Gusto ko ang ilang mga bagay dahil sa may kung ano akong paraan ng pagkilala ng mga iba sa akin. Hind na (sana) ako madaling manghusga bagkus, sinasadyang buhayin ang paunti-unti nang namamatay na pagtanggap sa bawat isa. Lahat naman ay nilalang ng pare-parehong angking kaakuhan. Imposibleng iniwan ang iisa ng panahon dahil hindi naman iyon malupitang mangyayari.
Gayo'y ang tanging yari ang siyang mga kumikilalang nangyayari. Hindi iyon mabilisang mahahalata ngunit pulubi sa kalyeng mahirap abutin kung aabutan pa ba o baka kung saan na lamang abutin. Ang lahat ng nangyayari sa ating mga pagbangon ay bunga ng lahat ng ating mga pagbangon. Ngunit hindi lahat ng bunga ng ating muli at pabagu-bago paghahanap ay bunga ng lahat ng ating angking pangyayari.
Ang may-ari ang siyang magtatawag ng papapasukin. Sa gitna ng pagpapaputok ng himno at baliktaran, kusang dudulas ang mga maaaring maging paliwanag. Ang pagpapaliwanag ay isa sa pinakamahahalagang pangyayari ng nilalang. Kung walang paliwanag, hindi o maaaring mahirapan siyang magpatotoo ng pag-uudyok tungong hinaharap. Walang sinuman ang iniwan at ipinagbilang ang unang kayarian.
Sa huli, hindi naman talaga matatagpuan ang hinahanap na dulo. Ang pagpapaikot sa sariling hele ay maya't mayang bubunggo sa bungo ng nag-aalay. Hindi maaaring maging posible ang lahat ngunit ang bawat siyang ipinakasubali ay magiging putik na hindi naman talaga tinatapakan.