Bad motherfucker! Hindi ka na naman umunawa! Ilang beses bang uulitin sa iyo nang makonsensya ka na? Hanggang saan ka na ba nadala ng pagmamagaling mo? Hanggang saan ka na naiangat ng iyong pagmamataas? Sa tuwing magkakaroon ng hiya ng takot at kaba, magkakaroon ka pa ba ng sariling antok ng ligalig? Tulungan mo ang iyong sariling magkaroon din ng panibagong hudyat sa mga paulit-ulit lamang naman na sitwasyon. Sa struktura ng mga nagdidikta ng kalidad ng pagyanig, papailalim ka nang magpaalam sa iyong mga panguna.
Magpaalam ka na rin sa mga lumang hindi na maibabalik. Ang maong na pinaglumaan, ang mga kuwintas na nanghihina na, ang mga papel at lapis na kinalimutan. Maging ang mga pambalot sa araw-araw ay hindi na napapansin. Nagiging kalat na lamang ng masikip mong kuwarto. Lalong dumidilim ang usok. Hindi na makapag-imbita pa ng mga bisita. Sa mga bagong himasok na sisilip sa mga puting pader, animo'y may karag-karag nang siklat ng pagnanasa at tamod.
Malabo na, malabo na ngang talaga. Iiwan ka na ng mga panyo mong may kulay at puti, pati na rin ng mga may kulay sa puti. Kalimutan mo na rin ang mga puti sa may mga kulay. Masasanay ka na sa mabagal na ikot ng mundo, sa mga luha mong paulit-ulit mong pipigilan. Lahat ay iiwas sa pagsusunod ng mga buhos ng paghuhubad sa ibabaw ng sahig. Malaya ka nga bang talaga?
Sige, malaya ka na.