disclaimer: this is not an official transcript.
average reading time: 16 mins
note:
before remarking on errors,
check the audio from source first.
Toni: He is considered as one of the greatest athletes of all time. He's the only eight-division world champion in the history of boxing across four decades. He also became the oldest welterweight world champion in history at the age of forty, and in 2015, Forbes named him as the second highest paid athlete in the world. There's never been a boxer like him, and there will never be another one like him. It's an honor to have with us the legend, the icon, and the Philippine senator, Manny Pacquiao.
Pacquiao: Hello.
Toni: Hi po, Senator. Relax na relax kayo ngayon a.
Pacquiao: Relax lang, dito lang.
Toni: Kamusta po ang inyong pagbabalik sa Pilipinas? You just finish your ten-day quarantine.
Pacquiao: Yeah, sa Conrad. 'Di masyadong boring dahil kasama ko yung wife ko e, unless, kung ako lang siguro, talagang...
Toni: 'Pag po umaalis kayo ng Pilipinas, and you're preparing for a fight, paano niyo po cinocondition yung sarili niyo, kasi you wear many hats, you are a senator, you're a philanthropist.
Pacquiao: Just, ano lang, hindi masyadong, kumbaga, sa madaling gawin, pero, just time management, tapos discipline lang talaga, kasi, siyempre, may trabaho ka sa Senate, tapos nag-eensayo ka, nagfofocus ka dun sa fight mo, ta's may pamilya ka pa, iniisip mo, so, 'pag sa araw, talagang wala 'kong ibang iisipin kundi yung training ko, yung boxing ko, ganun. Pagtapos ng training, yun, magrelax-relax ako, tatawag ako sa pamilya ko, ayan, nakarelax-relax na, and then tawag ako sa mga bata saka kay Jinkee, and then after that, pag-usapan ang ano, yung sa work sa Senate, ganoon.
Toni: So, time management talaga.
Pacquiao: Mm, time management.
Toni: Alam niyo, sabi po nila, a true test of a man's character is seen not on how he handles his victories but by how he handles his defeats. Siyempre, lahat po kami, tinutukan namin yung latest fight ninyo, and if there's one thing na lagi naming nakikita sa inyo is that there's always humility, in victory and in defeat.
Pacquiao: When you have Jesus in your life, I mean, in your heart, talagang kusa lang siyang lalabas, yung parang...
Toni: Natural.
Pacquiao: God will always remind, iremind you na, 'Oh, you must be humble all the time,' like that.
Toni: 'Pag natatalo po kayo sa isang laban, naiiyak pa po kayo?
Pacquiao: Before, siguro. Bago ako...
Toni: Ano po yung fight na natalo kayo na iniyakan niyo?
Pacquiao: Morales One. 'Di ba kasi naputukan ako, ta's andaming dugo, nawala, and then nahospital ako after ng fight, kasi sa dami ng dugo na nawala, parang nagblurred yung paningin ko, then, ta's natalo ako.
Toni: Bago po kayo lumaban sa ring, nararamdaman niyo po ba kapag mananalo kayo or matatalo kayo?
Pacquiao: Sometimes, may mga, yung pakiramdam mo na, 'Iba yung pakiramdam ko ngayon,' like that. Lalo nung natalo ako kay Marquez, Sunday nang gabi, natulog ako, nanaginip ako, and then yung panaginip ko, talagang iba, talagang, ikuwento ko, okay lang?
Toni: Sige, sige po.
Pacquiao: Nanaginip ako, nasa itaas daw ako ng building, tapos tinitingnan ko yung parang, yung kalsada, lupa, parang alon ng, yung dagat, tapos nakita ko, may tumatakbong kabayo na may sakay. Pulang kabayo, ang tulin, tulin, ganun, tapos pagtingin ko dun, nakaganun ako sa building, tapos pagtingin ko doon, malaking hole, parang, hindi naman butas, pero parang river na dry, tapos nakaganun lang siya, tapos ganun, so sabi ko, ang tulin ng takbo ng kabayo, sabi ko, 'Hala ka, hala, baka hindi siya aabot doon, hindi siya aabot kapag...' Kahit tumalon ang kabayo, hindi siya aabot.
Toni: Mahuhulog siya.
Pacquiao: Oo, mahuhulog siya, so, nakita ko, tumalon yung kabayo, ta's pati yung may saka, ta's talagang hindi umabot yung kabayo doon sa kabilang side.
Toni: Bumagsak.
Pacquiao: Bumagsak sa gitna, ta's talagang flat na flat, ganun, tapos pati yung kabayo, tapos yung sakay.
Toni: Anong naramdaman niyo dun sa panaginip na 'yon?
Pacquiao: Sabi ko, 'Ano kayang ibig sabihin nung panaginip ko?' So, Monday afternoon, lagi ko pa ring iniisip yun, tapos tumawag ako dito sa Pilipinas, pastor. Sabi ko, 'Pastor, nanaginip ako. Ito yung panaginip ko,' ganyan, tapos sabi niya, 'Sige, pagpray natin 'yan,' and then pagdating sa Vegas, kinuwento ko rin, nagkuwentuhan kami, kuwentuhan, 'Ano kayang ibig sabihin nung panaginip ko na yun, 'di ko maintindihan.' Eto na. Pagdating ng fight, ganda ng fight, ganyan, 'di ba, ganda ng fight, 'di ba? Kung ano yung nangyari sa akin, naalala ko yung panaginip ko. 'Di ba nung pagka nakahiga ako, ganun, ta's flat ako nang ano, tapos nung nagising ako, 'di ba, tumayo ako, gayun, tapos kung titingnan mo, reviewhin mo yung fight, 'di ba nagsmile ako, ganun ako, nagsmile ako dun sa TV. Sabi ko, kaya nung pagtayo ko, nagsmile ako kasi naalala ko yung panaginip ko. Ako pala yung nakasakay dun sa kabayo na pula, and then...
Toni: Babagsak nang gano'n.
Pacquiao: Babagsak. Hindi ako nagalit. Hindi ako nagtampo. Walang, parang ano ba na, thankful ako na pinaalam sa akin ng Panginoon before...
Toni: Bago mangyari 'yon, may premonition na.
Pacquiao: Yes, bago mangyari.
Toni: So, 'pag natatalo po kayo sa laban, hindi kayo nagagalit sa Diyos?
Pacquiao: Ay, hindi, hindi. Nagpapasalamat ako palagi sa Panginoon. Sometimes, nangyayari ito, you are Christian, na when times go right, 'di ba, yung 'pag maganda yung takbo ng buhay mo, ganyan. Dun nga masusubok yung pagiging tunay na Christian mo, sa mga ano e, temptation, mga trial sa buhay mo.
Toni: 2010 kayo naging Christian, ano? Paano po nangyari 'yon?
Pacquiao: 'Di, nasa ano, nasa kuwarto ako no'n, may fight ako sa Amerika. Tapos sabi ko, hindi ko malaman, ta's binabasa ko yung Purpose Driven Life, ta's binabasa ko, ta's basa ako ng Bible. Umiiyak ako, talagang dun ako ano, ta's sabi ko, parang gusto kong iend na yung buhay ko, kasi parang nagsisi ako sa mga kasalanan ko, sabi ko.
Toni: Gusto niyo nang iend ang buhay niyo.
Pacquiao: Oo. Nasa kuwarto lang ako ta's sabi ko, ako lang mag-isa, grabe yung hagulgol ko talaga, yung talagang iyak talaga na ano, sabi ko, 'Ano kayang gagawin ko? Lord, hindi ako karapat-dapat,' sabi kong ganyan, 'Kung ibalik ko lang lahat ng panahon, yung panahon, hindi ko gagawin lahat ng nagawa ko against You,' sabi kong gano'n. Iyak ako nang iyak.
Toni: Ano ho ba yung mga nagawa niyo against Him na nalaman Niya?
Pacquiao: 'Di ba, ano 'ko, womanizing, drunkenness, lahat ginagawa, gambling, lahat, tapos languages na lumalabas sa bunganga ko. A, talagang sabi ko...
Toni: Nagsisi kayo?
Pacquiao: Talagang pinagsisihan ko, sabi ko, 'Lord, hindi ako...' Parang, parang ano ba, parang, 'Hindi ako...'
Toni: Nanliit kayo.
Pacquiao: O, nagliit ako na, 'Lord, hindi ako...' Talagang nakaluhod ako tapos face on the ground, and then ako lang mag-isa, sabi ko, 'Lord, hindi ako karapat-dapat,' na yun yung feeling, alam mo yung umabot na ganun, yung feeling ko noon. After that, sabi kong ganun, sabi ko, 'Papatawag tayo ng Bible study.' Biro mo, nagtaka sila bakit, 'Bakit Bible study araw-araw?' 'Pag nakakarinig ako ng Word of God, talagang masaya ako, yun yung feeling ko.
Toni: Hindi ko makakalimutan 'yon kasi nung naging Christian kayo, and of course, everyone was celebrating na, 'Oh, Manny is now a change person,' and then nagkaro'n kayo ng fight no'n, hindi ho ba?
Pacquiao: Natalo ako.
Toni: Yes. Kung kailan siya naging Kristiyano, paglaban niya, bigla siyang natalo.
Pacquiao: Natalo ako no'n, sabi kong gano'n...
Toni: Ito po ba yung Bradley?
Pacquiao: Bradley, Bradley, oo. Alam mo, nung time na yun, iba yung pakiramdam ko, hindi ako, wala talagang kahit percentage na madiscourage ako, wala.
Toni: Nung natalo kayo?
Pacquiao: Natalo 'ko. Parang sa akin ba, hindi mahalaga 'yang mga worldly things na 'yan, lahat-lahat 'yan. Importante, close ako sa, kay Lord, parang ganun ba, ganun. E, Lord, importante, nakilala kita, close ako sa 'yo, no problem. Alam mo, mula noon hanggang ngayon, yung journey ng buhay ko, talagang there's a, of course, habang nabubuhay tayo, there are so many temptation, destruction, trials, like yung mga ganun.
Toni: Minsan, nagkakamistake, 'di naman tayo perfect.
Pacquiao: Yeah, tama, pero yung pagsisisi mo, lahat, isisi ka sa Panginoon. Nagkakamali tayo, nakapagsalita tayo ng masama, ganun, parang nakapag-isip tayo ng masama, confess ka lang.
Toni: There was a comment that you made about the LGBTQ, hindi ho ba, that really offended them.
Pacquiao: Naedit kasi masyado yung statement ko na yun. Ang sinasabi ko palagi, na hindi ko cinocondemn yung mga gay, mga LGBT. May mga pamangkin akong LGBT. Andami kong mga LGBT na workers, sa bahay ko, sa kahit yung mga kapatid ko. As a person, hindi mo sabihin na, galit ka sa kanya, kinukundena mo siya, dapat nga, who am I to judge a person, 'di ba?
Toni: Kasi parang yung statement niyo po kasi nun, kinumpara niyo sila sa hayop, dun po sila naoffend.
Pacquiao: Mahaba kasi yung ano na yun...
Toni: Yung statement.
Pacquiao: Bakit napunta dun sa binanggit ko sa ano, tapos binanggit ko dito.
Toni: So parang...
Pacquiao: Pinagdugtong na pinag-anuhan.
Toni: Pero naniniwala po kayo that, of course, God loves them also.
Pacquiao: Exactly. Lahat tayong tao, kawangis ng Panginoon. Maganda 'to kasi papaliwanag ko a. Ang gusto kong sabihin is hindi ko cinocondemn sila. Actually, alam mo, mas maganda nga kaibigan, kasama, katrabaho 'yang mga, kaibigang masisipag, masisipag at tsaka walang...
Toni: Masaya sila. Creative. Masaya.
Pacquiao: Masaya. Walang ano, magaling sila mag-ano, mag-isip, 'di ba, mag-isip, ta's masisipag, ganyan.
Toni: Iba si Manny Pacquiao 'pag nasa ring, then iba rin si Manny Pacquiao outside the ring.
Pacquiao: Tama. Siyempre, 'pag nasa ring ka, kailangan mong fighter ka, aalisin mo muna yung...
Toni: Christian. Christian, ''Di ako Christian dito sa ring.'
Pacquiao: A, hindi, alisin mo muna, pero naaawa ka pero, but, you know...
Toni: Bubugbugin mo.
Pacquiao: Kasi authorized naman kayong dalawa.
Toni: It's a legal sport naman. Bugbugan.
Pacquiao: Pinapayagan kang saktan mo siya. Pinapayagan ko rin siyang saktan niya 'ko.
Toni: Oo, nagsasakitan kayo. Do you like that Manny Pacquiao in the ring, na he's a fighter, may killer instinct, knockout instinct?
Pacquiao: Only in the ring, pero outside the ring, basta mga masama...
Toni: Ayaw mo.
Pacquiao: Fighter din tayo.
Toni: Speaking of fight, you're also fighting for corruption that's happening in our country right now.
Pacquiao: Yes.
Toni: You're very passionate about it.
Pacquiao: 'Yan ang cancer ng bansa natin, yung corruption. Sa nakikita ko a, sa mahigit isang dekada kong pagserbisyo sa gobyerno, 'pag patuloy na ganito, patindi pa nang patindi, hindi pa ano ha, paganda nang paganda, no, paworse nang paworse ang, palala nang palala yung sitwasyon, especially corruption, 'pag ganyan palagi, maniwala ka sa 'kin, ten to twenty years from now, or more, lalo pa tayong maghihirap. Totoo 'yan. Ang ating gobyerno, nangungutang para sa expenditure niya annually. Isipin mo na lang 'to, ito na lang, ang gastos niyo sa bahay monthly is one hundred thousand.
Toni: Okay.
Pacquiao: Pero ang kumikita lang kayo, forty thousand.
Toni: Tsk. Ang laki ng utang.
Pacquiao: 'Yan ang...
Toni: Nangyayari ngayon.
Pacquiao: Nangyayari sa bansa natin.
Toni: Pero ang tanong po kasi nila, bakit ngayon niyo lang 'to inexpose? Bakit hindi daw last year, or early on, nung nakikita niyo na? Ang suspetsa tuloy nila, ineexpose niyo dahil natakbo.
Pacquiao: Dahil eleksyon.
Toni: Yes.
Pacquiao: Okay, ganun, maganda 'yan, ganun, ganun. Actually, hindi naman sa pag-insulto sa kanila, parang hindi sila updated sa nangyayari sa ating gobyerno pagka ganun kasi pag-upo ko nang senator nung 2016, pagstart ng trabaho ko, nag-imbestiga kaagad ako niyan, ng eight billion anomaly.
Toni: 2016 pa lang po?
Pacquiao: 2016 pa lang 'yan...
Toni: Nag-iimbestiga na kayo?
Pacquiao: Nag-iimbestiga na 'ko, eight billion anomaly, at hanggang umabot kaming 2017, umabot pa kami sa GenSan para maghearing niyan.
Toni: E, bakit hindi po napublish 'yon?
Pacquiao: Nandiyan sa record 'yan ng Senate.
Toni: Ahh. Ngayon lang po talaga yung naging all out in the open.
Pacquiao: Hindi pa 'yan, hindi pa 'yan. 'Di, eight billion anomaly sa GenSan, road right-of-way, e, anlaki-laki no'n, nakuha, winithdraw nila yung pera, tapos hindi naman totoo, so meaning to say, dapat makulong lahat ng mga nagnakaw sa gobyerno, eight billion yun e. Pagkatapos niyan, nakita siguro ng mga tao na, 'Uy, si Manny, ano talaga, anti-corruption,' 'di ba, ganun? May mga, maraming nagbibigay sa akin ng mga information, nung mga ebidensya, lahat. Anong gagawin ko? Matahimik ako? Ay, hindi naman ako katulad nilang mga trapong pulitiko e. Nandito ako para sa bayan, hindi para sa sarili ko, dahil gusto ko ipaglaban yung mga karapatan ng mga maliliit na tao, o. Bubuwagin ko lahat 'yang mga corruption na 'yan hangga't nandito 'ko sa gobyerno.
Toni: Yun nga po ang malaking katanungan ng mga tao, actually, ng mga Pilipino, sikat na kayo, mayaman na kayo, world champion, one of the most respected athletes in the world, you put the Philippines in the map pagdating sa boxing, bakit niyo pa raw po pinasok ang pulitika?
Pacquiao: Alam mo, naaawa kasi ako sa mga kababayan natin. Kung hindi ako, sino? Sinong magtatanggol sa kanila? Sinong magpoprotekta sa kanila? Hindi ko pinagmamalaki yung sarili ko, pero 'yan yung nararamdaman ko e, kasi hindi kasi ako materialistic na tao, na pera, pera, o, parang hindi ako worldly, hindi, in short, hindi ako worldly person.
Toni: Sabi niyo po kanina, hindi kayo materialistic, hindi kayo worldly na tao, pero isa po sa mga binabatikos ng mga tao, not to you, but to your wife, ay yung mga material things na nakikita nila. Ano naman po yung stand niyo doon?
Pacquiao: Ang depensa ko lang naman doon is yung pera na pinaghirapan ko, hard-earn money ko, inenjoy lang namin, inenjoy ng asawa ko. Anong masama doon? Kumbaga sa ano, makita naman namin, maenjoy sarili namin kasi, biro mo, dugo at pawis ang puhunan, tapos hindi mo maenjoy, parang ano ka lang.
Toni: Nasasaktan po ba kayo 'pag binabatikos kayo?
Pacquiao: Ay, hindi. Hindi ako ano, hindi ko, kasi yung wife ko, ano kami, strong kami sa Word of God.
Toni: Si Jinkee po, 'pag binabatikos siya?
Pacquiao: Lagi kong sinasabi yung Winston Churchill quote, 'You will never reach your destination if you stop and throw stone at every dog that barks.'
Toni: Naks. Yes.
Pacquiao: 'Di ba?
Toni: Narinig ko na po 'yan. Sabi niyo kanina, ang passion niyo talaga is boxing, dahil dun niyo talaga nakukuha yung parang drive niyo in life, 'Ito talaga yung gusto kong gawin. This is what I love to do. I'm a boxer.' In politics, ano naman po ang nakukuha niyo? Kasi yung boxing is passion, what is politics for you?
Pacquiao: Politics is my commitment, life-long commitment.
Toni: To?
Pacquiao: To serve the people. 'Yan yung commitment ko sa kanila.
Toni: So, now that you have declared running for Presidency, what is the mission of Manny Pacquiao?
Pacquiao: Ito lang 'yan, kasi marami nang narinig sila sa 'kin about sa plano ko sa bansa natin, yung ipakulong yung mga ano, kawatan sa gobyerno, at palakasin ang ekonomiya natin, mabigyan ng trabaho at mabigyan ng livelihood ang ating mga kababayan, and then about pamilya at tsaka yung pahousing natin, yun talaga ang ano ko, and then kaya nga nasa Amerika ako, nakagawa ako ng twenty-two rounds priority agenda for the country, 'yan. First round...
Toni: Twenty-two rounds.
Pacquiao: Pero hindi ko ididiscuss yun lahat, mahaba yun e. First round niyan, fight against corruption, ipapakulong natin lahat ng mga kawatan sa gobyerno.
Toni: Yung twenty-two, kayo po nagsulat no'n?
Pacquiao: Ako naggawa nun.
Toni: Of your agenda.
Pacquiao: Of my agenda. Second round, yung ano siya, economic growth and development, tapos round per round, may explanation pa 'yan, tapos third round, employment. Daming walang employment ngayon dito. Alam mo fourth round? Free housing.
Toni: Ginagawa niyo na yun e, sa GenSan.
Pacquiao: Matagal na.
Toni: Marami na kayong napabahay sa GenSan.
Pacquiao: Oo. Free housing 'yang fourth round, ta's ineexplain kong mabuti 'yan. Fifth round yung improve health care services.
Toni: Yes, for the health care workers and frontliners.
Pacquiao: Health care workers. Lahat, hindi lang 'yan. Lahat, PhilHealth, lahat 'yan.
Toni: PhilHealth, ang dami ring issue do'n. Okay, so, ang six round po natin.
Pacquiao: Sustainable livelihood.
Toni: Memorize ni Senator Manny.
Pacquiao: Bibigyan natin ng sustainable livelihood, pangkabuhayan ang bawat pamilya, kung anong gusto na ano.
Toni: Negosyo.
Pacquiao: Negosyo. Magagawa natin 'yan basta bigyan natin ng importansya yung round number one.
Toni: Which is.
Pacquiao: Yung pagsugpo ng corruption.
Toni: That's your number one agenda.
Pacquiao: Ang corruption, kailangang hindi lang matanggal sa position, kundi makita natin na makulong na sa kulungan lahat.
Toni: Gusto niyo ipakulong lahat.
Pacquiao: Gusto kong ipakulong lahat.
Toni: Ang dami po nun.
Pacquiao: 'Pag napakulong silang lahat...
Toni: Ano po?
Pacquiao: Puwede na ako, ayaw na sa politics.
Toni: Talaga po? Mapakulong niyo lang?
Pacquiao: Puwede naman. Mapakulong ko lang 'yan sila lahat, kasi masama kasi yung loob ko, kasi makikita ko yung mga tao na naghihirap, 'di ba, nagugutom. 'Yang commitment ko na 'yan, hindi lang commitment ko 'yan sa tao, kundi commitment ko sa Panginoon. Doon ako nag-aano sa Panginoon, hindi sa tao, kasi 'pag sa tao, parang niloloko mo 'yan, puwede mong bawi-bawiin e, puwede mong hindi tuparin. Puwede mong hindi tuparin, puwede mong tuparin, ganun 'yan 'pag sa tao, pero 'pag sa Panginoon ka, obligado mong tuparin 'yan.
Toni: Puwede niyo naman daw pong gawin ang lahat ng 'yan, tumulong kayo, bigyan niyo ng livelihood yung ating mga kababayan, nang wala kayong position sa government. Ano po yung importance sa inyo ng position sa government?
Pacquiao: Tama 'yan. Marami na ako nabigyan na mga pamilya, livelihood, napagraduate na mga estudyante. Mula pa noong 2004, 2005, may ano na ako, na mga napagraduate na ako, hanggang ngayon, 'yan, ang dami nun, kaya lang, limited lang yung, siyempre, yung hard-earn money ko, hindi naman ganun kalaki, 'di ba? 'Lam mo, yung mahigit libong pamilya, nabigyan ko ng house and lot, ako mismo nagsusurpresa doon sa kanila, bisita sa kanila, yung sa tabing ilog, ganyan, 'di ba yung, marami sa probinsiya, yung sako lang yung sapin nila, ta's sa ilalim sila, ganun, nakatira sila. Bibisitahin ko sila doon, kukunin yung pangalan, ta's dalhin ko doon sa Pacman village ko. Natutuwa sila.
Toni: Sa GenSan po 'yan.
Pacquiao: GenSan and Sarangani.
Toni: So, yun po yung nagawa niyo sa GenSan, na ang dream niyo, magawa niyo sa buong Pilipinas?
Pacquiao: Kayang-kaya, sobra-sobra pa. Inestimate ko nga e, sabi ko, in three to four years, mabigyan ko lang, pero sinabi ko lang, four to five years, para hindi ako magsisinungaling, 'di ba?
Toni: Ang dami nga pong nagtatanong e, 'Bakit ginagawa pa ni Senator Manny ang lahat ng 'to for the Filipinos,' when in reality, puwede naman daw po kayo magrelax, ienjoy niyo na lang yung pera ninyo, yung naachieve ninyo sa buhay, tapos you go into politics, and then you receive all these criticisms.
Pacquiao: Ako kasi, do'n ako sa tama. Ayaw kong maging trapo politician na, 'A, kasi kakampi ko 'to,' pagtakpan na lang kahit maraming corruption, sabihin ko na lang, 'Walang corruption, walang corruption,' hindi ako ganun e. Kakampi tayo. Magkasama tayo. Suporta 'ko sa lahat ng mga programa mo, pero pagdating sa masama, pasensyahan tayo. Tama yung sinabi mo na, bakit ko pa kailangang pumasok sa pulitika, 'di ba? E, yung mahigit sanlibong pamilya na binigyan ko ng house and lot, kung kuwentahin mo yung nagastos doon, siguro, kung kuwentahin mo yung nagastos ko doon, magkano kaya yung nagastos ko doon, na mahigit sanlibong pamilya?
Toni: Bilyon?
Pacquiao: Bilyun-bilyon ang nagastos ko, pero kung isipin ko lang sarili ko, bakit ko gagastusin sa mga tao yun, 'di ba?
Toni: Puwede mong ienjoy.
Pacquiao: Puwede ko nang ienjoy sa pamilya ko, ganyan, pasyal-pasyal ako, ganyan lang, 'di ba puwede ko nang iano e, pero hindi e. Totoo ang sinasabi ko na kailangan kong balikan ang mga kasama kung saan ako nanggaling, tulungan sila.
Toni: So, the number one problem in the country is?
Pacquiao: Poverty.
Toni: The reason why there's poverty is because there is?
Pacquiao: Massive corruption.
Toni: So, yun po talaga ang pinaglalaban niyo ngayon?
Pacquiao: Pinaglalaban ko, 'yan lang.
Toni: Pa'no po yun tinitira nila sa inyo, na you're always absent sa Senate? Kayo daw po ang may pinakamaraming absent.
Pacquiao: Perfect attendance nga 'ko e.
Toni: Nag-attendance kayo?
Pacquiao: Mm-mm. Marami ang absent sa Congress nung araw, nung congressman pa lang ako, pero iba na dito sa Senate.
Toni: So, yung sinasabi po nila sa inyo, na lagi kayong absent, hindi po totoo 'yon?
Pacquiao: Nagtatrabaho ako sa distrito ko, kaya marami akong nabigyan ng mga pabahay nung time na 'yon.
Toni: Kung sakaling manalo po kayo bilang Presidente ng Pilipinas, pa'no po yung boxing career niyo? Magboboxing pa rin po ba kayo?
Pacquiao: Boxing career ko, tapos na yung boxing career ko.
Toni: 'Pag nanalo kayo, that's it.
Pacquiao: Tapos na, kasi matagal na rin ako sa pagboboksing, at yun pamilya ko, lagi nagsasabi, 'Tama na,' oo. Nagtuluy-tuloy lang ako kasi passionate ako dito sa sport na 'to. Magsusupport na lang ako ng mga boksingero para magkaroon ng, magkaroon tayo ng champion ulit. Ang pagiging Manny Pacquiao, hindi mo puwede sabihin, 'Ito ang next Manny Pacquiao, next Manny Pacquiao.' Ang Manny Pacquiao, hindi sa kanyang sarili, kundi ang Panginoon nagbigay ng blessings. When I started boxing, sino mag-akala na, o, sige, irewind natin lahat yung naaccomplish ko, 'di ba?
Toni: Yes.
Pacquiao: E, bata, nagtitinda ng pandesal, ganun. Sabihin ko sa 'yo, 'Magiging world champion ako, makilala ako sa buong mundo, maging eight division... Ano tingin mo?'
'Ay, imposible naman yata 'yan.' Sabihin ng mga nakarinig, 'Ay, hindi posible naman 'yan,' tapos halimbawa, sabihin ko sa mga tao, 'A, kaya ko 'yan. Kaya ko maging eight different weight division, magchampion sa buong mundo, ' e, bata lang ako e, mga ganyan, 'di ba? Sabihin siguro natin, anong isipin natin, sige, anong iisipin natin?
Toni: 'Di ka maniniwala.
Pacquiao: 'Di ka maniwala.
Toni: But...
Pacquiao: But, in God, all things are possible.
Toni: Ano pong favorite verse niyo ngayon?
Pacquiao: Ang favorite verse ko, sa buhay ko talaga, yung Psalm 119, Verse 11, 'I have hidden Your word in my heart that I might not sin against You,' tapos yung Isaiah 41, Verse 10, 'So do not fear, for I'm with you; do not be dismay, for I'm your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.'
Toni: 'I will uphold you with my righteous right hand.' Ang ganda naman no'n.
Pacquiao: Sarap, 'no, 'di ba?
Toni: Yes.
Pacquiao: Kadami kong mabangga, kadami kong masagasaan, takot ba 'ko sa kanila? Manny Pacquiao?
Toni: Kanino lang kayo takot?
Pacquiao: Sa Panginoon lang ako takot. Bata pa 'ko, twelve years old pa lang ako, fighter na ako e. Magdasal diyan, yung mga kawatan diyan sa gobyerno, magdasal na huwag manalo ako, kasi hindi ako nagbibiro, totohanin ko talaga 'yan.
Toni: Pakukulong niyo sila.
Pacquiao: Mm.
Toni: Do you think you can change the system in the country, if you're given a chance?
Pacquiao: We can. We can change the system. Unang-una, sugpuin ang corruption, and then automation in all agencies in the government, any transaction, maliit o malaki, automation lahat. E, dito sa atin ngayon, gusto nila, manual e. Gusto nila, manual, para may, may ano ba, may...
Toni: Dodoktor.
Pacquiao: Madali sila makaano...
Toni: Lusot.
Pacquiao: Lusot sila. Gusto nilang maggawa ng paraan, at ito pa ang masakit.
Toni: Ano po 'yon?
Pacquiao: Nagnanakaw sila ng pera, buti kung dito sa Pilipinas, dinedeposito nila.
Toni: Sa Amerika?
Pacquiao: Makikinabang, makakatulong sa ekonomiya din ng bansa natin.
Toni: Sa'n po dinedeposit?
Pacquiao: Inilalabas nila ng bansa, idinedeposit nila sa ilang bansa, so lalong pahirap talaga sa ekonomiya natin, lalo...
Toni: 'Di nakakatulong.
Pacquiao: Ninanakawan na...
Toni: Pinapayaman pa yung ibang bansa.
Pacquiao: Pinapalaban pa yun sa ibang bansa.
Toni: Pero kilala niyo po, yung mga sinasabi niyong pulitiko? Parang kilala niyo, 'no?
Pacquiao: Hindi lang pulitiko e. Hindi, pati...
Toni: Sinu-sino pa po, pati yung mga?
Pacquiao: Halos nandoon na sa baba e. Systemic na yung corruption sa bansa natin.
Toni: So, from pulitiko hanggang pababa, staff, ganun?
Pacquiao: Hanggang sa, lahat. Nandoon na e, nakababa na sa ano e.
Toni: Sanga-sanga na.
Pacquiao: Ako, gagawa-gawa ng kuwento? Kalabanin ang Pangulo? Kalabanin ang administrasyon? Hindi ako gagawa ng kuwento. Tinutulungan ko pa nga e, ang administrasyon, para maexpose lahat ng corruption, dahil ayaw natin ng corruption. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ang Pangulo sa akin, na ineexpose ko yung corruption. Mali ba ako na sinabi ko, three times, at talagang talamak ang kurapsyon sa bansa natin, mali ba ako? Ang dapat, ang sabihin niya dapat sa 'kin, 'O, sige, Manny, magtulungan tayo,' ganyan, 'Iexpose mo lahat 'yan, pakulong natin lahat 'yan. Ayaw natin ng corruption,' dapat ganun. Hindi yung sabihin, 'E, patunayan mo, ako magkakampanya sa 'yo,' na, e, ngayon? Kumbaga, sa ngayon, tingnan mo...
Toni: Lumabas.
Pacquiao: Andaming lumabas. Andaming corruption. Hindi pa 'yan e.
Toni: Ano na po ang pangarap ngayon ni Manny Pacquiao?
Pacquiao: Pangarap ko, makulong lahat ng kawatan, at pangarap ko, tumaas ang ekonomiya natin, gumanda ang ekonomiya natin, para nang sa gayon, 'pag malakas ang ekonomiya natin, maraming mabigyan ng trabaho. Ang target ko, gusto ko, ang trabaho maghahanap ng tao, hindi ang tao ang maghanap ng trabaho.
Toni: Sa tingin niyo po ba, magagawa niyo 'yon, kung maging Presidente kayo ng Pilipinas?
Pacquiao: Ang lahat diyan, magagawa natin, basta nasa puso mo, may guidance ka sa Panginoon, at dedicated ka, mahal mo, gusto mo, wala kang vested interest, magagawa ko, magagawa mo.
No comments:
Post a Comment