December 31, 2017

Some of the 2017 Trends - Philippines

January

CDO Flooding
La La Land
Salt Bae
Nung Ako'y Bata Pa

February

Roll Safe
Jollibee's Valentine's Series
Pare, Pulis Ako
Trash Doves
Cash Me Ousside / Howbow Dah
I'm Drunk, I Love You
Expanding Brain

March

How Italians Do Things
Cheering Meryl Streep
LaVar Ball
Jolegend Slaydangal
Logan

April

Kapag ba...
Coldplay in Manila
Pennywise in the Sewer
Syria Chemical Attack / Syria Missile Strikes
Batangas Earthquake Swarm
United Airlines Fiasco
Kendall Jenner's Pepsi Ad
Duterte Declines UP Honorary Doctorate
He Protec but He Also Attac
Spotify Playlist Messages
Fidget Spinner

May

Sotto Insults Taguiwalo
Touch This / The... (Facebook)
Thankful Reaction
Proclamation No. 216
Super Sad Pope Meeting the Trumps

June

BPI System Glitch
Wonder Woman
Villar Urges Ban on Unlimited Rice
Cavaliers vs Warriors
The Floor is...
EverWing
Wikang Korean sa Paaralan

July

Pacquiao vs Horn
Billboard Asking Erich Gonzales Out
Dancing Hot Dog Snapchat Filter
Not You / TĂș No
Nyeaam!
Game of Thrones - Season 7 Premiere
Spider-Man: Homecoming
Chester Bennington's Death
Kita Kita
Philippine Executive Order 26

August

Duterte Signs Free Tuition Bill into Law
Kian
Patay na si Hesus
Distracted Boyfriend
Game of Thrones - Season 7 Finale
Mayweather vs McGregor
The Kyrie Irving Trade
Kyah, Pembarya, Kyah
Zark's Burgers' 8th Year Anniversary
Sarahah
Dear David

September

Are you threatened by us?
Inhaling Seagull
Pacquiao: "You can call me anytime."

October

Xander Ford
Joey de Leon Slammed for Depression Remark
Baby Shark
Werpa, Lodi! Petmalu!
Szechuan Sauce Fiasco
Baron Geisler: "Hearsay?!"
Doki Doki Literature Club!

November

ASEAN Banner Misspelling
Lil Pump
Bong Go Selfie
Sass Confronts BBC Reporter
Papa John Lloyd
Passenger Loses Hand in MRT
Kumalas na Bagon ng MRT
Justice League is a Disappointment
Charles Manson's Death
Sud, Jensen and the Flips Face Sexual Misconduct Accusations
Paramore Tickets Sold Out
Thor: Ragnarok
Infinity War Trailer
Samyang Challenge
Dog Petting Photoshops
Bike Cuck

December

Slain Students in Batangas
The Last Jedi
Isabelle Duterte's Photoshoot
Ben Swolo
Thai Political Crisis Breakup
Sherlock Jr. on GMA
If You Play This Song on New Year's Eve

December 5, 2017

Oo n(g)a.

Umpisa'y nilinaw ko nang magiging malabo. Hindi ito magsisilbing galit at pamamaalam, bagkus, ito'y muling pagparatang sa aking sarili sa kadahilanang nasanay na ako, nasanay na akong magmukhang aywan ko ba kung mahal ko pa ba ang sarili ko, o tama na. Tama na ba, o tama pa ba? 

Mismo akong yumayakap sa lahat ng dapat kong sundin, hindi ko rin naman maitatangging 'di naman naging minsan ang iyong pag-aalaga. Masarap. Mapagkalinga. Malambing. Hindi naman nagkulang. Ako lang naman itong laging madalas na nagkukulang. Bakit pa nga ba ako na'ndito? Bakit ba ako tumatawa sa paggiluyong-luha, umiiyak sa gatas ng hele, at nagpapaubaya sa laslas ng pakiusap?

At alam kong sa bawat gagawin kong sa tingin ko namang karaniwan, magiging balakid sa pagkitid ng iilan. Hindi ko naman sinasadyang manggulo, sinasadya ko na lamang umunawa, nang lubusan.

Mismo ring sinubukan na lang pagkathang-diwang huwag na lamang akong hanapin, at parayain sapagkat bakat, siyang 'di ayaw na lalanseta ang bawat inupod sa mga ukit. Ako na naman na sana ang bahala sa sarili ko. Ni minsan, ayaw ko nang isiping magkakamali ako sa bawat dahan-dahang pagtapak ko sa mundo mo, sa mundo natin.

Umuunawa ka rin naman, alam ko, at hindi ka naman nagkakamali. Sa bawat pagtapak, siyang magsilbi sanang pataba sa bawat pag-iwan ko ng singgat at tikil ng butil, nang umaayon namang palagi sa hindi mo pag-amok ng digma.

Ako ito, iyon ang laging hantong mo sa iyong sarili. Paano kung... ako rin ito, siyang hindi mo maiintindihan ngunit pinapalagang-awa na lamang (siguro, at huwag naman sana). Ako ito, na siyang tumutubigang luha sa langis ng iyong mga bungisngis. Ako ito, na siyang hindi magbubuhat ng yangka, ni aalamatin ang iyong mga araw. Ako ito, na tumatandang naghahanap na ngayon ng pagbalik na aangkop sa tuwing galit ang araw, hihingi ng patawad ang buwan, at kung maghanap ng paumanhin ang araw, siyang buwan pa rin ang hihingi ng liwanag.

Ako ito, akong buwan, akong iyong nagpapaakong may mga gabing nagdilirim na lamang nang kusa, na wala tayong dalawang liwanag, at dadaig sa mundo ang magkabulag. Huwag kang mag-alala, dahil ako'y iyo, at kung ikaw ma'y akin, alam kong hindi sasaglit kung saan man ang kung anumang paghila sa ating mga pag-unawa.

At alam ko ring magmumukha pa ring mali ito mismong aking lahat ng saloobin, dahil ano nga ba akong hindi na lang karaniwan, na siyang umiintindi nang madalas, para sa akin, para sa iyo, ano nga ba? Siyang sana pa ring tanggapin (din) sa dulo.