April 15, 2019

Nakaiiritang pagbigyan ng pansin pa ang mga tangang masigla pang makikipagpataasan ng salbaheng uukiting marka. Mapanganib kung lalapit ang mga kaibigang hindi naman pala swak sa panlasa. Nakakatawa na rin. Kahit ilang ulit pang pilit na ipaliwanag ang kahalagahan ng pagpigil sa pag-amin ng kayamanang magaganap, may sa yawang kadakilaang makapagpataas pa lalo ng ihi ang kayang-kayang pagkalaanan ng kasiyahan.

Malabo na bang may makaarok pa? O tatanggaping suwail ang tama at magpapakapasan na lamang? Hindi biro kung magiging kay dali ng pag-agaw ng saya sa dibdib. Kailan bang naging katuwa-tuwa ang maagawan? Lahat nama'y paglalaanan ng panahon, hindi naman magkakapareho ng daanan ngunit iisa lamang ang destinasyon. Maging mapagparaya sa mga bagay na hindi naman tunay na ikadadakila. Nilikha ang mundo para namnamin, at hindi para lamang lapastanganin at bigla na lamang iwan.

Tulad mong marupok, tambay lamang sa mga pook-tanghalang ikaw lang din ang siyang may gawa. Sa kakitiran ng iyong isip ay madaling mahuhuli ng gagamba ang iyong mga banta nang hindi umaasa sa kanyang hamak na mga ibon. Alagaan mo na lamang ang iyong pinaghirapang tamo, ipako ang pamamalagay sa kathang haka. Sa wakas, nawa'y mahulong ang dalisay na damdamin ay hinding-hindi maaaring bawiin pa.