September 30, 2013

FlipTop - Spade vs BLKD

Round 1

BLKD

Ginoong Gio de Leon, ang angas mo, wow. Ang pambungad ko lang, Spade, mukha kang siopao.

Ang malas mo sa balasa, ako agad nakalaban mo. Mga bara ko ang babara sa pag-aastang raha mo. Kahit alas ka pa sa alaska ko, sapaw at baon ka. Gambit, isang hawak ko lang sa 'yo, Spade, sabog ka. At ang Spade ay pala, kaya't sa aking pagsagupa, ang mapapala mo lang ay ang paghalik sa lupa. Ganyan maglaro ng salita, madali lang sa henyo. Pagtapat mo sa 'kin, play agad, parang Instagram video. 

Mapunta tayo sa Batch 1. Kami yung emcees na pumasa sa unang tryouts ng ligang 'to. Apat na special picks plus yung pangunahing tatlo. Kampyon 'to, kaso mula no'n, wala nang naiambag pa. Ikaw na nga lang aktibo sa top three, napag-iwanan pa. Matapos ang ilang buwan, kami nina Libs, Aklas, Sayadd ang nanaig. Walang nakadig kay Gio, kaya si Gio, nanatiling daig.

Gio, daig, dig, kailangan pa bang iexplain 'yan? Wait lang, si Anygma pala ang dapat na may iexplain, man. Ano bang turing mo sa tryouts? Katuwaang game lang? Matapos kaming pahirapan, pinapasok mo mga tulad ni Jade Wunn? Pero balik tayo kay Spade 1, este, sa Batch 1. Tuwing laban mo, handa kaming sa pagkatalo, ikaw, damayan. Tuwing laban namin, atat kang makisalo sa karangalan. Batch 1, parang Filipino pride na sigawan ng iba. Iba ang suporta sa pakikiari sa pinaghirapan ng iba.

Ano bang maipagmamalaki mo bilang indibidwal? 'Yang pagiging pogi mo? E ginagamit mo lang naman sa panloloko, Gio. Nung laban niyo ni Sparo, inamin mo, kaliwete ka. Nagtitriple time ng babae, sa bawat isa, may baby pa kaso bago pa 'yon, may kanta na 'tong ang pamagat, Querida. Ginawa para maling gawa ay maingawa at maibida. Ang tanong: Bakit? Ba't kailangang iannounce pa? Para guwapo ka? Para pogi ka? E 'di ikaw na. Dahil kung kailangan mo pang manloko para patunayan ang pagkalalaki mo, niloloko mo lang ang sarili mo. Ang tunay lang, ang pagkasalbahe mo. At hindi ka lapitin ng babae, malandi ka lang, tsong. 'Pag nagbeso-beso si Tipsy D at si Notorious, mas macheeks ka pa do'n.

Nagbibilang ng kaibigan, halatang napahanga 'to, wow. Ang pantapos ko lang Spade, mukha kang siopao!

Round 2

BLKD

Binasted daw ako para sa Dos Por Dos, ang anggulong 'yon, panget. Ako ang tumangging kumampi kay NothingElse, kay Batas, at kay Target. At sinasabi mong transparent, pati 'yon, panget 'yon. Yung hologram ni 2Pac, translucent 'yon. 

At tapos, sabi mo sa laban mo kay Sparo, nerd ka. Nagbanggit lang ng mga baril na nakilala sa Counter-Strike, nerd na? Nang-aangkin ng titulong hindi naman kanya. Feeling matalino, feeling thug life pa. Gusto mo ng nerdy reference, may gunfire pa? Sapat nang apat nang .45 para iflatline ka. Walang nakuha? Bigyan muna ng textbook at calcu 'to. 'Tong si Gio, walang metry, walang alam sa anggulo.

Kaya 'di talino ang dahilan kung ba't bumagay ka sa The Pharm, kundi 'yang fit shirt at itsura mong malasecond rate na sKarm. Wala pa 'kong kanta sa Pharm pero maraming nananabik. Yung mga nagsound trip sa tracks mo, nanghinayang lang sa beat. Kahit walang beat, sadyang malupit ang ineexpress ko. Mas pinapakinggan pa ang judging ko kaysa sa best verse mo.

Kasi 'tong intel ko, heavy, ang kay Gio, light. Kung may mabigat man 'tong info, bawat kilo, byte. Ako, kumpleto anggulo, para kill on sight. Kala niyo may tricks yung cam parang sa Neo fight. Kaya parang neophyte, ako'y nananakit ng kapatid, parang hazing lang. Hanggang Batch 1 ka lang, ako, mala-Batch 81. Wala 'tong mararating sa pagrarap, ako na'ng aako ng misyon dahil sa pagrock ng mic, 'tong de Leong 'to, walang direksyon.

Basta kung anong uso, agad, sunod ka kaya isang kumpas ko lang, mapapaluhod ka. Sa pag-angkas sa antas ko, 'di 'to dapat sumugal. Binigyan kita ng compass at mapa, 'di pa matutong lumugar kasi kung walang Isabuhay, 'di naman tayo magtatapat, neknek mo. Kaya lang naglapit para kay Aric, Wip, at SSO! At kapag restless 'to, wala nang rest-rest 'to. You'll get served in Filipino, Barrio Fiest resto. Uuwi 'tong nakabarong, magiging best dress 'to kaso may bulak sa ilong, magiging breathless 'to.

Halatang astound 'to sa round ko, ang bulalas mo, "Wow!" Ang panapos ko uli, Spade, mukha kang siopao!

Round 3

BLKD

Gusto ko sanang magrebut, sumagot nang paangas, kaso 'di ako nagrerebut 'pag walang linyang malakas.

Gusto niyong makarinig ng bars, yung teknikal, yung malalim? May magandang halimbawa si Spade, unawain natin. "Silencer, gusto mo ng mamon? Yung makapal na labing 'to, pare ko, gagawin kong palaman dun sa sabon na hindi mo na kailangan pang imulat." Ano daw? Baka kailangan ng slow it down. "Silencer, gusto mo ng mamon? Yung mak-" Pwe! Tsong! Kahit freestyle pa 'yon, malaking kagaguhan 'yon. Ultimo si Aklas nalabuan do'n! At bakit ba laging may tulok, uhog, tae, ihi, luga ang rap mo? Kanino ka ba nagpapatulong sumulat, sa mga anak mo? Mapafreestyle o written, malabo ka, tsong. Ang lagyan mo ng laman, 'yang utak mo, 'wag yung sabon.

Tatlong dragon, naalala niyo pa 'yon? Sina Shehyee, Apekz, Spade, pinagbuklod ni sKarm para lang ihain sa 'kin, ipabugbog. Tapos na 'ko sa dalawa, namasdan niyo ang paglubog. Green Ranger, isang ihip ko lang, 'tong dragong 'to, susunod. Dragun-dragunan ka lang kasi, parang dragon dance. Sa suguran ng sunugan, tiyak na wala 'tong chance. 'Di 'to tatagal sa heat, parang bandwagon fans.

May husay ka naman, ayaw mo lang umabante pa. Buhay-rapper ka na nung ako'y buhay 'studyante pa. Nauna kang magrap pero ako'ng hahabulin mo kasi inaral ko lahat bago tinangkang pasukin 'to. Yung freestyle mo, abot ko na sa isang araw lang na practice. Bago mo abutan writtens ko, mahahanap mo muna Atlantis. Tagahanga lang ako noon, emcee na ngayon. Emcee ka na no'n, tagahanga na lang ngayon. 'Di sapat ang itsura at pagiging una sa pagpapayabong ng career. At patunay ang labang 'tong
daig ang pogi ng maappeal.

Ako ang greater contender, you better go now. Ang pantapos ko uli, Spade, mukha kang siopao.