nais mo na sana talagang baguhin ang mga noon pang pamamalakad na para sa 'yo'y napakabaluktot na. hindi lahat ng panahon ay para sa lahat ng tao. ang bawat nilikha at nilalang din ay walang takas sa hindi maiiwasang pagbabago ng mga pagsubok. hindi lahat ng dalumat ay kumportable sa mga kinagisnang paglilitis, at kung sakaling magalit ang mga magkakakilalang manggagantso na ay pilit na may pinapaamin sa mga ulap nang sila naman ang maghinagpis sa langit.
kahit tumingala ka pa, wala ka nang ibang mapaghuhugutan ng kuntento sa sariling pang-uuto. ang bigat na dinadala ng iyong sarili ay pinapasan mo lang naman nang pansamantala, kaya tama na.