[September 7, 2016, 11-ish pm]
Yung kuwartong (****** **** **g-) amoy tamod, yosi, at
tilamsik ng beer galing sa bibig. Pareho lang pumupunas, sabay pahid, kung saan-saan
na lang kami dumudura.
O ano, meron akong ano- ah, ano rito, mga tatlong stick
na lang ng Winston Lights. Hindi ko natripan kasi ngayong araw yung Pallmallive
Naturals. Wala na muna akong pakialam sa boses ko. Inuna ko na rin sindihan
kanina yung lucky stick, baka sakaling tamaan ng kidlat.
Mabuti na lang. Lumapit na ako agad sa may isang
tindahang may tanging liwanag sa street. Nakita kitang gising pa, kasama ng
dalawang kumag na lasing na lasing na rin. Tiningala ko yung buwan. Binadtrip
lang ng ambon yung mga mata ko. Pahid ulit. Maliwanag pa pala. Tulog pa rin ang
mga tilaok.
Ikaw ang una kong nakita, tapos tiningnan.
Bumating-lasing din sa mga repapips power representationsz. Apir dito, kayod
doon. Wala naman kaming medyo pakialam sa isa't isa. Sa iyo lamang.
Kinausap kita. Naalala mo naman pala ako. Siyempre,
agarang tanong kung saan nga ba ako nanggaling sabay tingin sa relo mo.
Tumingin din ako sa relo ko, baka sakaling makaramdam ka rin ng pekeng vibes.
"Isang kaha po ng Marlboro, pula," medyo bitin
kasi.
"Wow, reds ka (rin) pala," hithit, tingala,
buga.
"Wala eh," hindi ko na alam ang susunod.
Ikaw na rin ang nag-umpisa, wapakels na ako sa next
episodes.
"Dun ka pa rin sa *Subdivision niyo nakatira?"
"Yeap," pagpigil, kamot ulo, "'Kaw
ba?"
"Dun pa rin."
Malamang. Sumundot na rin ako ng isang stick matapos
taktaking pamekeng hangod ng lasing ang aking kaha. Flick. Burn. Higop.
"Kaso walang tao sa amin ngayon."
Nayari ang mokong. Tumukol na bigla. Binulsa ko na agad
yung kaha ko. Katatapos ko lang magchess kanina kaya pag-iisipan ko na muna
yung lantad mong huyakoy.
"Oh? Bakit?" malamang sa malamang ulit.
"Hindi ko alam. E kasi," bla bla bla. May
namatay rin sa akin. Ipinaliwanag mo pang hindi ka maaaring magpaliban sa
tarvaho.
"Ah, sa'n pala work mo ngayon?"
"Sa Makati lang. 'Kaw ba?"
"Dun din."
Hits. Usok. Panay balikan na ng tingin at silip sa aking
likuran kung dinig pa nga ba tayo ng dalawang tambay. Pabalik-balik din ako sa
kung anong meron sa iyo at bakit nagkakaganito.
"Ga'no katagal na silang wala?"
"Matagal-tagal pa," lasing ka ba? O sinadya mo
na lamang. Nagmamadali ka na rin siguro.
"Boring 'no?"
"Boring."
"May dala akong laptop dito," badyang flat nips
and fuck. "Beer?"
"Beer? Hahahahaha. Hindi ka ba hahanapin sa
inyo?"
"Hahanapin, malamang."
"Sure ka ba?"
Ang lakas kaya ng aya mo. Tumango na lamang ako ng
dalawang beses at nagbabayu na tayo sa dalawang spicy fuckers.
Kaunting lakad. Kaunting ambon. May dumaang motorsiklo
sakay ang dalawang spicy fuckers na kumakaladkad ang mga gilagid. Tumingin ako
sa iyo, nginitian mo naman ang tsonggo.
Unti-unti nang bumagal hanggang sumakto. Tumigil na tayo
sa harapan ng inyong gate. Walang susi. Wirdo. Matagal pa naman na akong takot
sa kabilang subdivision na'to, ninyo.
"Pasok ka," malamang.
Ikaw na ang nagsara ng gate,
nagbukas ng pinto,
nagsara,
nagbukas ng ilaw,
naglapag na tayo ng mga bag,
nagbukas ng pinto,
nagbukas ng ilaw,
nagsindi.
"Nonood pa ba?"
Nginitian mo na lamang ako.
Sa labi, sa likod, kahit makailang daplis pa sa inog ng
daghan. Ikaw ang bahala sa akin at ako rin ang bahala sa iyo. Kikising ang
ungol ng aircon ngunit wala pa ring magtatap'sin sa'ting dalawa. Tayong dalawa
na lamang muli ang sabay sa mundong balu-baluktot. Ni hindi sila magkamayaw sa
kung kailan pa nga o pasaan at paano. Tayo na lamang muli at tayo na lamang.