April 22, 2019

Dumagundong, ang puta. Maraming akala ang sumagi sa akin. Baka naman kasi may kung ano akong nakaing puno ng kasalanang-taba at kailangan ko na namang makipag-unahan sa pareho kong mga tindig pantilapon. Hay, ina ko! Tinawagan din ang ilang mga kababalaghang minsan lang ding magparamdam. Nakaramdam din ng masiglang samyo ng ngiti 'pagkat may pag-aalalang 'di mapapantayan kailanman ng kindat ng manok at gravy. 

Sumagi ring baka naman mayroong pagkadambuhalang nagpapaalalang malalambot nga pala ang mga daplis ng antok at paraya. Wala akong masamang ginawa, hindi naman din sinadya. Nakakatakot isiping baka na naman magkaroon ng isang tasa ng goto matapos makapagdesisyong rerekta na naman ang lilimang tala hanggang sa halikan ng paglambing muli, mula sa muntik pang kasukdulan ng madaling araw, sa pagitan pa rin ng mga saradong bahaghari at maaari palang puwestuhan ng lamsik.

Malayo ka na, malayo ka na ulit. Mabini kaming mananabik sa maya't mayang pagpula ng labi dala sa amin ng gatilyong palitan ng paputok ng pinulburang talastasan. Mamayagpag pa nawa nang ilang librong pahina ang iyong mga pasiklab, yayanig muli sa aming nag-aabang lang din ng iyong pagpapala. Salamat, salamat pa rin at nagkaroon ng panibagong mukha ng husay at tapang, puso sa bawat utak na bibitawan. Masigla, o kay sigla ng pagtatapos. Ang pagod ay iindahin para lang mag-udyok ng 'di kunwaring pag-ibig sa buhay.