March 29, 2024

lazy lazy

gago, pre, they always seem like
they're hungry. you'll hear 'em
when they hear you. they'll let
you know about something
you never cared about before.

the time is always exact. they
never rush nor slack. sleeping
at any point of a day is always
this piece of reveal na they're
safe being with me, kahit na
minsan e hindi ko sila pansin.

hindi naman siguro ako lugi
but i feel like i'd never win.

March 28, 2024

kailan balik mo

minsan na rin bang tinawag
na pag-uwi ang 'yong akalang
bisita lamang? nakahanda sila
agad-agad, unang padala lang
ng iyong pagsambit. mayroon
laging mas sabik pa kaysa iyo.

mag-aagawan pa kung sino
ang handang malamigan
sa sahig. makikisali ka sa gulo,
at sila'y awang-awa naman
sa iyo. itatanong kung anong
gusto mong ulam kinabukasan.

kahit ano po, kayo po bahala,
iyong tanging ipinamagitan.

March 27, 2024

prototype of a silencer

you should tone down
for a little bit. i feel like
i'm starting to get scared
of what might happen
if this place turns into
its own jungle. i wouldn't
like the hassle of meanings,
intrusions of patience.

don't you already know
how it feels like getting
mobbed by aliens? how they
know things by default, how
they're sure of happenings,
futures we really should not
care about but end up ruining
our cereals. at least you,
of all people, should avoid,
at least, a massacre, a riot
of some sort because if you
don't actually try something,
there'd be of one last resort.

March 26, 2024

not even

hindi ka ba naaalog diyan
sa kinauupuan mo, maski pa
hagisan ka ng kamatis, kutya,
at ng delubyo? anong ilusyon
sa iyong kokote ang patuloy
na umiinog, at patuloy kang
umiirog kahit patuloy kang
kinukuyog?

nahihibang ka na yata.

hinding nagmula sa pahinga
ang magpapakapit sa iyo.
may dahilan kung bakit
nagbubuhos ang tao bago siya
na yumao sa paghigop-hilik
ng hinigitang kainipan. 'wag
ka sanang pagpawisan diyan
sa pinagmumura mong isipan.

dahil kung papakatandaan
ang sa lahat ng nakaraan,
walang ibang kumpara diyan
kundi ingay lang ng bulaan.

March 25, 2024

you got me

alam mo, paminsan-minsan,
napag-iisip-isip ko rin kung
kakayanin ko bang ibsan
ang bigat ng malaking sungay.
kung sa bagay, sino ba naman
ako para magreklamo kung
ang problema ko lang nama'y
hanap ng laman sa gutom ko.

hindi ako tulad mo, kumakatas
ng tone-toneladang natatanging
mahahalaga sa pagiging buhay.

samantalang ako, kinakatasan
ng peke-pekeang pangarapin
sa buhay. parehas tayo lagi
na magsisikap na magsisikap
kahit isa sa atin ay umuuwi
lang din sa pagkukunwaring
mga paghagilap. kung ang oras
ay maiaatras, isa lamang sa atin
ang mang-iirap. isa sa atin ang
mapapanatag na ang buhay
ay punung-puno ng paghihirap.
yayakapin nang lubusan bawat
bitak na hinakbangan dahil
ano pa nga ba ang pagkayod
kung isa lang ang nakinabang?

March 24, 2024

parambula

gumagamit ka ba? hindi ko na
malaman-laman kung may tae
pa ba sa dinadaanan namin.
gumagamit ka 'no? ba't hindi
pa rin napasok sa loob 'tong
mga batang 'to? 'tang 'na mo a.

hindi nga sabi e. ba't hindi
pa rin naniniwala sa 'kin 'tong
kupal na 'to? mas alam mo
na ba agad kahit hindi ikaw
ang nakakita? ha? para kang
mama mo e. putang ina.

weh, 'di nga?

e 'di 'wag kang maniwala.
alam ko ang nakita ko. wala
namang napilit sa 'yo, 'di ba?

ba't ka nagagalet? konti na
lang at sasapakin ko na 'yang
pagmumukha mong panget.
nagtatanong lang e.

nagkukuwento lang din ako.
kuwentong nauwi sa kantsaw,
na nauwi sa ngiwi, ngiwing
may kasamang alinlangan,
tungong 'di mapagkatiwalaan.
ewan ko sa 'yo.

bahala ka sa buhay mo.

matitikman din balang araw
siyang hain ng bathala sa 'yo.

March 23, 2024

bus stop

diyos ko, lord, ikaw na marahil
ang pinakamahalagang kausap
sa bawat nahuhuling tagaktak
ng aking pagpapawis. malapit
na malapit na akong masawi,
at ikaw na lamang ang nasa
aking isip, sa sugod ng aking
bawat kalamnan, sa higpit ng
aking bawat pagkapit, o,
panginoon, akong may-sala
sa iyo, sa aking sarili, sa aking
katabi, patawad na marami.
ako'y—

...night sky, makes city lights
shine like diamonds. our song
plays on the rasumilid na
ang anino ng konduktor, tumabi
na pala siya sa aking sapatos.
kaunting iniusog ang aking bag,
ta's abot ng singkuwenta.
we're living it up...

sa'n 'to? alabang? estudyante?
inagaw ko ang iniabot na papel,
habang kinukumbinsi ang sarili
na wala nang natira pa sa akin.
please, gagawin ko ang lahat,
umabot lang ako. hindi na ako,
kailan man, manghihingi sa 'yo
ng kahit na ano, magpakung
saan man, manggugulo sa 'yo,
ibigay mo lamang sa akin 'tong
kaisa-isang

at biglang pumreno ang bus,
kasunod ang isang malakas
at mahabang busina sa labas.
putang ina mo! 'tang 'na ka!

hindi ba't nangyayari lang 'to
sa palabas? patayin niyo na 'ko.

March 22, 2024

don't you

nakasalampak lang
sa salas, titig sa palabas
ng tv. tutok nang mukha
sa mukha, naghihintayan
kung sino ang may unang
gagawiin. lilipat ng tingin
sa repleksyon sa sahig.

itutulak ang sarili
para makabangon.

mauupo muna't kukuha
ng unan sa sofa. isa. isa pa.
sasalampak muli. aabutin
ang remote. maglilipat,
magpapalit ng ingay. unti-
unting lalaksan— hoy, ang
lakas ng tv mo! unti-unting
hihinaan... sabay sa kunot
ng kilay, ng noo.

akala mo kung sino. tingala
sa kisame. magpapapansin
ang bilog na nag-iiba-iba
ng kulay. red, white, blue.
i never wish to fight you
so just let me be, and maybe
i'll let you, too.