pero buti na lang, hindi pa rin sila nakakahalata na ang mga palaging itinutulak nilang hangad ay hindi halos panglahatan ang gamay at minamadali na nga lang kung minsan. mayroong medyo pagsasapilit kaunti ng pagkakasunod-sunod sa tuwing manghihingi ang pagbukas ng ilalim. ayos lang din kung walang mamangha pero hindi naman iyon ang pinakapangunahing punto.
ang sinusubukan lang naman talaga ay pagsasanay nang sana'y hindi na makalimot pa. kinakailangang iwasto ang pagbakat sa bawat paglabo para maski pang magdilim muli ang langit ay mayroong munting mapagkakaabalahan. sumasakit nang ulit ang ilang kaligtang ipinagpabalang sa gising. may tampo ngunit tanggap pa rin ang iniutos. wala pa ring may-sala.