April 30, 2010

Talaga Naman

Basta alam ko,

mahal kita.

I Love Tinola

Hiyah ~

Tinola :)

Naks. Interesado. XD

Gumising ako kaninang umaga. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin kaya naisip kong bumangon na lang at tupiin ang kumot. Hindi ko alam na nagbuklat ako ng kumot simula nang ipikit ko ang aking mga mata kagabi bago matulog. Pero paggising ko talaga nakakumot na ako kanina. Hindi ko na maalala kung ano yung almusal ko kanina. Ay, ayun, corned beef. Masarap naman. Lasang corned beef naman. Kumuha ako ng kanin tsaka ng nasabing ulam. Pagkatapos kong kumain, binuksan ko na kaagad ang laptop ko. Nag-online ako hanggang tanghali saka isinara ang internet. Sabi ko talaga sa sarili ko, isang manok lang ang kakainin ko kasi manonood pa ako ng TV. Mali. Isang parte ng manok lang pala. Yan ang sinabi ko sa sarili ko. Wala akong nagawa. Paborito kong ulam e. Marami talaga akong kinain. Pagkatapos kung kumain, nabusog na talaga ako. Hanggang sa dinner kanina ang dami kong nakain.

Babawi siya ngayon. Tingnan natin.
Ang sarap talaga ng tinola.
The best.

April 29, 2010

Little Miss Spider

ang gusto ko sa babae

simple.

lol


sabi ko sa sarili ko, eeditin ko ba? baguhin ko na talaga? ito na. ito na talaga.

ang gusto ko sa babaang gusto kong babae:

nerdy
dirty
curvy

joke lang. haha.

cute
mas maliit sa akin
maganda yung mga mata
kahit buong araw lang akong nakikipagtitigan sa kanya
o kahit ako na lang nakatitig sa mga mata niya
talented
matalino
magaling
malupit
masayahin
kinakausap ako
madaldal
madaling umintindi
hindi maarte
malawak ang pasensya
malawak ang pang-unawa
ayaw kong sabihing mataba
ayaw kong sabihing chubby
sexy na lang
ayaw ko rin ng payatot
straight yung hair
mahilig sa aso
mahilig sa mga banda
makakausap ko
naiintindihan ako
gusto niya yung mga gusto ko

imposible

Missing You

"I drew this for you.."

Wala akong magawa. Haha. MS Paint. Super bano. I love sunsets!

April 27, 2010

Grief and Sorrow

Gusto ko matutong magdrawing. :(
Gusto ko ng magnificent hand. :(

Naaalala ko tuloy yung mga una kong drawing.
Noong unang beses kami binilhan ng sketchpad.
Oo, tig-i-tig-isang sketchpads kaming tatlo.

Tapos ako lang yung di marunong mag-drawing. :(
Nag-drawing ako noon ng dragon,

ng mga tao sa counter strike,
ng mga baril sa counter strike,
ng mga pasabog sa counter strike,
ng poring,
ng rose,
ng horse.

Tsaka siyempre ng bahay-kubo na may bundok sa likod tapos may palayan sa harap tapos may araw at mga ulap at ibong letter V.

Dame ~

Do You Ever Feel Like Breaking Down?

BOREDOM

BOREDOM

BOREDOM

BOREDOM

BOREDOM


B

O

R

E

D
O

M

WTF.

April 26, 2010

Just a Smile

Vice Ganda, namatayan ng ama
Vice: (umiiyak. as in.)
Friend: Okay ka lang ba?
Vice: (titig) Ay oo ok na ok ako. Sobra. Matagal kong hinintay to e. Ayan tigok na. Oo, ok na ok ako. Patayin ko rin tatay mo para OK KA RIN! Gusto mo? Para OK TAYONG LAHAT?!

lol

Naaalala Mo 'To?

Another repost.
!Nollaine: Buwahahhahahahahahah!!
!Pai: Easy lang.

Gusto ko tuluy-tuloy, isang paragraph lang. Game. >:) So aun...

Wala lang. Ganito kasi yun. Ayun. May review kasi kami di ba sa Nucleus? Haha.Muntik na ako ma-chorba. Haha. Edi lunch na. Haha. Niyaya ko si Pai mag-lunch. Ayun, payag naman siya. Wala kaming maisip. Ay, ako pala. So ako dapat mag-isip kung saan kakain. Sabi ko, KFC. Lakad naman kami papuntang KFC. Haha. Waw, haba ng pila. Siymepre tanghali. E ang haba. Baka matagalan. Sabi ko, Jollibee na lang. Oo na lang si Pai. Feeling ko nga magagalit siya eh. XD Buti hindi. Ayun. Lakad kami papuntang Jollibee. Hanglayoo. Joke. Isang tawid lang naman. Pagpasok namin.. WTF?! Mas mahaba yung mga pila kaysa sa KFC. Ayun. Tapos umakyat kami sa level 2. WTFF?! Walang bakanteng upuan. Ayun. Sabi ko kay pai, KFC na lang. Feeling ko magagalit siya. Wee. Hindi pa rin. Bait nomon. Haha. Edi yun, tatawid ulit. Pagtawid, ewan ko, bigla kasing may bus na papunta sa kanila, sabi ko uwi na lang kami. Haha. Edi yun. Ang saya sa bus. Kuwentuhan. Haha. Siyempre di mawawala si Miguel sa usapan. XD Kaya lang, medyo inaantok si Pai. =) Basta may sinabi sa akin si Pai na hindi ko naintindihan. XD Ayun. Pareho kaming bumaba ng Southmall. Tapos babay na ~ Pupunta pa akong Festival. Magmi-meet kami ni Lei! Wee. Classmate ko dati noong elementary. Wala lang. Niyaya niya ako e. Tinanong ko nga kung anong gagawin sa Festival e. Sabi niya gagalawa lang daw. Maglalakad? Oo, maglalakad lang. So ayun. Pagsakay ko ng jeep, eh naghihingalo na yung cellphone ko. Globe pa si Lei. Haha. Wee ~ Nawalan na ng battery. Buti nasabi ko sa kanya na punta siyang Festival mga 2:00. Haha. Ayun. Napaaga ako. Tapos may bandang tumutugtog sa may Jollibee yata yun. Pinuntahahan ko naman. Haha. Insonente ako e. E nadaanan ko ung Spoofs Ltd. Ooooh. T-shirts. Haha. So nabalewala ang banda, pero ang ingay pa rin nila. So mga 5 mins ako naghintay sa lugar na yun. Boom! Haha. Napunta sa likod ko si Lei. Ginulat pa nga ako e. At nagulat ako. Haha. Edi yun. Sabi ko saan pupunta? Sabi niya hindi niya alam. Haha. Edi yun. Lakad-lakad. Tama sinabi niya! Maglalakad lang kami. Ayun. Lakad-lakad. Maya-maya, pinakita niya sa akin ung binili niyang L na ewan, stuffed toy yata. Haha. Tapos biglang ewan, napunta kami kay Remu. Haha. Sabi niya lalaki raw yun. Sabi ko babae un. Sabi niya lalaki. Babae! So in-explain ko sa kanya na sineduce dati ni Misa-Misa si Remu nang malaman niyang (Misa) pag nainlab yung shinigami sa kanya e kapag pinahaba pa nito ang buhay niya ay mamamatay ang shinigami. So nung sineduce na ni Misa si Remu, sabi niya (Remu) babae siya. Ayun. Yun yung sinabi ko sa kanya pero feeling ko di niya naintindihan. So patuloy pa rin sa paglakad. Haha. Nung Grade Six nga pala, halos sintangkad ko lang si Lei. Haha. Pagkakita ko sa kanya, parang nasa balikat ko lang. Waa. Di ako mayabang. Napansin ko lang. => So ayun. Sabi niya, nag-iba raw boses ko. Puwes, yung sa kanya lumiit. XD Habang naglalakad kami, may lumapit sa kanya. Nag-aabot ng sample ng pabango. Haha. sabi niya sa akin naabutan na raw siya nun bago pa man ako dumating. Haha. Nakakaveliw. So sabi ko, habang naglalakad, oo siyempre yun lang naman gagawin namin dun e, kung gusto niyang kumain. Haha. Sabi niya, gusto niyang ice cream. Wenk. Parang si Miguel naman 'to eh. Ice cream. Haha. So ayun. Sabi ko, saan. Sabi niya, sundae na lang. Punta kaming Mcdo. Haha. Kumain kami ng sundae. Libre ko. Siya oorder. DEAL. Haha. So siya nga umorder. Sabi niya kasi, hindi siya marunong. Hindi raw. Haha. So ayun, usap-usap sa table. Tapos lakad na naman, haha. Nilibot namin ung buong level 4 tapos bumaba sa level 1. Dadaan daw siya sa National. Bibili yata nung magazine na tungkol sa anime. Haha. Otaku (?) - chuchu. Haha. Wala pa ung National ng issue ng May pero may nakita kaming poster. Nakakalat. Haha. Aba kunin ba naman at itago sa bag. So ayun. Umuwi na kami. Kuwentuhan sa jeep. Ayun, nagulat nga ako Mandarin na e. May sumakay pala sa may Carmona, edi ayun, nag-abot siya ng bayad. Tinanong nung driver kung saan bababa. Sabi nung sumakay, sa taas daw. lol. Tawanan kami ni Lei. Yun pala sa may San Jose. Mayghad. Sa taas. XD Ayun Mandarin. Di ko na namalayan. Basta. Laftrep. Enjoy. Ang liit mo na!

Harumonia

Natutuwa ako. Matagal ko na itong isinulat. Repost na lang.
Sa awa ng Diyos, pumasa ako. :-O

..

Lipad. Bumibilis ung tibok ng puso ko. Habang papalapit nang papalapit sa aking testing room eh kinakabahan ako. Huminga nang malalim, iniwan ang cellphone sa kuya ko at dala ang mga pangarap sa buhay, lapis, pambura at test permit, pumasok na ako sa room namin kasama ang ibang magu-UPCAT ding mga tao. Chekwa. Ano yung chekwa?

1. Lahat ng left-handed ay ihihiwalay ng pila, di ko mawari kumbakit.
2. Kung may kasama kang kakilala mo sa isang testing room, HUWAG kayong mag-uusap. Paghihiwalayin kasi kayo, nasa pila pa lang. Nako, kung crush mo ung katabi mo paalisin mo pa ba? XD Nasa sa inyo na rin, 'pag nag-usap kayo, idi-disqualify kayo, patatawag magulang niyo at mamarkahan ang pangalan niyo sa listahan nila.
3. Pauso ko lang ung number 2. Titingnan ung test permit ninyo, 'pag pareho kayong school, paghihiwalayin kayo, two seats apart. Sayang talaga kung crush mo katabi mo.
4. Third year pa lang isipin na ang course na kukuhanin, mas maigi kung second, puwede ring first year. XD Matititigan niyo nang sobrang tagal yung application form pag mga bakasyon pa kayo nag-isip. promise. =D
5. Huwag magbaon ng sandwich na may hati sa gitna. Tae, ang kalat.
6. Manghula kung kinakailangan. XD Right minus 0.25 wrong. Kung marami kang blanks, effective ang manghula, isang tama kasi bawi na agad ung 4 mistakes, feeling ko lang.
7. Huwag isipin na mahaba ang 50 mins para sa English Test, nagkakamali ka.
8. 'Pag nilapitan ng frat sa daan, ibang pangalan ang isulat sa registration form.
9. Huwag ngitian ang katabi.
10. Feeling ko walang sense ung number 9.
11. Pati ung number 10.
12. Huwag mag-aral habang papuntang testing center o the day before pumuntang testing center, walang papasok sa utak mo.
13. Huwag mag-aral sa school, nagpapapansin ka lang. Joke. XD
14. Mabisang mag-aral mga 1 week to 2 days before. Huwag ka mag-aral sa English at Science. Word problems ang aralin. XD
15. magdasal bago mag-test.

Paglabas ko ng room namin, nandun sina Kuya at Ate Michaelle. XD Ayun, tapos tinuruan ako sumakay ng jeep patungong LRT 2. Solb. Tapos ang UPCAT. Hinga maluwag. Sana pumasa. =)

Bam Bam

Hindi mo alam kung kailan ka mamamatay.
Unless may cancer ka,
at naagapan.
at may pera ka,
at alam mo.

Pero paano kung..

hindi mo naagapan,
at wala kang pera,
at hindi mo alam?

April 25, 2010

The Shade of Poison Trees

Paano kung pinanganak ka nang maayos?
Tapos hinintay kang umabot ng 1st year college.
May lumapit sa'yong isang pulubi.
Pero kakaiba siya.
May ibinigay siya sa'yong libro.
Ay hindi pala, libro + DVD.
O libro + DVD ng iyong buong buhay.
oo.
BUONG BUHAY MO.
Mga nangyari, nangyayari at mangyayari sa'yo.
Binibigyan ka ng pagkakataong masilayan ang lahat.

I would love not to live if that would happen.

April 15, 2010

Wake Up

As usual.

~

Walang kuwenta na naman lahat ng ginawa at sinabi ko.
I don't have to emphasize everything.
Every word in my compositions is chosen.
Kailangan binabasa at iniintindi bawat salita.

Sa ibang bagay naman nakasentro lahat ng ginagawa mo.
Lahat ng ginagawa ko nakasentro sa atin,
para sa atin.

Martin Sheen or JFK

Ang saya kanina.

~

Pagkapunta kong Masci, naggitara ako.
Hinihintay kita siyempre.
Nainip ako kagigitara.
Lumabas ako ng gate.
May dumaang bus na sinakyan mo.
Inisip ko bababa ka na.
Hindi pa pala.
Tapos maya-maya, nakita kitang naglalakad.
Sabi ko na nga ba lumampas ka.
Pagpasok mo ng school, pumunta kang office.
Sabi sa'yo kumuha ng request for 137 galing UP Diliman.
Sumakay na tayo ng bus sa Taft.
Lumapit yung konduktor, siyempre.
Sabi natin sa konduktor Philcoa.
Binigyan na niya tayo ng tickets.
Hindi pa muna niya ako sinuklian.
Tapos masaya tayo, sobrang saya.
Tapos lumipat tayo ng upuan.
Hiningi ko na yung sukli ko.
Binigay na niya.
Tapos sobrang saya talaga na naman natin.
Malapit na nga pala Philcoa.
Bumaba na tayo.
Nag-attempt akong sumakay ng UP Campus na jeep sa tapat ng Jollibee.
Puno na pala.
Doon na tayo sumakay sa terminal yata iyon.
Nagbayad na tayo ng seven pesos.
Umandar na yung jeep.
Pumasok na sa UP nang makarating.
Bumaba tayo sa street ng boarding house namin ni Kuya.
Ipinakita mo sa akin boarding house mo.
Sobrang magkalapit lang tayo.
That was great.
Pero wala si Kuya sa boarding house.
Pinapunta niya tayo sa EEE.
Sabi ko sa kanya di ko kasama si claudette.
Sumakay tayo ng UP Ikot.
Ang layo ng nilakbay ng jeep.
Akala ko nga lumampas tayo.
Ibinaba tayo ni Manong Okie sa EEE.
Huwag mo nang itanong kung bakit Okie ipinangalan ko sa kanya.
Hinintay natin si Kuya.
Ang tagal.
Dumating na siya.
Inihatid niya tayo sa registrar.
Nakipag-usap ka.
Nakipag-usap ka ulit.
Ako naman nakipag-usap.
Si Kuya nakaupo lang the whole time.
Alam na natin ang gagawin.
Bumili tayo ng C2 Apple.
Naglakad hanggang Eng'g Building.
Sumakay na tayo ng jeep doon.
Nagbabay na tayo kay Kuya.
Lumabas na ng UP ung jeep.
Bumaba na tayo sa may Philcoa.
Sumakay na tayo ng bus papuntang Taft.
Tapos sobrang saya na talaga natin.
Bumaba na tayo sa UN.
Pumunta tayong Mcdo.
Ako na umorder.
Kumain na tayo.
Naghintay ng text na hindi dumating.
Pumunta na tayong Masci.
Kinuha ko na ung Eclipse mo.
Sumakay tayo ng bus.
Roundtrip papuntang Southmall.
Masayang-masaya talaga tayo.
Ang sarap talaga matulog sa shoulder mo. Haha.
Bumaba na tayo ng Southmall.
Bumili ka ng tubig.
Hindi pinlastic.
Pumunta tayong National.
Nagtingin ng kung anu-ano.
Napagod tayo.
Umupo tayo sa Southmall.
Bumaba na tayo pagkatapos magpahinga.
Sumakay na tayo ng bus.
Masaya tayo. :)
Bumaba na tayo ng San Antonio.

Sabi ko sa sarili ko, tae bitin. Gusto kitang makasama hanggang sa gusto ko, pero hindi puwede. Kailangan nating umuwi sa ating mga tahanan. Di bale, balang araw, may sarili na tayong tahanan. Haha. I wish.

Aling McBeal

Ok na tayo.
Sabi mo mag-enjoy tayo.
Sabi mo gusto mo na akong makita.

:)

April 14, 2010

Fe

5
u
65u
rtu
rtuirtur

rtui
rt8
6r8
6r8
5rtba
7
n
e6
g43
6hb
34n
745ev64ety
e5
ay
t7
57
85
8
e58
e58
8
458
459
65
7egvy
urturtuirtirsirtb
e57
7hb
45

745

wnsdfgklsdhgfiosdjgsdghs
dniodjgfisdgsadklgnsdklgns
djlgoiseht8oetyRA*O{yt%GhA*):
RTHQ#*O
sdgfsduoghWS(_TSEGY
seryer
yeryer
hu'ea
yhe
5uj
46tru
er
u48i45684
aswer
tybe
ya4e6gbe47437hb
a4367b43
643v
nm7
a

Boopey Valenzuela

Sana hindi mo makalimutan lahat ng sinabi ko sa'yo.
Intindihin lahat ng sinasabi ko,
na puro kasiyahan lang ang gusto kong namumuo sa pagitan natin,
na wala akong ibang hinangad kundi ikaw.

Harry Galisaso

Ikaw lang ang mahal ko.

Alan Polantoc

Mahal na mahal kita.

Glen dela Costa

Ayaw kitang masaktan.

April 8, 2010

No Mets /gg


Ang alam ko x-ray result na lang kulang ko.

~

Narinig ko na lang ang biglang pagbukas ng pinto ng aking kuwarto. Nakahiga pa ako, tatlong unan ang nakapatong sa aking ulo at nakapulupot pa ang kumot sa aking buong katawan. Tinanong ni Nanay kung anong oras ako aalis, ang sabi ko, kung anong oras dapat ako magigising. Sinabi kong x-ray lang naman na iyon at sinabi niya sa akin ang isa pang way ng papuntang UP at umalis na siya. Pagkasara ng pinto, natulog na ulit ako at nagising after 30 minutes. Chineck ko muna kung nakaalis na talaga si Nanay at saka binuksan ang linksys. Binuksan ko na rin ang aking laptop at saka nag-plurk ng kung ano. Haha. Isa lang naman pinuplurk ko e. Anyway, nag-ragnarok for thirty minutes saka ako bumaba ng kusina para sa aking almusal. Kumain ako ng hotdog at kanin tapos naligo na ako. Pagkatapos kong magbihis, pumunta na ulit ako sa aking kuwarto at inayos ang mga kailangan kong dalhin. Habang inaayos ang aking gamit, narinig ko na lang bigla ang busina ng jeep kaya naman nagmadali na akong kumuha ng panyo at saka tumatakbong lumabas ng aming gate. Hindi na nga ako nakapagpaalam sa mga tao sa bahay e. Pagdating ko ng Alabang, syempre bumaba ako ng jeep. Pagbaba ko ng jeep, nagpa-load na ako at tinext na agad kita. Haha. Nate-text na ulit kita ng ganoon, ang saya naman. Anyway, sumakay ako ng bus at bumaba ako ng Magallanes at sumakay na ng MRT. Bumaba ako ng Quezon Ave at saka sumakay ng jeep papuntang UP Campus. Kakaibang way to pero alam ko ito ung way na sinakyan namin ni Kuya noong nag-UPCAT ako. Haha. Siyempre nakarating naman ako nang maayos sa UPHS at kinuha na ang aking x-ray result matapos batiin ang mga taong nakasalamuha ko noong pumunta ako ng Monday. Pagkakuha ko ng x-ray, pinapunta na ako sa triage at pinapunta naman ako ng tao roon sa room 3. May mag-eexamine yata sa aking doctor. Haha.

SPOILER ALERT!! [Ngayon, kung wala ka pang medical certificate, mainggit ka. XD]

Sabi kasi ni Ate Michaelle, titingnan daw yung insides. Haha. Pero depende pa rin daw sa doctor. Suwerte lang siguro ako, kasi chineck lang ung paghinga ko tapos ok na tapos pinapunta na ako sa room 7, tapos pinaupo ako, tapos kinuha UPHS forms ko, tapos naghintay ako, tapos may medical certificate na ako!! Kaya lang Tabilin, Marian Martin C. yung nakalagay na pangalan, at narealize ko na lang iyon nung jeep na ako papunta sa amin. Di bale, sabi ko, tama naman kasi ung student number at dalawa lang kaming Tabilin na nakapasa ng UPCAT para sa taong iyon. At hindi marian pangalan ng pinsan ko. Haha. Pagkakuha ko ng medical certificate, ANG SAYA-SAYA KO!! As in ANG SAYA-SAYA-SAYA-SAYA-SAYA-SAYA-SAYA-SAYA-SAYA-SAYA-SAYA KO!! Sumakay na ako ng jeep papuntang Philcoa at pagbaba ko sa nasabing destinasyon, sumakay na ako ng bus papuntang Faura. Pagdating ko ng Masci, may mga tao, pero wala akong ka-batch kaya badtrip. Umakyat na ako sa room ni Ma'am Reyes [yung kakaibang Dept. head ng Filipino na nanguha ng ID dahil hindi raw ako nakauniform]. Wala siya roon at umalis na ako ng Masci. Kumain ako ng Bacon Mushroom Melt sa Wendy's at sumakay na ako ng bus papuntang Alabang. Tapos nung Alabang na, naglakad ako hanggang Metropolis tapos nagjeep na, tapos narealize na mali name, tapos nagte-text tayo, tapos bumaba na ako ng jeep, tapos naglakad, tapos bahay na, tapos kama ko na, tapos bukas laptop, tapos plurk, tapos nag chat tayo, tapos nag-Dota ako, tapos panalo kami, tapos nagte-text pa rin tayo, tapos nag-YouTube ako, tapos naisip kong i-type ito, tapos may medical certificate pa rin ako!!


~


Nami-miss ko na namang manood ng South Park. Gusto kong panoorin ulit yung uncut. Haha.

April 4, 2010

Pati ba naman Dito?

I mean, sariling mundo ko na ito. Ako na gumawa ng mundong ito. Dito ko na nga lang puwedeng ilabas lahat, kailangan pa ring may mag-edit? Kumbaga, akin ang blankong papel, ako nagsulat sa blankong papel, ako mage-edit ng mga sinulat ako, ako babasa, ako lahat! Hindi naman puwedeng may ibang taong kailangang magsabing baguhin yung mga bagay sa mundo ko. Take note: Mundo ko ito, bakit kailangang baguhin? E akin nga db? Wala na ba akong karapatang maghayag ng sarili kong damdamin? Wala na ba akong karapatan sa mundo ko? Sa papel kong ako mismo ang naghirap, sumulat, naglabas, umire, sumuka, umihi, tumae at dumura? Sa sarili kong mundo? Wala na ba akong karapatang sabihing 'ito ang gusto ko, akin naman ito di ba?' Wala na ba akong karapatang maging malaya, kahit sa sarili kong mundo lang? Wala ba?

Nung Mga Panahong Bano Pa'ko Magsulat

CLICK ME!

Bano na ako forever.

~