Mangyaring hindi na naman ako
Pinalad makita
Ang siyang pagtali mo ng buhok
Palayo sa ating makikitid na
Salarinang ibahing pangyayari
Mangyaring habulin na naman tayo,
Sa pagmamadali ng kay kupad na oras
Hinding-hindi ka nakatatakas
Sa aking pagyaring
Hindi na naman ako
Ang siyang nakakita
Sa pagtali ng iyong buhok
Palayo sa aking sarili
At pagkitid
Sa ibang pangyayaring
Hinding-hindi ako nakatatakas
June 27, 2018
June 24, 2018
Yeah, naiintindihan ko naman kung hindi ka naniniwala sa Diyos, pero respeto rin kasi sa tao yung respeto sa paniniwala niya. Pambabastos man, sa kahit na anong anyo, ay pambabastos pa rin. Bastos ka. Yung tipong wala ka nang pakialam sa pakiramdam ng naniniwala talaga, maipakita mo lang na malaki yung bayag mo, at holy shit yung pag-iÃsip mo. Aware naman ang maraming tao na may masasamâ at mabubuti sa kahit ano pa mang paniniwala. Hindi ibig sabihing may bastos na pari ay bastos na lahat ng Katoliko. Pinatunayan mo lang na tanga ka kahit na sinasabi mo subtly na advanced ka mag-isip.
Subscribe to:
Posts (Atom)