January 23, 2026

public station

pakiusap, ang pakiramdam ng palaging pinupuntirya ay parating panlaman na lamang sa mga payak na pakikiapid sa patay nang mga panatiko ng mga payaso't palamunin. pigang-piga na ang mga preskong paraya na lang para sa pagpapatapos ng mga planong patutsadang pinasimulan.

pakialam ba nila? parang puwede na lang palaging pinamamarisan ang mga pakanang paulit-ulit lang din ang pagpapaayon at pagmamadali nang pumihit na't payagan ang paimportanteng mga pangakong pinauuwi lang din sa patay at pintas na pinagpapatong-patong lamang para sa panlipunang pagpapaaray. at paniwalang-paniwala pa ang pipitsuging mga puta!

anong petsa na ba? puro na lamang ba pagpaparami at pagpapalusot ang paratang ng puro pasimuno lang at paawa? puwede bang pakaisipin naman ang kapakanan ng pag-iisip ng mga palaging maaapi bago problemahin ang puntong pawang paruparo lamang sa parang? parang ang pakiwari kasi, pumapadausdos nang padiretso ang pagdalanging pinadudugo lang din ang mga padakmang padalos-dalos ang pagdeliryo ng diwa. pagdamutan kaya ang mga padayon? saan na lang kayo mapapadpad?