medyo magiging maluwag pagkatapos ang mga susunod na segundo. iba talaga siguro sa tuwing may pag-arangkada na hindi nanggagaling sa salimuot mg sabay-sabay na pagkakasapot-sapot. hindi naman lahat ay kaaway. hindi lahat ng walang balak umunawa sa 'yo ay may balak na ring patahimikin ka. may pagkakaiba ka pa rin sa mga kapuwa mo, at ang paglayo sa kanila ay hakbang palapit sa pagkilala sa sarili.
hihinga ka nang maluwag at dahan-dahan habang naghahanap ng mauupuang panumandali. natutunan mo nang hindi na dapat binabalewala ang mga ganitong klase ng anyaya. hindi mo mapipigilang mapangiti sa mga susunod mong bibitawan at isinisisi mo itong lahat sa mga pinakatahimik na paalam. ang pakialam ay pag-alay ng oras sa ngalan ng pag-ibig nang hindi umaasang ika'y masusuklian.