January 24, 2026

not your average one

dadampi itong saglit sa 'yong lingid. hindi mo ito mapapansin hanggang sa ikalawang yugto pa kung saan magbabalik sa panibago ngunit iniba nang medyo ang timpla. tanggap mong saktong pagkalikas lang ang sanhi ng patibong na pasatodo mo namang tinapakan. napagtatanto mo nang mayroong angking husay ang lumikha nito't maya't maya ka nang napapangiti't indak dulot ng hindi maunawaan na hiwaga.

sinusubukan mo nang unawain ang salaysay sa ikalawang salang na hain ng demonyo. kanino kayang amo humingi ng lugod ito para makaabot sa lampas ng rurok na isang libong hakbang ang kalilituhan pa bago makaisa man lang ng tapak? ihihilig mo pa kaya ang naiwan mong mga balangkas para sa walang kamatayang pagkapanginoon? at ano? ikaw lamang sa 'yong sarili ang makakaramdam tungkol sa luwag ng iyong mga landas.

mapapaisip kang muli't matitigilan ang iyong pagtataka sa paglipat ng danas na karamay. iniwan ka sa huling pagkakataon ng mga kaisipan ng paglayo sa katauhan at paninilbihang may pag-aalay. mananatili kang muli.