June 19, 2019

Nakakatawang tinanggal na ang tungkuling pag-aralan natin tayo. Paano natin tayo tutulungan kung hindi natin tayo kilala? Pailalim tungong kasuluk-sulukan ang pagyakap ng wika sa identidad ng isang tao. Maaaring sabihing ang baya'y may iba't ibang wika, at hindi magandang isiping mas nakatataas ang isang wika sa isa pa. Hindi kayang makapanlamang nang buo ng isang hungkag na kaalaman kung maaari naman itong maisalin sa kabilang banda.

Ngunit, hindi rin matatanggal na ang patuloy na pagdaloy ng nananaig na prosesong tumatakbo sa kaisipan ng isang indibidwal ay maipagtitibay lamang at taal na maipapasang paritwal nang hindi nababawasan kung sariling mekanismo ng pagsasaalang-alang ng hindi na mahihigitan pa ng iba. Kakulangan sa pag-unawa sa ngayon ang magdudulot ng kakulangan sa pagsasarili ng isang tao, ng isang pamayanan, ng isang bansa.

At ngayong hindi pa naman nahuhuli ang lahat, at kung hindi na rin maiiwasan pa, mabuting nagsisimula sa sarili ang pagiging makasarili at pagkakamagkasarili. Sarili ang unahing kilalanin, sarili ang bigyang-kahulugan, sarili ang siyang sariling magiging sarili. Buuin ang sarili mula sa mga inipong pansasalat sa iba, pagmumura sa iilan, at pagtiwalag. Saka lamang natin maaalala at aalalahanin ang lahat kung walang-wala nang magpapaalala.