sa tuwing nauulit ba ang umpisa, nagkakaroon ng blangko at panibagong tahak kahit na iyon at iyon pa rin naman ang mga nag-aabang? may iba pa kayang mga mata ang hindi pa nakakasilip sa kadidiskubre lamang na anggulo kaya patuloy pa rin ang bagot ng mga manghuhula? sakaling bayaan lamang ang bangkay na pala na maubos hanggang sa huling uod, ilang araw kaya ang aabutin bago mapagtanto na ang pagdako sa susunod ay hindi kainam ng sanay na hindi sigurado?
ginigising mo lamang ang iyong sarili, huwag mong agad na seryosohin. marami nang naaksidente sa pag-aakalang malupit palagi kapag matulin at maingay. hindi kahingian ang mabunggo, lalong-lalo na ang mambunggo. bawat padyak ay pag-angal sa pansin na hindi naman buong kapanalig.