y
ko.
Ito banong-bano pa rin.
3rd year high school artifact.
Ang daming mali nung nire-retype ko.
Pero wala pa rin akong binago.
Nang Dahil sa Kasoy
Lahat tayo sa mundong ito ay dumaan sa pagiging bata. Isang antas ng nilalang na hindi maaaring hindi pinagdadaanan ng isang tao. Isang hakbang sa buhay na maraming karanasan - halos lahat ay makukulay - wala pa kasing problema, bata pa kasi. Hindi natin ito makalilimutan.
Buwan ng Wika noon. Maraming nagsisipaghanda para sa taunang okasyon. Marami ang nasasabik na ipamalas ang kanilang mga pinag-ensayuhang mga sayaw. Marami ang gustong ipagyabang ang kanilang galing sa pagbigkas ng mga tula, dula at balagtasan. Marami ang nais nang ilabas na naman ang kanilang mga nararamdaman at isipan ukol sa bayang Pilipinas at sa kanilang wikang Filipino. Marami ring gustong umuwi at manood na lang sa telebisyon kaysa magpakita sa itaas ng tanghalan sa harap ng maraming tao at hindi alam ang eksaktong gagawin - isa na ako sa kanila.
Nasa unang baitang ako noon. Tinawag ako ng guro ko sa Filipino na pumunta sa harapan. Lumapit naman ako. Iniabot niya sa akin ang isang librong nakabukas. Tiningnan ko. Nagtaka ako. Anong gagawin ko? Nagsalitang muli ang aking guro. Sinabi niyang ako ang napili niyang magbabasa ng kuwento upang may ipanlaban ang aming baitang kinabukasan sa isang paligsahan sa pagbabasa ng isang kuwento. Hindi ko alam kung bakit ako pero ang alam ko mataas ang marka ko sa asignatura niya. Pero hindi niya alam na sobrang dali lang ng mga tinuturo niya at wala akong talento sa pagbabasa!
Alam ko na ngayon iyon ang kanyang sinabi. Pero noong mga panahong sinabi niya sa akin iyon ay hindi ko naintindihan. Basta ang alam ko magbabasa ako.
Dumating ang sumunod na araw. Hindi ako kinakabahan kasi nakalimutan ko na ang mangyayari noong araw na iyon. Bigla akong nilapitan ng guro ko sa Filipino. Tinatanong niya ako kung nakapaghanda ako. Tinanong ko naman siya kung anong mayroon. Sinigawan niya ako, "Ano ka bang bata ka! Hindi ba may sinabi ako sa iyong may babasahin ka?"
Nagulat ako at umakmang papaiyak. Pero hindi ko itinuloy ang paghulog ng aking luha ng kamusmusan. Kinuha ko na lamang ang aking librong punit-punit ang plastik na balot at saka dumeretso sa entablado.
Ang aking mga kalaban ay mula sa ikalawa at ikatlong baitang. Nagtataka ako sa kanila sapagkat wala silang dalang mga libro. Folder lamang ang kanilang mga dala. Hindi lang iyon. Sila ay nakabarong at ako ay nakadamit pang-eskuwelahan lamang. Pero hindi ko na ikinainggit iyon. Hindi ako kinabahan. Lalong hindi ako napanghinaan ng loob. Basta ang alam ko magbabasa ako.
Masaya pa nga ako noon. Lalo ko pang ikinatuwa noong tinawag na ang pangalan ko. Pumunta na ako sa harap. Nais kong ihuling banggitin ang pamagat. Binasa ko ang kuwento nang may ngiti sa aking mga labi. Nababasa ko ang mga salita ngunit hindi ko maintindihan ang aking mga sinasabi. Basta ang alam ko magbabasa ako.
Natapos ang aking pagbabasa sa maikling kuwento. Pumalakpak ang mga manonood. Ibinaba ko ang librong matagal na tumakip sa aking mukha habang ako'y nagpapalabas at saka ibinalik ang kanilang mga palakpak sa pamamagitan ng isang ngiti ng kamusmusan. "Bakit nasa Labas ang Buto ng Kasoy?", ang aking huling sinabi.