Isa ka nang crazy fucker! Congratulations!
At huwag kang magpunyagi.
Umpisa na ng mga malalitratong kalabit kung saan magkakaroon lamang ng sigwa kung babalanse ang mga nasa kanan. Mag-ingat ka, huwag kang padalus-dalos. Lalo na kung mapadausdos tayo sa ngalan ng hindi natin nakikita. Maraming mahilig mag-ingat ngunit napahihiya lamang sa huli. Mag-uumpisa na rin silang maghanap ng muling magpapakilala sa kanila. Sa lahat ng alam nilang patutunayan, uulitin pa rin nila ang siya na ring mga inulit pa.
Paulit-ulit, minsan na lamang na nakakikilabot. Hindi rin kailanman nagkaroon ng pagkakapantay sa paghahanap ng rehas ng katapatan. Bawat sistema'y mukha nang pinagpiyestahan ng iisang dalumat. Marapat lamang na unti-unting wasakin ang mga isinakatibayan nang magbalik nang kusa ang mga ngiti at tuluyang gumulong ang tunay na mga butil ng pagsisikap. Ngayon pang kay init ng pagdurusa, hindi pa rin maiiwasang magsiwalat at suotan ang maninipis na bahong masigla pa rin ang mga suntok, walang kamintis-mintis.
Nagsimula na ring muli ang desperadong pagpapapansin. Matagal-tagal na rin namang diwang inasahan ang kababagsakan ng mga upos at abo, sa muling pagpapanggap na ang init ay nasa loob lamang. Bawat pakiramdam ay nabuhayang-sigla, maiiksing minuto't maghahanap ng hindi pagbabagong-lasa. At kung hindi pa titigil ang iyong pagpapasyang sumingit, at oo nga pala, maninipis na naman ang mga pinagdikit-dikit na talulot, kakarampot na lamang ay titiradurin ko na ang mga paksang lakas makaaya ng pogi. Aasa na namang puri sa pagbuklat ng susunod na kahon. Bakit pa nga ba dapat tayong magsuot ng mga maskara?