February 29, 2024

adik ka ba

the worries of my subconscious
only remanifest themselves once
i've served enough hallucinatory
plated with blank static trying its
very best to numb my mind. as i
drift into empty space, my body
forgets the comforts hugging my
every zone. i come alone, and i
come along. come what may be.

i only meet them here. we talk,
and then we cry. shouting won't
bother anyone as well. pleadings
with guilt and compassion are
among readings of petty illusions.

my mind has minds of its own.
they curse. they accuse. they will
not even make me refuse. they go
on and on, they do not stop until
a random pop and fizzle kicks me
back up again. i will not remember
why i am angry, albeit i won't stop
serving them enough hallucinatory.

February 7, 2024

don't you worry

tuwing may pakuwang nakikiusap ka
sa 'king tabi, sa mga pagkikipag-usap na
ika'y akin pa bang sinisinta, nawa ay
maghunos-dili ka sa 'yong sinasambit
sapagkat kapagka maragsa ang bugsong
iyo ay siyang dantay mong damay rin
ako. 

          ngunit wala akong ibig sabihin na
tigilan at pigilan mga ibig na hamakin
ng damdaming ibig lang limutin ang
hapdi ng ibig na alanganin bagkus ituloy
ang sarili sa alaalang minsang pakuwang
nakikiusap ka sa 'king tabi, isang dali na
ika'y aking unang sininta. nawa ay lubos
maging akin ka, aking buong sinambit

sapagkat kapagka pagkuwang nakiusap ka,
dantay kong damay na huwag makiusap pa.

February 4, 2024

Zend Luke vs Emar Industriya


Round 1

Emar Industriya

Kamusta? Kamusta biyahe? Buti nga nakarating ka pa. Napanaginipan kasi kita na napapraning ka na. Kulang na sa tulog sa paghahanda, ay kulang na rin sa pahinga, sa paghihintay ng araw na ito kung saan mamamatay ka. Malabo? Puwes, ating palinawin. Bawat rima pinipino, 'tong kalaban gigilingin, sasalain na maigi, mula itaas hihilahin, kakaladkarin ka sa dilim pailalim, at padiin kita susukatin, at bara-barang babarahan itong binabae na barbaro habang binabarang ka ng barang bumabara sa utak mo. Pati angkan nito madadamay, isasagad hanggang buto. Panoorin mong naaabo kaluluwa ng lolo mo. Kausap ko ang iyong apo. Sa hinaharap ah. 'Tong lolo niyo, 'wag niyo gagayahin 'to. Tarantado 'to. Kaya pupuruhan ko 'to ng purong metapora. Purong Tagalog na magpapaurong ng 'yong dila nang hindi na kayo, kayo makarinig pa ng kulang na walang bisa, diwang walang wika, wikang walang usisa na galing sa halimaw pa daw na hinihika at puro lang kapantasan? Puwes, ito'y pintas sa 'yong kapintasan. Kumpas pa lang ng aking bantas ay tastas ka't magkakalasan, at sa kaitaas-taasan, tapos na kitang mapagbayaran kaya kahit patayin kita ngayon ay wala na 'kong kasalanan. Ayos lang? Salamat sa diyos. Naarbor na kasi kita nasa sinapupunan ka pa lang. Kaya kinaaawaan na kita nagsisimula ka pa lang. Yung unang kanta mong naisulat ibinulong ko 'yon sa 'yo nang hindi mo alam. Pinatubo kita't pinabunga nang may ngunguyain akong kaluluwa sa panahon ng pagkalam ng aking sikmurang tumutunaw lang ng makatang pampantasya. Ito'y paggahasa ng pagbasa ng paghasa ng panlasa. Dura ko ang kamalasan ng paglalakbay mong dito madidisgrasya. Dahil buhay at kamatayan ang ating distansya. Kaya 'wag ka nang umasa. Magapi mo ko'y mananatiling pagnanasa. Dinaragdagan mo lang ang masasakit mong alaala. What's up?

Zend Luke

Kamusta? Kamusta, Emar? Isang dating kakampi. Matagal na tayong 'di nagkita. Nabulag ka kasi. Ako ang nais na kalaban sa taas ng panahong nakatunganga. Ang mga sungay ko at ang pamamahinga mo ay magkasabay lang na humaba. Mahal na mahal mo ang katamaran. Yun ang hindi ko maarok. Pinaghahanda mo pa ng meryenda 'pag dumadalaw ang antok. Tambay, hilata, pagmumuni-muni lang ang trabaho mo, pre. Sana mabagsakan ng troso itong nagbibilang ng poste. Kung makapal ang iyong apog, mahihiya ka na, 'tol. Balat-kalabaw natapat sa itak ng matador. Luzon, Visayas, Mindanao, sa tunog ko binabiyahe. 'Di nagsusulat sa tubig pero dumadaloy ang mensahe. Katastropiya ang sagot sa mataimtim mo na dalangin. Bagyo ang nakikinig sa mga binubulong sa hangin. Sige, tumingin ka sa 'kin kung matapang ka talaga. Bakit nauutal-utal 'yang nangungusap na mata? Sa 'stilo mo may kulang bagamat isa ka sa mga una kong pamantayan. Si Lukas ang kumpletos rekados, at isa ka lamang kasangkapan. Moderno na ang rap. 'Yang 'stilo mo'y naiwan. Napuyat na kusinero, ika'y natulog sa pansitan. Malungkot ang 'yong mundo. Mag-isa kang naaaning. Kahit maghulog ka ng maraming kutsara, wala pa ring bisitang darating. At 'pag nakaramdam ng gutom, mas sumasalbahe siya, bay. Nambabato siya ng bato para mabato lang ng tinapay. Dalawang pilosopo sa makikita na konsepto. Aristotle at Socrates nagdedebate sa impiyerno. Emar kontra kay Lukas pero tiyak na mas lamang ako sa 'yo. Sa mapanibo na hardin, mangingibabaw ang paruparo. Time.

Round 2

Emar Industriya

'Wag naman. Grabe ka. 'Wag mo 'ko sigawan. Hindi ako pang-ubusan ng boses. Pang-ubusan ako ng lahi. 'Yang hipnotismo mo, sa 'kin ngayon nananalamin kaya sa 'yo sumasapi. Ang agimat mong dala, nang tinitigan ko'y biglang nahati. Pati mga anghel de la guwardiya mo'y pinapakuluan ko na sa talyasi. Agresibo lang ito manalita ngunit ang asignatura hindi epektibo, kaya hindi integratibo, kaya hindi mo aral ang 'yong 'stilo. Tingin ko nga sa 'yo, sinto-sinto ka pati ang iyong kolektibo. Kakatanaw mo kay Tata Lino, tinakwil ka na ng sarili mong tribo, tapos dito pa susuot? Dito sisiksik? Sa mundo kong nilikha, ikakamatay mo ang pananaliksik. Sige, dito ka sumuot sa akademiko kong siksik. Yayakap ka sa apoy at sa impyerno ka hahalik dahil kung tingin mo nakikita mo na o makikita mo pa na kahit gumamit ka ng ikatlong mata, mamamatay kang dilat sa pagtingin ng Industriya. Hindi mo natunugan? Hindi na abot ng iyong prediksyon. Puwes, gumagana ang lahat ng mga ginawa ko sa 'yong orasyon. Hindi mo 'yan mararamdaman, ang lason at ang impeksiyon, kasi hindi sakit ang pumapatay sa 'yo kundi ang iyong desisyon kaya tadtad 'to sa taludturan. Wala sa kalingkingan nitong tagatubig, masusunugan. Ako ang ningas-katagalugan. Sa krus ka ipapako, iaalay sa larangan. At ikaw ay aking iaahon para sa ere ka pugutan. At maging saksi ang mundo... Siyempre, at para maging saksi ang mundo at ang isang katauhan na ang blangkong silid ay dapat lang na minamata para matauhan. Iaalay na rin sa 'yo ang hindi malimutang kalungkutan na magpapantay sa mga paa mo habang ikaw ay lumulutang. Gano'n. Gano'n. Gano'n 'to kagaan. Tinatangay lang ng hangin. Kulang-kulang 'tong kukulangin, halos tayo'ng dapat na bilangin, kasi wala nang paraan para sa daan ko 'to palarin. Sa 'king kamay ka mamamatay, at 'yan ang napatunayang pangitain. Patunay lang na ang pangitain ay kaya kong totohanin. At 'yan ang pinagkaiba natin.

Zend Luke

'Wag naman gano'n. Kaibigan mo 'ko, Emar. Puwede mo 'kong ituring na kakampi. Mahaba pa ang buhay, ayos lang magkamali. Kung ang oras ay ginto, doon ka nagmadali. Dumadami ang 'yong kasalanan dahil sa ninanakaw na sandali. Mahihirapan, magdurusa 'tong kaluluwang nilitis. Ako'y empleyado sa purgatoryo at ang trabaho ko ay tigalinis. Didisiplinahin, paparusahan 'tong kawatan na salarin. Mapuputulan ng daliri itong kumakapit sa patalim. Kaliwa ka nang kaliwa, walang problema, hala sige. Ang kaso, 'di ka nananalo, nananatili kang kadiri. Ang rason kapag natalo, 'di naintindihang maigi. Mag-aral ka na lang ng aikido, magaling ka lang magdepensa sa sarili. Matatamo ay kahihiyan dito sa patayang hanggang dulo. Wala ka nang mukhang maihaharap kapag naputulan ka ng ulo. May espada at martilyo, pangbarbaro ang aking asal. 'Tong galing sa gintong dekada, dadalhin ko sa panahon ng bakal. Gutom na matuto. Lungkot sa loob, mapanlumo. Luhod at sunod sa buod at panuto. Punso na may nuno. Tungkod ang panturo. Tugtog, malaguro. Bugok at bulok na busog sa tulog na bangungot. Doo't nakusog mga kumo sa bungo nasulod pagkabuno. Dugo magulo't nabuo na pagguho. Tutok sa pagtupok, tiyak sunog sa pagsuyo. Tunog, malaguro. Lubog ang pulos, ang bundok at pook paroon at patungo. Usok. Industriyalismo. Pagkawasak ang sigawan. Kung may tenga ang lupa, naririnig ka ng kalikasan. Walang makakaalam na ako ang pumatay sa 'yo. May pakpak ang balita pero nahagip ng aking palaso. Naputol ang puno ng buhay at ginawa ang sagrado kong papel. Ang panulat ko'y balahibong binunot mula sa pakpak ng arkanghel. Sumindi ako ng kabute at tinaktak ko nang gan'to. At ginawa ng diyos ang tao galing sa nahulog na abo. Papatunayan kong mali ang nagsasabing kami'y pareha. Magkaiba tayo ng tela sa pagtatahi ng letra. Ako, sa liriko, may puwersa. Sa pandinig, mabenta. Parang galit na boksingero, ito'y kumakagat sa tenga. Itsura ba'y magkamukha? Para sa 'kin ay insulto. Kung diyos ang sining, ako ang sining, ito'y isa sa 'king rebulto. 'Tong kauri, tatalunin. Magkalaban na tayo, bay. Wala na ang daan ng mga tumakas, sinunog ko na ang tulay.

Round 3

Emar Industriya

Hindi. Gago, hindi ka gumagalos kahit magpakamakata. Naghukay ka 'ata nang malalim, tama 'yan. Diyan ka hihilata. Buhay kitang ililibing kasama ng nagkakandamatay mong talata. Nais ko lang makakita ng makatang naaagnas habang nagmamakaawa. Dahil yung hinagpis mo, ulila, kaya pikit-bulag ang 'yong diwa. Kulang sa hilamos ng kumukulong mantika, nang kumunat at maunat ang maskara nitong manika na kahit imekaniko ni Moniko, ang mekanismo mo ay mahi... Mga sawsaw. Sa timbangan lang 'yon ng aking palagay. Yung estilo mo, hindi kongkreto, aligaga pa't hindi mapalagay. Bata ka pa at supot kung sa mundo ko 'to ilalagay. Kikikilan ka lang ng dose anyos na ako't may kalalagyan ka kapag hindi ka naglagay. Kasi papunta ka pa lang, Zend, papunta na 'ko ulit. Yung daan mong binaybay, ako ang bumutas niyan pabalik. Kaya nga tama ka ng landas, e. Mali ka lang ng armas na bitbit. Didigma ka ba naman sa kagubatan na ang dala mo'y pamingwit? May sakit ka sa isip. Palakpak kayo nang palakpak, may sakit 'to sa isip. Hindi nasusumpungan, na kahit sa masusing pagsusuri, hindi na 'to mabubuksan. Tapos ang asta, parang kaya mo 'kong silaban? Ako ang dagat-dagatang apoy, hindi kita mararamdaman. Kahit sa balat, walang talab. Uugod-ugod ang 'yong piyesa. Ika'y leon sa gubat na binulag ng mariposa. Uminom ng tubig nang tumutuba, nawalan na ng panlasa. Handa niyo pa rin bang tikman ang sulat ni Lukas nang nakakasulat lang ngunit hindi nakakabasa? Kasi, 'tol, yung pangungusap mo, putol-putol. Linya'y buhol-buhol. Pinagtatagping pinagdurugtong, pakunwaring nauulol. Ulol. Yung talim mo, bingaw-bingaw, masahol pa sa mapurol. Tila walang tumatama na suntok ang nagsuot ng asarol. Pero kahit saluhin ko lahat ng 'yong ipupukol, ibuburol ka pa rin sa burol na baul ang ataul. Ilaw ang ulo mong gaparol habang nagsisilab ako ng dayami sa kubol. At kung mabubuhay kang muli, 'tang ina, tarsier ka na lang sa Bohol na pinagkaputol-putol-putol-putol-putol. What's up, Ahon 14?

Zend Luke

Hindi. Isang buwan ka sa 'king ulo, nag-isip ako nang kusa. Parang anit ko ang daigdig tapos ikaw ang kutong-lupa. Mahina daw ang mga tao, puwes sa kamao ko sasagupa. Papatulugin ko na 'tong lobo nang 'di na makapagbilang ng tupa. Namumuna, nanghuhusga porket mulat na po siya. Kung meron kang tatlong mata, ibig sabihin, mas marami ang 'yong muta. Hinaluan mo ng yabang ang mga sulat mong sinalin. Anak ni Habagat at Magindara, ika'y mahangin na malalim. Lirikalan sa lirikalan? Makikipagpalitan ka ng puwersa? Madilim na silid-aklatan, mangangapa ka sa mga letra. Liriko, bumabakat, at ang lakas ko na terible. Kada linya, mabangis, parang mga marka ng tigre. Hihingi ba 'ko ng pasensiya o tatapusin ko na 'tong lokong 'to? Ang bulong ng aking konsensiya, tinalo ng mga boses sa ulo ko. Peke na makata habang ako ang totoo. Parang obaryo lang ni Gaia, mahiwaga ang nabubuo. Ngayon, kusang sasambulat dala kong proyekto. Asignatura at kultura, gawin kong perpekto. May postura't istraktura aking monumento. Mula kay Buddha ang nakuha ko na ornamento. Kada bungad, mga sugat ang naging epekto. Sa pag-usad, mga sukat dadalhin sa metro. Walang kupas nga lang, Lukas na siyang sinemento. Pinapamulat mga sulat na may sentimyento. Si Emar, malademonyo, pero sa pag-ibig, napinsala. Isang mabangis na diyablo na tinalo lang ng diwata. Ginawa ka daw utusan, naging mahinhin ka na masiyado. Naging 'di makabasag-pinggan, pinaghuhugas na lang ng plato. Dumadapo ang buhay 'pag narinig ang aking sipol. Sungay mo, nagsasanga-sanga, pero walang pumapatong na ibon. Nakatutok ako sa sulat, nakatitig, parang nagninilay. Tapos biglang nag-apoy ang liriko kaya nasunog ang aking kilay. Makikita niyo sa laban na 'to, diretso sa ulo ang pinsala. Sarap hatawin ng maso 'yang bungo mo hanggang memorya, mawala na. Delikado kaniyang isip, diretso sa utak, mga bala. Parang pinanis ko album mo, mabubura ang alaala. Isa-isa kong tutugisin kung marami ang ikaw. Pinapasok sa lambat, mga kaluluwang ligaw. 'Di lumalagpas sa oras, pero nairaos ko yung punto. Nilalabas na kita sa kahon sa loob ng dalawang minuto.