, yung accessibility na makapagparticipate, napakahalaga nun sa 'kin. Kahit wala kang pera, kahit hindi ka nakapagtapos, basta yung reason mo naman, dahil sa kawalan.
Boy: But isn't that so ideal?
Leni: Ako, we can always dream for better things e. Ako, para sa 'kin, ang mga kailangan natin ngayong ilegislate, papa'no ba natin mapapabuti yung ating political system, such that yung political system natin yun nagpoproduce ng mga kandidato na karapat-dapat.
Boy: Paano?
Leni: Andaming kailangang gawin, andaming kailangang gawin.
Boy: Saan ka mag-uumpisa?
Leni: Alam mo, marami nang panukalang batas na finile sa Congress over the years, kahit nung nasa Sixteenth Congress ako, na iba-iba yung mga pananaw kung pa'no siya aayusin, pero ako, it's high time that we assemble all those who are proposing.
Boy: We're now done with our ten questions. Ngayon naman po, punta na tayo doon sa personal issue-based question para po sa 'yo. Sa isang talumpati before the Philippine Military Academy alumni in Malacañang, October 2018 po ito, President Duterte said, and I quote, 'Sa totoo lang, even her,' referring to you, 'Even her public statement, I don't mean to offend the lady, she's very good, she's gentle pero mahina talaga si Leni. Mali-mali ang, medyo mahina ang, hindi mahina ang utak, pumasa ng bar e...'
Leni: Diskarte.
Boy: 'Mahina sa diskarte.' Your reaction in sixty seconds and I don't follow up.
Leni: Yung diskarte, nakikita 'yon hindi sa salita kundi sa gawa. Yung diskarte, sa ordinaryo natin na pang-araw-araw na buhay, eto yung ability mo na gumawa ng paraan, eto yung ability mo magtrabaho nang maayos despite the difficulties. Ako, pinakita ko over the years, Boy, na yung mga difficulties, mga roadblocks na tinapon sa aking daan, nalagpasan ko yun lahat dahil sa diskarte. Ako, in many, many instances, and I can cite of you, 'pag merong sakuna, merong krisis, sino ba yung unang nasa ground? Kami. Nung nag-Marawi Siege, maraming mga, maraming mga bagyo na dumaan, yung lindol, kami yun nando'n. Nung inoffer sa 'kin yung ICAD, lahat na taong nakapaligid sa 'kin, sinasabi sa 'kin, ''Wag mo 'yan tanggapin kasi trap 'yan,' pero I felt that it was an opportunity for me to make a difference...
Boy: Maraming salamat. Now, we have a sixty-second political fast talk. Let's begin. VP Leni, bakit hindi dapat iboto si Bongbong Marcos?
Leni: Number one, sinungaling. Pangalawa, in the difficult moments, hindi siya nagpapakita.
Boy: Si Isko, bakit hindi namin, si Mayor Isko, bakit hindi dapat namin iboto?
Leni: Hindi klaro yung paninindigan sa maraming bagay.
Boy: Ping Lacson.
Leni: Maraming salita pero kulang sa on the ground na gawa.
Boy: VP Leni, bakit hindi namin dapat iboto si Manny Pacquiao, si Senator Manny Pacquiao?
Leni: Ito, malungkot ito, Boy, pero yung kabutihan ng loob kasi sa 'tin, hindi sapat.
Boy: Bakit ikaw ang dapat namin iboto?
Leni: Ako, Boy, pinakita ako nitong krisis na 'to, and many other crises in the past, na ang mga babaeng leader, nagshishine during crisis, and ako, pinakita ko 'yan sa maraming trabaho namin dito sa OVP. Marami kaming mga krisis na nalagpasan with flying colors. Sabi ko nga, kung yung 2016 hanggang 2022...
Boy: Here is my final question, answerable also in sixty seconds. March 19, 2018, President Duterte withdrew the Philippines from the Rome Statute. When the withdrawal took effect, March 17 ito, 2019, ang Pilipinas po ay hindi na naging miyembro ng International Criminal Court. Ang withdrawal, nangyari po ito matapos ianunsyo ng then ICC Prosecutor Fatou Bensouda ang pagbubukas ng preliminary examination sa Pilipinas with respect to the alleged crimes against humanity na nagaganap sa bansa dahil sa war on drugs. The President threatened to arrest the ICC Prosecutor if she conducts activities here in the Philippines because we are no longer an ICC member, and the ICC has no right to do any investigating. On November 10, 2021, the Philippine government requested a deferral of the ICC's investigation under the principle of complementarity claiming that the country had begun its own investigation. Buhay ang ating justice system, in other words. The current ICC Prosecutor, Karim Khan, in a document dated November 18, sinabi niya that they will temporarily suspend its investigation into the Philippines as it assesses the scope and effect of the government's request for deferral that cited the investigations being done by the Department of Justice. Human rights victim advocacy groups are urging the ICC to proceed with the investigation to not further delay the justice for the victims. VP Leni, in sixty seconds, hypothetical ang aking tanong, Presidente ka ng Pilipinas, sumulat ang ICC Prosecutor na si Karim Khan at nagrerequest na siya at ang kanyang team ay pumunta dito sa Pilipinas para umpisahan na ang preliminary investigation sa 'di umano'y mga krimen laban sa sangkatauhan na may kinalaman sa war on drugs ni President Duterte. Ano po ang inyong gagawin? Papayagan niyo po ba ang team nila na pumunta dito sa Pilipinas, oo, hindi, at bakit?
Leni: Papayagan ko. Magiging very open, magiging very transparent. Kung wala naman tinatago, hindi tayo kailangang matakot. Hustisya yung pinakabuod nito pero dapat balikan natin. In the first place, bakit tayo nagmember ng ICC? Ang ICC is a safety net sa mga gobyernong nag-aabuse ng human rights ng kanilang mga tao, sa mga gobyernong nagcocommit ng very high crimes. Mga diplomats natin, mga Pilipino, bahagi nung pagdraft nung pagbuo ng ICC dahil nakita natin na ito ay representative ng values natin bilang mga Pilipino, na pinahahalagahan natin yung human rights, so sa 'kin, 'pag umupo ako, hindi ko lang papayagan na pumasok dito, pero ipopropose ko na bumalik yung ating membership sa ICC dahil napakahalaga ito to keep government in check.
Boy: Vice President Leni Robredo, maraming salamat.
Leni: Maraming salamat.
Boy: Thank you for your time.
Leni: Thank you. Thank you, Boy.
Boy: God bless you at mabuhay ka.
Leni: Maraming salamat.
Boy: At sa inyong lahat po, maraming salamat, at God bless us all. Mabuhay po ang Pilipinas. Good night.