disclaimer: this is not an official transcript.
average reading time: 38 mins
note:
before remarking on errors,
check the audio from source first.
Boy: Good evening and welcome. Our guest tonight, Senator Ping Lacson.
Lacson: Magandang gabi, Boy, and thank you for having me.
Boy: Let's begin the interview. Let's start with the environment. Environment, specifically, mining, which is one of the most controversial environmental issues. Nung Abril 2021, President Duterte lifted the 9-year moratorium on granting new permits for mining. Samantala, December 2021, DENR, the Department of Environment and Natural Resources also lifted the ban on open-pit mining, sa pamamagitan ng Administrative Order No. 2021-40. Pinuri po ito ng mining industries, samantala, binatikos ito ng mga environment and human rights defenders. Ang aking katanungan, Senator Ping, you are applying to become the next President of the Republic of the Philippines. If elected, pagtitibayin mo ba ang mga desisyong ito ni President Duterte at ng DENR, o ipapawalang-bisa?
Lacson: Unang-una, ang bottom line is responsible mining, ano? Basta't tumutugon dun sa mga issues, mga challenges sa environment. Ang mining industry, hindi naman puwedeng patayin, kasi major industry ito ng Pilipinas. Ang masama, Boy, yung small-scale mining, ano? While sinasabing small-scale, pick and shovel, hindi naman nagagawa e, so nandun ang maraming violations, kaya yung environment is put on at risk, ano? Yun ang problema, so hindi ito kung itutuloy o ipagbabawal, dapat data-driven lagi ito, at saka science-based yung lahat ng pag-aaral. Maski anong endeavor natin, hindi lang sa mining, dapat ganun e.
Boy: Data-driven...
Lacson: Data-driven and science-based lagi ang, nakabase yung ating desisyon.
Boy: Babalikan ko lamang po yung aking katanungan. Dahil nga dalawa ang nilift na ban, yoong paggrant ng mga new mining permits at saka yung open-pit mining, specifically, ano po ang inyong comment doon sa dalawang 'yon, yung paglift nung bans na 'yon?
Lacons: Well, tama lang na ilift ang ban kasi matagal na ring, kung merong mga new permits na iiissue, basta't sa akin, ang bottom line is kailangan, responsible mining, at kung merong mga violations along the way, walang patumangga na dapat ipatupad. Ang problema rin kasi, yung bureaucracy, 'no, nandiyan na yung issue ng corruption, kapag naglagay, o kaya nakiusap, at malapit, yun ang napagbibigyan, in spite of so many violations, so dapat isa lang yung standard, 'no, mapamining man, mapaibang...
Boy: Okay. In the discussion about sustainable mining, doon pa rin nangyayari, kumbaga, 'pag pagkukuwentuhan natin, Senador, ay yung claims, halimbawa, ng mga environmentalists, yung pagkasira ng natural habitat, yung biodiversity laws, water pollution, and we're talking about may mga binigyan ng mga permiso, may mga ligal na operators, and these are sustainable miners and responsible miners, pero marami pa rin ang nahaharass na mga locals, marami pa rin ang nadidisplace na mga IPs, indigenous peoples. Comment.
Lacson: Then nakalabas yun dun sa sinasabing responsible mining.
Boy: Ito yung data na sinasabi mo...
Lacson: Yes.
Boy: Na if yung one has a permit, tapos ito ang ginagawa, what would you do?
Lacson: Dapat ipasara kaagad, ano? Of course, due process should be followed. Ang problema nga, ang naging kalakaran sa ating pamahalaan, sa ating bansa, ano, parang yung palakasan system lagi. Kung sinong may koneksyon, tapos sino yung malakas maglagay, alam naman natin 'yan, Boy, e. Maski kumausap tayo ng pangkaraniwang tao, o kaya yung taong nasa gobyerno, alam nila yung nangyayari. Alam mo, implementasyon talaga ang problema.
Boy: How do you solve that? I know the problem is in implementation but on the ground, ano ang solusyon diyan?
Lacson: Well, diyan natin kailangan yung mga NGOs, ano, na tagabantay, yung mga environmentalists, ano, but, of course, it should be evidence-based. Hindi naman pupupuwedeng say-so, mag-aakto yung gobyerno, kailangan talaga, sabi ko nga kanina, lagi tayong dapat babalik sa data-driven, kung ano man yung desisyon, kung ano man yung subsequent action natin, ibase natin sa datos na maliwanag.
Boy: Senador, kadalasan din naman, hindi naman lahat, kadalasan naman, ang problema din, nangyayari doon sa imbestigasyon, sa gathering of data, doon din minsan nagkakaroon ng problema.
Lacson: That's exactly my point, kasi kailangan isang standard lamang, kasi 'pag nagdouble standard tayo, iba yun treatment dun sa kaalyado, at iba yun treatment sa hindi kilala or sa kalaban sa pulitika, diyan na tayo talagang...
Boy: So, in terms of mechanism, in terms of system, ano ang dapat gawin para iisa lamang ang standard?
Lacson: Nasa nag-iimplementa yun e, Boy. Kailangan talaga ipakita, diyan nga makikita natin yung, ako, babalik pa 'ko, pupunta pa 'ko even further, 'no, yun tinatawag na leadership by example, kasi hindi pupuwedeng yung isang leader, yung sinasabi niya, yung pineapreach niya, hindi naman niya pinapractice. Sasabihin niya, responsible mining, pero pagka may kausap, iba naman yung kanyang iimplement. Sinong maniniwala? Over time, Boy, napakahabang panahon, nawala talaga yung tiwala ng mga kababayan natin sa ating gobyerno. Yun dapat ang maibalik e.
Boy: Election campaign kasalukuyan, Senator Ping, would you accept donations from miners?
Lacson: Yes, kung ligal naman yung mining company, at may permit at lahat, sumusunod, why not?
Boy: We're talking about track record, alam naman natin kung sino ang sumusunod sa batas at ang hindi sumusunod sa batas.
Lacson: Yes, basta't hindi iligal at saka yung nagviviolate ng batas at meron kang issue doon sa, ginawa namin 'to, Boy, a, hindi lahat ng donations, tinatanggap namin. Talagang...
Boy: At ang inyong tinatanggihan ay...
Lacson: Ay, pagka medyo, halimbawa, may conflict of interest, 'no, halimbawa, merong nakapending na legislative franchise.
Boy: From the environment, punta naman ho tayo, Senador, sa COVID-19. Let's talk about the pandemic. Sa kasalukuyan, dalawang bagay po ang alam natin. Una, mahigit dalawang taon na tayo'y lahat pinadapa ng pandemyang ito. Sabi ng DOH, mahigit sa three million cases na ang nangyari dito sa bansa, over fifty thousand deaths. Sabi naman ng John Hopkins COVID-19 dashboard, three hundred million cases, over three hundred million cases around the world and more than five million deaths globally. Maraming mga Pilipino po ang nawalan ng trabaho, kabuhayan, mga mahal sa buhay. Ito po yung una. Alam ho natin that this pandemic is vicious. Pangalawa, alam din natin na ang virus na ito ay napakaunpredictable. Dalawang taon na na ito'y nilalabanan natin. Maraming mga variants na ho ang ating naririnig, mula sa Alpha, Beta, Gamma, Delta, Delta Plus, Omicron, the virus acquires genetic changes, which means it mutates, paano, kailan, hindi natin alam. Ang klaro lamang ay it is killing people, it is vicious, and it is unpredictable. Ang aking katanungan po, Senador, given the unpredictability and the viciousness of this virus, 'pag kayo'y nakaupo bilang Presidente, at ito ang sasalubong ho sa inyo, ano po ang inyong programa?
Lacson: Unang-una, kailangang proactive, kasi ang nangyari sa 'tin, 'di ba, Boy, noong February yata ito, yung Wuhan couple, na kung saan, sumakay ng eroplano, from Cebu to Dumaguete to Manila. Alam ng DOH, alam ng authorities ito na silang dalawa, afflicted, ano, ng COVID. Tinanong namin sa aming Senate hearing, 'Nagawa niyo na ba yung contact tracing? Kilala naman niyo yung mga pasahero, 'di ba? Kayang contactin.' Alam mo ang sagot sa 'min? Seventeen percent lamang yung kanilang nacontact. Do'n nagsimulang kumalat yung COVID e. Hindi tayo marunong maging proactive. Wala tayong foresight. Pagkatapos, ano sumunod? 'Di ba, hindi natin pinagbawalan yung mga turista galing Tsina, kasi kaibigan daw natin yung Tsina. Yun ang mga pagkakamali natin nung una pa. Itong Omicron, 'di ba alam na natin, meron sa Europe, meron sa Amerika? Bakit hindi pa rin natin nasawata, ano? Nagkakasya tayo dun sa, nagrereact na lang tayo kung ano mangyayari. So, sinasabi na walang kaso sa Pilipinas, good, walang kaso, pero may ginawa ba tayo para talagang hindi magkaroon ng kaso o hindi makapasok? Ngayon, ilan na tayo? Thirty thousand. Marami tayong pagkakamali. Hindi na tayo natuto sa ating mga pagkakamali. Pangalawa, una pa man, noon pa lang bago nauuso yung vaccination, alam ko ito kasi kausap ko yung mga business sector, yung mga malalaking negosyo, nag-offer sila, 'Kami nang bibili para sa aming mga empleyado.' Anong ginawa nung gobyerno? Overregulation. Sa halip na maging friendly, sa halip na iencourage, pinapahirapan, 'Hindi, dadaan kayo sa 'min.' Yung LGU, nag-offer na rin, yung mga mayayamang LGU, may pera sila. Nag-offer na rin sila kung puwedeng makabili sila ng bakuna para sa... Just imagine, Boy, kung pinayagan nila 'yon. Tinulungan, sa halip na barahan, tinulungan nila. Baka hindi ganyan karami yung problema natin. Ang tinamaan natin, kabuhayan. The thing is, there's no trade-off between health and economy. Wala e, wala kang pagpipilian so dapat maging proactive, first and foremost. Kailangang mag-anticipate, and then put the right persons sa tamang position, skills matching. PhilHealth, bakit NBI director ang naandiyan? Bakit retired military? Sa akin, kung hindi man may background sa health, ano, sector, kailangan, finance man ang naandiyan, health insurance 'yan e. Anong nangyari? Fourteen billion pesos ang nawala sa kalokohan nung nag-imbestiga kami, at katunayan, binigay ko lahat kay Secretary Guevarra yung aming committee of the whole, mga dokumento, mga testimonies, kaya may nakasakdal ngayon sa Ombudsman...
Boy: Because sa Senado.
Lacson: Because of the Senate. Anong nangyari? Hanggang ngayon, pending sa Ombudsman, ni hindi man lang umaakyat sa Sandiganbayan. Anlinaw ng mga ebidensya dun, Boy. Ito'y nakakadiscourage, sa sistema ng ating, sabihin nating governance or pulitika. Again, babalik ako dun sa sinabi ko nung una, kailangang isa lang ang standard. Hindi pupuwendeng 'pag malapit sa administration, medyo malambot. Sa akin, ako a, I've been known for this, Boy, ano? Nung Chief PNP ako, isa lang ang standard, kaya napatino ko yung pulis nun e, at tsaka leadership by example. Sinabi ko kanila, ''Wag kayong mangotong,' hindi ako tumatanggap ng pera sa jueteng, hindi ako tumatanggap ng pera dun sa mga nagtatransact ng business sa... Alam nila ito, and alam nila, I meant business. Hanggang ngayon, sa Senate, 'yan ang ginagawa ko, Boy.
Boy: Okay. Having said that, Senador, yung iyong napakaklarong enumeration ng mga pagkakamali ng how we handled COVID, mula doon sa Wuhan, yung couple, doon sa pahirapan na nagpepresentang private sector na, 'Kami na ang bibili,' putting the right people, as President, ano yung una? Ano yung una mong gagawin pagpasok na pagpasok bilang Presidente?
Lacson: Well, internal cleansing, ano, honest-to-goodness. Ginawa ko rin sa PNP ito. Hindi ka makakapagsimula sa labas e. Alam mo, publiko, susunod lang sa gobyerno. We have 1.4 million government officials. Ako, I don't mind, I don't care kung maiwanan sa gobyerno, five hundred thousand, but yung five hundred thousand, hindi yung mga nagmamanicure, hindi yung hindi nag-aattend sa mga, dumudulog sa mga complaint nila, ito dapat yung panuntunan, yung mga honest at saka yung talagang nagtatrabaho. Naging employment agency yung ating gobyerno, Boy. Alam naman natin, contractuals, ang nangyayari, hindi naman nagiging efficient ang ating serbisyo-publiko.
Boy: Categorically, are you trying to say, Senator, that the COVID-handling of this government is a failure.
Lacson: Yes. Kita naman natin resulta e. Ako, laging output ang tinitingnan ko. I'm always output-driven, even sa mga staff ko, alam nila ito. Hindi ko kayo babantayan e. Ang titingnan ko, anong resulta ng ginawa ninyo, kasi hindi naman tayo, Boy, naandiyan everyday, twenty-four hours a day para magbantay. Ang bantayan natin, yung output, yung resulta. Maski sabihin mong 'pag nakita kita...
Boy: Senator Ping, let's talk about poverty. According to the Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga walang trabaho, babalikan ko lang nang kaunti, October 2001, 3.27 million, October 2010, 2.79 million, October 2016, dalawang milyon, October 2021, 3.5 million. Ayon naman sa Social Weather Station (SWS), which means this is perception-based, third quarter of 2001, 9.3%, third quarter of 2010, 15.9%, third quarter of 2016, 10.6%, September 2021, 10% or around 2.5 million Filipinos ang nagugutom. Ang katanungan ko po, sa kasalukuyan, according to PSA, mayroon tayong 3.5 million Filipinos na walang trabaho, 2.5 million Filipinos na nagugutom, these are urgent problems, as President of the Republic of the Philippines, ano po ang inyong gagawin?
Lacson: Unang-una, ang bottom line dito, problema, corruption, 'di ba? Sa halip na magastos yung pera ng gobyerno para sa social services, livelihood, infrastructure, napupunta sa bulsa ng iilan. Okay, yung 4Ps, yung Pantawid Pampamilya, napakagandang programa, dapat ituloy ito, pero hindi pantawid, Boy, dapat pang-ahon. Hindi yung ayuda lamang for the sake of giving ayuda.
Boy: Dole outs.
Lacson: Oo, dole outs e, kasi nagkaro'n tayo ng dole out mentality, specially during elections. Nakaabang lagi yung mga botante, kung sino yung mas malakas magbigay, 'no, yun ang nahahalal. Now, yung Pantawid, balikan ko. Gawin nating Pang-ahon, meaning, bigyan mo sila ng tulong para sila'y umangat sa buhay, bigyan mo sila ng mga, icapacitate, ano, kasama yung, dapat sa programa, hindi lamang yun dole out na pangkain, kung hindi pangharness ng kanilang skills, para makaahon sila, makatawid sila dun sa kanilang kinalalagyan ngayon, at maging productive citizens, so dapat itweak 'yon, hindi lang, kasi 'pag sinabi mong pantawid, tatawid ka lang ng gutom e, pero 'pag sinabi mong pang-ahon, tutulungan mo para umangat yung kanyang katayuan sa buhay, at makapagtrabaho na siyang sarili niya, hindi na siya aasa sa gobyerno. Kung merong mga panibagong naghihirap na walang trabaho, doon natin ituon uli yung ating resources. Boy, ako, palausisa ako sa budget, ano, nakikita ko yung nasasayang na budget. Pinaestimate ko sa aking staff yung eighteen years ko na nagsuscrutinize ng budget, three hundred billion pala yung naipatipid ko sa gobyerno, 'no. Hindi ito, ngayon ko lang nasasabi 'to dahil, ano, nagkaroon kami ng isang pag-uugnayan dito na kung saan, nagkaroong pagkakataon, 'Estimate niyo nga, magkano yung mga natanggal ko, yung mga abusive na mga insertions,' umabot na pala ng three hundred billion. Ako mismo, hindi ko alam e.
Boy: Okay. I got also an estimate from Deputy Ombudsman Cyril Ramos. This is a general figure. Ang sabi niya ay ang napupunta sa kurapsyon ay twenty percent of the national budget, which is around seven hundred billion, so you can imagine what it can do to address problems of hunger and poverty.
Lacson: Boy, yun lang yung nawawala sa corruption a, yung unused. For the past ten years, 2010 hanggang 2020, alam mo magkano ang 'di nagagamit sa national budget? Three twenty-eight billion pesos per year on the average. Imagine, kung yung nagamit mo sa productive endeavors, livelihood, infrastructure, bakit hindi nagagamit? Ibang usapin ito, Boy, ano? Kasama sa plataporma namin yung budget reform. Kailangan talaga, ikalat natin sa mga kanayunan. Mahabang salaysayan 'yan, Boy, pero kasama sa plataporma namin 'yan. Hindi pupuwede yung sistema ngayon na ang budget, puro mga national government lang nagpapatupad. Wala, walang mangyayari doon.
Boy: Pag-usapan natin yung dalawang 'yon, corruption, bilang Presidente, Senador, ano ang iyong gagawin dahil laganap ito, pangalawa, meron pa namang impression ang tao, ang laymen katulad ko, halimbawa, na, 'Ay, 'pag unused budget, maganda pala 'yon.' Yun pala ay hindi. Can you please explain that.
Lacson: 'Pag unused budget, ibig sabihin, hindi mo nagamit pangsocial services, at saka pang-infrastructure, at saka livelihood. Sayang.
Boy: Dahil?
Lacson: Dahil mali ang pagpaplano e. Poor planning, hindi maimplementa, andiyan pa yung siningit na mga legislators, na hindi naman nagcocoordinate sa mga implementing agencies pa'no iimplement, at kung iimplement man, mali ang pag-implement. So, three hundred twenty-eight billion per year, imagine, Boy.
Boy: Right, and then let's go to corruption. Anong gagawin mo to address corruption?
Lacson: Boy, nagawa ko na, nung Chief PNP ako, talagang yung kotong, ineliminate ko. Nung ngayong senador ako, ginagawa ko pa rin, kaya nga marami akong kaaway e, even among legislators, fellow legislators, alam ko, asar sila sa 'kin e, kasi binabara ko yung mga insertions na alam kong hindi kayang ipatupad, or maipatupad man, mali ang pagpapatupad, dahil alam ko naman yun twenty percent e. Hindi nga ako kumukuha ng pork barrel, Boy, e, only because, alam mo, yung sa tingin ng ating mga kababayan, ang pork barrel, masama. Hindi naman masama, pero sa perception, lahat ng may pork barrel, kumukuha ng commission, kaya dinecide ko, hindi na lang ako kukuha ng pork barrel para kwentas klaras, alam nilang wala akong kumisyon.
Boy: Pero, Senador, kung hindi masama ang pork barrel, bakit hindi mo kinukuha?
Lacson: E, kasi nga, ang perception, lahat kumukuha ng...
Boy: A, because of the perception na lahat may...
Lacson: Yes, at least sa akin, kwentas klaras...
Boy: May SOP, 'ika nga.
Lacson: Yes, alam naman natin 'yan, Boy.
Boy: Oo, alam natin lahat 'yan, and naririnig natin, but alam din namin na hindi ka kumukuha ng iyong pork barrel. Mabilisan lamang, doon sa pantawid na pang-ahon na sinasabi mo, paano ang epektibong implementation ho noon?
Lacson: Well, kailangan, wala ring attendant na corruption, kasi 'yan talaga, ako, babalik at babalik tayo sa usaping kurapsyon, kasi 'yan talaga yung mula't sapul, maski noong nasa previous life ako, dun sa aking law enforcement service, 'yan talaga yung, sa tingin ko, 'yan talaga ang problema.
Boy: Okay. Senator Ping, let's go to the OFWs, the migrant Filipinos. Noong September 2019, ang estimated number of OFWs ay 2.2, ito yung estimate ng Philippine Statistics Authority. Puntahan naman natin ang mga remittances ng mga OFWs para malaman lamang natin yung kanilang contributions sa ekonomiya natin, 28.9 billion US dollars noong 2018, 30.1 billion US dollars noong 2019, 29.9 billion US dollars, 2020, 25.9 billion US dollars, October 2021. In 2018, remittances sent by OFWs accounted for eleven percent of the national GDP. Sa kabilang dako naman, Senator Ping, meron tinatawag na social cost, that's unquantifiable, that contributes, 'ika nga, to the destruction of the Filipino family. My question is kung ikaw ang mapipiling Presidente ng Pilipinas, how do you balance the economic contributions of the OFWs at itong tinatawag nating unquantifiable social cost that contributes sa pagkasira ng pamilyang Pilipino?
Lacson: Una, Boy, kailangan, may government intervention, ano? Tinatawag natin, mga bagong bayani, pero tinatrato ba natin silang bayani? 'Di ba, laging pagka, ni wala nga tayong programa sa retirement nila, halimbawa, natapos na yung contract, bumalik na sa Pilipinas. Minsan, wala tayong ayuda, wala tayong, ibig sabihin, wala tayong programa para sa kanila. Mabuti, Boy, at naipasa na yung Department, ano, of Migrant Workers. 'Yon, magandang step 'yon. Again, ang babantayan natin, implementation. Marami tayong batas na isinagawa na at ipinasa na napakagaganda. Pagdating sa implementasyon, diyan nagkakaloko-loko. So, magandang pakinggan, ano, puro platitudes. Dapat talaga, sundan ng talagang karampatang aksyon, 'no? May nakita yun, narinig tayong inaabuso na mga OFWs, 'no, yung social cost na sinasabi, yung unquantifiable, ano, diyan papasok yung government intervention. Boy, yung the world has become very small now because of the modern information or communication technology. Gamitin natin, iharness natin 'yan para masolve natin yung pangungulila, hindi lamang nung OFW, kundi yung mga naiwan dito. Diyan papasok ang government. Boy, yung GICT, ako yung nagsponsor ng budget diyan for three, four years, ano? Ang request nila, para mapaandar na yung national broadband program, meaning, mag-iimprove yung ating internet service, yung speed, ang hinihingi lang nila, eighteen billion pesos additional. Ako yung nagsponsor. Anong binigay ng national government? Two billion. Ang sabi nila, 'Walang mangyayari, kasi gusto namin, buuin na yung national broadband,' yung mismong highway, at mag-iimprove yung internet speed. Wala tayong ganun, Boy, e. R&D, research and development, alam mo ba, sa national budget, kung magkano lang nilalagak natin? 0.4 percent. 'Di ba puwedeng paabutin... Kaya tayo import nang import. Alam mo, Boy, yung ating research and development, Google. Tuwing may kailangan tayo, maggoo-Google, magshoshopping, e, andami natin mga ang galing na mga Pilipino na nangingibang bansa ta's binibili natin yung kanilang mga inventions doon pabalik sa Pilipinas. E, kung tinutulungan natin, dinagdagan natin yung R&D budget natin, paabutin man lang natin initially ng one percent, two percent. R&D, Boy, 'yan ang magbubuhay sa atin kasi pati manufacturing sector natin, mabubuhay diyan. Tayo ang magbebenta, hindi tayo ang bibili. Mali talaga yung mga polisiya, napakamali.
Boy. Okay. Senator, I wanted you to comment on this particular opinion, itong bagong bayani ay napakaganda naman dahil tunay naman talaga na bagong bayani ang ating mga OFWs dahil sa laki ng tulong na ibinibigay nila sa ating ekonomiya, but some people would claim na itong bagong bayani, normalizes the risks, you know, na pinagdadaanan ng ating mga OFWs abroad, and also it downplays the very reason as to why they went abroad, walang trabaho dito sa Pilipinas, so it romanticizes, itong pagtawag natin sa bagong bayani, aside from the fact na sinasabi niyo nga, tinatrato ba natin silang bagong bayani, but it also has that effect na nanonormal na yung, 'A, okay, kahit delikado ang buhay doon sa abroad, okay lang, kasi bagong bayani ka,' at pangalawa nga, yung nadodownplay yung, 'Bakit ka ba nag-abroad?' 'Di ba? Is it a choice, or talagang kailangang-kailangan?
Lacson: Kailangan kaysa sa choice e. Ganun actually, so babalik uli tayo. Gawin natin, sa halip na iexport natin yung labor, tulungan ng gobyerno. Kulang ayuda talaga ng gobyerno para mapromote yung ating lokal na mga industriya, manufacturing. MSMEs, ano? 99.5% 'yan ng kabuuan ng mga industries natin. Nung tinamaan ng pandemya, ang nawalang trabaho, 63.2% niyan, yun ang tinamaan. Anong ayuda binigay ng gobyerno? 'Di ba dapat meron tayong mga physical incentives, may mga, yung mga loans, kailangan, medyo tulungan ng gobyernong, para maextend yung kanilang mga, o kaya, mag-extend ng loans from the financial institution, LBP, o yung DBP, yung mga government banks. 'Di ba dapat may aksyon na gano'n?
Boy: At napakarami nang umuwi dahil nadisplace sa ibang bayan.
Lacson: Correct, correct, Boy. Lalong napadagdag pa, tama, oo.
Boy: Napakarami. Oo, napakarami, at saka ang isa pang epekto nito ay may negative effect nga, 'ika nga, ang influence nito sa educational aspirations din ng mga Pinoy. I'd like you to listen to this, Senator. May mga doktor na willing to be nurses. May mga guro, nagbebenta sa...
Lacson: Nagdomestic...
Boy: Nagdodomestic, o nagnananny. Hindi masama. Ang sinasabi natin, what happened to our educational aspirations?
Lacson: Ayan, kaya ang problema, Boy, everything boils down to government. Alam mo sinusunod kong panuntunan? The number one problem of our country is government, and the solution stares us right in the face of the problem itself. Government din ang solution, Boy, kasi for the longest time, talagang gobyerno lahat ang nagdadala e. Gobyerno ang problema, gobyerno ang solution, kaya sabi...
Boy: Let's go to social media, pero sa social media, Senador, ang pag-usapan natin ay cyber pornography. Noong 2021 year-in-review report, yung Pornhub, isang online adult video streaming website...
Lacson: Number one.
Boy: Sabi dito, ang mga Pinoy spend eleven minutes and thirty seconds watching porn, making the Philippines number one, over Japan and France. Some of the known social media sites, Twitter, Snapchat, meron mga Facebook groups ngayon na ginagamit bilang alternative porn sites. There is this young songwriter-singer, Billie Eilish, kuwento siya, eleven years old siya, una siyang naexpose sa porn, hanggang naaddict siya doon. Ang akala niya ay to be normal, you had to hook up and have multiple sex partners, violent ang sex, kasi yun ang kanyang napapanood, but in her own words, sabi niya, 'Porn destroyed my brain. I was devastated. I had nightmares and suffered from sleep paralysis. My mental health was damaged.' Of course, ngayon, siya'y twenty years old, and she is on her way to recovery. Ang aking tanong ay hypothetical. Nalaman at naconfirm mo, Senator Ping, na ang iyong menor de edad na anak ay addicted sa cyber porn. Bilang magulang, ano ang gagawin mo, at paano mo ito itatawid, itong kaalaman bilang magulang, sa polisiya bilang Presidente, on the welfare and protection of children?
Lacson: Kung dun sa unang sitwasyon, ano, bilang magulang, ako, I will seek the help of expert, ano, psychiatrist, kasi, alam mo, 'di ba, ang education system natin, ang basic, nagsisimula sa tahanan e, pero dahil nga sa katayuan natin sa buhay, minsan, wala yung tatay, wala yung nanay, nagtatrabaho, napapabayaan yung mga bata. Ngayon, 'pag umabot sa ganung punto, dapat talaga, we seek the help of experts. Sila mas nakakaalam e. Tayo, we can only give guidance as parents, pero dapat ipaubaya natin sa mga eksperto. Ngayon, sa malaki, larger picture, ganun din. Dapat meron tayong ahensya ng gobyerno na nakatutok dito, kasi hindi na biru-biro itong problema, na number one nga yung Pornhub sa Pilipinas, ano, so hindi ba dapat may alarm bell na ito sa ating mga awtoridad, na, 'Hey, gumawa tayo ng paraan,' magpull tayo ng ating mga resources, kunin natin yung mga eksperto sa field, pag-aralan natin, bakit ganito yung naging situation. Marami tuloy namomolestiya, marami tuloy mga kabataan, napapariwara ang buhay, so dapat proactive. Ang problema sa 'tin, sobra tayong reactive, Boy, mapaano pa mang problema. Naandiyan na yung problema bago tayo tumutugon. Mas maganda talaga yung unahan natin. We learn from the mistakes sa ibang bansa, 'no? Balik tayo, sa COVID, nanggaling sa ibang bansa e, Omicron, nanggaling sa ibang... Ba't hindi natin naanticipate? Alam naman natin. Ba't wala tayong ginagawa? Balik at balik tayo dun sa dapat yung leader, proactive mag-isip, hindi yung kung ano yung darating, saka mo lang tutugunan. Yun ang isang napakalaking pagkakamali ng ating mga leaders.
Boy: Sa'n nanggagaling 'yan, Senator Lacson? You've been talking about being proactive. Yung mindset na 'yan, sa 'yong palagay, bakit tayo nag-aantay lang? Bakit tayo nag-aantay na dumating bago tayo umaksyon?
Lacson: Naging kultura na, Boy, e, dahil nakagawian na.
Boy: Naging cultural ito.
Lacson: Yes, dapat baguhin natin yung mindset natin, sa gobyerno man, o sa pangkaraniwang mamamayan...
Boy: How?
Lacson: Well, diyan papasok na nga talaga yung intervention ng gobyerno, na 'pag meron tayong nakitang potentially lalaking problema, tulad yung Pornhub, 'di ba dapat ngayon, meron na tayong ginagawa? May ginagawa ba yung gobyerno, patungkol diyan sa binanggit mong istorya, o yung istatistika na yung Pornhub, number one? Alam natin lahat 'yan. May narinig ka bang move ang government, to at least prevent para lalo magproliferate or maistop? Hanggang ngayon, wala, Boy.
Boy: Yeah, that's part of social media, that's the internet, pero puntahan ko muna yung first point mo, Senador, yung as a parent, ako'y kokonsulta sa expert. Easier said than done. May mga magulang, hindi lahat, pero may mga magulang, nahihiya, natatakot. What do you tell them?
Lacson: Well, dapat bago lumaki yung problema, dapat tugunan na nila. Dito rin papasok yung mga intervention ng mga local government units, yung mga social workers, hindi ba, kasi wala, may disconnect between the government, whether ito'y local o national, at saka yung ating citizenry, kasi nga over time, nawala yung respeto, Boy, nawala yung tiwala...
Boy: Ng tao sa?
Lacson: Sa ating gobyerno. Yun ang dapat nating ibalik. Let's restore the trust, the respect, of our people, sa gobyerno. Without that trust, wala, anlaki ng disconnect, Boy. Pa'no mo magagain yung trust? It cannot be demanded. It should be earned. Ipakita ng gobyerno that it can lead and live by example. E, sino yung nagrerepresenta ng gobyerno? Yung mga leaders sa pamumuno ng Presidente mismo. Ang problema nga e, kung anong dinatnan na kalakaran, yun na rin ang tinutuloy. Wala nang gustong mag-isip.
Boy: Mm-hmm. Ang leadership style that you subscribe to is?
Lacson: Strong will, isa lang yung standard, tapos first and foremost, there's no substitute to this, Boy, leadership by example. Sabi ko nga, Boy, e, papa'no ko napahinto yung kotong cops, kasi alam nilang hindi ako tumatanggap e. Sabihin nila, 'E, ikaw, milyon nga tinatanggap mo sa jueteng, kami, pagbabawalan mong tumanggap ng one hundred pesos sa daan? Susundin ba kita?' Why was I successful in eliminating the kotong cops? Because they knew na pinaglabanan... Diyan nga kami nagkaro'n ng problema ni President Erap no'n, 'di ba? Earlier on, May 1998, tandang-tanda ko 'yon, we were discussing in his residence, ano, hindi pa siya nakatake oath.
Boy: Legalizing.
Lacson: Hindi lang legalizing. Tolerate, because ang unang sinabi niya sa 'kin, 'Anlaki ng utang na loob natin sa mga governors, mayors na tumulong sa atin, pagbigyan naman natin. Wala na silang pagkukunan. Bangkarote ang mamanahin nating gobyerno kay President Ramos. 'Yan lang ang puwede nating maitulong.' Sabi ko, 'Sir,' eto exact words a, 'Presidente ka na. Larong lupa 'yan. Diyan ka, Sir, madidisgrasya, sasabog tayo diyan.' True enough, prophetic. Boy, sa'n ba nagsimula yung downfall?
Boy: Senator Ping, let's go to abortion, pero specifically, rape-related abortion. Ito yung data mula sa Philippine Safe Abortion Advocacy Network at EnGendeRights, Inc., one Filipino woman and girl is raped every seventy-five minutes, about one in every eight Filipino women, who resorts to abortion, is a rape survivor, seventy women induce abortion every hour, complications from unsafe abortion is one of the five leading causes of maternal death and a leading cause of hospitalization in the Philippines, 2012 alone, six hundred ten Filipino women induced abortion, over a hundred thousand women were hospitalized and a thousand women died because of unsafe abortion complications, kasi wala ngang access to safe abortion in the country, at least three women die everyday from unsafe abortion complications. Katanungan namin, Senador Ping, kung ikaw ang magiging Presidente ng Pilipinas, do you think it is time to enact a law on abortion that would allow pregnant rape victims the choice of legal and safe abortion?
Lacson: Boy, I'll be honest, ano, I don't think I'm prepared to answer that, ano, kasi lacking ako ng data. Kailangan, malaman natin, ano yung far-reaching implication, 'no, dun sa babaeng narape at hindi puwedeng magpaabort, ano yung naging consequence, long-term a, hindi lang yung short-term. Kailangan, pag-aralan natin ito base sa mga datos na available. Kailangan, pag-aralan ito base sa mga pakikipag-ugnayan, pagkonsulta sa mga eksperto, mga psychologist, at kung sinu-sino pa, kaya ang sagot ko nga, initially, I don't think I'm prepared to make a decision, even as we speak now, yung tungkol sa bagay na 'yan.
Boy: Pagkuwentuhan lang natin, kasi ngayon, sa ating bayan, wala tayong batas on abortion but there's such a thing as therapeutic abortion, meaning, na ang mga doktor, halimbawa, doctors in the process of delivering a baby at nasa peligro ang buhay ng nanay, to save the mother, the mother's life, at ang unfortunate happenstance is fetal abortion, ay hindi ito kawsa para iprosecute ang mga doctors. That's what we have today, oo. Wala tayong pormal na batas, pero ito'y yung therapeutic abortion, pero let's go personal, Senator, rape victim, nabuntis dahil sa tatay, dahil sa, there was this story, isang doktor, siya'y pinaaral ng isang sponsor, nirape siya, a woman with dwarfism ay nabuntis, may mga bata, twelve years old, nabubuntis dahil ginahasa ng kapitbahay, on the personal level, let's not go policy, on the personal level, ano sa palagay mo ang gagawin mo?
Lacson: Sa personal level, sa tingin ko, 'wag iabort, pero mag-intervene ang government kung papa'nong mapapalaki yung bata at papa'nong mawawala yun trauma dun sa nanay. Maybe, with some government intervention, na choice nung bata kung gusto niyang akuin yung kanyang anak or ipaubaya sa isang social services institution, ano, na kung saan, lalaki nang matino ang bata, pero wala sa kargo ng kanyang magulang. I think they should be, initially, on a personal level, because, you know...
Boy: Bago aralin nga ng mga experts na sinasabi mo.
Lacson: Yes, yes, pero dapat, initially, yun ang aking, sabihin nating, instinctive na reponse sa tanong mo, Boy, ano, dahil sa akin, ang bottom line, an unborn child, buhay pa rin 'yan e, 'di ba? Tumitibok na 'yan e. No matter the consequences, or no matter the circumstances behind yung bakit nabuo yung bata na 'yon, e, dapat yun ang tingnan natin, yun ang pinakabottom line sa 'kin, but then there's so many, maraming mga scenarios na puwede nating, sabi mo nga, yung choice between the life of the mother and the child, sa akin, ang response ko do'n, it should be their choice, kasi kung gusto nila iligtas yung, maraming ganyang situation, Boy, a, ang pinapipili, yung pamilya mismo, sinong gustong iligtas, kasi definitely, mamamatay yung isa sa kanila.
Boy: Ang nanay o ang bata.
Lacson: Sa akin, ibigay yung choice sa pamilya, kasi kanilang choice 'yon, kung sino ililigtas, kung sino yung...
Boy: Itong opinyon na ito, Senador, may kinalaman ba ito sa iyong relihiyon, sa ating relihiyon?
Lacson: Sa...
Boy: In faith.
Lacson: Sa aking ina, sa aking ina na talagang napakarelihiyosa, na natatandaan ko, akay-akay kaming magkakapatid, basta't Linggo, without fail, pupunta't pupunta kami sa simbahan dun sa Imus.
Boy: Na napakagandang simbahan. Ito'y napapag-usapan lamang globally kasi ay iba't iba ang pamantayan, may mga bayan na request lamang ng babae, puwede ang abortion, meron naman, extreme cases ay pinapayagan, iba-iba, iba-iba ang debate nila doon. Alam mo naman siguro, Senador, halimbawa, sa America, 'pag democrat ka, alam mo yung pro-choice, sa kabila naman ay pro-life, so, siguro, maaari ito, 'pag ika'y naging Presidente ay aralin, kung ano ang pananaw, the best, you know, opinions, ideas, from countries around the world.
Lacson: Estados Unidos nga lang, iba-ibang states, iba-iba yung batas nila tungkol sa abortion e.
Boy: Mm-mm. Narinig ko na sa ibang bansa, depende kung gaano, ilang buwan, isang trimester, may mga gano'n, na kinokonsidera nila na may buhay na, so iba-iba, there are peculiarities, I think, which are also culture-based, oo, pero bottom line, ang iyong stand, Senador, ay?
Lacson: Yung buhay ng unborn child, buhay yun e, Boy, kaya lang, napakarami ngang mga variations na dapat pag-aralan natin.
Boy: Okay. Mula abortion, punta tayo sa drugs. I will read a quote from the President, President Duterte, 'I feel so bad about all of these things kasi nalaman ko, paano ko makontrol in three to six months? Ang mga generals na pulis, nandiyan, tapos yung mga Bureau of Customs na inaasahan ko, PI, nasa droga. How will I succeed? E, nasa droga, alam ko na nagkamali ako, nagkamali talaga ako. Now, magtanong kayo, ang Pilipinas, are we or are we not a narco-country? Yes we are. Sabi ko, tama yung silang mga kritiko ko, 'E, sabi mo, noong nag-Presidente ka, three to six months.' Hindi ko alam. Pagpasok ko, e, Davao lang kasi ako, so ang template ko, Davao. May droga, pero sabi ko, maglaro ka doon, patay ka talaga. Give me another six months. That self-imposed time of three to six months, well, I did not realize how severe and how serious the problem of drug menace in the Republic until I became President.' Ang aking katanungan, Senator Ping, you are applying to be the President of the country, how much do you know about illegal drugs in this country? Gaano kalala ito? Are we or are we not a narco-country? Depende sa iyong kaalaman tungkol sa problema ng illegal drugs, ano ang programa mo laban dito?
Lacson: I don't think we have reached that point, ano, na narco...
Boy: Being a narco-country.
Lacson: Yeah, hindi. Hindi pa tayo Mexico, hindi tayo Colombia. Napakalayo pa, Boy, ano, kaya lang, he ran on a platform of, you know, anti-illegal drugs, and do'n siya nanalo, sa kanyang plataporma. Ang mali niyang ginawa kasi, ba't siya nagself-impose deadline? Alam naman natin, yung drug problem is here to stay. Mahirap sabihing zero. Anyway, sa aking programa, ang isang pagkakamali na nakita ko sa pagpapatupad ng anti-illegal drug campaign ng gobyernong ito, nafocus sa law enforcement, Boy. Nakalimutan yung prevention, nakalimutan yung rehabilitation. Matagal namin pinag-usapan ni Senate President Sotto ito, at katunayan, sa usapan namin, kung kaming dalawa ang parehong papalarin, he will handle, ano, being Vice President, sabi niya, 'Iwanan mo sa 'kin 'yang illegal drugs. Alam na alam ko 'yan,' because he was once the Dangerous Drugs Board chairman, and siya yung nag-author ng Dangerous Drugs Act, 'no, pati yung mga amendatory laws, nandiyan siya lagi, at naniniwala ako sa kanya. Sabi niya, sobra sa law enforcement, kulang sa prevention, yung demand reduction at saka yung supply reduction. Sa'n ba nanggagaling yung drugs, Boy? Sa Customs. Nakakahuli tayo ng sampung kilo, isandaang kilo na, sabihin natin. Ilan yun lumalabas sa Customs? Tonelada. Valenzuela, yung, napakaraming gan'tong situation, ang nahuhuli ng mga operatives natin, yung mga nakalusot na, pero yung nasa labas na, 'no, at tsaka yun lang nasundan nila. Ilan yung mga hindi nila nahuli? Again, corruption. Wala tayo, kaya nga ako, I'm always battling for, advocating for digitalization of all government processes. Nagpasa tayo ng batas, Customs Modernization and Tariff Act, kasama ng computerization, dapat automation. Ang nangyayari, ayaw mag-automate, kasi mawawala yung human intervention. Bakit may human intervention? Kasi may lagayan. Iautomate natin 'yan. Bakit ang record ng China, ng South Korea, ng Japan, ng US, yung export record nila, sa kanila? 'Pag sinabing sampung bilyon ang naexport nila sa Pilipinas, pagdating sa record natin, ang import record natin, wala pang limang bilyon, dollars. Bakit? Misdeclaration. Ayaw natin, sila, automated, tayo, hindi automated.
Boy: Misdeclaration, at ito'y napupunta saan?
Lacson: Sa bulsa, kasi 'pag nakatawad sa tax, sa'n pupunta yung dapat na bawas, o yung bahagi ng nabawas? Sa bulsa ng mga corrupt na Customs officials. Bakit ayaw nating mag-automate? Ako, sa kasama sa plataporma namin, Boy, digitalization of all government processes. Wala nang human intervention.
Boy: Okay. Senator, doon sa prevention, how do you intend to do it?
Lacson: Well, education, information. Alam mo, nung panahon ni President Erap, nagpapunta kami rito ng mga Los Angeles police, at tinuruan yung mga pulis natin para pumunta sa mga eskuwelahan, mga elementary students ito, sila yun naglelecture para, hindi naman kasama sa, anong masamang epekto ng drugs, so earlier on, sa murang kaisipan, namumulat sila. Meron silang mga visual aids, ano, kung saan, 'Eto yung kahihinatnan ninyo kapagka yun nalulong sa droga,' so nakatanim sa isip ng mga kabataan 'yon. Sayang, hindi natuloy. Ang tawag namin do'n, DARE, yung...
Boy: Naalala ko 'yon. Did it work?
Lacson: Yeah, it worked at that time, kasi tumaas pa yung pagtingin ng ating mga kabataan, ng mga estudyante, pati mga magulang sa pulis. Imagine, yun pulis mismo, nakauniporme ta's naglelecture na eto yung... E, 'di ba, over time, Boy, parang nabuo na sa kaisipan ng mga kababayan natin, 'E, pulis nga yung involved sa drugs e,' at noong nagsimula yung illegal drugs campaign ni Pangulong Duterte, alam mo yun nalaman namin, kaya andaming natokhang, yung mga runner ng mga pulis yung mga unang napatay. Nangyari ito, aktwal, Boy, sa isang pagdinig namin sa Antipolo, umiiyak yung mga magulang, 'Pinatay nila ang anak ko. Ang pumatay sa anak ko, 'yan yung alam ko na nag-uutos sa anak ko na maging runner nung mga drugs na nirecycle.' Nahuli ng pulis, sa halip na ibigay yung buong, yung ebidensiya, binabawasan. Boy, during my time, PACC kami no'n...
Boy: I was about to say that, during your time...
Lacson: Yes. Thirty million, thirty thousand, thirty kilograms, pinakamalaki at that time, ano, yun nakuha namin. Ako, literally, I slept with that evidence.
Boy: Because?
Lacson: E, baka mapilfer e. Dinalaw nga ako nina ano no'n, nina, tatlo e, tatlo yung mga, sina Julie Abdasa and two other...
Boy: Para?
Lacson: Hindi. Tinanong, kasi malaking issue yun e, pinakamalaking huli, tinatanong, inimbestigahan nila, 'General, nasa'n ho yung nahuli niyo? Baka ho napipilfer.'
Boy: Senator, let's talk about Philippine debt, utang. I'd like you to listen to these data from the Bureau of the Treasury. Nang matapos ang termino ni President Erap, ang utang ng Pilipinas ay 2.6 trillion pesos. Pagkatapos ng termino ni President Arroyo, umakyat ito to 5.1 trillion pesos. Umabot sa 6.5 trillion pesos nang matapos ang term ni President Aquino. As of end November 2021, ngayong administrasyong Duterte, total Philippine debt is 11.93 trillion pesos. Naririnig ko ito madalas, na ang bata, hindi pa ipinapanganak, ang bata ay nagbabayad na ng utang. My question is kung ikaw ang papalaring manalo bilang Presidente ng Pilipinas, how do you intend to pay our national debt.
Lacson: Ibalance yung budget, meaning, kung ano lang yung pangangailangan para umandar yung ating ekonomiya, makapagbigay tayo ng social services, ng livelihood, yun lang dapat. Alam mo, taun-taon, bakit tayo akyat nang akyat ng ating national budget? Nasa five trillion na tayo ngayon. Alam mo, noong unang budget year ni Pangulong Arroyo, natandaan ko 'yon, nung 2001, alam mo magkano lang national budget natin? Eight hundred billion pesos, naging one trillion, naging 1.4, naging 1.9, abot na ng five trillion. Boy, gumala tayo. Umuwi ka ng Borongan, mag-Bailan ka, commensurate ba sa itinaas ng budget natin yung nakita mo sa kapaligiran, sa kabuhayan ng ating mga kababayan? Hindi. Bakit? Nasasayang, nananakaw, sa corruption, so sa 'kin, ang unang gagawin ko, ibalance yung budget. How? Alam na natin na three hundred twenty-eight billion pesos on the average per year ang hindi nagagamit. E, 'di unang, kaltasin na muna natin yun, nang sa ganun, mabalance yung ating budget, kung ano yung pangangailangan, yun lang dapat, and then alisin natin yun mga wastage, yung mga leakages, ano? Dalawa tama natin e, expenditure side, revenue side, andaming leakages sa pagkolekta ng revenues, andaming leakages sa paggastos ng kaban ng bayan. Dapat ibalanse, kaya nga yun sa budget reform na sinasabi ko, Boy, dapat zero-based tayo, parang big corporations. Alam mo tayo, budget ceiling e. Sabihin ng DBM, 'Eto yung budget ceiling ng DPWH, hanggang six hundred billion kayo so 'yan ang isubmit niyo.' Ano gagawin ng DPWH, and the other agencies? Well, 'Taasan pa natin nang kaunti,' kasi tatawad pa 'yan. Kulang sa planning. Magzero-based tayo. Ijustify niyo lahat yung pagkakagastos niyo diyan, lahat ng mga, tawag natin diyan, PPAs, ano, Programs, Projects, Activities, ijustify mo lahat. Hindi tayo aabot ng five trillion, so judicious spending, tapos, again, babalik na naman ako, corruption. Alam mo, si Lolo Narding, 'di ba, nakulong nang ilang araw, sampung araw, nagnakaw ng mangga. Yung mga nagnakaw ng milyones, at tuloy na nagnanakaw, nasa'n sila ngayon? May mga police escorts, VIP, pero mga magnanakaw.
Boy: Anong gagawin mo sa kanila?
Lacson: E, dapat ikulong e. Walang nakukulong e. May nakulong na ba? May nakulong, pero, wala.
Boy: And when you become President, Senator Ping, iisa-isahin mo 'yan? Kasi kilala naman natin 'yan e.
Lacson: On one standard. Yes. Ako, alam mo, eto a, ito, personal na ito, Boy, ano? Sisimulan ko 'yan dun sa alam kong walang magrereklamo, walang magkukuwestiyon...
Boy: Walang kaduda-duda, 'ika nga.
Lacson: Oo. Yung, pa'no 'pag sinabi, 'Pulitika 'yan.' Sisimulan ko 'yan yun sa alam kong talamak na kilalang-kilalang magnanakaw, 'yan ang sample muna. Ke kapartido mo, ke hindi, 'yan ang unahin mo, and see its logical conclusion.
Boy: Anong gagawin mo, korte kaagad ba ito?
Lacson: Hindi, may due process, Boy, e.
Boy: Maicocorrect.
Lacson: Patibayin, siyempre, kasi ang DOJ...
Boy: You go through the judicial process.
Lacson: Yes, pero kailangan, patibayin yung ebidensiya, at tapos dapat talaga, ipamukha dun sa, maski sa, alam mo, malaki naman yung koordinasyon between the executive, legislative, at saka yung judiciary. E, 'di ba, karamihan, Boy, ang nakikiusap pa nga na maligtas yung isang mambabatas, minsan, nanggagaling pa sa executive e. Kinakausap yung huwes.
Boy: And that's sad.
Lacson: Ha?
Boy: And that's very sad.
Lacson: That's very sad, kaya nga icinocompare ko nga si Lolo Narding, nakulong nang, alam mo, yung the ordinary thieves, they get the whip surely and fast, pero yung mga big time na mga thieves, 'no, ito yung big and powerful, they stayed big, they stayed powerful. It won't work that way, Boy. Maniwala ka sa 'kin.
Boy: So, Senador, pagkatapos mo samplean, samplean, 'ika nga, yung big time, yung siguradong-sigurado, alam ng lahat, alam mo na talamak na corrupt...
Lacson: Walang magrereklamo, walang magkukuwestiyon.
Boy: Walang magrereklamo, what is next? What do you do next?
Lacson: Well, sustain. Hindi pupuwedeng 'pag natapos...
Boy: Isusustain mo 'yan.
Lacson: Yes. Ginawa ko sa PNP 'yan, Boy. Ganyan ang ginawa ko e. Ilan yun napadismiss ko? Four months lang, nacorrect ko yung PNP e, kasi tinanong din ako ng media nun sa Crame e, nung nag-assume ako, 'General, anong nakita niyong pinakamalaking problema ng PNP?' Ambilis ng sagot ko, Boy, 'PNP,' kaya internal cleansing kaagad e. Ganun din sa national government, massive talaga, sustained na internal cleansing, kasi everything starts with government, everything ends with government. There's no other way, Boy. Let's not look at society, let's not look at the public.
Boy: Let's look at?
Lacson: Ourselves. Again, balik na naman ako sa original ano ko, leadership by example, it's second to none. Kung hindi ka marunong maglead by example, walang susunod sa iyo, kasi double ang standard mo.
Boy: I hear you, Senator. Let's go to the West Philippine Sea. 'Pag pinag-uusapan ang WPS, ang West Philippine Sea, Scarborough Shoal, o Panatag, Bajo de Masinloc, at part of the Spratly Islands, this is a northeastern part of the Spratly Islands, ang Kalayaan Island Group, ang atin, pero inaangkin ito ng Tsina. Sa Subi, Zamora Reef at Mischief, Panganiban, ayon sa aming research, nagtayo na dito ang Tsina ng mga hangars, underground storage, missile shelters, radar arrays, and other facilities. July 12, 2016, naglabas ng desisyon ang Permanent Court of Arbitration, pabor sa Pilipinas sa issue ng West Philippine Sea. In other words, ang sinasabi ng korte, atin ang West Philippine Sea, pero patuloy pa rin na inaangkin ng Tsina. Tuloy pa rin tayo ng pagfifile ng mga diplomatic protests. As of December 2021, we have filed two hundred forty-one diplomatic protests, sinasagot naman tayo, one hundred fifty-two responses ang ating natanggap. Ang aking katanungan, as President of the Republic of the Philippines, Senador Ping, you are also the chief architect of foreign policy, if all diplomatic efforts fail, bilang Presidente, do you think the Philippines is strong enough and prepared to fight a defensive war against China to protect our territorial sovereignty?
Lacson: No. That's the reason why we have to strengthen our alliances, Boy, with the equally militarily strong countries like the United States, European Union countries, Australia. Ito'y may mga sariling interest...
Boy: Sa South China Sea.
Lacson: Sa South China Sea, sa West Philippine Sea, ayokong tawaging South China Sea yun.
Boy: No, yung pagdaan lamang po, Senador, noong 5.3 trillion trade ng Australia, America, at ibang bayan. Go ahead.
Lacson: Yes, yes, yeah. Okay. Kasi hindi natin kaya talaga. Very weak tayo militarily so we strengthen our alliances. Meron tayong weapons sa arsenal natin na hindi natin natatap, mutual defense treaty, nandiyan 'yan. An assault on a public vessel of either country, assault 'yon sa sovereignty nung parties, ano, both parties, so ba't hindi natin nahaharness? So, sa akin, balance of power sa West Philippine Sea. Nagpunta 'ko ng Pag-asa Island, Boy, ano, tapos kausap ko yun, nabrief ako noong WestCom Commander. Sinubukan ng Amerika, American warship ito, sabi niya, na sinubukang pumasok talaga dun sa lugar na, yung pinipilit ng Tsina na, 'Amin 'yan, walang makakapasok.' Alam mo, nung chinallenge sila, ang sinabi lang nung captain nung warship, 'The right of innocent passage.' Hindi sila ginalaw. Ibig sabihin, hindi nila kaya yung barko ng Amerika, na iwater cannon, o kaya iattack, kasi may paglalagyan din sila, so balance of power, Boy. Ang gagamitin natin, yun tinatawag na, kasi ang foreign policy also is anchored on national interest, cannot be denied, may national interest sila diyan e, unang-una, freedom of navigation. 'Pag kinontrol ng China, mawawala yung freedom of navigation. Second, trade, 'no? Sabi mo nga, Boy, eleven to twelve percent ng international trade, dumadaan diyan. Apektado sila so may national interest. Kung ako, Boy, gagawin ko, yung mga fishermen natin na nawalan ng hanapbuhay, one thousand five hundred, ayaw nang mangisda ro'n, kaya tayo umiimport ng galunggong e, galing din sa West Philippine Sea 'yon. Ang gagawin ko, paeescortan ko ng Philippine Coast Guard, marami na tayong mga bagong barko, yung Philippine Coast Guard, yung ating mga fishermen, pero tatawag ako ng joint military exercises with either Australia, US. Willing sila, Boy, so hindi lang tayo nakaescort, pero sa pamamagitan ng joint military exercises, meron tayong kaagapay, hanggang sa masanay na, tingnan ko kung bombahin ng Tsina 'yon, tingnan ko kung iram yung bangka ng ating mga fishermen, kung meron nakaagapay na Philippine Coast Guard, tapos may joint military exercise. Maski isang linggo, dalawang linggo, papalit-palit lang. Ito, top of mind ito, Boy, a, dahil there's no other way e. Alam mo ang nawala sa atin diyan? Anlaki. 'Pag tiningnan mo statistics ng isdang nawala sa atin, yung aquatic resources, sa West Philippine Sea, at nawalan ng hanapbuhay ang ating mga mangingisda, magigimbal ka, Boy. Kikilabutan ka. Atin 'yan e.
Boy: Senator Ping, ano ang halaga noong desisyon ng arbitral court?
Lacson: Napakahalaga kasi permanent 'yan e, although hindi enforceable, 'yun ang problema. Hindi 'yan ang implementable, but that is permanent. It's unapplicable.
Boy: Some of the critics of the decisions say na, 'Ad hoc panel lamang ho ito, ito...'
Lacson: A, hindi, permanent 'yan decision na 'yan e. Alam mo, pinag-aralan ko 'yan, Boy, noong lumabas yung...
Boy: So, that's very important.
Lacson: Yeah, very important. Pinag-aralan ko 'yan e. Hindi 'yan nareresolve ng giyera, yung decision ng arbitral, sa arbitral ruling. Nareresolve 'yan sa, para magcomply yung losing party, sa pamamagitan ng international pressure, hindi ng giyera.
Boy: Ito ang alliances na sinasabi mo.
Lacson: Yes.
Boy: Because China didn't cooperate. They were invited to join the arbitration. Sabi nila, 'Hindi, you are legally infirm, your allegations are not acceptable.'
Lacson: Well, that's their opinion, pero ito, permanent ito e.
Boy: 'And you did not exhaust bilateral negotiations. Gusto namin, bilateral. Ayaw namin ng korte,' so, with, you know, China's a superpower, we're a small country, sa pag-uusap, Senador, how do you deal with somebody like China?
Lacson: Well, tayo, kasi nasa Constitution natin, independent foreign policy tayo e. We cannot be for or against any country, specially China, nasa Asia rin e, pero yun nga e, kung ginagamitan tayong pambubully, well, humanap tayo ng ibang paraan para nang sa gano'n...
Boy: And you think we're bullied by China.
Lacson: Oh, we've always been bullied. E, kami lang e, Pilipino 'ko, Senador ako, pumunta 'ko ng Pag-asa. Nung papunta na kami dun, chinachallenge kami, 'Avoid possible misjudgment,' ibig sabihin, 'Puwede namin kayong bombahin.'
Boy: Sinabihan kayo.
Lacson: Yung piloto, naririnig namin e. Alam mo ang nasa isip ko no'n? 'Mamatay na kung mamatay, kasi kahiya-hiya naman na aatras ako dahil nachallenge ako, e atin 'to.' Yung Pag-asa Island, that's the only barangay of the Kalayaan Town, 'no, Municipality, na under the probinsiya ng Palawan, 'no? Ito lang yung inhabited. There are only hundred ninety-three souls, living souls, in that island.
Boy: Maraming salamat, Senador. Our tenth question, let's talk about Presidential qualifications. You are, again, applying to be President of the Republic of the Philippines. It's a complex job. It's a gargantuan job, 'ika nga. Nilista namin ang ilan lamang sa mga gawain ng Presidente para lamang malaman ng ating mga kababayan kung gaano kacomplex ang trabaho ng isang Pangulo. Head of government, chief architect of foreign policy, commander-in-chief of the Armed Forces of the Philippines, signs budgets, manages finance, appoints justices, of course, recommended by the Judicial and Bar Council, confers the National Artist Award, manages disasters and pandemic, fights drug wars, head of his/her political party, has power over aliens, power of eminent domain, practices general supervision over local governments, and pardons convicts. Ganun ho kadaunting yung trabaho ng isang Pangulo. Samantala, sa ating Saligang Batas, Article Seven, Section Two, of the 1987 Constitution, ang qualifications para maging isang Presidente ay ang mga sumusunod, natural-born Filipino, registered voter, must be able to read and write, forty years of age at the day of the election, must have resided in the Philippines ten years before the election is held. You are one of the candidates for the Presidency of this country. Sa iyong opinyon, Senator Ping, napapanahon na ba para amyendahan ang provision na ito sa Saligang Batas, oo, hindi, bakit?
Lacson: Siguro, dapat baguhin yung qualifications, yung basic, dapat baguhin. Itaas natin kasi 'pag nag-apply ka ng trabaho, Boy, 'di ba, katakut-takot yung pagdadaanan mo. E, ito, sabi mo nga, very daunting, ano, yung mga dapat gawin. Hindi lang daunting yung mga dapat gawin kundi yung hinaharap natin problema sa ngayon, lalo't sa pandemya, lalong daunting 'yon, so, tapos bibigyan mo lang ng natural-born, at least forty years of age, pagkatapos, able to read and write, tapos, 'yon. Parang hindi tugma do'n sa sign of the times, 'ika nga, na yung ordinaryong nag-aapply ng trabaho, mas mataas pa yung qualification na hinihingi kaysa sa nag-aapply ng Presidente, but, of course, bottom line is it's up to the people to decide e. Siguro, dun na ang nakaanchor kung bakit napakabasic yung qualification, dahil, 'di ba, yung vox populi, 'di ba, vox Dei, so at the end of the day, tao naman yung magdedecide. Ito na nga yun, Boy, ang aking sasabihin, siguro, panahon na para maging mas discerning yung ating mga botante, 'wag magpadala dun sa tinatawag na politics of entertainment, 'di ba? Do'n naman tayo sa serious politics. Pag-aralan natin. Ang problema nga, kulang sa pag-aaral yung ating mga botante, na kung saan, nadadala sila dun sa mga, alam mo na, kung sino yung nakapagbigay ng dole out, at sino yung, malungkot, napakalungkot, Boy, pero ang sagot ko nga, dapat palitan.
Boy: No, I heard, I just wanted to make a comment on it, dahil iba talaga ang behavior 'pag electoral contests. Naaalala ko ang kuwento ng venerable Nelson Mandela when he ran for the Presidency of South Africa. Siya ay pinasasayaw, 'pag siya ay pumupunta sa entablado, the township dance, the toyi-toyi, because ang pananaw ng ibang experts ay ang eleksyon, is an entirely different season as opposed to governance, get the votes, and then govern. Your comment.
Lacson: Diyan kami hindi magkasundo nung campaign team ko, Boy, 'no. Pagka sinabi nilang kailangan, sumayaw ka, may threshold ako, Boy. We're facing serious problems.
Boy: Hanggang saan ka, Senador?
Lacson: Well, hanggang hindi masacrifice yung authenticity ko, doon ako. Alam mo, hindi naman tayo yung, I can be pliant, ano, but to a certain point, pero pagka yung wala nang kinalaman sa problema ng bansa, seryoso, Boy, we're facing tough problems that need tough solutions from tough leaders, and yet kung hindi magtutugma yun tatlong 'yon, sa'n na naman tayo nito pupulutin, Boy? Alam mo ang vision ko sa country, Boy? Ito, hindi sa pag-aano, towards the end of my term, eto yung Pilipino, nag-aanalyze sa sarili niya, nag-aanalyze sa bansa niya, parang ang ano niya, sigurado niyang sarili niya na he's now better off than when the new administration started, tapos yung bansa natin, parang ang taas ng tingin sa ating gobyerno, hindi tulad ngayon na ang tingin sa ating lahat ng mga govern, bar none, ano, tingin lahat, kawatan e. Kaninong kasalanan 'yon? Hindi sa mamamayan. Kasalanan ng government. Again, balik dun sa pinagsimulan natin kanina, the number one problem of our country is government, and the solution is government.
Boy: I hear you, Senator. Balikan ko lamang yung dun sa mga qualifications because you agreed to do the idea of amending para magtagpo naman yung, ito ang trabaho, ito ang qualifications. It was Senator Miriam, who said, Defensor Santiago, the late senator, who said na, 'Ang police officer nga, 'pag nag-aapply, hinahanapan ng diploma. Ang Presidente pa kaya?' That's one school of thought, 'no? Paano magagawa 'yon? Would you amend the, I mean, how do you actually do it as the President?
Lacson: Constitution 'yan e. Walang choice kundi...
Boy: You really have to go back to the Constitution.
Lacson: Yeah, you have to amend the charter.
Boy: Oo, you have to amend the charter, even if you think na medyo may kakulangan, because the spirit, I think naman, of the Constitution, kung bakit yung framers ng Constitution ay ganoon nga ang requirements was to democratize.
Lacson: Tama.
Boy: You know, to allow.
Lacson: Parang hindi class ang tinitingnan, ano? Parang lahat tayo puwedeng mangarap, maski yung 'di nakapag-aral, maski yung, basta, basic qualifications.
Boy: Correct, kasi hindi naman...
Lacson: Dun nanggagaling yun.
Boy: Oo, hindi naman formula kasi na mataas ang iyong pinag-aralan, magaling kang leader. You talk about leadership, 'no? Hindi naman nangangahulugan na may PhD kailangan. Iba-iba ang peculiarities ng mga...
Lacson: Boy, maraming may PhD na mas magaling magnakaw kaysa magsilbi.
Boy: Okay. I hear you. Hindi, ang sinasabi ko, may mga ibang bayan kasi, based on their experience, dun na ibabase yung qualification. Myanmar ngayon, hindi na puwede ang asawa, foreigner, oo. Mayroong Turkey, I think, requires higher education. Indonesia, high school graduate. France...
Lacson: But we have to review, talagang babalik tayo sa charter kasi nandoon 'yon e.
Boy: Tama, babalik at babalik. May mga ibang bayan naman, ang requirement ay dapat may bank account, oo. France ang, well. Great Britain actually. Senador, tapos na po tayo sa ating sampung katanungan. Punta naman ho tayo dito sa personal issue-based question. This is a question for you. January 20, '01, you held a press conference in Camp Crame, naalala ko po yun, to withdraw support from then President Erap Estrada. Samantala, from the book, Ito ang Pilipino, which is a compilation of articles paying tribute to the former President Joseph Estrada, as published by the Philippine Daily Inquirer, you wrote in part, and quote, 'Yet in the same respect, what I am now, I owe and attribute to him. If I didn't become part of his team, I would not have become chief of the Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF), chief of the Philippine National Police, and senator of the Republic.' Ang aking katanungan, Senator Lacson, in hindsight, do you regret having withdrawn your support from then President Joseph Estrada in 2001?
Lacson: No. Walang regret kasi, alam mo, noong magkasama kami sa PACC, Vice President siya, nakita ko lahat yung the noblest of intentions, up-close e. Alam ko talaga ang intention, but somewhere along the way, when he became President, maraming mga nagbago. Nabalik ko nga sa 'yo kanina, Boy, nung pinag-uusapan namin yung policy sa peace and order, tungkol sa jueteng. Parang prophetic e, sinabi ko kanya, 'Sir, sasabog tayo diyan.' If he listened, siguro, hindi siya na-EDSA Dos.
Boy: Thank you. I cannot follow up. Punta naman tayo, Senator, sa ating political fast talk. We have sixty seconds to do this. We begin now. Bakit hindi dapat iboto si Senator Pacquiao?
Lacson: Kasi tumatakbo akong Presidente, Boy.
Boy: Bakit hindi dapat iboto si Mayor Isko?
Lacson: Pareho rin ng sagot ko, kasi tumatakbo akong Presidente.
Boy: Si Vice President Leni.
Lacson: Ganun din ang sagot ko.
Boy: Si Senator Marcos.
Lacson: Ganun din ang sagot ko, kasi tumatakbo 'ko, ba't sila dapat iboto, kung ako tatanungin mo.
Boy: Bakit ikaw ang dapat iboto?
Lacson: Ako, I'll be a bit arrogant, ano? I'm the most qualified, I'm the most competent, I'm the most experienced.
Boy: Maraming salamat po. Here's my final question, answerable in sixty seconds, and I cannot follow up. March 19, 2018, President Duterte withdrew the Philippines from the Rome Statute. When the withdrawal took effect, March 17, 2019, the Philippines is no longer a member of the International Criminal Court. The withdrawal happened matapos ianunsyo noong then ICC Prosecutor Fatou Bensouda ang pagbubukas ng preliminary examination sa Pilipinas with respect to the alleged crimes against humanity na nagaganap sa bansa dahil sa war on drugs. The President has threatened to arrest the ICC Prosecutor if she conducts activities here in the Philippines because sabi niya, 'We are no longer an ICC member, and ICC has no right to do any investigating.' On November 10, 2021, the Philippine government requested a deferral of the ICC's request for examination under the principle of complementarity, claiming that the country had begun its own investigations. The current ICC Prosecutor Karim Khan, in a document dated November 18, sabi niya, 'We will temporarily suspend our investigation into the Philippines as it assesses the scope and effect of the government's request for deferral,' that cited the investigations being done ng ating Department of Justice. Human rights advocacy groups are urging the ICC to proceed with the investigation to not further delay justice for the victims. My question, Senator Ping, hypothetical lamang ito, Presidente ka ng Pilipinas, sumulat sa 'yo ang ICC Prosecutor na si Karim Khan, at siya'y nagrerequest, 'Puwede ba kami pumasok na ng Pilipinas, ako at ang aking team, to do preliminary,' not anymore preliminary examination dahil ito'y, in the opinion of the Prosecutor, ay natapos na.
Lacson: May probable cause na.
Boy: May probable cause na so ito'y investigation na, 'ika nga, so, 'Puwede ba kaming pumasok ng Pilipinas para umpisahan na ang investigation on the alleged crimes against humanity na may kinalaman sa war on drugs?' As President of the Republic, kayo ho ba'y papayag na papasukin sila dito sa Pilipinas to do what they want to do, which is investigate, oo, hindi, at bakit?
Lacson: Unahin ko yung premise muna, yung ICC is a court of the powerless. Who wouldn't want that? So, alam mo na yung sagot ko, Boy. Papayag ako.
Boy: Senator Ping, maraming-maraming salamat.
Lacson: Thank you. Thank you, Boy.
Boy: Thank you for your time. Thank you for being here. Thank you for accepting our invitation. God bless you, at mabuhay ka.
Lacson: God bless, Boy.
Boy: Maraming salamat sa inyong lahat na sumama sa aming pag-uusap ni Senator Ping Lacson. Kayo'y mag-iingat po, stay healthy, at God bless you. Mabuhay po ang Pilipinas. Good night.
No comments:
Post a Comment