October 19, 2017

Paggamit ng NG at NANG sa Filipino

Madaling matutukoy ang tamang paggamit ng ng at nang depende sa kung ano ang paggagamitang bahagi ng pananalita (part of speech).

Madali itong malalaman una (1) sa konteksto ng pangungusap, pangalawa (2) sa puwesto ng salita sa pangungusap.

Ang ng ay ginagamit lamang sa mga pangngalan (noun), o sa pagbibigay ng pagmamay-ari (possession).

Ang nang naman ay hindi ginagamit bilang pantukoy sa pangngalan.

Halimbawa:

1. Kumain ako ng masarap. (Ibig sabihin, noun na masarap na pagkain ang kinain.)
2. Kumain ako nang masarap. (Tumutukoy naman ito sa paraan ng pagkain (i.e. pang-abay (adverb)).
3. Kumain ako ng masarap na pagkain. (Maging alisto. Hindi ang salitang masarap ang tinutukoy ng ng dito kundi ang salitang pagkain.)

4. Ang sarap ng kain ko. (noun)
5. Ang sarap nang kumain ako. (conditional)

6. Tae nang tae. (hindi matigil na pagtae)
7. Tae ng tae. (pagmamay-ari ng tae ang tae)