June 22, 2024

storm

sige, paalam. salamat, salamat.
walang anuman, haha. 'la 'yon,
sus. 'wag mo nang isipin 'yon.
ako na, sige. sige, sige, sige.

oh, yeah, right. i should do that.
i'll work on it later. i will, yes.
i'm already working on it right
now. ako bahala. mamaya na.

gutom na 'ko. anong masarap?
jollibee? two-piece chickenjoy.
malutong na balat, yung medyo
nagmamantika pa. ganun din
miminsan sa ministop, sa uncle
john's. sa dixie's, may tofu sisig.
wala na yung chef na maraming
maglagay ng mayonnaise. saan
na kaya siya? saan na kaya siya
nagluluto?

gusto ko nang mag-aral magluto.
kaso parang nakakatamad lang
din pala. tsaka baka mas mahal?
baka hindi na naman ako maka-
ipon. may mga gusto pa akong
bilhin, at pagkagastusan. kung 
nabibili lang din sana ang oras.
ilang oras na ba ang nakalipas?

ilang minuto, ilang segundo,
ilang araw ko bang kakayanin
na manatili pa rito? palagi ko
palang hinahanap na ang mga
minsan. kailan ba silang muli
na dadalas? anong oras na, at
anong oras na naman ako
maaalimpungatan mamaya?

magkukumot na lang ako,
tapos pagpapawisan na naman.
nakatutok naman sa akin lagi
ang electric fan. bukas na ako
magwawalis. mamaya na,
mga, siguro, ten thirty, para
sakto maski papa'no. merong
bubuksan, isasara. bubuksan
ulit, magsasara. bubukas,
makakalimot, magtataka,
matatakot, mabubugnot,
magbubukas, magsasara,
bubuksan ulit, magbubukas
ulit, may bubuksan pa, ipag-
papabukas ko na. bukas na.
may bukas pa. may bukas
pa naman. may bukas pa
naman 'di ba? bukas niya
pa naman kailangan, 'di ba?

10:39.

mamayang 10:45, pramis.