February 28, 2010

Akala Ko Reversed, Yun Pala Second Gear

Butas ang shorts ko ngayon.

my point of view ~

Gabi nang piniem ako ni Ronel kung sasama ako kinabukasan. Sinabi ko namang sasama ako. Hindi ko alam kung bakit pumayag akong makihalubilo sa mga taong gustung-gustong nanonood ng romantic story na sobrang corny ng mga lines, kahit minsan sinusunog na nito ang aking mga buto sa tuwing napakikinggan ko sila, siguro dahil gusto kitang makita. Natulog na ako nang hindi ka nakakausap nang buong araw. ... umaga na. Hindi ko alam kung mae-excite ako. Iniisip kong mage-enjoy ako dahil sa marami akong matitirang oras dahil sa dalawa na lang ang ite-test namin sa araw na iyon. Hindi ko rin alam kung manghihinayang lang akong pumasok dahil sa patuloy kong pipilitin ang sarili kong huwag kang kausapin, kahit na sa loob ko'y mahihirapan at mahihirapan lang din ako. Siguro tumatak na rin sa isipan kong nahihirapan din naman akong makipag-usap sa'yo kapag may problema tayo, what's the difference? Pagdating ko ng school ng parehong oras na inaantabayanan kong darating ka ay umakyat ako sa second floor na tagpuan natin tuwing umaga. Hindi ko alam pero siguro umaasa pa rin akong pumasok ka nang maaga, kahit alam kong imposible na. Binasa ko na ang aking reviewer sa Math at matapos mag-refresh ng memorya ay naghintay na lamang magliwanag nang kaunti ang kalangitan bago ako lumipat ng testing room natin. Pagdating ko sa harap ng nasabing kuwarto ay binuklat ko na ang aking Last Olympian at matiyagang naghintay sa iyo. Nang dumating ka na ay hindi ko alam ang mararamdaman ko kaya pumasok na lang ako ng kuwarto. Umupo na ako at ipinagpatuloy ang aking pagbabasa. Pagpasok mo ng kuwarto ay umupo ka sa tabi ni Manalo. Sa kadahilanang hiwalay si Ronel dahil sa wala siyang sasagutang test sa journalism ay nagkalapit tayo ng upuan. Hindi ko alam kung malapit na iyon pero hindi ko magawang mag-ingay. Dumaan ang isa't kalahating oras na pagsasagot ng tests nang hindi tayo nag-uusap pero wala rin akong magagawa, pinili ko iyon. Pagkatapos ng test ay pumunta na ang mga manonood sa ilalim ng Maceda Building, doon ko na ipinagpatuloy ang pagbabasa. Doon na rin nag-stay ang grupo niyo hanggang sa mag 10:00. Pagsapit ng nabanggit na oras ay nakahanda na ang lahat at nais kong humalakhak nang malakas pagtayo ko mula saking pagkakaupo. Ang alam ko kasi plano ng buong Faraday ang pagnood ng sine na ito subalit matapos kong alisin ang aking mga mata mula sa aking libro ay nakita ko sina Bobier, KM, Ronel, Smile, Bernadyn, Mara, Ong, ikaw at ako na natira sa ilalim ng Maceda, ang dami natin. Natuloy pa rin ang lakad papuntang Rob. Unang binabaan, Mcdo. Alam kong fillet na naman ang aking bibilhin. Pagdating ng restaurant ay umupo na kaagad ako. Pilit akong inilalapit ng iyong mga kaibigan sa iyong upuan pero pilit din akong tumatanggi. Gustung-gusto na kitang makatabi pero iniisip kong galit ka sa akin kaya pinili ko na lamang na malungkot kahit na alam kong dapat nagsasaya sa mga panahong iyon. Pagkatapos kumain ay pumunta na kami sa sinehan at nanood na. Pilit pa rin tayong pinagtatabi ng mga lamanlupang kaklase pero todo tanggi tayong dalawa. Ayaw pa rin kitang katabi dahil natatakot akong hindi tayo magkaayos. Mabuti na lamang at hindi na tayo pinroblema at nagpatuloy ang planong panoorin ang pesteng palabas. Laking gulat ko nga pala nang kapangalan mo ang bida sa palabas at medyo.. medyo tinatamaan ako sa mga nangyayari. Wala akong ibang nagawa kundi tapusin ang palabas at umalis na. Pagkatapos ng palabas ay umalis na kaming tatlo nina Mara at Ong papuntang Timezone at nagpaiwan kayo para ulitin ang palabas. Hindi ko alam kung paano niyo masisikmura ang dalawang oras na dramang iyon pero ginusto kong umupo na lang sa tabi mo o kaya isama ka sa aming tatlo. Wala rin akong nagawa alin man sa dalawang iyon. Pagdating namin ng Timezone ay nag-enjoy naman sina Mara at Wilkin. Sobrang na-miss na kita ng mga panahong iyon. Kahit na alam kong miss na miss na miss na kita habang nasa harap kita kaninang nagsasagot ako ng test, kahit na ilang hakbang lang ang ating pagitan sa Maceda Building, kahit na iilang upuan lang ang agwat natin sa Mcdo, kahit na naririnig ko pa ang napakasarap na pakinggan mong tawa habang pinapanood sina John Lloyd at Bea, nakita kong sina Ong at Mara girl na masayang-masaya ay sobrang nasasaktan ako. Na hiniling ko sa kalangitang bumalik ka na sa akin, na ang laki-laking kulang sa buhay ko kapag wala ka, na ang lungkut-lungkot kapag wala ka, na hindi ako kumpleto kapag wala ka. Matapos ang ilang panahong paglalaro ay dumaan kaming tatlong saglit sa Power Books at pumunta na sa Cerealicious yata iyon, at dumating na rin kayo. Hindi pa rin tayo nagkausap hanggang sa umuwi na kaming tatlo. Buong araw kong ipinalanging sana yayain mo akong sabayan sa pag-uwi o kaya naman yayain kita pero wala pa ring nangyari. Sa right side ako sumakay ng bus dahil doon naman talaga ako sumasakay. Nami-miss na naman kita, na sana katabi kita ng mga panahong iyon. Pagbaba ng bus ay naglakad na ako patungong Metropolis nang walang kasabay, walang kayakap bago tahakin ang landas papunta sa amin.

February 26, 2010

Alam Kong Useless Na Ito

___, miss na miss na miss na miss na kita. Ikaw lang talaga ang mahal ko, wala na akong nararamdaman pang pagmamahal sa iba. Kung nagseselos ka man, balewalain mo na sana lang yon, sapagkat hindi ko na talaga kayang bumalik sa kanya dahil sa iyo, dahil sa iyo na talaga ako, sa iyo ko na gusto. Kung nagagalit ka pa sa usapang siguro sinend sa'yo, itatanong ko sana kung ano yung dulo ng conversation na ipinakita sa iyo. Huli, pakiramdam ko talaga wala na akong pag-asa pero minsan, minsan nagbabago ang ikot ng mundo. Siguro tanga ako dahil umaasa pa rin ako. Sorry sa mga nagawa ko. Mahal na mahal kita.

1 Si Luke ang hero sa Great Prophecy.
2 Si Percy irerequest na pansinin ang Minor Gods.
3 Si Annabeth ginawang architect sa Mt. Olympus.
4 Si Rachel ang next Oracle.
5 Si Apollo pala ang God of Prophecies. xD
6 Si Annabeth kiniss ulit si Percy.
7 Si Rachel din kiniss ulit si Percy.
8 Guwapo ni Percy no?
9 Si Tyson naging leader ng army sa Olympus.
10 You want more?
11 Di puwede, baka masayang 650 mo.
12 Tama na.
13 Oi!

February 25, 2010

Announcement Desu!

Woohoo!! Ang agang ni-release ng Naruto 484! Haha. Kaso bitin kasi hindi nagbakbakan sina Sasuke at Kakashi tapos sobrang nabitin pa lalo kasi ang last page eh biglang dumating si Naruto. Hindi ko alam kung malapit ko nang simulan ang composition ko para sa Faraday pero sinisigurado kong gagawan ko kayo, kami. :) Sana abangan niyo, lahat ng pangalan ng mga nilalang ng Faraday sisiguraduhin at pipilitin kong maging espesyal at makabuluhan, naging mabuting kaaway, kaibigan, manlilibre, nililibre, tagakopya, nagpapakopya, mang-aasar, inaasar, kuya, ate, batang kapatid, anak, tatay, nanay, pusa, aso, tinidor, paminta at Mart man ako sa inyo.

Pinatulog ni Morpheus yung mga tao, nagmukhang zombieland ang city ni Percy. Grace ang last name ni Thalia. :p

February 24, 2010

Hey, This One was Edited D:<

Excited na ako sa Tekken 6 ko. Wala akong ibang ma-type. Tinatamad pa akong tapusin ang The Last Olympian. Si Hestia ang the last olympian, well, accdg sa kanya. Tapos kaya kinaya ni Luke ang pagsanib sa kanya ni Kronos ay naligo siya sa River Styx, ilog sa Underworld, ilog ng mga nawalang pangarap, pag-ibig at hinaharap, mga pagkalungkot, hinanakit, paglubog at pagkabigo.

Sorry sa early story spoilers para sa book 5. Wala akong magawa e. At hindi na magiging kami ng sinasabi mo, ever. Ikaw lang ang mahal ko.

...

Abnormal? Fine, Watev

Woo. First lyrics post.

Simple Plan - Perfect

Hey dad look at me
Think back and talk to me
Did I grow up according to plan?
And do you think I'm wasting my time
Doing things I wanna do?
But it hurts when you disapprove all along

And now I try hard to make it
I just want to make you proud
I'm never gonna be good enough for you
I can't pretend that I'm all right
And you can't change me

'Cuz we lost it all
Nothing lasts forever
I'm sorry
I can't be perfect
Now it's just too late and
We can't go back
I'm sorry
I can't be perfect

I try not to think
About the pain I feel inside
Did you know you used to be my hero?
All the days you spent with me
Now seem so far away
And it feels like you don't care anymore

And now I try hard to make it
I just want to make you proud
I'm never gonna be good enough for you
I can't stand another fight
And nothing's alright

'Cuz we lost it all
Nothing lasts forever
I'm sorry
I can't be perfect
Now it's just too late and we can't go back
I'm sorry
I can't be perfect

Nothing's gonna change the things that you said
Nothing's gonna make this right again
Please don't turn your back
I can't believe it's hard just to talk to you
But you don't understand

'Cuz we lost it all
Nothing lasts forever
I'm sorry
I can't be perfect
Now it's just too late and
We can't go back
I'm sorry
I can't be perfect
(x2) 

Hinipan Ko Ang Cookie Part 2

Nag-alarm ako ng 2:00. As in 2 am. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero hindi ako sanay na natutulog nang 9:00 pm. Kapag natulog kasi ako nang ganoong oras, hindi na ako nagigising sa alarm kong 3:15. Nagigising na lang ako ng 4:00, sa pagbukas pa ng pinto ng aking kuwarto. Kaya hanggat maaari, natutulog ako nang late. Nang araw kasing iyon, buong araw akong nakikipagtitigan sa aking laptop at pinapasara na ng aking nanay nang dumating siya nang gabi. Wala na akong naisip na puwede pang gawin kaya nag-plurk na ako ng huling message sa plurk at isinara na ang aking laptop at natulog.

Kabarberuhan.

Nag-alarm ako ng 2:00. As in 2 am. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero hindi ako mapakali at pinapasara na ng aking ina ang aking laptop, magdamag na kasing nakabukas ito. Humingi pa ako ng kakaunting panahon pa para magkausap tayo, pero sa tingin ko nang gabing iyon ay wala na akong pag-asa. Pinilit kita nang pinilit at buong tapat na akong humingi ng patawad sa mga kasalanang ginawa ko at sabi mo'y ok na, ok na. Hindi ka sumasagot sa iba kong mga mensahe kaya naman naisipan ko na lamang na itulog ang lahat at maghintay ng magandang kinabukasan. Nag-iwan muna ako ng huling mensahe sa'yo at isinara na ang aking laptop at natulog. Nagising ako sa sinet kong alarm na


Ayaw ko na ring ituloy.

February 23, 2010

Hinipan Ko Nang Hinipan Ang Cookie na Ni-dip Ko sa Gatas

Nag-alarm ako ng 2:00. As in 2 am. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero hindi ako sanay na natutulog nang 9:00 pm. Kapag natulog kasi ako nang ganoong oras, hindi na ako nagigising sa alarm ko na 3:15. Nagigising na lang ako ng 4:00, sa pagbukas pa ng pinto ng aking kuwarto. Kaya hangga't maari, natutulog ako ng late. Nang araw kasing iyon, magdamag na akong naktitig sa aking laptop at pinapasara na ng aking nanay nang dumating siya ng gabi. Wala na akong naisip na puwede pang gawin kaya nagplurk na ako nang huling message sa plurk at isinara na ang aking laptop.

Kabarberuhan.

Tang ina. Hindi ko matuloy, naasar ako. Next time na lang.

February 21, 2010

Katatapos Ko lang Idownload ang Tekken 6

Nakailang check ako ng cellphone ko. Sorry na.

Huwag kang mag-alala, maikli lang 'to.

Nako. Miss na miss na miss na miss na kita. Sorry kung may mga oras na hindi tayo magkasama at masayang-masaya ako. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasabik mag-uwian para makatabi na kita. Gusto ko kasi solo kitang nakakausap, alam mo yun, iyong walang epal sa paligid. Walang ibang puwedeng pumasok sa usapan, kahit alam naman nating dalawang wala pa tayong matinong usapang umabot ng kahit tatlumpung minuto man lamang. Pero kahit na ganon lang tayo mag-usap, alam kong masayang-masaya na akong kinakausap mo ako, na pinapansin mo ako, ramdam ko na yun lahat, hanggang sa mahalaga ako sa'yo, na mahal na mahal mo talaga ako, na kahit alam mong walang kuwentang pag-usapan ang teorya ko sa mga bagay-bagay hanggang sa mga joke kong kulang na lang ay tahiin mo ang aking mga labi sa sobrang corny ay pinakikinggan mo pa rin ako, nginingitian, pinapansin at tinatawanan. Sapat na sa akin yon, masaya na akong makatabi ka. Ngayon sana naintindihan mo na mas gusto kong kasama kang tayong dalawa lang, pansamantala lang naman muna yon, hindi naman tayong magtatagal na ganon, at alam kong hanggang 30 lang sana, sana hindi pa nawawala. Yung mga araw naman na hindi kita pinansin, natatakot ako sa'yo. Hindi kita kayang kausapin. Siguro nasanay na akong sa tuwing magtatanong ako kung ano ang problema ay sasabihan mo ako ng nakalimutan mo na, pero pasigaw. Ayaw ko kasi nung pilit nating inaayos ang problema pero pilit mo namang iniiwasan. Gusto ko sana sa'yo yung kinikimkim na lamang sa sarili ang problema at pilit na lamang na lilimutin ito para wala nang pag-usapan pa at sa bandang dulo'y ok na ang lahat pero, ___, sana ineexpect mo ang posibleng mangyari > na ang problema, kapag hindi napag-usapan nang matino, mauulit nang mauulit at mauulit habang hindi namamalayan ng may sala, kasi nga, hindi niya alam at hindi napag-usapan. Alam kong matalinong tao ka at nauunawaan mo ang mga sinasabi ko. ___. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita, please. Huwag mo muna akong.. akong iwan. Kahit ngayon lang, I need one chance. Please. Kahit hanggang 30 lang. Oo, ___, alam kong hindi ako nagtiyagang maghanap ng lugar sa bahay ko na malakas ang signal. Oo ___, alam kong pakiramdam mo binalewala ko lang lahat ng effort mo noong araw na nakikipag-usap ka sa akin, pero maniwala ka sa akin, hindi ko ginustong wag kang kausapin at sobrang nagsisisi na ako. Oo, ___, alam kong naging napakatanga ko nitong mga huling araw at sana.. sana mapatawad mo pa ako, kailangang-kailangan kita sa buhay ko, kulang na kulang ako pag wala ka. Sana kahit minsan, kahit ngayon lang, subukan mo man lang na.. na ulitin, baguhin ang mga naging desisyon mo. Oo, ___, alam kong mahal na mahal na mahal na mahal kita, isang malaking sugat ang mahapdi sa akin ngayon, at sa tingin ko, sobrang tagal pang mawawala nito, o baka mabaliw na ako sa lahat ng oras na wala ka, na alam kong wala ka na. ___, please, mahal na mahal kita.

:(

February 18, 2010

___

lol. First time kong nakitang si Hayley na ganun. Ang galing ng Paramore talaga. Miss na kita. Miss na miss na miss na miss na kita. Sana ok na. nya ~ Kulang na kulang araw ko kapag wala ka. Araw-araw.

February 17, 2010

More Secrets Revealed

Ang mga babaeng itinago ang pangalan sa banong project. Binase ko sa pagkakasunud-sunod na pagkakabanggit sa kuwento. Ikaw na bahalang mag-trace kung saan man siya. Walang tanung-tanong:

1. M_____ T_____
2. P_______ G_______
3. A_____ F_____
4. M_______ F_____
5. J______ N______
6. C________ G_____
7. K_____ S_______
8. M__ D___

February 15, 2010

STFU, Rtard

Rtard.

Ok. Napanood ko na yung Lightning Thief. Ang daming wala. At tatamarin ako sa sobrang dami kung iisa-isahin ko ang mga kulang sa movie. Well, sobrang magagandahan ka kapag pinanood mo yung movie nang hindi pa nababasa yung libro. At mamumura mo yung director kung nabasa mo man yung libro at halos lahat ng in-expect mong makikita mo ay wala. At dahil badtrip ako, babadtripin ko kayo ng pangit kong project sa Filipino. hindi lang basta-bastang project sa Filipino, kundi huling project namin. Ang hirap mag-type srysly (ang pangit kasi pag cinopy). And oh, ang daming typos at ilang sikretong maibubunyag. May medyo mali sa last part, yata.

Go fuck yourself up, donkey.

>>

Manila Science High School
BUHAY-MASCI
Pag-ibig nga Naman

ni

Mart

Inilathala ng

GoPrint Philippines
2010

Paunang Salita

Sanggol pa lamang ay niregaluhan na agad tayo ng kapalaran ng ating unang problema - ang paglalakad. Napakahalaga ng unang hakbang na ito ng ating pagiging bata sapagkat dito malalaman kung paano mamumuhay sa susunod pang mga panahon ang isang sanggol. Natutuwa ang ating magulang kung makuha man natin ang kanilang inaasahang makatayo tayo sa ating sariling mga paa, mga bata pa lamang tayo o malalaki na, tagumpay na sa kanila iyon. Mula sa napakasimpleng problemang ito ay naging sunud-sunod na ang bato ng kapalaran sa atin habang tayo ay natututo nang magsalita, magbasa, pumasok sa paaralan, makipagkaibigan makipag-away, magtanong ng kung anu-ano, managinip, mangarap at umibig. Pag-ibig. Mga letrang bumabalot sa isang pakiramdam na napakamisteryoso. Isang salitang minsan nang nagpasigla at gumulo ng buhay natin. Isang simpleng bugso ng ating pusong kadalasang nagbibigay ng problema sa bawat tao sa mundo.

Kailan nga ba ako tumigil umibig?

Unang tibok.

Nursery pa lamang ay may crush na ako. Iyong tipong gustung-gusto kong nakakasama ang babaeng araw-araw na nakapagpapangiti sa akin sa kahit na anong simpleng paraan.

Hindi ko talaga alam pero alam kong gustung-gusto ko siya. Naging magkaklase kami hanggang ikaapat na baitang at malaman-laman ko lamang na may gusto na rin pala sa akin ang unang babaeng nakapagpatalon ng aking puso sa labis na galak. Pero huli na ang lahat nang malaman ko ang sikreto niya - kailangan niyang magtungo sa Japan para sa kanyang pamilya. Mga kasiyahang binawi, pangarap na bumagsak, isang malungkot na puso ang mga tanging natira sa akin bago siya umalis. Hindi na ako naghintay ng mga susunod pang mangyayari.


Unang Kasintahan

Unang araw ng aking unang taon sa mataas na paaralan. Maraming mga estudyanteng sa tingin ko ay mga kaedad ko. Nagkukumpulan sila sa isang malaking pisara at napansin kong kinokopya nila ang kani-kanilang mga talatakdaan para sa buong linggo at ng kanilang mga pangkat.

Lumapit muli ako sa aking nakatatandang kapatid mula sa ikaapat na taon. Pinaalis niya ako mula sa kanyang tabi at sinabing makisama ako sa aking mga kaantas. Naramdaman ko ang kawalan ng pag-asa sa mga unang problemang aking sasaluhin sa araw na iyon pero napagtanto kong kung natuto si Kuya nang mag-isa sa institusyong ito, ako pa kaya?

Hindi ko hinayaang magmukha akong tanga sa harapan ng aking kuya at ng kanyang mga kaklase kaya naman pinilit ko ang aking sariling makipagsiksikan sa mga estudyanteng parang mamamatay kapag hindi nila nakopya ang kanilang mga talatakdaan.

Nagpatuloy ang aking unang linggo nang tambak ng isang napakahabang talatakdaan, mga komplikadong gawaing-bahay at ubod ng daming mga bagay na kailangan naming dalhin sa bawat asignatura. Pakiramdam ko noon babagsak na ang aking mundo, ang daming gagawin, hanggang sa sumapit ang ikalawang linggo.

Tuwing Biyernes ay kasama sa aming mga kuwartong dapat puntahan ay ang homeroom. Dito nagkakausap ang buong klase kasama ang kanilang tagapayo. Hindi ko alam pero napansin kong may katabi na akong babae. Noong unang linggo ay hindi ko siya napansin, marahil ngayong linggo lamang siya pumasok.

Unang nagkausap kami nang magtanong siya ng oras sa akin. Kinakabahan ko naman siyang sinagot (Nanginginig talaga ako makatabi lamang ang isang babaeng maganda para sa akin, makausap pa kaya?). Hanggang sa sinabi ko sa kanyang ngayong araw ko lamang siyang napansin at sinabi niya namang nakatatamad daw pumasok ng unang linggo, payo ng kanyang ate.

Simula noon, sabik na sabik na akong makapasok sa kuwartong iyon para makatabi at makausap siya kahit na alam kong hindi ko naririnig ang aking sarili habang nagsasalita sa harap niya. Hindi rin nagtagal at nagkaaminan na kami ng nararamdaman namin sa bawat isa ngunit hindi siya ang nakatuluyan ko noong unang taon.

Nabalitaan ko na lamang na may isa pa palang babae ang may gusto sa akin. Alam kong maliit ang pagkakataong may magkagusto sa akin pero naniwala agad ako sa balitang iyon. Katangahan ko namang tinanong agad ang babaeng ito kung pupuwedeng maging 'kami' (Una kong niyaya ang babaeng una kong nakausap sa aming homeroom pero hindi pa raw siya puwede.) at pumayag naman.

Naging masaya naman kaming dalawa at hindi kami nag-aaway. Sa unang taon ko natutunang gumala pagkatapos ng klase tuwing Biyernes kasabay ng una kong pangongopya ng mga takda mula sa aking mga kaklase, unang pakikipagtunggali sa ibang pangkat at unang pagbagsak sa isang maikling pagsusulit.

Maraming una ang nangyari sa aking unang taon. Pati ang unang pakikipaghiwalay ng aking unang kasintahan.


Ikalawang Pagbagsak

Alam kong nagkamali ako kaya kami naghiwalay ng aking unang kasintahan. Hindi ko nirespeto ang kanyang nararamdaman at isa lamang akong baguhan sa mundong iyon. Ngayon, alam ko na ang aking mga dapat gawin.

Nagkahalu-halo mula sa mga pangkat noong unang taon ang pangkat sa ikalawang taon. Maraming bago at lumang mukha ang aking nakasama. Maraming naging mga kaibigan at mga taong may potensyal na hindi ko pansinin ng buong taon. Marami rin ang mga babaeng gusto kong kausapin pero alam kong tratraydurin lamang ako ng aking duwag na dila at nanginginig na katawan sa tuwing may babaeng malapit sa akin.

Hindi ko pa rin napigilan ang aking sariling magkaroon ng panibagong mamahalin. Gusto ko 'yong pakiramdam na nagmamahal at minamahal, na mahalaga ako sa isang taong hindi ko naman kamag-anak at masayang-masaya ako sa tuwing nakakasama ko ang taong iyon.

May isang babaeng hindi ganoon kababae ang kanyang mga kilos ang muling nakaakit sa aking puso. Marunong siyang maggitara, magaling kumanta at higit sa lahat ay matalino at maganda. Hindi malayong nagkagusto ako sa kanya ngunit hindi ko alam ang aking mga unang gagawin para mapalapit sa kanya.

Humingi ako ng tulong sa kanyang malapit na kaibigan. Hindi ako makapaniwalang nakakausap ko pa ang kanyang kaibigang si Justine na babae rin kaysa sa kanya. Kay Justine lamang ako nakapagbabahagi ng aking mga nararamdaman para sa babaeng iyon.

Isang gabi at tinanong ko ang babae kung pupuwedeng maging kami, sinabi niya namang hindi pa siya puwede dahil sa isang dahilan. Hindi ko naman siya pinilit mula ng gabing iyon at nagkakausap pa rin naman kami sa paaralan.

Nang magkaroon muli ng paligsahan sa pagkanta ng mga pam-Paskong awitin ay matiyagang nag-ensayo ang aming pangkat at naglaon ay nakuha namin ang unang gantimpala. Kasabay naman ng kasiyahan at tagumpay na ito ay nabalitaan kong aalis ang babaeng nagpapasaya sa puso ko noong mga panahong iyon. Aalis siya patungong Canada at nag-iwan ng isang liham para sa akin, at ang laman ng kanyang sulat ay maghintay pa raw kami ng takdang panahon at may paghanga rin siya sa akin.


Ikatlong Pag-ibig

Dalawang taon na ang tinapos ko sa Masci at dalawang beses na rin akong nabigo. Hindi pa pala iyon sapat para tumigil ako.

Lalong dumami ang aming mga asignatura sa ikatlong taon at lalong humirap ang aming mga kailangang gawin. Kinakabahan ako para sa taong ito dahil sa ito raw ang pinakamahirap sa lahat. Hindi pa rin ako napigilan ng mga kahinaan kong asignatura sa paghanap ng ikaliligaya ng aking sarili.

Lahat ng guro namin ay mahihigpit at nakaiinis ang kanya-kanyang mga asignatura. Ngunit may isang gawain kaming lubos kong kinasuklaman noong mga panahong iyon - Research.

Ang klase namin ay hinati sa mga maliliit na pangkat at inatasan kaming gumawa ng isang dokumentong makapagpapalabas ng bagong teknolohiya o produkto mula sa aming mga nakuhang impormasyon para makatulong sa ating bansa.

Maniwala ka, halos mamatay na ang aming grupo, lalung-lalo na si Justine na matibay na puno ng aming pangkat dahil sa kakulangan sa pera, katamaran ng buong grupo at pagkabigo nang maraming beses.

Hindi ako gaanong nakatulong sa grupo sapagkat pinoproblema pa ako ng aking puso. Una kasi, may nakausap ako noong bakasyong isang babae at nagkamabutihan kami - sa chat at text nga lang at ngayong taon ay kaklase ko siya. Ikalawa, nalaman kong may gusto sa akin ang isa sa aking mga kagrupo sa research at gusto ko nang hugutin ang pagkakataong maging kami. Problema ko? Kailangan ko lang namang pumili sa dalawa kung sino ang liligawan ko, kung ang babaeng sobrang malapit sa akin sa text at chat lamang o ang babaeng nakakausap ko naman at sigurado akong may gusto ko sa akin.

Hindi nagtagal ay pinili ko rin ang aking kagrupo pero hindi rin kami nagtagal. Iniwan niya ako sapagkat hindi pala siya sigurado sa kanyang nararamdaman. Naiwan akong natambakan ng problemang kung paano namin matatapos ang aming research paper at pagkumbinsi sa sariling hindi pa huli ang lahat. Masyado akong nahirapan sa mga nangyari.

Natuto akong maging responsable sa mga dapat kong gawin at sadyang napakahalaga ng oras, na hindi lahat ng bagay ay nakukuha nang madalian at sa mga simpleng paraan, at sa susunod kong research paper ay hindi ko na ito babalewalain.

Nagkaroon na naman ako ng kasintahan mula sa aming pangkat bago magbakasyon. Naging napakasaya naman namin.


Ikaapat na Pagtangka

Hanggang sa pagpasok ng huling taon ko sa Masci at nagtagal kami ng aking ikatlong kasintahan. Napansin kong mas magagaan na ang aming mga kailangang gawin ngunit magkahiwalay kami ng pangkat ng aking minamahal.

Sa tingin ko ay nakulangan kami sa oras o sadyang umiral na naman ang aking pagiging walang kuwenta at kawalang respeto kaya hiniwalayan na naman ako - pagkatapos ng labing-isang buwan. Ganoon man kasakit ay nagpatuloy pa rin ako sa aking buhay sinyor.

Maraming kompetesyon ang aming sinalihan sa taong ito. Naitatak ko sa aking sariling napakahalaga ng pagkakaisa. Mula sa mga paligsahan sa pagkanta, pag-arte at pagsayaw, panalung-panalo ang aming pangkat.

Sa mga tagumpay ay hindi pa rin nawala sa isip ko ang nararamdaman kong kakulangan - gusto ko pang umibig.

Pumili naman ako ng isang dalagang pupuwede kong makasabay sa pag-uwi hanggang sa magkamabutihan kami. Siya na sana ang aking hinahanap.

February 10, 2010

Akala Ko Black Jack, Yun Pala Pusoy

Hindi mo lang alam kung gaano kita gustong nakatatabi.
Hindi mo lang alam kung gaano kita gustong nakaka-usap.
Hindi mo lang alam kung gaano kita gustong palaging nakakasama.
Hindi mo lang alam kung gaano kahigpit kitang gustong niyayakap.
Hindi mo lang alam kung gaano ko kagustong nagtutuluy-tuloy ka sa pakikipag-usap sa akin.
Hindi mo lang siguro pa alam kung gaano kita ayaw mawala sa buhay ko.
Hindi mo lang alam kung gaano kasakit na tumatagos ang bawat akala mong birong binibitawan mo sa harapan ko.
Hindi mo lang alam.

Pasensya na kung mahina ako sa pagbuo ng paksang pag-uusapan.
Pero gustung-gusto ko talaga kapag napapangiti kita nang sandali.
Pasensya na kung makabuo man ako nang paksa ay walang kuwenta.
Nakikita mo naman na kung anu-ano lang ang lumalabas sa bibig ko, marami akong sinasabi, nasasabi, malaman mo lamang na sinasabi ko na lang lahat kung anuman ang maisip ko, may masungkit ka man lang kahit isa para pag-usapan natin.
Pasensya na kung hindi ako tumitingin sa iyo kapag nagsasalita ka.
Handa akong makinig lagi sa'yo. Balewalain mo na lang kahit kumanta ako habang ika'y nagsasalita, pinapakinggan pa rin kita.
Pasensya na kung ang corny-corny ko magbitaw ng joke.
Masayang-masaya na ako sa mga boo mo.
Pasensya na kung wala akong kuwentang kausap.
Pasensya na kung nakakainis ako.
Pasensya na kung wala akong kuwentang tao.
Sa tuwing nasasabihan ako nang ganyan, ang translation agad sa akin ay sana hindi na ako pinanganak.
Ganoon man ako ka-sensitive (?) at kawalang respeto sa mga tao sa paligid ko, iniisip ko rin naman kaagad kung anong maiisp nila sa mga sinasabi ko.

Buti na lang sinabi mong joke lang yun. Paulit-ulit ko na kasi silang naririnig.

February 8, 2010

Half-blood

[WARNING: mmfrgmfmhgh. Maraming mga bagay sa mundo ang maaaring makapang-insulto, lumait, magpasaya at makagalit sa atin ngunit sa kabila ng mga pagkakataong ito, mag-isip na lamang tayo ng mga posibleng dahilan kung bakit naging mas masarap ang cookies & cream sa quezo real.]

"Gising na." Isang nakaiinis na tinig ang dumaloy sa loob ng aking tenga. Iminulat ko ang aking mga mata at itinaas ang aking ulo mula sa pagkakatulog sa aking upuan. Nakita kong bakante na ang mga upuan sa aming classroom at hinihintay na ako ng aking mga kaibigan. Hindi naging mahaba ang gaan sa pakiramdam ng wala masyado maraming tao sa aking paligid, naalala ko na naman ang aking nawalang wallet. 


Mga oras bago mag-unang period bago ko ito inisip, itinulog ko na lamang dahil sa wala ang aming unang guro para sa araw na iyon. Bumaba na ako kasama ang aking mga kaklase at isang makirot na pagsakit ng aking ulo. Pagdating ko sa gusaling sunod na papasukan naming asignatura ay nakita ko pa ang iba kong mga kaklase sa labas. Mabuti na lamang at hindi pa ako nahuli. Pagsimula ng klase, naisip kong kalimutan ang aking problema sa pamamagitan ng pakikisama sa diskusyon kasama ang guro naming si Ma'am Gozo. 

Masaya naman ang naging takbo ng aming pag-uusap sa loob ng klase ngunit sumobra nang tanungin na ko ng nakatatanda tungkol sa aking buhay pag-ibig - itinatanong niya kung paano ko raw malalamang may pag-asa ako sa babaeng aking kinagigiliwan. Sinagot ko naman ang tanong nang walang pag-aalinlangan subalit may kaunting di kasiguraduhan sa aking mga nasabi. Binase ko lamang ang aking naging pahayag sa aking mga nahihinuha, karanasan at madalas na panggugulo sa aking mga kaklaseng babae. 

Matiwasay naman akong nakalusot sa pagpapaikot sa aking guro at nakangiting lumabas ng kuwarto, ngunit hindi pa rin ako nakatakas sa nakasasakit ng ulo na karanasang pinipilit kong iwasan simula unang taon pa lamang sa high school - pesteng wallet, pesteng pera. Iniabot sa akin ni Ong ang The Lightning Thief na natapos na niyang basahin. Na-excite naman akong basahin ang nasabing libro at hindi na naalis ang aking mga mata hanggang sa makaakyat na kami sa aming ikatlong asignatura namin para sa araw na iyon. Nagandahan ako sa daloy ng kuwento at lubhang nakaaaliw ang bawat sinasabi ng narrator. Sobrang gusto kong basahin lahat ng tao ito sa sobrang ganda niya. 

Anyway, paunti-unting sumakit ang ulo ko sa pagbabasa habang paunti-unti ring hinihigop ng utak at imahinasyon ko ng libro. Hindi ko na napapansin ang mga importante at detalyadong nangyayari sa aking kapaligiran, basta ang alam ko masakit ang ngipin ko at naririnig ko ang mga kaklase ko habang ang isang bata ay namromroblema tungkol sa kanyang sariling pagkatao. 

Makaraan ang Humanities ay bumaba na kami at tumambay sa harap ng Maceda dahil sa wala ang teacher namin sa Finite Math. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng luntiang libro. Sa tagal ng pagkakaupo ko sa harap, hindi ko na napansing lumilipat na pala ng puwesto ang aking mga kaklase, binalewala ko. 

Maya-maya na lamang ay inabutan ako ni ___ ng isang pirasong doughnut at isang can ng Mountain Dew, naalala ko na naman ang masakit na problema. Sinabi kong masakit ang ngipin ko at nagpasalamat sa kanya. Gusto ko sana siyang yakapin ng mga panahong iyon pero hindi puwede. Di nagtagal ay lumipat na rin ako ng puwesto kung saan kumakain na ng tanghalian si ___. Ipinatong ko ang doughnut sa lata at dinala sa aking uupuan. Abala lamang silang nagkuwentuhan doon ng mga pambabae [at talagang hindi ko sila naintindihan! girls!] at patuloy lang talaga ako sa pagmamadali kung anong mga mangyayaring susunod kay Perseus. 

Binuksan ko na rin ang Mountain Dew at saka uminom. Hinati-hati ko na rin ang pagkain bago isubo, hindi ako makakagat ng kahit na ano, kahit ice cream. Dumating na nga rin pala ang Nucleus at ang Ubod. Naisara ko ang nakaaadik na aklat at pansamantalang niligid ang aking mga mata sa kapaligiran. May mga napansin akong mga kaklaseng kasama ko pala mula Filipino pa lang, talagang hindi ko sila napansin. Nang binasa ko naman ang mga dyaryo ay may mga napuna agad akong mga pagkakamali. 

Sige, sabihin na nating hindi tayong lahat ay perpekto at ang entry na ito ay ang dami-daming typo at wrong grammar pero hindi ko alam, hello, dyaryo ng school namin iyon, bakit may mga hindi naipi-print na mga phrases, wrong chuchu at maling chuva [Hindi ko alam kung anong gagawin nila sa akin pag nabasa ng mga staffers to. Wala na rin akong magagawa, kaysa sa school ako magsalita nang lantad.]. 

Halos buong araw ay wala kaming teacher na na-meet, lalo na ring sumakit ang aking ulo, tutok na tutok na kasi ang aking mga mata sa bawat pahinang susunod. Hindi ko na namalayang hindi ko na pala napapansin si ___, super sorry. 

Hanggang sa uwian ay hindi kami nagpansinan. Himalang hindi niya dinala ang aking filecase, napansin ko agad ito at umakmang huwag nang magbasa sa gitna ng aming biyahe. Nilibre niya ako ng pamasahe hanggang Cavite. 

Hindi pa rin kami nakapag-usap nang matino dahil sa sobrang nababaliw na ako sa 1,500 pesos kong nawala noong araw na iyon. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ng isang masiglang talakayan sa pagitan naming dalawa. Sobra akong na-badtrip sa sarili dahil sa pagiging walang kuwenta ko. Nag-sorry pa rin ako bago kami maghiwalay ng sasakyan at nayakap pa siya bago umuwi. 

Nasabi ko naman kaagad sa aking nanay ang nakaka-auti na problema pati na rin ang mga kaibigan kong tumulong sa akin noong araw na iyon, lalo na si ___. Hindi ako pinagalitan. Bago ako matulog ay ipinagdasal kong pumasok sana nang maaga si ___.

> lol. Pasensya na. Nag-start kasi ako kagabi pero sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Tinuloy ko lang siya ngayon. Although medyo fresh pa ang mga memories ko, tinamad na akong ilahad lahat at ilagay na lamang ang buod ng aking entry. Nakakainis.

February 4, 2010

Nakuha Namin ang Kriemhild

Para kang mama mo. 

Paano ko nga ba ito sisimulan. Maikli lang kasi 'to e. ... Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng aking kuwarto. Nagising ako sa pintuan ng aking kuwarto. Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang korte ng pagkatao ng aming katulong sa bahay. 

Agad-agad kong tiningnan ang oras sa aking relo - 3:50 na. Hindi ko alam kung magmamadali ako sapagkat kahit magmadali pa ako'y kulang na kulang ako sa oras, sa pagligo pa lang at pag-aayos ng damit. Wala akong ibang nagawa kundi sumakay sa ikatlong ikot ng jeep sa aming subdivision. Pagkarating ko ng Alabang ay 5:30 na. 

Hindi ko alam pero bigla na lamang sumagi sa isipan kong baka maagang pumasok ngayong araw si ___ at ganitong oras siya kadalasang dumating sa aming paaralan. Madali namang binalewala nang maalala ko ang sinabi niya kahapon habang nasa bus kami na hindi siya papasok nang maaga kinabukasan. 

Pagsakay ko ng bus ay natulog na ako matapos makapagbayad ng pamasahe. Paggising ay Taft na at naghintay na lamang akong makarating ng faura ang aking sinakyan. Pagpasok ko pa lamang ng gate, at hindi ko rin alam kung bakit, pero tumingin ako sa second floor at tiniyak ko kung nakabukas ang ilaw sa nasabing palapag - nakabukas. 

Mabilis na bumalik si ___ sa aking isipan at bahagyang kinabahan sapagkat wala pang ibang posibleng magbukas ng ilaw roon. Hindi rin naman ako tumakbo sa pagtitiwala sa sinabi ni ___ na hindi siya papasok nang maaga kinabukasan. 

Pagtapak ko sa second floor ay nakita ko siya at madaling pinunasan ng dalawang kamay ang magkabilang mata. Mabilis akong lumapit at nag-sorry sa kanya. Inuntog ko ang ulo pagkatapos humingi ng tawad at sinabi niyang lumayo ako sa kanya. matapos ang ilang segundo ay humingi muli ako nang tawad at sinabi niyang ok na. Niyakap ko nang mahigpit si ___ at hinalikan nang magaan sa pisngi. Nag-sorry akong muli. 

Muli na naman akong napaisip sa nangyaring ito. Noong Monday lamang (o Tuesday? Syaks. I need Sustagen.) ay alam kong nagsabi siyang papasok siya nang maaga. 5:20 ako nakarating ng paaralan noon at sinulit ang 15 minutes na pag-aayos sa sarili para lamang makahabol sa unang jeep. 

Tuluy-tuloy na paulit-ulit na bumubulong sa isipan ko ang mga sinabi ni ___ sa aking mas maaagahan niya pa ako kinabukasan. 5:45 na siya dumating nang araw na iyon. Wala rin akong magagawa. Basta ok na ang lahat. 

Pero sana, magkatuparan na ng mga sinasabi. Alam na naming dalawang mahirap sa pakiramdam kapag hindi namin natagpuan ang aming hinihintay sa tamang oras. Nakapanghihinayang nang sumubok sa ikalawang pagkakataon.

February 1, 2010

Anong Connect?

Puwede namang kahit ano ilagay dito hindi ba? Nasimulan ko na ang professor ko sa Ragnarok. Dahil sa napakaraming kabanuan at typo ng una kong entry rito sa kadahilanang bunga lamang ang paggawa ko ng account dito ng insomnia at madaling araw ko nang ginawa iyon, sisikapin kong mas maging makabuluhan, maikli at malinis ang aking ikalawang pagsulat. 

Monday. Unang araw ng Pebrero. Malapit na sanang mag-3. Malapit na rin ang birthday ni Master Isay. At malapit na akong mamatay sa kaba. Naiinis ako umaga pa lang ng aking paggising sapagkat hindi ako nabuhayan ng diwa ng 3:15 - ang isinet kong alarm ng aking cellphone. 3:30 na ako ginising ng aming katulong sa bahay. 

Sobrang madali ako sa pagbangon at dire-diretso hanggang hapag-kainan. Matapos mai-ready at gawin lahat-lahat ng kailangang gawin, natapos ako ng 4:00, sakto lamang sa unang ikot ng jeep para sa araw na iyon. Nasa jeep pa lang ay hinding-hindi ko na alam ang una kong sasabihin kay ___. Hindi ko na lamang inisip iyon kaya inisip ko na lamang na galit ako sa kanya kasi iiwan niya raw ako. 

Pagdating ko ng school mula sa pagsakay ng bus ay may naisip akong dalawang posibilidad na mangyari. Una, papasok nang maaga si ___ para mag-sorry nang mag-sorry sa harap ko, bago ko tanggapin ang kanyang paghingi ng tawad ay sisiguraduhin ko muna kung hindi totoo ang sinasabi niyang iiwan niya ako. Ikalawa, hindi papasok nang maaga si ___ at hindi kami makakapag-usap nang buong araw dahil sa hindi ko siya papansinin kasi galit na galit ako sa sinabi niya. Medyo nangyari ang dalawang hula ko. Inisip ko talagang malaki ang posibilidad na pumasok nang maaga si ___, hindi ko alam kung bakit, basta naramdaman ko lang. WTF?!?!?!?!!?? Kung ako nakarating ng 5:30, siya 5:45. 

Hindi na masama. Pero hindi natupad ang ikalawang parte ng hulang magso-sorry nang magso-sorry si ___, kahit na ayaw kong nagtatadtaran kami ng mga sorry kundi siya ay nagkuwento ng kanyang tatlong problema sa buhay simula noong gabi ng Biyernes nang makauwi siya sa Tanauan. Para sa akin ay hindi na tama kung ilalagay ko pa rito ang tatlong mga suliraning iyon. Basta oo na lang ako nang oo sa bawat pariralang medyo tumitigil siya at pupuwedeng sumingit habang siya ay nagkukuwento. 

Sa pagkukuwentong iyon ay hindi man lamang sumagi sa isipan kong kaya niya ako gustong hiwalayan ay dahil sa isa sa mga problema niyang iyon. Dumaan ang buong oras hanggang sa mag-first period na parang wala akong pakialam sa kanya, pero ang totoo ay gustung-gusto ko na siyang yakapin, kausapin at piliting huwag niya akong iwan. 

First period. Wala ang adviser namin. Hindi ko alam kung suwerte, sapagkat wala na namang ituturong kababalaghan sa amin at hindi pa muna kami masisingil sa aming mga utang at kung malas, dahil sa hindi ko maisip kung ano ang aking ibang puwedeng gawin kasi hindi ako maaaring magsaya dahil badtrip pa ako ng mga panahong iyon. 

Nang bandang dulo na ng period ay nilapitan ko si ___ at sinabi sa kanya na tinext niya ako na iiwan niya ako. Tumango naman ang babae at muli akong umatake ng isang tanong sa kanya na kung gagawin niya iyon. Ang sabi ni ___ sa akin ay ewan niya at makailang-ulit pa akong nagtanong at pagsagot niya ng ewan nang maraming beses bago ko siya iwan sa lugar na pinag-usapan namin. 

Alam kong naging bastos ang aking nagawa sa harapan niyang iyon pero hindi ko naman gugustuhing magdabog at sigawan ang taong mahalaga sa akin. Pinili ko na lamang na talikuran muna ang problemang kinakaharap naming dalawa nang umagang iyon at lumayo na muna sa kanya. Alam ko kung paano akong magalit. 

Dumating ang lunch. Pagkagaling namin sa maikling birthday program na inihanda namin para kay Sir Divina ay nagtungo na kami sa Maceda. 20 minutes na ang nakalipas at wala pa rin ang mga babae sa Faraday. Sumagi sa isipan kong may bine-bake nga pala sila kaya ganoon. Makalipas ang ilang minuto ay nakita kong may dalang tray si ___. 

Bigla na lamang umiwas ang aking mga mata pakaliwa at inisip na sana'y hindi nakita ni ___ ang pagtingin ko sa kanya at biglang paglipat ng atensyon. Lumapit na lamang si ___ sa akin at nagbenta ng pichi-pichi. Ang tangi kong nasabi ay pahingi ng limampiso. Umalis ako nang hindi ako nakatanggap ngunit makalipas ang ilang sandali ay bumalik si ___ at pinapakuha ako ng isang pichi-pichi. 

Muli, hindi ko na naman alam kung matutuwa ako kasi libre at ang sobrang grabeng nasarapan ako sa aking natikman o malulungkot dahil sa hindi ako nakapagpasalamat sa mabuting gawang aking natanggap. Wala rin akong magawa kasi naasar pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang problema namin. 

Pagkatapos nilang mag-ayos sa kanilang HE room ay dumating na si ___ malapit sa aking kinauupuan at may isa pang dalawang pichi-pichi. Hindi ko ito pinansin kahit na laway na laway na ang aking bibig sa pagkuha at paglaspang sa pagkaing inistambay sa harap ko. Wala akong nagawa kundi kainin ang pagkain. 

Nang sumapit ang MAPEH time ay nag-discuss lamang ng mga kaunting requirements si Ma'am Carlos bago umalis nang walang paalam. Nang libre na ang aming klase sa loob ng MAPEH room ay nakita ko na lamang na naghahawakan ng kamay sina ___ at *. Hindi ko alam pero medyo nagselos ako kasi ang alam ko talaga akin lang si ___. XD 

Ikalawa, iniisip ko kung mahahawakan ko mamaya ang kanyang kamay, kung magkakausap pa kami sa mga susunod na oras, kung magkakasabay pa kami mamaya, kung magkakabati kami, kung kami pa rin talagang dalawa, masyadong mabilis ang oras para sa isang taong sobrang nag-iisip kung paano niya lulutasin ang problemang hindi niya alam kung siya o ibang tao ang nagsimula. At ang huling pangungusap ay pawang kabarberuhan lamang. 

Pagbabalik, kinausap ko si ___ pagkauwian at nagkaayos na kami sa pag-uwi. Kung paano? Hindi ko rin ma-explain. Basta ang alam kong ginawa ko ay pinilit ko siyang wag akong iwan sabay yakap sa kanya sa bus. Hindi ko alam kung epektibo ito sa iba ngunit sa tingin ko'y gumana ito, kahit kaunti, for a dollar, ninety-nine. Bago kami maghiwalay sa metropolis ay nagkasabay pa kami ng aming sasabihin sa tuwing magkakaiba na kami ng landas. Ang tagal gawin ng sagering. Enjoy naman e.