kung gayo'y idinadaan pa sa araw-araw na pamimilit sa sarili nang maging siguradong kaaway ang konsensiya at kalimot. hindi na dapat pinagbibigyan pa ang mga pangit na palusot. nag-iisa ka lang talaga. kalaban mo ang iyong sarili. silang mga nakapalibot sa 'yo sa inyong binansagang sirkulo ay matibay na paalalang mayroon silang distansiya sa 'yo. may gana kang gumalaw at kumpirmahin pa ang mga dapat mong gusto. wala ka nang maaatrasan pa.
ipinapahatid nga nila ang kanilang mga aping hugis ngunit sinadya nilang hindi na magmalabis pa kahit kailan. pagkakataon mo na iyon para magpakita ng hudyat sa mga pekeng simulaing inihain sa iyo. matagal na ang mga ito. alam mo na ang mga karugtong nilang panahon.