January 29, 2026

bro, chill

hindi lahat ay naghangad na mapuri ng iba. kadalasan, ang itinimpla mong kape ay para sa 'yo lamang at wala nang iba. ikaw ang siya mismong pumili ng dami ng asukal, tindi ng gatas. maging sa init o lamig, ikaw ang pinakabahala.

mayroong mga nagturo sa 'yo. mayroon ka ring mga kinopya. paminsan-minsan pa nga, sumusubok ka ng mga kakaibang timpla na hindi na matitikman pa ng kahit na sino. ang pagpapatikim ay hindi naman bawal, pero hindi sila maaaring hindi magtira sapagkat nalalaman nilang sa 'yo at sa 'yo lamang ito. respetong patunay ang pagkilala sa pinipilit na prosesong para sa puntong puwedeng hindi pa rin pamarisan.

at ayos lang naman talaga 'yon. hindi naman lahat ng kape, patok sa panlasa ng lahat. hindi lahat ng kape ay engrande. hindi lahat, pinatitikim. hindi lahat ay kailangang maibenta. hindi mo kakayaning matikman ang lahat ng klase ng kape, ng itinimplang kape, sa buong mundo, sa makukumpletong tala ng iyong buhay. hindi lahat, naghangad na magtimpla ng kape para ipatikim sa iba. sasapat na ito sa mismong nagtimpla at ayos lang 'yon.