08 April 2023

108

noong isang araw lang
ang tarik ng init,
abot sa kabutu-butuhan.
parang tanga nga e.
talaga, oo, parang ano,
tawag dito — bakit ba
naandito ka pa? meron
ka yatang sakit, at
ayaw mong pumasok.

ano 'ko? tanga? meron
ka yatang sakit, at
gusto mong pumasok.
nakakatamad magpayong.

bukas ba sina tiya?