walang may balak sumigaw sa takot na maidawit sa tuloy-tuloy pa rin na bulung-bulungan ng mga hindi naman kasangkot. hindi rin nakakatulong ang puting liwanag nang padagdagan ng usisero ang mga gusto niya pang masilayan. mapapalawak ng laya ang siyang paningin ngunit para saan pa nga ba ang dipa kung barya-barya lang ang itinirang halaga?
kakapiranggot lamang sa kanila ang nakasasalo nito at higit pang umiikli ang kapit kapag kawalan ng kirot ay kinilatis na't kinita ang katumbas. suwerte mo na lang kung makatsamba ka ng kuwentong may yari ng pasakit at kawalan ng pag-asa. pupulutin ka pa nila.