March 18, 2019

FlipTop - Goriong Talas vs Apoc vs Batas vs BLKD vs Tweng

Round 1

BLKD

FlipTop, game? Okay, let's do this. Uprising initiation ala Aegis Juris. Unang palo, kay gurang na umaastang diyos. Puro mura't damay-nanay lang naman para makapanlapnos. Kaya anong batas-batas? Dapat pangalan mo, Bastos. Amen?

Ito namang ex ni Bastos, feeling arkitekto. Ah, kaya pala, kasi on paper lang may husay ang kanyang disenyo. Pang-2012 pa rin techniques ng lines mong bitaw. Sa 'yo nga ang Raw Clothing kasi style mo, hilaw.

At alam niyo ba kung ano yung Tweng? Short for tililing. Tingnan niyo naman, 'tsura pa lang, alam mo na yung amoy. Hindi ko na kailangan ng props para bumuga ng apoy kaya nga sunog noon si Spade 
matapos kong tapak-tapakan. Walang kalaban-laban. Sa sobrang pagkapahiya, nagpalit na ng pangalan. Tapos, kopya kay Batas, kopya kay Sayadd. Tagaduplicate ka lang. Hindi ka pinalakas ng name change. Naghahallucinate ka lang.

Gurang!

Round 2

BLKD

BLKD, Uprising, Batch 1. Para sa 'kin, okay naman yung laban. Para sa 'kin, may husay naman lahat. Si Batas, sobrang gigil. Si Tweng, sobrang payat. Si Apoc, sobrang likot. Si Spade, sobrang bano. Inugatan ka na sa kultura, hindi ka pa rin lumago. Kabaliktaran ka ni Tweng kasi pambattle rap ka lang. Battles mo naman, nilalangaw kasi nagkakalat ka lang.

Pero ang tanong: Bakit ba ganito na ang tone at flow mo? Masakit sa tenga parang Yoko Ono
Natuto ka ngang magmulti, wack naman ang flow. Natuto ka ngang magmulti, wack naman ang ritmo. Parang sulat lang ni Loonie na pinarap kay Nico.

Ta's ikaw, kung makapagyabang ka, 'kala mo, never ka nagstumble, Rap. E, 'pag nagrarap, para ka ngang juggler na nagfa-Fumble Rap. Hinahambalos ko ang hambog, para maging humble, Rap. Sapak sa bibig para habambuhay ka nang magmumble rap.

Oo, apat kalaban ko. Magtulong na kayo dahil bagamat apat kalaban ko, ang kalaban niyo, ako.

Round 3

BLKD

Alam mo, pinakinggan ko lang naman kayo out of pity. Hindi ako sa inyo natuto. Hanggang balian ka ng leeg, ako, pugutan ng ulo.

Hoy, tililing, hindi mo ba natatalastas na sa talastasang 'to, kami lang ang palabas? Patalastas lang 'yang angas mo.

At anong Goriong Talas? Baka Goyong Talas. Matalas? E, sa mid tier nga, hindi ka makatakas. Nagogoyo mo lang yung ibang Uprising, but not me. Tatlo na nga lang kayong rapper sa Ilustrado, wala ka pa sa top three. 

Mga feel na feel ang imaheng kontra, lakas pang magbida. E, matapang ka lang naman, Mark, kapag may kakampi ka. Parang paggawa ng magandang album, 'di mo 'ko kayang mag-isa.

At ikaw naman, ha, 'di ba iniiyak mo sa kanta mo, "Wala akong paki, wala akong paki!" E, ba't 'pag may bad review yung album mo, hindi ka mapakali?

Ganyan kasi, naging Uprising lang, nagmamataas na. Nakitulak na 'ko nung rising pa lang. Umangkas lang kayo nung up na. Sa inyo, big deal na nga 'to e, sa 'kin, katuwaan lang. Kung gusto niyo ng dikdikan ng bara, labanan niyo 'ko nang 1-on-1. Puwera lang sa 'yo kasi noon pa kita ginawang talunan.

Gurang, hunghang, buang!