BLKD
Puro scandal reference, isa na namang lulubog na bapor. Bobo ka na, bastos pa. Dapat pangalan mo, Mangmang Kanor. Tapos, yun na naman choke ko kay Loonie ang binabanggit. Paulit-ulit ang sound mo. Mas pinag-usapan, at mas sikat pa yung pagchochoke ko kaysa sa best rounds mo.
Eto si Raymond Rivera pero sa rap game, Flict-G 'to. F na F ang pagka-G kung makaastang deadly 'to. Sakto! Kargada ko, long neck pero hindi Empy 'to. Hinding-hindi ka tatantanan hangga't hindi nag-eempty 'to kaya 'di mo 'ko maiisahan kahit dala mo ang best three mo. Malulunod ka sa alaska, parang pinulikat na Eskimo.
Teka lang, teka lang, teka lang, teka lang. Nabobola kayo nito kasi madalas, sa bars, ang petty niyo. Nalunod na agad? E pa'no kung sa basketball pinulikat yung Eskimo? Wala na namang nakakuha? Siyempre. Pero para lang 'yong encyclopedia sa mukha, Facebook. Granada sa trabaho, blowjob. E mas lazy writing pa 'yon sa verse nung kumalas na bone thug. Kaya 'wag magpabola. Sa bilis ng battle, madaling akalaing intense ang pagcoconnect ng mga salita kahit na lacking in sense. Kumpleto ka man sa sangkap, kung mali naman ang recipe, sunog ka pa rin sa aktibistang 'to, parang effigy.
Kaya, Flict-G, hindi ka G, hindi ka gifted. Alam niyo yung mga batang kakatuto lang magmura? Biglang dadalas pang magmura sa matatandang palamura? Gano'n lang rin 'tong si Mondray kaya sabik magdemonstrate na napaghahalataang kakatuto niya lang ng pagwowordplay. Puwes, ngayong wordsmith ang kaharap mo, hindi na 'yan pupuwede, men. Para ka lang ngongong sumusubok turuang magrhyme si Eminem. Magmumukha lang 'tong formal debate tungkol sa crime at sedition. Miriam Defensor versus Ryzza Mae Dizon.
"Look up! Look up!" Alam kong you look up to me, sa 'kin ka natutong magmalaman kaso tumigil ka nang humakbang, nasa step one ka pa lang. Magpaulan ng references, 'yan ang kiliti niya. Halatang 2013 niya lang natuklasan ang Wikipedia. Pupunta siya do'n ta's maglilista ng mga kulay blueng termino, hyperlink. Mas tunog matalino, mas preferred ito. Ta's iisipan ng wordplay na kung hindi basic, pilit. Tapos word associations na basic sinet. Ako'y utak-Gillete. Sa sharpness, ika'y kulang kaya 'yang big words mo ay pangsmall talk ko lang.
'Di ko kailangan ng college vocab para matalinong mag-angas. Kahit grade school bars gamitin ko, thesis ang lalabas. Sample? Bawat bara ko ay kawayan sa alamat na matanda. Bawat bara ko, may laman, malakas at maganda. Kalkuladong double meaning, bawat pares, sukat. Sa 'yo, pare-parehong linya, pare-parehong anggulo, parisukat. Flow mo, anyong tubig, content, matabang. Parang water cycle lang, paikut-ikot ang laman. Kaya ako ang complete thought ng death sentence mo ngayon. Bawat anggulo ko, perpektong pasabog parang Mt. Mayon.
Kaya, Raymond Rivera, ang maka-3-0 ka, malabo sa labang 'to. Magkakathree Ws ka lang kung si Harlem ang bibigkas ng pangalan mo. Board game! B-Side, mag-ingay!
Round 2
BLKD
Sige, yung paghawak sa mikropono, yun na ang talentong sa 'yo. 'Di ko kailangang humawak, may tigahawak ako.
Round 2
BLKD
Sige, yung paghawak sa mikropono, yun na ang talentong sa 'yo. 'Di ko kailangang humawak, may tigahawak ako.
Kasi, Flict-G, hindi ka G, hindi ka genius. Puro ka lang complex terms, parang code ng intel. 80% naman ng terms na 'yon, 'di mo alam, at ni hindi mo kayang ispell. Panggap na matalino, pseudo-intellectual. At kung 'di yun totoo, spell mo nga ang pseudo-intellectual?
E sa spelling pa nga lang ng Republican, hirap na hirap na 'to. Ang sarap tanggalin nung A, K sa Repablikan para iratrat lang sa 'yo. Ba't ba kasi Repablikan ang napiling name niyo? May alam man lang ba kayo sa Republicanism, o sa The Republic ni Plato? And please, Ray, don't play smart. Ang alam mo lang sa Plato, pinggan, dati kang dishwasher ni Denmark. Ako? Ako ang pilosopong naghahari sa republikang 'to. Pneumonia, Ronald Reagan, ako'ng papatay sa Republicang 'to na hindi pa nakuntento. Nilagyan pa ng Syndicate ang pangalan ng set nila. Ang Republican Syndicate lang sa 'kin, yung may pakana ng Crack Epidemic sa Amerika. At ano? Alam mo 'yon? Hindi? Halata tuloy na yung street smarts at book smarts, pilit ang 'yong pagsasalubong. 'Ika nga ni Loonie, "Mas bobo pa sa bobo
ang bobong nagmarunong."
Kaya, Flict-G, hindi ka rin G, hindi ka gangster kasi kung tutuusin, 'yang pagiging street at siga mo, alanganin. Sa isang kantang ika'y tigas, biglang nagiging tigasaing. Sample: "Bawat bara ay kargadang sandatang pang-agaw-buhay pero kung iiwan mo 'ko, babe, mundo'y wala nang kulay." Hindi ko naman sinasabing dapat one-dimensional ang imahe kaso polar opposites yung pagkatao, ang pagsasanib, hindi suwabe. Mapagmahal din ako pero walang pahayag na pathetic. Magiging sweet lang ako 'pag ang kabattle, diabetic.
Pero alam ko kung ba't ginagawa mo 'yon. Benta moves para lang sundan ng madla kaya gisado ka sa mantika mo, ako naman ang gagawa. 'Pag sinabi kong flip, isigaw, top. FlipTop, FlipTop. 'Pag sinabi kong ba, isigaw lakid. Balakid, balakid. Pagtaas ng kamao, isigaw, G. Talo si Flict-G, talo si Flict-G. Medyo delay pa, pero sige, ngayon, pagtulungan nating lahat 'tong si Flict-G. Worse than death ang sakit na iinflict, G. Aking inner G ang iller G 'pagkat talino at talento ko, may synergy kaya't sa words, ako'ng mas may command, G. Hayop kada play, mala-Jumanji kaya paggaya sa 'kin ang iyong strategy para bumenta lang sa crowd parang si Andy G. Walang matalinong bilib sa 'yo, mythology. Pinag-aralan mo lang ako, theology. B-Side, mag-ingay!
Round 3
BLKD
Check, check, check. Puro simpleng wordplay lang pero dahil simple, sensational. Yung bara niya daw, educative? Baka educational? Tapos, puro tatak pa ng sabon, basic na naman. Mabuti pa si Spade, yung sabon, may laman.
Round 3
BLKD
Check, check, check. Puro simpleng wordplay lang pero dahil simple, sensational. Yung bara niya daw, educative? Baka educational? Tapos, puro tatak pa ng sabon, basic na naman. Mabuti pa si Spade, yung sabon, may laman.
Kaya, Flict-G, hindi ka G, hindi ka genuine, at hindi yung sekswalidad ang tinutuligsa ko kundi yung ipokritong kamangmangan. Ba't ba kayong mga homophobic pa ang puro barang kabaklaan? Nung laban niya kay Asero, idinetalye niya ang gagawin niya daw ditong full body cleaning. Sabi niya, "Hihilurin ko yung kilikili mo with feelings!" Tapos nagscheme siya ng mga tatak ng hotdog sabay nagsabing, "Buong-buo kitang lalamunin, PureFoods ka sa 'kin." Kakapilit mong magwordplay, kung anu-ano nang nalaro mo. Hindi na kita tinanong kung kaya pa kasi kay Asero ka na napasubo.
Ito ay Einstein versus Frankenstein, Newton versus Neutron. Tesla versus TESDA. Kung may inilamang ka man sa 'kin, Ray, bilis 'yon pero aanhin ko ang bilis kung pekeng talino ang direksyon? Yung chakra nga, sa Naruto lang nalaman ng tadong 'to. Pero sige, sa labang 'to, ikaw na ang chakra ni Naruto. Ako naman ang puwersa ni Goku, spirit power ni Eugene, determinasyon ni Sakuragi, talino ni Conan, at diskarte ni Lupin.
Oo, kumaquadruple time ka, hanggang double time lang hininga ko pero hirap ka na sa double meaning, kumaquadruple meaning ako. Kaya kong magpakastreet, magsalita nang paslang kasi pen game ko, perfect, sa 'yo, pass lang. Daming galaw, wala namang punto, puro pass lang. Ako, puro tirang swak, shooter na pumapaslang. Kaya pangalan pa lang, halata nang sa three, naghari 'to. Wala ka nang dapat pang ikagulat, Ray, Allen 'to. At 'yon ang mas magandang laro do'n. Mukha mo, mokong.
Kaya 'yang pedestal niya sa pagsusulat, madali lang tibagin. Technical words at technical writing, alaming pag-ibahin. Ako'y technical kahit words na gamit ay simple and plain. Tatapakan ko lang mga linya mo, pedestrian lane. Kasi street ka, yakapin mo'ng tunay mong nalalaman. 'Yang pagpapanggap mong naglalagay ng lansa sa lansangan. Ayos lang magpaimpluwensiya, basta sa panggagaya, kumalas. Baka 'pag nagselfie ka ngayon, mutated BLKD ang lumabas.
Ano pinagkaiba namin? Complex concepts, pinapasimple ko, simplex. Nag-eenumerate lang 'to ng mga termino, index. Nagpapanggap matalino 'to, kunwari, angat sa madla. Nagpapakamatalino 'ko para iangat ang madla. Kaya mabilis man 'yang pagputok mo, pagsabog ko ang lalong felt. Sinturo ni Hudas ka lang, ako, Orion's Belt. Five Star laban sa Super Giant, kabog ka. Mapapel ka lang, ako, maapoy, asul pa. Gamugamo ka lang na nangahas na sa liwanag, mapunta. Ako'ng gasera ni Simoun, sunog ka na, sabog pa. Katawan, natusta, agad-agad napuksa. Laman-loob, lamog na, nagkalasug-lasog pa. Alalayan niyo si Aklas, nangangatog na, baka matumba.
Kaya, Flict-G, hindi ka G, hindi ka grand finalist Pwe!