December 11, 2012

Ilang Kuwentong Ilokano



Mula sa kuwentong Ang Handog ni Dagwaley ni Hermilinda Lingbaoan, makikita ang pagsubok ng katutubo sa isang kinagisnan nang tradisyon. Binanggit na mula sa kuwento na ang pangunahing tauhan ay nanggaling na sa lungsod at umuwi lamang muli sa kanyang unang tirahan para tuparin ang pangako niya sa kanyang minamahal. Dito pa lamang, masasabi nang kahit na ipinipilit ni Dagwaley na uuwi lamang siya para balikan at pakasalan ang magandang si Dumay, hinding-hindi pa rin niya kinalimutan ang kinalakhang tirahan. Di hamak naman sigurong mas maraming magaganda, sopistikada at naaayon sa ninanais niya na ngayong kalinangan ang mga babaeng makikita niya sa kalunsuran kaysa sa mga babaeng kanyang babalikan pa, sa loob pa ng mahabang anim na taon. Hindi lamang sa hinding-hindi natin makalilimutan ang ating mga kinamulatang kabihasnan, hindi lang din sa matinding pagkakatali ng kanyang damdamin kay Dumay, anu’t ano pa’t nais niyang iayon sa kanyang mga natutunan sa lungsod sa mismong lugar ng kanyang tribu. Isa itong napakalaking hakbang hindi lamang sa pagsuway ito sa gusto ng Ama ng kanyang kinabibilangang grupo ngunit pagsira ito sa marahil ay daan o libu-libong taong tradisyon ng kanyang mga katribu. Isang pagwasak sa tradisyon, para sa kanya, ang kanyang mismong gagawin, hindi dahil sa iyon ang tama para sa kanya ngunit iyon ang tama dahil sa mga nasagap niyang kaalaman mula sa lungsod. Anim na taon ba naman siyang tumira roon at nagpaconvert pa ng relihiyon, talagang masusuotan ang kanyang mga mata ng bagong lenteng makapaghihiwalay sa kanya ng mga mali sa tama, ng mga bagong mali at tama. Iisipin ng mambabasa, paano kung hindi naman pumunta sa lungsod si Dagwaley? Magbabago kaya ang kanyang desisyon? Malaking epekto ba sa kanyang pakikitungo sa mga bagay-bagay ang paglipat ng kanyang tinitirhan? Apektado kaya ng lugar at lipunan kinabibilangan ang mga ideolohiyang papayagang kumatok, pumasok sa utak ng isang naninirahan doon? Maaari. Magandang hakbang kaya ito, para kay Dagwaley, na sirain nang ganun-ganon na lamang ang kanilang tradisyon, ang tradisyong dapat ay pinananatili? Dapat bang nananatili ang isang tradisyon? O kailangan ba talaga nitong makiangkop o “gumaya” nang ganun-ganon na lamang sa tingin ng mas marami bilang “mas sibilisado” na mga pangkat? Totoo nga bang may nagdidikta lamang ng tama at mali?

Sa kuwento naman na Pagkain ng mga Bathala ni Juan Hidalgo, Jr., hindi isang tradisyong nauna ang nais na sirain ng mga lalaking isiniwalat sa pagtatapos ng akda, kundi isang tradisyong nais naman ibalik ang nais na patunghayang itulak ng kalalakihang nabanggit. Naipamalas mismo sa dalawang mata ni Lorenzo ang kalandian at kahalayang ginagawa ng mga bathala sa mga babaeng parami nang parami habang sumasayaw at nagpapatay-sindi ang ilaw. Ang mga bathalang ito’y inilarawang mukhang mga dayuhan o maaaring mga dayuhan na talaga na nakikinabang na lamang sa hindi naman sa kanila. Nakikitira lamang sila rito ngunit sila ang kumikita at ang katulad lamang ni Lorenzo ang patuloy na nasasaktan. Sapagkat iyon na lamang ang tingin sa Pilipinas ng mga dayuhan. Parami nang parami ang kani-kanilang mga naaakit at lalapit sa kanila para sa kanilang nakabubulag na pahintulot ngunit sadyang hindi naman napapansing binabastos na pala nila ang Pilipinas. Tatawa-tawa na lamang ang mga babaeng sumasayaw nang malandi at mahalay kahit na sila ang ginagawang kabastusang aliw sa mga dayuhan. Pumipili ang mga bathala ng dalawa manonood sa kanilang piging sa bawat taon para lamang ipakita sa kanilang kahit na malaman-laman nila ang mga kapalastanganan at kasinungalingang nangyayari sa mga nasa taas, wala pa rin silang magagawa. Ganoon na lamang kalakas ang kumpiyansa nila sa kanilang mga sarili para magpapanood ng mga may potensyal na maging kanilang mga kalaban. Maaarin iniisip nilang may pera sila at sila’y mga tanyag na tao kaya’t lamang na lamang sila pagdating sa paghikayat ng mga kakampi. Iyon na lamang kasi siguro ang batayan kung paanong makaliligtas sa daigdig na ito, magpahanggang sa ngayon: kasikatan at kayamanan. Wala nang pakialam kung naipepreserba pa ba ang moral na kaisipan ng bawat indibidwal, nagpapabulag na lamang ang marami. Mapapansin ding hinahanap nang hinahanap ni Lorenzo si Filipinas, ang kanyang ina, ngunit hindi na niya ni naaninagan man lamang hanggang sa katapusan ng kuwento. Hindi na mahanap o makita pa ang Pilipinas, kung ano na ang kanyang naunang itsura, kung ano kaya ang Inang Bayan kung walang bahid ng mga dayo, kung walang nakikigamit. Hindi rin ipinakita kung tiyak na makikita pa si Filipinas sa kuwento, dahil sa atin pa rin siguro nakasalalay ang kinabukasan niya, o ayaw lang talagang batiin ng akda ang mga posibleng mangyari, kahit na wala na sigurong makaaabot pa sa ninanais niya.

Mula sa dalawang akdang binasa, nakita ko na mayroong mga gustong pagsirang gawin ang mga pangunahing tauhan. Maaaring pagsira sa tradisyon, sa mga namamayaning ideya, sa mga nakikitira lamang na dayuhan. Ang ganitong ideolohiya, bilang pagdikit na rin sa mga nakaraang leksyon tungkol sa pagpansin naman sa marginalized na pantikan, ay pagsira sa mga naghahariang nasa itaas upang pansinin ang mga kinalimutang dapat ay mas iniaangat pa. Hinding-hindi dapat natin kinalilimutan, tulad ng mga gusto ng Ama sa kuwento ni Dagwaley at ng tauhang dumampot kay Lorenzo sa may bandang huli ng kanyang kuwento, na ang ating identidad ay nasira na, nabahiran na at panahon na dapat siguro upang tumayo tayo at lumaban, ipaglabang pakilala ang ating mga sarili, upang makita ng buong mundo kung ano nga bang mayroon talaga tayo, anu-ano nga ba ang mga taal na katangian natin, sino nga ba ang mga Pilipino?

Ang Lohika ng Ang Lohika ng mga Bula ng Sabon, Yata



Tagpuan

Mag-isa lamang namumuhay ang pangunahing tauhan, sa isang apartment sa Quezon City, maliit, masikip, maraming agiw.

Tauhan

Narrator / Persona

-       Babae
-       Sinubukan nang magpakamatay (“..nang pisilin niya ang aking palad, doon sa may pulso, kung saan humimlay ang latay ng blade..”)
-       Siya pa ang umaakay kay Sandali (..sa kama, “..huhubarin ko ang aking damit at uumpisahan na namin ang aming paglalayag..”)
-       Hindi nakikita ang sarili  sa isang “kumportableng buhay” sa piling ng isang responsableng asawa kasama ang mga anak sa isang bahay na nasa tahimik na lugar
-       Hindi marunong magluto
-       May trabaho (pagbibigay ng suweldo sa ina), maaaring nasa may edad na ng 20-30 ~, buhay pa ang mga magulang
-       Madaldal, malalim mag-isip
-       Maraming natatakot sa kanya dahil weird siya
-       Ayaw na sumasabay sa iba
-       Alipin ng libog sa Sandali
-       Stream of conciousness, pauses (para sa pag-iisip), naiisip mo lang siya kapag wala kang kinakausap

Sandali

-       Babae (“..si Sandali, may regla din..”)
-       Hindi kayang tutulan ng bida
-       Walang magulang o kapatid
-       Walang permanenteng tirahan o trabaho
-       Ang narrator ang nagbigay sa kanya ng pangalan
-       Kathang-isip (“..paano naman niya papasukan, e hindi ko naman siya nahahawakan o nakikita o naaamoy sa kumbensyunal na paraan..”)
-       Inihambing ng bida sa hanging malaswa
-       Kinaiinggitan ng bida dahil sa kaya niyang (Sandali) makisama sa lahat
-       Masturbation, ito yung moment na in-control siya, sariling paraiso, puputok bigla na parang bula (existence)

Mga Supling

-       Pinatuloy sa kanyang loob, hanggang sa sila’y dumami
-       Pabilis nang pabilis ang kanilang mga kilos
-       Kahit saan magpunta ang bida, nandoon ang kanilang mga supling
-       Alagad ng kanyang katahimikan
-       Cum

Eugene

-       Dating imaginary friend, bago si Sandali

Ina

-       Idinadaing sa kanya ang matataas na presyo ng bilihin
-       Tinatanong siya kung kailan muling dadalaw


Ama

-       Hindi lumingon nang sinabing aalis na siya

Bituin

-       Kapatid ng bida, kasabay niyang kumanta pagkatapos paluin ng ama

Banghay

1.    Ipinakilala ang sarili
2.    ipinakilala si Sandali
a.    si Sandali bilang imaginary friend
b.    alam ni Sandali ang kanyang amoy
c.    si Sandali bilang malaswang hangin (paghaplos sa kanyang binti, buhok at dibdib, paghalik sa kanyang noo, pagsama sa hangin, sa ipoipo)
d.    si Sandali kasama ang kanilang mga supling (“..punung-puno ng aking mga kawangis ang buong silid..”, “..palaki na nang palaki ang mga bilog sa aking mga mata, kailangang gawan ko na ng paraan ang kanilang pagdami..”)
3.    katahimikan
a.    “..bigyan niyo na ako ng katahimikan..”
b.    “..minura ko silang lahat, tang-ina niyo, natawa sila dahil sarili ko  ang aking minumura, natauhan ako, huminga ako nang malalim..”
c.    “..linilipsynch ko na lang ang tawa..”
d.    “..nakakatulog na ang mga anak namin ni Sandali..”
e.    Ang sandaling iyon bilang kanyang paraiso.

Tunggalian

Laban sa kapaligiran – pinoproblema niya ang social norms, hindi siya naiintindihan ng mundo, ayaw niyang magconform, “Hindi ako ang may problema, kayo ang may problema sa akin.”

Resolusyon

Mithi – magawa ang mga nais nang normal lamang ang tingin sa kanya

Balakid – social norms

Katapusan – pagsiping ni Sandali sa kanya, nagbibigay ng panandaliang paraiso, na mawawala na lamang na parang isang bula

Banghay

Mapapansing walang maayos na daloy ang kuwento, parang walang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Ibig sabihin, yung madalas na itinuturong istruktura ng isang banghay ay ‘di makikita sa kuwento. Nasa isipan lamang ng persona o ng nagsasalita ang kuwento. Mapapansing ang pagkakasulat sa mga nagmumukhang paragraph ay mga sentences lamang na pinagdugtung-dugtong at pinaghiwa-hiwalay ng mga kuwit, bilang tanda ng pagtigil sa kanyang pag-iisip. Nawala ang naturang konsepto ng banghay.

Diksyunaryo Pilipino-Pilipino at English-Bikol

Ang diksyunaryong Bagong Diksiyunaryong Pilipino~Pilipino ay descriptive sapagkat hindi lamang nakadikit sa iisang kahulugan o katumbas na salita ang isang lahok, maaari itong kabitan ng higit pa sa dalawang mga sinonimo o kung wala nama’y itinatapat sa isang maikling depinisyon. Mula rito, may nakikitang pagkakaroon ng maraming kahulugan sa iisang salita na magkakapantay lamang ang ibig sabihin. Mayroon ding ebidensya ng ebolusyon ng wika dahil sa mga isina-Pilipinong baybay na mga salita tulad ng adik, adisyon, kidnap, digri, at neutral bilang mga patunay na hindi pure na Pilipinong ibinatay lamang sa mga salitang taal sa Tagalog ang inilagay sa diksyunaryo. Maaaring sabihing nakadikit na rin ito sa panahong kinabibilangan ng mga nagsasalitang Tagalog sa ngayon. Ang diksyunaryong nabanggit ay para sa Pilipinong may alam sa wikang Tagalog at naghahanap ng kahulugang-katumbas para sa mga malalalim na salitang kanilang hindi maunawaan. Maaari rin itong magamit ng iba pang etnolingguwistikong grupong gamay na ang wikang Filipino dahil hindi rin naman ganoong mailalayo ang malaking bahaging kinabibilangan ng Tagalog sa tinaguriang wikang pambansa. Ngunit sa kabila ng mga maaaring makagamit pa ng diksyunaryong nabanggit, ang Bagong Diksiyunaryong Pilipino~Pilipino ay binuo para sa mga Pilipinong marunong mag-Tagalog, dahil nga sa maaaring may mga salita nang matanda sila hindi maintindihan. Magagamit ito nang maayos ng mga Tagalog sapagkat ang mga nakasulat na katumbas at depinisyon ay nakasulat sa Tagalog.

Halimbawa ng mga lahok:

tubig, png., anumang dumadaloy sa ilog, batis, pansol, sibol o dagat at maaaring maalat o matabang; bagay na dala ng ulan; likido; inumin.

(tubig) – matubigan, pd., matigilan, mapatda, mapahinto na nag-iisip.

takbo, png., sibad, yagyag; hakbang na mabilis at madalas.

ganda, png., dilag, dikit, dingal, inam, buti.

Ang English-Bikol, Bikol-English Dictionary ay isang prescriptive na diksyunaryo sapagkat ito ay isang bilingual dictionary. Makikita pa lamang sa pamagat na English speakers na nais matuto ng wikang Bikol ang target na mambabasa ng nasabing diksyunaryo. Prescriptive ito, hindi lamang dahil sa binanggit ni Sir Schedar na walang bilingual dictionary na descriptive kundi dahil sa ang mga inilagay na katumbas na mga salitang Bikol para sa mga lahok na Ingles ay maaaring sa standard Bikol lamang ang ginagamit. Napag-uusapan na nga rin naman na madalas ang tungkol sa pagkakaroon ng mga dayalek ng isang wika. Kung ilalagay lahat ng varieties ng isang English word para sa lahat ng kanyang kadepinisyon sa lahat ng wika ng Bikol, mahihirapang ilagay lahat o mamili ang lexicographer. Mas mapapadali at ekonomikal ang pagkuha na lamang mula sa variety ng standard ng isang wika dahil ito naman ang ginagamit sa sentro ng lalawigang kinabibilangan ng wika. Ang diksyunaryo ay maaari ring magamit ng mga Pilipinong marunong mag-Ingles at gustong matuto ng mga salita sa Bikol.

Halimbawa ng mga lahok:

WATER tubig; ...(said in anger), kal’ig; cloudy or murky..., libog; distilled..., agua; fresh..., ta’bang; hard or mineral..., (referring to the taste), tayam; holy..., bendita; ...buffalo, damulag; bull...buffalo, mangsad; ...dipper, tabo; ...faucet, gripo; ...leech, linta; ...main, tubo; ...pump, gripo; ...snake, kikig; WATERFALL busay; WATERLOGGED tupok, lubag; WATERY tubig; ...(a mixture), lasaw

WATER: to...(as plants), baribi, bubo; to come out of the..., hawas, butwa; to cover with..., lantop; to dip for..., harok, tabo; to fetch..., sakdo, saldok; to go under..., ladop, buso; to jump from the...(fish), pulag; to pull from the..., sapod, hawas; to shake excess...from, wigwig; to slip or step into the..., lugbo; to spit out a mouthful of..., buga; ...(sound as it enters through a large hole), awak-awak; WATERING CAN, bubo; regadera

RUN: to..., dalagan; to...(colors), ulakit, umaliw; to...(motors, machines), andar; to...(flow, as water), bulos; to...(the nose), nuno, tugno; to...(manage), bahala, maneho; to...a business, dalagan, lakaw; to...run after, lapag, lamag; to...aground, sangrad; to...away, dulag, layas, rabas; to...away (sl-), litik, sibat; to...down (as liquids down the outside of a container, a branch), dalhig, taluytoy; to...down (criticize), menos, ismol; to...for election, kandidato; to..into (collide with), dulag; to...out of (run short of), kulang; to...over, ligis; to...a race, karera, pareha; to...short of, kulang; a...run of good or bad luck, ratsada; to have a...of shots or points in a game, takada; always on the... (restless), pormal

BEAUTY gayon; BEAUTIFUL gayon; suabe; BEAUTIFY: to..., gayon