ang tanging mga susunod na tugon na lamang ay pagkadismaya muna hanggang ibuhos na agad ang buong pangyayari sa nagkukunwari lamang na kumokontra sa panig. ang pagbabakasakaling ito ay may balaking sugpuin ang banta sa isang malakas na kutos. sa kasamaang palad, mayroon na palang mga naghihintay na barong sa kuta at hindi na nila pagbibigyan pa ang kanilang mga matalik na kaibigan.
maglalaho sa isang iglap ang pinakainiingatang mga yaman, at wala nang ibang magmamay-ari pa nito kung hindi ang mga siyang nararapat. nalalaman ito ng lahat, maski pa ng mga mapagpanggap. matagal na nilang ipinatalo ang kanilang bait para sa mga diyablo.