Madaling matutukoy ang tamang paggamit ng ng at nang depende
sa kung ano ang paggagamitang bahagi ng pananalita (part of speech).
Madali itong malalaman una (1) sa konteksto ng
pangungusap, pangalawa (2) sa puwesto ng salita sa pangungusap.
Ang ng ay ginagamit
lamang sa mga pangngalan (noun), o sa pagbibigay ng pagmamay-ari (possession).
Ang nang naman ay hindi
ginagamit bilang pantukoy sa pangngalan.
Halimbawa:
1. Kumain ako ng masarap. (Ibig
sabihin, noun na masarap na pagkain ang kinain.)
2. Kumain ako nang masarap. (Tumutukoy
naman ito sa paraan ng
pagkain (i.e. pang-abay (adverb)).
3. Kumain ako ng masarap na pagkain. (Maging
alisto. Hindi ang salitang masarap ang
tinutukoy ng ng dito
kundi ang salitang pagkain.)
4. Ang sarap ng kain ko. (noun)
5. Ang sarap nang kumain
ako. (conditional)
6. Tae nang tae. (hindi
matigil na pagtae)
7. Tae ng tae.
(pagmamay-ari ng tae ang tae)
No comments:
Post a Comment