June 30, 2024

unreleased

we're not really having this
conversation, these thoughts.
everything is just merely
floating through territorial
space as letters, as symbols,
as sounds never truly having
meant anything. it is still
a wonder how violence and
chaos can actually feel calm,
normal, and at their very best
state, underwhelming.

preparing for something big
isn't anything we've all
hoped for. every day doesn't
have to be always at stake.
coffee burns your tongue
while making uneven pale
pancakes for trying to wake
your sorry-ass self up, on
every sunset, making up
the tiniest excuses to not
recognize important any
longer, 'cause there simply
is not. nothing. at all.

once acceptance of lazy
is as needed as it does not
matter whether milk or water
gets set up by chance,

we're not really having this
conversation, try to wake up
your sorry ass.

June 29, 2024

chesterfield

magmamadaling araw na't
malapit nang matapos
ang siya na pagsasadula
ng paboritong pelikula.
hindi naman talaga sinadya,
kahit may pasundut-sundot
ng subtitles na maaaring
iwanang screenshot kapag
nagkataon, ipinapalusot
na lamang na nagkapareho
lang naman talaga ng inibig.

magsasabay ang iba, sabay
rin sa isa. ang padilim ay
pagkikita-kita, mula pang
hapon hanggang sa umaga.

hindi naman problema
sakali ang pagpapahiram
ng mga amoy. mahalaga'y
'di nag-uulit, papayagan
lamang ang mga umano'y
nagbibigkis sa ating lahat,

pagsasayang pagsasayang,
unti-unti nang bumabakat.

June 28, 2024

go ahead

sino ba ang nagdikta na ang paghilig
ay iisa laban sa nag-iisa, na kung 
bakit ipinupursigi pang nanganga-
ilangan munang mayroong mahinto't
magmura mula pa sa kaibuturan niya,
na kung hindi niya pa maipagtanggol
ang lahat ng kanyang kinabisa, mag-
mimistula siyang tanga, napag-isip-
isip niya. napag-isip-isip mo ba?

na ang tunay na halimuyak ay hihigit
pa sa isang heated na hidwaan, heavy
machine guns, helly sharingans, hail
mary, forgive us, for we still do not
understand we can always understand,

na ang pait ay rekadong panlinamnam
nga naman sa danas, pero 'wag naman
sanang sigurado na natatangi lamang
ang 'yong wild ass 'cause the truth 
of letting everyone enjoy as much as
how painful one can over-bear, may
matitira pa ring nagpapayong every-
thing else shall fail,

never na siyang makikitapak ng base.

June 27, 2024

do not wake me up

sobrang sinadya yatang tagalan
na mag-adjust para lang masabi
talaga na gising na gising. may
umagaw na naman siguro, kahit
hindi naman sinadya, ng tuma-
takbong pampalipas-oras, ubod
ng kupad sa umpisa kaya't

madali ring nalilimot kung sa'n
pa nga bang nanggaling, sunod
sa paroonan. bakit lagi na lang
balot ng kaba at pigilan ng
mga babawal kung saan punung-
puno ng mga pupuwede, pero
depende pa rin pala

kung sanay mailagi sa tahimik.

pipiliin bang hayaan na lang
ang may mamili, o hahayaang
'di mamilit, piliting muli na
managinip?

June 26, 2024

paumanhing panauhin

mayroong pangunang pagkapang
walang makakaalam maski ang
bagong-gising. sa pangalawa'y
may pagdududa na't kukurot,
pipigaan, maghahanap na ng
tubig, kape, milo, at ipanghahalo
na sachet sa mainit na tubig.

hindi nawa makakamit ang langit
nang hindi nakaibabaw ang isa
sa mga kalbong pinagpatungan
ng tugtugan kinagabihan, sa pag-
pang-abot ng mga hindi kinilalang
mga magulang, bakit kami yung
magkukulang? hindi naman kami
yung nagpalaki sa amin? tsaka,
isa pa, bakit sa isang tuldok na
pangnakalipas, iyon at iyon lang
ang tanging sambit at siwalat, 

na para bang kahit makauwi nang
muli sa tahanan, sa naiwang bakas
ng pagpaalam, ilang ulit man na
magkunwaring hindi hibang,
sa pagkamata'y iba na lang, kung
magsisimula, pasensya na lang,
at walang pasensyang pakialam.

June 25, 2024

tsaa

pauso'y nag-aabang, tila bunsong
kasisilang lang. wala nang natitira
pang kakilala, iisa lang. walang 'ya,
puro tapon, puro sermong hindi
naipapasok, at paulit-ulit na gabi-
gabing paglabas-masok hanggang
sa, at some point, mapapatanong
na lang talaga agad-agaran sa sarili,

isa pa ba? bakit umisa pa kasi?
mabilis lang, mabilis lang, mag-
ooras na pati malapit nang may
kumulo't kumidlat, kumulog sa
badyang pagkaiglap ng binubuo
na palang mga alaala. hindi pala
dapat na nakapagtataka.

umisa pa. umisa na. umisa pa kasi.

June 24, 2024

taympers

biglang hindi ko na pala
alam ang nangyayari. bakit
nga ba pa kasi ako ulit naan-
dirito? 'tang inang 'yan.
putang ina kasi. fucking shit.

wala na, wala na naman.
sobrang bilis lang pala no'n?

ano ba dapat ang una ko
nang gagawin? e, nandun na
ang lahat ng mga una kong
gagawin. ngayon lang ako
nagkaganito na naubusan
ng gagawin, at sino ba sila?

nakikilala raw ng isa. alam
niya kaya ang gagawin? sa'n
ka pupunta? dapat ba akong
sumunod? masunod? never
mind. wala na rin pala akong
nakabisado. bobo talaga.

kailangan ko na lang muna
sigurong tumanggap ng talo,
alam ko, alam ko. kabisado
ko na pala 'to. isang buntong-
hininga ko lang, pipikit, isang
saglit, iiwanan ang mundo.

June 23, 2024

do your job

kahit pa sa dulo maipuwesto,
yari 'yang tanong mong
sinadya lang namang pag-
isipan pa kagabi, or kanina,
or baka ilang taon mo nang
ginagamit, nagagamit, dahil
hindi nauunawaang umiikot
naman talaga ang mundo,
at hindi sa 'yo, kahit ano pa
ang sabihin nila, sa iba't iba
na mga kuwento nila, sino
ba sila sa sino ka rin ba?

yari 'yang galit mong
walang pinagbabasehan
kung hindi kawalan lang
ng totoong pagtigil at paki-
kinig — lahat ng malabo'y
hindi dapat ismid at patabi
ang panunghay. e, kaya nga't

kahit pa sa dulo maipuwesto,
yari ang hinahanap ng lahat.

June 22, 2024

storm

sige, paalam. salamat, salamat.
walang anuman, haha. 'la 'yon,
sus. 'wag mo nang isipin 'yon.
ako na, sige. sige, sige, sige.

oh, yeah, right. i should do that.
i'll work on it later. i will, yes.
i'm already working on it right
now. ako bahala. mamaya na.

gutom na 'ko. anong masarap?
jollibee? two-piece chickenjoy.
malutong na balat, yung medyo
nagmamantika pa. ganun din
miminsan sa ministop, sa uncle
john's. sa dixie's, may tofu sisig.
wala na yung chef na maraming
maglagay ng mayonnaise. saan
na kaya siya? saan na kaya siya
nagluluto?

gusto ko nang mag-aral magluto.
kaso parang nakakatamad lang
din pala. tsaka baka mas mahal?
baka hindi na naman ako maka-
ipon. may mga gusto pa akong
bilhin, at pagkagastusan. kung 
nabibili lang din sana ang oras.
ilang oras na ba ang nakalipas?

ilang minuto, ilang segundo,
ilang araw ko bang kakayanin
na manatili pa rito? palagi ko
palang hinahanap na ang mga
minsan. kailan ba silang muli
na dadalas? anong oras na, at
anong oras na naman ako
maaalimpungatan mamaya?

magkukumot na lang ako,
tapos pagpapawisan na naman.
nakatutok naman sa akin lagi
ang electric fan. bukas na ako
magwawalis. mamaya na,
mga, siguro, ten thirty, para
sakto maski papa'no. merong
bubuksan, isasara. bubuksan
ulit, magsasara. bubukas,
makakalimot, magtataka,
matatakot, mabubugnot,
magbubukas, magsasara,
bubuksan ulit, magbubukas
ulit, may bubuksan pa, ipag-
papabukas ko na. bukas na.
may bukas pa. may bukas
pa naman. may bukas pa
naman 'di ba? bukas niya
pa naman kailangan, 'di ba?

10:39.

mamayang 10:45, pramis.

June 21, 2024

blue tiles

nakaupo lamang, namamawis,
at naghihintay dapuang muli
ng langis, kaunting hangin,

tulad ng inaalagaang gapang
bago tapak-tapakan at nang
mabudburang hindi gaano
ng asin, parehong balak din,

na bago pang mag-umpisa
ang lahat, mangungunang
muna ang panimulang pabati
ng pighati, kahit lubayan
na ng pagkunwari, maski pa
na manahimik, hinding-
hindi na mayayari,

'pagkat makukumpleto na
ang siyang pagkakayari,
hinding-hindi na kailanman
kikiling sa umaastang hari.

matutuloy ang pangyayari,
wala nang makapipigil pa
sa pag-uunahan, pakapalitan,
hayaan lang mabasa ang
daanan, punasan, basahan,
hinding-hindi na iiwasan.

June 20, 2024

sit yo ass down

the artist will always
do the same thing
over and over again,
thinking it is the only
best worst thing they
could have ever done,
every single time.

pointing out details
incorrect is often far
different from what
the artist senses.

everything will be,
in no doubt, lessons
of no significance
if it is not, hopefully,
the artist's intended
shot.

how could one ever
weed, on the artist's
own goddamn plot?

the artist won't
ever listen, won't
even beg pardon,
won't show care,
nor shame, 'cause
it's never that easy

entering unseeingly
in the artist's realm.

June 19, 2024

over

sa araw ding yaong
walang makapagsasabi
na ang pagkasadlak,
pagkaramdam, isasahuli
nang maisabuhay, isang
minimithi, iisang kulay.

magsasanib-sanib na
ang lahat nang mapatotoo
sa buong santinakpan
na walang magi-maginoo
sa lulustay ng kinabang
galing pa sa babasaging
bangang hindi na napuno
ng bigas pa.

sumama ka, doon sa labas,
hindi na muli pang aatras.
para sa kahig na kinaibigan,
ngayo'y mimitsang iwanan. 

June 18, 2024

salong guhit

mapaglaro rin kung susubukang
sabayan pero hindi makikisalo.
magkakalat pa 'yan, liliparin
din naman, nakagagaan,

katulad ng mga sandaling
sa langit na lamang talagang
napagmamasdan. kasingkulit
ng mga ulap, sintipid ng pag-
ambon, sing-ihip ng pangarap
na naglahong naglaon. kasabay
ng hindi paglingon ang naiwang
bubuksan na naman,

at pipitik, agad-agad na pipihit,
mapawi lamang ang saglit
na siyang dulot din ng guhit.

June 17, 2024

enter the void

there was once this dark room
full of green-lit computers,
with green texts, coal screens,
sage-chrome walls, endless,
hidden pipe-wires, tangled,
lime teas, lime energy drinks,
time wasted, time unmeasured,
time's just adjusted to however
we really pleased, noodle cups
half-finished, cut metallic
wrappers, a faint smell of rust
mingling with coffee, sweat,
and dust, keyboards slimy
from nothing but scarcity,
simultaneous whirring, almost
genius and inspiring, did not
intend to spiral until the smoke
surrounding stirred skins suddenly.

will you come and play with me?

June 16, 2024

lasog

let me rest from falling
towards this endless abyss
for i've only been messing
with what i knew was just
meant to be rest, okay?
but none the less, hurt
has always been close.
if it was not meant for me,
let me still overdose
on unmedicines, so i am
always stretched within,
and i'm still going insane.

let me break all bones then
'cause i am all frames,
i am running out of games
to play in my head. maps
i've conquered, shadows
unlit, there may be chests
unbothered but how can
it all be worth it?

let me not be someone else,
i'll be sure to exclude you
from my questionable roles,
often misleading, always
uncaring. oh, but, please,
if you just may,

let me not be anything else,
let me rest from falling
towards this endless abyss.

let me break all bones then,
let me not be someone else.

June 15, 2024

broken typewriters

ang sabik ay napapaltan din
ng pink at turquoise na yanig
upang magpahupa lang saglit
at mamili muna ng isang pack
of cigarettes, pampakalma rin,
kahit ano pa 'yan kung blue,
o red. red? 'wag red dahil
masakit 'yon sa lalamunan,
at hindi naman ako naging ama
ng kung sino man, ano pa man,
inuman.

kung lalakarin, manggagaling
sa gasoline station, yanig muli
ang magkabilang manggas ko,
lalo't pati sa natitirang nakisali
sa pagtira, saglit lamang lalabas,
babalik muli. titingin sa itaas,
at yuyukong muli. kung ang
aking hininga nga'y umuusok
ngunit namumutla, sasabayan
lamang din ng ngingiti, tapyas,
matutulala.

June 14, 2024

storm has come

sa mga singit-singit
ng bawat tabing semento,
mayroong mananatiling
walang nakapapansin.

sa mangugat-ugat
na mga dahong tuklap,
at panandaliang naniyaw
papalibot sa malaharding

sa kung paano'y walang
may alam, at kundi pa
tititiga'y diretso lamang
ang daan. sa kung isiping

sa kaliwa o sa kanan
ang hinging pagtanggi,
matitirang mananatiling
walang nakapapansin.

June 13, 2024

with white paint

the expressest way
to break the mold
is to know exactly
when the next appeal
should be. it would
be best to start 
with beats foreseen
on jeans and a white
shirt. a warm glass
of blue tea mixed
often with instant
noodles has always
been preferred but
really not that ideal.

some trays carry
colored fruits, tasty
enough to make 'em
not pry intently.

everyone just notices
that everyone notices.

'wag lang magkamali.

June 12, 2024

ano ba

palaging hinahanapan ng kabuluhan
ang mga nais na aawayanin, waring
sabik sa mga butas na palalakihin
nang palalakihin, sabik na maging
mas na mas mataas pa dahil lang
sa binusisi pa talagang pagkolekta,
siya lang dapat ang makakita, siya
lang naman talaga ang nakakakita.

o siya, o siya, wala naman talagang
gustong makipag-away sa 'yo. ni
mga kakausap nga siguro'y may
pagkaipunan din ng mga hinaing
nilang mahinaing ka't kuro pa'y
kailang magngangalit sa loob-loob
naman, for a change, for this hate
on just surface has just surfaced
for there's no just surface for just
the surface. roots under bear not
only how the blames should have
started but also really these almost
irreparable consequences of their
palaging paghahanap ng kabuluhan.

sino ba talaga ang may kasalanan?

June 11, 2024

tanawin

hindi ko pa rin binubuksan
ang mga natitirang linya
ng insulto at agam-agam
na makapagpapabalik
sa mga noon pang pagsakay
ng jeep patungong rekta
sa ibang mga sakayan.

kung hindi pa nakakabisa'y
sagli-saglitan pang sisilip
sa magkabilang pasahero,
hindi naman sa pagiging
apurado pero huwag naman
sanang sigurado na ang
pag-aalinlanga'y delikado.

hindi ninyo ito maipapakilo,
maniwala naman sana kayo,
pakiusap. maski pang wala
naman dapat pang ipaalam,
may natitira pa naman siya
na mga hiya at agam-agam.

June 10, 2024

i don't need help

how come you can easily
find these hidden structures
entombed in the deepest
mists and absences, floating
air sacs as the only signs
of life? how come it
never feels just right?

yet it weirdly whispers well
while it touches my soul raw.
somehow i'm sure that it'll
never forget that i had once
been complete, and was just
ready to go.

i am ready to go, but you
can only take me as far
as these hidden figures
of depth. trusting fears
as substitute for lies, one
can only trust death 'cause
when the winds slow down
the path into abyss, a current
isn't was, will never be will be,
and only just is.

June 9, 2024

pre-glances

paagnas nang lumalabo
nang lumalabo natitirang
antas ng pakikinig, titigil
at makikiapid. padahan-
dahan nang nakakalimot
na mabagal ang mga alon,
hindi nagagalit sa atin
ang mga puno, maging
ang lait ng kalangitan,
wala talagang tinamaan.

hindi na ba maisasadya
pangungupad sa lupa?
pangungusap ng kindatala,
iniwan na lang sa parirala,

at siwang-diwa, siyang
kalalagyan ng lahat
ng hindi pa nasisikatan,
nakapanghigit sa sarili.

dahil ano pa nga ba
ang hinihintay kung
sa tawag lang madali,
wala pang atu-atubili?

June 8, 2024

cool 'to

ganito makinig kay bullet dumas
nang live: para ka lang nag-iisang
nanay, first time manganak,  wala
kang ibang manual kundi iyong
mga nadekwat na pangaral mula
sa iba't ibang tsismis at searches;
lahat, sabay-sabay na magsisiinog
papasok sa iyong kalamnan.

hahayaan mong mapaglaruan nila,
wala kang magagawa. hahanapin
nila ang iyong kaluluwa; ibibigay
mo naman, wala kang magagawa.
papaikut-ikutin ka, matutumba ka
na lang, at wala kang magagawa,

at sa iyong pagkalagak, wala kang
muling maalaala 'pagkat sa 'yong
pagbuklat, naipanganak kang muli;

ang unang pagpatak ng 'yong luha,
hudyat na kanya ka nang nakuha.

June 7, 2024

hours, days

there're these long lost bars
na hindi ko naman sinasabing
hindi ko na masasabi, pero
bakit may pinipili lang ako
sa katamaran at pag-iisip,
sa pagtulog at pag-idlip,
na sometimes, inaabot pa ako
ng lima o apat na oras,
which are weirdly distributed
but really mess up with
how i swim in my hours, days.

mamaya-maya lang, saturday
na naman, wala na naman
akong napala. ano pa rin pala
ang mapapala ko kung palarin
ako ng hours, days, which are
repetitions of repetitions, like
how i always recognize art
as rejumbled pieces of nature
and plastic, just getting more
and more malabo miserably
with every iteration. i am
never content with my own
creations.

despite all that, i try not
to wait so much dahil mahirap
maghanap ng nawawalang
puzzle piece, at kahit pa na
in the first place, that is all
what we have ever done
for hours, days.

June 6, 2024

no dust

sneak attacks generally work
sapagkat sa kung kadalasan
ang preoccupation ay natindi,
kaagad na masasambulat
kahit na dinaniw lamang
ang bawat daan, ni hinding
umabot sa tiyaga't concentrate.

hahayaan lang mag-initiate
ang target being. you don't
have to worry, really. letting
them be how they always are
ang makapaghahatid lamang
sa kaniya sa 'yo, saka siya
mapapahanap ng nawawala
na salita habang focused din
sa added na mga sukat.

they'd be forced to think
that everything illogical
be just forced thinking,
thinking of everything
they are, as they should.

at habang parurok na siya
sa pagproklamang siya pa rin
ang the best, it'll only take like
a couple of seconds, and
you already know the rest.

June 5, 2024

what was

bumaba ako sa ulanan
nang makabiling agad
ng cup noodles, pang-
init sa aming tiyan at
pakiramdam—
naulan pa kasi, basa pa
ang kalsada. ipinaalam
sa akin ng kalawang
ang pamamahiyang
isinusuklob, paulit-ulit.

iiwasan ang karampot
na galit. baka kasi sila
ang uminggit na naman
ng cup noodles, pang-
irap sa aming alam at
pakialam—
napagbibigyan pa kasi,
mas malayo sa kalsada,
mas malayang mandaya.

bumalik akong dala na
ang cup noodles namin.
umalis nang may husga,
umuwing may tira-tira.

June 4, 2024

numb shelter

i can always die waiting,
try dying, or wait trying,
'cause this body has been
ready for far too long.

it has, oh, it has been,
for far too fucking long,
and nobody else makes
else for else, and else,
it shouldn't have been
too long. else, it still
would have, no doubt,
and it's only a matter
of time, no clout will
ever be needed. i take
everything, even faded.

i'll let it live inside me,
and for many times,
not just once, i will get
to count nothingness,
oh, pay me less, you
should be grateful,
for i have nothing left.

is it just me craving rest
while i obsess living best
amongst breaking heads?

oh, please. just please.
just... please... don't need
no rioty bleeds, and if
i ever do just carry seeds,
don't mind me, please.

just do whatever else
your momma ceased.

June 3, 2024

softbound

i woke up to one warm,
orange sunrise, the heat
was almost unhateable,
and the reflects it made
as i opened my window
for scum foreign winds
were mellowly melting
my eyes.

i wanted to savor, save
everything that might
not happen any longer.

what happened next
didn't matter anymore,
as seven dead photos
should've never existed,
pictures of peace-prays—
could have been perfect.

June 2, 2024

scratches

nung isang araw pa ako
binobother ng gatuldok
na mga tila nagmantsa
nang anti-constellations
'pagkat wala namang
pag-aya sa akin kundi
pilitin na namang ako'y
magbabanat ng gloves,
sabon, maaaksayang
tubig pampawi, tubig
na pangulit, panlambot,
pampagana sa nauuhaw.

at nang matapos na rin,
ang hindi matapus-tapos,
at tapos pa, patapos na
hanggang sa lapnos na.

June 1, 2024

weightless

naputulan ng kuryente
dito sa amin ngayon.
kagyat akong napaisip
na babalik naman agad,
na sasaglit lang sa phone,
at hindi rin magtatagal,
magbabalik na rin ako.

pero nagkamaling tanga,
mamula-mulang baterya,
naghihintay nga pala 'ko
since when? kanina pa?

kaya nahiga muna ako
sa kama kong naluluto,
pugong limot bantayan,
iniwan at pinabayaan.
unti-unting lumulubog
'di muna pinaalsang patay.
inaakay na 'kong kusog,
hayaan nang mahimlay.

hinihila ako sa tahimik,
with alintanang pawis.
then i start to notice
a pass not too weird.
sa lahat ng de-kuryente,
ako lamang ang gising.
pilit ko mang ipikit
ang aking pantingin,
lumilinaw talagang lalo
huning ibong umiging
pumasok pa sa 'king isip,
ayaw nang 'di mapansin.
ayaw pang sa pagliko'y
dagdag lang kaibiganin.

aba, ay, walang ihahalo
sa seryosong palitan
ng mga nais na bumoses
sa pakitang-gilas lamang.
kaya kung hindi naman
talagang maintindihan,
inilipat aking mga unan,
musika'y 'di maayawan.