mamaya kasi niyan, iisa lang naman talaga ang totoong pakay nila at liban na iyong sa iyo. wala naman kailang pilitin. may mga bagay na hindi mo napagtatantong ipinahiram lang naman sa iyo na bigla mo na lamang inaangkin nang sagaran. handang makipagsagutan sa mga tinagurian. ang reklamo ay iniintindi na lamang base sa arok na kayang timplahin ng mga nagsisilumaan nang panuto. iputok mo! ano?
naduduwag ka na naman? ilang beses mo iyon inensayo sa harap ng salamin kagabi. tapos, ngayon, ikinukubli mo na lamang ang iyong saloobin? paano silang masasaktan? paano mo ipaparamdam sa kanila na hindi ka naman ganoong nalalayo sa kanila? hindi mo hanap ang kanilang pagkatalo ni hinangad na ika'y magtagumpay. laos na ang mga iyon. nasaan ang tapang mo kapag nagkaubusan na ng mga bala?