Ang
diksyunaryong Bagong Diksiyunaryong Pilipino~Pilipino ay descriptive sapagkat hindi
lamang nakadikit sa iisang kahulugan o katumbas na salita ang isang lahok,
maaari itong kabitan ng higit pa sa dalawang mga sinonimo o kung wala nama’y
itinatapat sa isang maikling depinisyon. Mula rito, may nakikitang pagkakaroon
ng maraming kahulugan sa iisang salita na magkakapantay lamang ang ibig
sabihin. Mayroon ding ebidensya ng ebolusyon ng wika dahil sa mga
isina-Pilipinong baybay na mga salita tulad ng adik, adisyon, kidnap, digri, at neutral bilang
mga patunay na hindi pure na Pilipinong ibinatay lamang sa mga salitang taal sa
Tagalog ang inilagay sa diksyunaryo. Maaaring sabihing nakadikit na rin ito sa panahong
kinabibilangan ng mga nagsasalitang Tagalog sa ngayon. Ang diksyunaryong
nabanggit ay para sa Pilipinong may alam sa wikang Tagalog at naghahanap ng
kahulugang-katumbas para sa mga malalalim na salitang kanilang hindi maunawaan.
Maaari rin itong magamit ng iba pang etnolingguwistikong grupong gamay na ang
wikang Filipino dahil hindi rin naman ganoong mailalayo ang malaking bahaging
kinabibilangan ng Tagalog sa tinaguriang wikang pambansa. Ngunit sa kabila ng
mga maaaring makagamit pa ng diksyunaryong nabanggit, ang Bagong Diksiyunaryong
Pilipino~Pilipino ay binuo para sa mga Pilipinong marunong mag-Tagalog, dahil
nga sa maaaring may mga salita nang matanda sila hindi maintindihan. Magagamit
ito nang maayos ng mga Tagalog sapagkat ang mga nakasulat na katumbas at
depinisyon ay nakasulat sa Tagalog.
Halimbawa ng mga lahok:
tubig,
png., anumang dumadaloy sa ilog,
batis, pansol, sibol o dagat at maaaring maalat o matabang; bagay na dala ng
ulan; likido; inumin.
(tubig) – matubigan, pd.,
matigilan, mapatda, mapahinto na nag-iisip.
takbo, png.,
sibad, yagyag; hakbang na mabilis at madalas.
ganda, png.,
dilag, dikit, dingal, inam, buti.
Ang
English-Bikol, Bikol-English Dictionary ay isang prescriptive na diksyunaryo
sapagkat ito ay isang bilingual dictionary. Makikita pa lamang sa pamagat na
English speakers na nais matuto ng wikang Bikol ang target na mambabasa ng
nasabing diksyunaryo. Prescriptive ito, hindi lamang dahil sa binanggit ni Sir
Schedar na walang bilingual dictionary na descriptive kundi dahil sa ang mga
inilagay na katumbas na mga salitang Bikol para sa mga lahok na Ingles ay maaaring
sa standard Bikol lamang ang ginagamit. Napag-uusapan na nga rin naman na
madalas ang tungkol sa pagkakaroon ng mga dayalek ng isang wika. Kung ilalagay
lahat ng varieties ng isang English word para sa lahat ng kanyang kadepinisyon
sa lahat ng wika ng Bikol, mahihirapang ilagay lahat o mamili ang
lexicographer. Mas mapapadali at ekonomikal ang pagkuha na lamang mula sa
variety ng standard ng isang wika dahil ito naman ang ginagamit sa sentro ng
lalawigang kinabibilangan ng wika. Ang diksyunaryo ay maaari ring magamit ng
mga Pilipinong marunong mag-Ingles at gustong matuto ng mga salita sa Bikol.
Halimbawa ng mga lahok:
WATER tubig; ...(said in anger), kal’ig;
cloudy or murky..., libog; distilled...,
agua; fresh..., ta’bang; hard or mineral..., (referring to the taste), tayam; holy..., bendita; ...buffalo, damulag;
bull...buffalo, mangsad; ...dipper, tabo; ...faucet, gripo; ...leech, linta; ...main,
tubo; ...pump, gripo; ...snake, kikig; WATERFALL
busay; WATERLOGGED tupok, lubag; WATERY tubig; ...(a
mixture), lasaw
WATER: to...(as plants), baribi, bubo; to come out of the..., hawas,
butwa; to cover with..., lantop; to dip for..., harok, tabo; to fetch..., sakdo,
saldok; to go under..., ladop, buso; to jump from the...(fish), pulag; to pull from the..., sapod,
hawas; to shake excess...from, wigwig; to slip or step into the..., lugbo; to spit out a mouthful of..., buga; ...(sound as it enters through a
large hole), awak-awak; WATERING
CAN, bubo; regadera
RUN: to..., dalagan; to...(colors), ulakit,
umaliw; to...(motors, machines), andar; to...(flow, as water), bulos; to...(the nose), nuno, tugno; to...(manage), bahala,
maneho; to...a business, dalagan, lakaw; to...run after, lapag,
lamag; to...aground, sangrad; to...away, dulag, layas, rabas; to...away
(sl-), litik, sibat; to...down (as liquids down the outside of a container, a
branch), dalhig, taluytoy; to...down (criticize), menos, ismol; to...for election, kandidato;
to..into (collide with), dulag; to...out
of (run short of), kulang; to...over,
ligis; to...a race, karera, pareha; to...short of, kulang;
a...run of good or bad luck, ratsada;
to have a...of shots or points in a game, takada;
always on the... (restless), pormal
BEAUTY gayon; BEAUTIFUL gayon; suabe; BEAUTIFY: to..., gayon
No comments:
Post a Comment