Ano itong ginawa mo sa amin? Pilit na pagkakaugnay. Kailan mo huling binisita ang aming mga nais, ang aming nga hangad? Kinilala mo ba kaming tunay? O may iba ka pang kagagalitan? Sa mga kapeng binasag ko sa umaga, naging kaugalian na naming maghirap sa anyaya ng kasinungalingan. Mang-aabuso ang kasalakuyan hanggang sa hinaharap, at ikaw, tanging ikaw ang nagpasimuno ng aming nakaraan.
Huwag na tayong magbalik pa, paalam na sa iyo. Mangyaring hindi kami nararapat, at ikaw ay gayon din naman. Simple lamang sana ang mga bagay kung hindi nagsilaglagan ang mga propeta. Hinayaan na lamang sanang magkandagulu-gulo ang mga sinaunang lalang na likas naman din sa kanila. Tipong hindi naman inaano, nagkakaroon pa ng kung anu-ano, at sa bawat anong aano, ano na lamang ang aano?
Ano?
Nariyan ka na't nandito pa rin kami. Hindi sa sinasadya pa rin ng iilan sa amin ngunit makisiya ka naman sa aming paghihiganti. Ang bawat pagpatak ng ula'y asar na asar na akong magpupumiglas. Ang aking pagbabalik-loob ay bunga ng dulot ng mangilang panahong umaagaw sa aking mga gustong kilalanin. Ano ba itong ginagawa mo pa rin sa amin? Mabuti pa't agawin na rin ang aming mga susunod pang layon, sagarin mo na. Perpektong halimbawa ang mamaalam sa may kararating lamang na tulong.
Tulong.