October 31, 2012

FlipTop - BLKD vs Apekz

Round 1

BLKD

Ito na ang pagbabalik, at pagpapaumanhin kong matino. Ang labang 'to ay alay ko sa lahat ng aking nabigo. Marami pa 'kong ipagkakamali kasi nga bago lang. Minsan parang tanga lang kasi nga tao lang. Pero hindi ko ipinagluksa, pinag-aralan ko ang kahapon. Wala 'yan sa baba ng pagkadapa kundi sa taas ng pagbangon. Kaya naman sa labang 'to, alam niyong B stays high, parang first five letters lang ng apelido niya, yung C, A die.

Ano, Pekz, kaya pa? Baka napasubo ka lang. Chinecheck ko lang. Baka gusto niyang sumuko na lang kasi 'tong pagbigkas kong banayad, sa kanya, intense na 'to. Kahit magbench press pa, 'di na lalakas 'tong Pekz na 'to. Kung ano ka nung Ahon, ganyan ka pa rin sa battle ring. Ikaw lang ang Pekz, man, na hindi promising. Kaya sa paglalayag ng lirisismo sa FlipTop, ito ang best anchor dahil 'tong ape na 'to, kahit may KZ sa pangalan, walang X-Factor.

Palibhasa, kuntento ka na sa tsismis at kakornihan. Kalidad, hindi tumataas. Ako, kahit pilitin kong magpakacorny, teknikal ang lumalabas. Sample: Panshort time lang ba yung jowa mo, o siya na ba yung pangkasal? Sa dami mo kasing babae, parang bagsak presyo ng laman. Pilyo ka lang talaga, kalibuga'y inaksyon mo. Tuloy 'di mo mabanlawan ang mantsa sa relasyon niyo. Ano daw? Ang sabi ko: Panshort time lang ba yung jowa mo, o siya na ba yung pangkasal? Sa dami mo kasing babae, parang sale ng laman. Naughty ka lang talaga, kalibuga'y inaksyon mo. Tuloy 'di mo marinse ang mantsa sa relasyon niyo. Tamo, hanggang freestyle ka lang, lalim ko, karagatan 'to kaya kahit seaman ka pa, lulubog ka sa bar ko. 

Kaya anong lamang ko sa 'yo? Huwag mo nang itanong 'pagkat walang nagbago sa istilo mong dekahon. Kaya pa'no tatama 'yang torpedo mo, e ang slow mo? 'Pag bars ko, nag-overdrive, iwan 'yang jokes mo. Kaya sige, kayo na humusga: Bars over jokes? O jokes over bars? Sa totoo lang, 'di dapat 'yan ang pagbanggain natin. May maganda't panget sa pareho, ang husgahan, pagkamalikhain. Hindi ako kontra sa komedyante, kontra ako sa komedyanteng pabaya. Hindi na nga seryoso ang banat, seryosohin mo naman ang pagkatha.

Dahil oo, ako'y natatawa sa 'stilo mong nakakatawa pero 'di ako natutuwa kasi nakakatanga. Napag-iwanan ka na, sadyang mabagal ang pag-usad. Napag-iwanan ka na, sa pag-angat, napakakupad. Napag-iwanan ka na, tila gumagapang paahon. Ito yata yung nabili ni Abrang kakuwentuhang pagong!

And speaking of Abra, balita ko, nagdevelop na'ng relasyon niyong dal'wa. Dati, contemporaries kayo, ngayon, groupie ka na lang niya? Kung makadikit ka kasi kay Abra, parang Stan lang. Tuloy, kahit 'di siya sharpshooter, natsitsismis na Mark's man. Pero ito, atin-atin lang, bukod sa sustento niya sa 'yong
panghalaman mo, ilang punch lines ang binigay niya sa 'yo para sa labang 'to? Kung sa bagay, quits lang naman. Sa gigs kasi ni Abra, ito ang dakilang hype man. Gan'to siya o: "Itaas ang inyong gamit, sa 'kin niyo na ilapit, at gagawin kong topic. Itaas ang inyong gamit, sa 'kin-" Pwe!
 
Natuto ka lang magfreestyle, feeling mo, singgaling mo na si Supernatural? E freestyle mo, aral, sa kanya, super natural. Ta's haharap ka sa tulad kong ang pagiging super, natural? Pagkatanggal ko ng kaluluwa mo, 'yon ang supernatural.

Simpleng pangcontest ka lang naman dati na ngayon, sa EOW, nagkampyon. Ang ibig sabihin lang no'n, simpleng pangcontest ka pa rin ngayon. Kaya pasensiya, 'tol. Aking tagong galing, ngayong gabi, sa 'yo naikahon. Mga panira mo'y waring katol na inabo niya ring dragon. Purong gulo, ang dulot ng pagsugod nang lunod sa ethanol. Parang 'pag nag-abot ang hip hopper at rakista no'n sa Megamall. Gan'to ang tagpo 'pag nagpalaliman 'yong balde't balon. Parang nakilaban ng patigasan ang espasol kay Megatron. 

Makapangyarihan at makatuwiran ang aming tahol sa megaphone. Kayang baliktarin ang tatsulok at ibagsak ang Pentagon. Alam kong titirahin niya'ng aktibismo ko, syempre, as if ito'y kapintasan. Pagtatawanan ang pagrarally, sabik naman sa pakinabang. Puwes, pasensiya ka na ha, kung hindi ako tulad mo na ang buong buhay, umiikot lang sa laughter at pikunan. Ang pangunahin ko kasing kabattle ay ang kanser ng lipunan. Kaya sa loob at labas ng FlipTop, alam niyo kung sino'ng tunay at palaban. Baon ang utak na mataba sa utak na malaman.

Kaya nga 'yong Panaginip ng Alikabok ay propesiya ni Aklas. Sa gabing 'tong inuunos kita. Kaya saktong dream match mo 'to, at pinupulbos kita. No'ng laban niyo, buong Batch 1, batung-bato sa mga linya mong sinuka. Daig pa namin ang naiputan ng Adarna habang katitigan si Medusa. Ako, mas madalas pa 'kong iquote sa tinitipid na canvass. 'Di ko na kailangang maging sintulin ni Smugglaz 'pagkat sadyang mabigat mga bara ng pantas. Tuwing ako'y nagrarap, nangangalay si Atlas.

Bumaba lang ako sa hanay niyo galing Olympus. Nag-introduce ng apoy, parang si Prometheus. Tapang at lakas, Hercules ang pakikipagbuno. Siniksik ko ang enerhiya ng uniberso sa 'king berso kaya mala-Big Bang ang kulo.

Markado na ang kalendaryo, handa na ang kapilya. Ngayon na ang burol ng ulo mong puno ng Marca Piña, at ang mga labi niya, markadong dugo lang sa ground. I made every diss count to bring Mark down. Hands down, ako'y guro na, ika'y mag-aaral pa. Binigyan kita ng palakol kaya bagsak na Mark ka.

FlipTop - Krack vs BLKD

Round 1

BLKD

Panget! Sa panget mong 'yan, alam ko, virgin ka pa rin. Kahit kabitan kita ng sidecar, single ka pa rin. Sa mga natuwa sa generic joke kong 'yon, paumanhin sa masasabi kong anghang. Ilan kayo sa mga dahilan kung ba't nakakalusot sa FlipTop ang mga tulad nitong mangmang. Panahon na ng mga tulad kong kung dumura, bara'y halang. Sa lakas ng punch lines ko, 'pag tumama, tanggal bagang.

Kaya kawawa 'tong batak, na hayop sa wack. Kanyang flow, kalat, lababong wasak. Lakas manghamon, ayan nalamon ng katha kong angat. Ako'ng dumurog sa Tectonics, ba't ako matatakot sa Krack? Mga panalo, sarat, walang duda, siya'y tsumamba. Nakinood lang ng patawang battle, nagpluma na't gumay. Aking bara, matalinghaga, para utak ay lumaya. Ikaw, mababaw ka pa sa isang patak na luha ng buwaya.

Ta's babattle, lango sa alak at cannabis sativa para 'pag natalo, palusot, 'pag nanalo, partida. Kawalan sa wisyo, dala ng bisyo, damhin mo ang sting. Ito'y rap match, 'di beer match, kain 'tong crackling. Kunsintidor lang ang crowd, basta't merong lasing, hyped. Wasak na wasak magperform, dapat 'di 'to nainvite. Kalat-kalat ang mga banat, ba't 'di mo gawing tight? Minakinilya ko mga linya mo, at 'di ko pa rin type.

Round 2

BLKD

E ano kung nagsulat? Ito ay modern fight. Hindi ka nagsulat kasi ikaw ay no read, no write. At hindi daw ako taga-Naic, hanggang paratang lang pala. Puwes, papatayin kita sa sindak, bawat bar, bara. 

Singkitid ng pilapil ang isip, ngayon, ano'ng napapala mo? Hahalik ka ngayon sa lupa, parang nguso ng araro. Mga tulad mong naghahasik ng katangahang walang humpay, tinutulad ko sa binhi, binabaon ko nang buhay. Ako'y lahing magbubukid, katas-anak-pawis ang katayuan. Buong Pilipinas ang sinasakop pero nasa puso ang kanayunan. Ikaw, social climber, siyudad, sobrang dinadakila. Gustung-gusto maging urban, favorite show niya, Maynila. 

Stuck ka dito sa Naic pero obsessed sa city life. Gangster kasi siya sa panaginip niya every night. Pusher 'to ng Coke, hindi yung drugs, yung inumin. Patago pang magdeliver, akala mo titimbugin. Naglalabas ng armas, agad-agad, 'pag napahamak. Patagilid pa 'tong tumira, tirador naman ang hawak. Bente-kuwatro oras magpatrol, nag-aabang lang ng aksyon. Pati bata pinapatulan. Alam mo ba yung reputasyon? Ilusyon mo ng thug life, sagad na sa buto mo. Lahat ng matignan mong salamin, nagkakacrack dahil ayaw mong magpakatotoo.

Round 3

BLKD

Tinalo nga ako ni Loonie at ni Dello. At least, napahanay ako sa mahuhusay. Inggit ka lang kasi hindi mo sila makakapantay kahit mag-ensayo ka habambuhay. At nagchoke ako kay Loonie. Oo, nagchoke akong may paninindigan. Parang Gomburza nung ginarote sa Trece Martires. Ikaw idadagdag kong pangkatorse.

Naic, ito ba tal'ga ang gusto niyong representante ng talento? Salat sa pagkamalikhain, kung magrap, pakuwento? Kulang ang rhyme, panget ang flow, walang laman kung manlibak. Kaya nga Krack pangalan niyan, bawat berso, bitak-bitak. 

Pantas na matatas, gan'to dapat ang ehemplo niyo. Mga linya ko, pinag-uusapan, parang kable ng telepono. Mangmang rin ang aaming dapat 'tong hangaan. Nagpapatawa at nagkakalat, hindi naman 'to Bulagaan. Pero hindi ka rin puwede do'n, tanggihan man ang talent fee, dahil iuurong mo lang ang nasimulan nina Master Kiko't Michael V.

Kaya nga sa FlipTop, ikaw lang yata ang matatalino ang hater. At hindi ka pa pumuputi kakadikit mo sa Laser. Kakasipsip mo, itim na gilagid at nguso mo. Bugbugin ka sana ng mga magaling pang magrap sa 'yo na kagrupo mo.

At pagkatapos nito, babaliktad na ang CMD. Kay BLKD papanig 'pagkat ika'y 'di emcee. Ako'y Caviteñong malago na ang impluwesiyang lirikal. Batang gas ang laway, apoy ng dila'y kritikal. Mala-Rizal at Quezon ang pagmamahal sa wika. Akin ang Calabarzon, wala nang makababawi pa.

FlipTop - Loonie vs BLKD

Round 1

BLKD

Deretsahan na. Kung akala mo, welcome ka dito, nasobrahan ka na naman sa Valium. 'Di ba may sarili kang liga? Dun ka magpromote ng kanta't album dahil bumabalik ka lang naman dito para sa libreng publicity. Ngayon, ipapahiya kita sa harap ng mga tao ng Sony BMG.

Dahil alam mo man o hindi, may mga empleyado diyang nakatingala. Freestyle mo na lang ang free, yung kaluluwa mo, may tanikala, dahil alipin na ng mainstream 'tong dyinudiyos niyo. Baka hithitin mo lang sarili mo 'pag kita'y pinulbos ko.

'Wag kang magmaangat, high ka lang 'pag nakadoobie. At 'wag kang maghari-harian, hindi ka si Francis Magaloonie. Hanggang patikim ka lang naman kasi sa mga nakaimbak mong gimik. Ako, almusal ko araw-araw, malaimpaktong lyrics. 

Kaya nag-iba ang direksyon nung ako na ang umaksyon. Lahat ng tao napanganga parang nagkokomunyon. Oo, baguhan, pero may angking kagalingan. I bring the house down parang katatapos lang na bayanihan. Kaya kutyain mo pagkamakabayan ko, at sa akin, wala nang makakaawat. Hindi ka na magagamot ng anumang medisina 'pag sinakal kita ng watawat.

Kaya easy ka lang, pare ko. You're too young para magwalang-bahala. Mas marami pang namatay kay BLKD kaysa sa maling akala.

Round 2

BLKD

Oo na, dehado ako, kasi yung experience mo, labis. Ako, underdog, ikaw ang vet, pero wala kang gamot sa 'king rabies.

Porke't galing kang street, tapos nasign, feeling mo na you're so NY? Anong tingin mo sa sarili mo, L, G? If so, then die. Dahil ang aking palaso't pana, sonic, ang pinupuntirya, eardrum. Sobrang sharp na mga salita, para ka na ring binaril ng Ingram. 

At kung akala mo generic wordplay yun na wala sa 'yong kinalaman, hindi. Ganun ang turing mo sa mga kaibigan mo, kasangkapan, dahil user ka in more ways than one. Kaya ka lang nag-Barangay Tibay kasi kailangan mo ng kapitan. Hangga't may pakinabang, nambobolang husto. Pinapaikot mo lang ang mga tao sa paligid mo, Tropang Trumpo.

Round 3

BLKD

Talagang maraming gawain ang aktibista kaya nga napunta ako sa maraming gusot. Nagchoke na lang ako para yung pagkatalo ko, if ever, merong palusot. Dahil yung kagitingan namin, boy, wala kang ideya. Yung pulis, kaya naming harapin. Ikaw, takot na takot sa intel ng PDEA.

FlipTop - Dello vs BLKD

Round 1

BLKD

Sir, good evening. To be the best, sabi nila, you need to beat the best kaya nga kinalaban ko si Loonie. Makinig kang mabuti. Wala 'kong balak kumalaban ng Mongol, Shooli. Ngayon, tuturuan kita ng leksyon, tutal, ikaw ang nag-umpisa. Gusto mo, tutukan ng magkatropa parang nung kudeta? Puwes, cooldown na lang kita, pampatalas-focus din. Sa nag-aapoy kong galit, panggatong ka lang, Mokujin.

Rhymes mo, laging layered, pero still, your rapping, lamer. Binabagsakan ng beer, na parang tax evader. Kaya walang ligtas, kahit bigkasin ay gatigdas sa daming prayer. 'Di mo maiiwasan ang mga linya ko, parang piko sa graphing paper.

O 'di ba? Hindi naman gano'n kahirap ang ginagawa ni Dello. Konting jokes na may multis, basic ang disenyo. Tatak-BLKD ang mapapanganib na talatang teknikal. Aking asulto, laging may punto, na parang decimal. Aking bersikulo may simbolo, may lalim at bigat. Walang paliguy-ligoy, straight to the point, parang sibat. At hasang-hasa ang talim, may lason pa't may sima. Tanggalin mo gamit cheap mong rebuttals para lalo pang masira.

Round 2

BLKD

Siya daw ay iba nang Dello, I simply cannot see. Kung gusto ko ng nag-improve na Dello, papanoorin ko si Tipsy D.

At sa mga natuwa sa rebuttals niya, talasan pang magsuri. Banat ko, bombang nukleyar, ganti niya, basang watusi. Hindi porke't nagantihan, talo na yung unang umattack. Ba't ko iindahin 'yang pitik mo, e kanina ka pa nasapak? Kanina pa kita winasak. Palibhasa, basta rebattle, agad kayong napapahanga kahit simpleng-simpleng sagot na pang-alitan lang ng bata.

At ikaw naman, sinasamantala mo ang kiliti ng crowd. Mas entertainer ka kaysa artist, 'wag ka masyadong proud. Magparami pa ng fans, 'yan lang ang kanyang hiling. Sobrang dami niya nang view, kaya niya nang bumattle nang nakapiring. Pero para ka lang namang kumanta nang nakaposas, o nagpiano nang nakabusal. May added challenge nga, wala namang katuturan.

Round 3

BLKD

Istilo mong balik-sender, sagad sa kaladkad. Mga linya ko, panghati ng neck, fret ng fender, tadtad. 'Tong contender ko, tender ang bawat satsat. Mga linya ko, panghati ng neck, fret ng fender, tadtad. Nakita mo yun, umulit? Kasi yung utak ko, makulit.

Marunong ka ngang magmultis, talinghaga na may gasino. May diarrhea ka ng rhymes pero may constipation ng talino. Pagdating sa magagandang ideya, 'yang bumbilya mo pundido. Mababaw ka pa sa tubig ng basong babaran mo ng pustiso. May humor ka nga, pero konti lang ang wit na nakabangko. Kung may malupit ka mang linya, may basbas yun ng santo. Alam kong nagpapatulong ka sa ilang mga kagrupo mo, if not all. Pero pa'nong lulusot ang Mongol, kung ang balakid, Great Wall?

Hatak-fans ka lang kasi, basta patok siyang istilo. Ako, 'di baleng 'di sumikat, basta't angat ang lirisismo. Kaya basta't barang BLKD, may deeper meaning 'yan. Tinataas ko ang standard, parang nagkakabit ng ceiling fan. Kaya ako ang mas magiting, manalo-matalo sa 'ting giyera. Parang nahimasmasang direktor, binago ko ang eksena.

FlipTop - Schizophrenia vs Them Sent (2011)

Round 1

BLKD

At ayoko sanang magyabang pero ang upgrade na naririnig niyo sa mga FlipTop battle emcees, ako ang salarin kaya pustahan ngayong gabi, gagaya na rin mga 'to. Tingnan niyo, ginaya na rin yung salamin. 

Schizophrenia! Ang pinakahambog, feeling bantog na grupo sa ligang 'to. Bakit ba kayo nayayabangan kay Shehyee? E kahit lunukin niya ang bagyong Milenyo, mas mahangin pa rin ang dalawang 'to.

RRRRRRRRRRRRRRR, RRRRRRRRRRRRRRR. Harrrlem, pangalan mo pa lang, himod-tumbong na sa US. Kung kopyang Kano ang istilo, ang pagta-Tagalog mo, useless dahil kung kolonyal pa rin ang utak, ika'y sasamain. Kahit gamitin mo sarili nating wika, malansa ka pa rin. At nung Sabong Sumulong, ang kapal ng apog mong hamunin ng freestyle battle si sKarm. Ang sarap mong tanggalan ng L at E, just to cause you harm. At bago yung laban namin ni Mel Christ, ang lakas mong magparinig. Ako raw ang madadaig. E pa'no ba 'yon? Nilampaso ko yung lumampaso sa 'yo. Mas mababa ka pa sa sahig. 

E 'di ayun na nga, isda ka, pero hindi mo kayang sisirin ang aking lalim. Tawagin niyo 'kong Big L dahil naghari ako sa Harlem.

Round 2

BLKD

Sige, sige, sa crowd ngayon, kayo na ang mas mabenta kasi kami 'pag nagrarap, hindi namin iniisip ang pera.

Kahanga-hanga ang mga aktibista, nakikibaka kahit haggard. Takot lang 'to sa mga raliyista kasi yung ilong, hugis placard. Rizal, Bonifacio, del Pilar, Sakay, mga aktibista ng kanilang panahon. Kung hindi dahil sa mga aktibista, Indio ka pa rin ngayon.

At kahapon, hanap 'to nang hanap ng marijuana. Kung nagkataon, ikaw ang tutugon sa iyong bisyo. Sapilitang pagtatanim ng ganja, polo y servicio. Pagkatapos, sasabihin niyo, kayo ang underdog. E nauna pa kayo sa 'min sa hip hop. Kami ang underdog dito sa ating fight. Kayo ang mga bitches, all bark, no bite.

Round 3

BLKD

Nagtsinelas ako sa laban natin kasi ayokong mamantsahan ang aking sapatos. Madumi ang labang 'to kasi babaha ng dugo niyo pagkatapos. At ang lakas niyong magdeny na kopyang Loonie ang inyong husay. Puwes, sentensyado na kayo ngayon kasi meron kaming patunay. Si Loonie at Juan Lazy, parehong punch line, ginamit.

Saksakan ng panget! At kahit gamitin niyo ang wika niya, hindi kayo magpapantay. Ginasgas niyo yung salitang puta-pete hanggang sa mawalan ng saysay. At huwag mo kaming gamiting palusot sa pagkatalo mo kay Andy G dahil ang pag-uunderestimate ay kasalanan sa kapwa emcee. At matuto kang gumalang ng iba't ibang genre, kahit iba-ibang flavor. At maghugas ka ng vocal cords dahil darating si Mayor.

Oo na, sige na, nauna na kayo, huwag kayo masyadong magmalaki. Kayo ang uuwing wasak dahil sa amin ang gabi.

Overtime

BLKD

Ano ba naman 'yan, judges? Pa'no pa 'tong mga 'to ay nakalusot? Hindi kami nagpaplantsa ng mga linya kasi mga berso namin walang gusot.

Disorganized speech, walang sense magsalita. Disorganized thinking, ang lohika, saliwa. At auditory hallucination, gandang-ganda sa sarili nilang wack na kanta. At delusions? Akala nila blooming yung career nilang lantang-lanta. Mga ulupong, 'wag magmarunong, wala kayong alam sa sikolohiya pero pasado kayo sa lahat ng sintomas, meron nga kayong schizophrenia.

A! E kung gano'n naman pala, mabuti pa, ihatid mo na 'to sa aquarium, o sa beach. Go home! At ang sarap mantiris. Bakit yung pisngi nito tadtad, tadtad ng galis 'to? So prone. 'Pag ako nainis, masusunog ang mga 'to sa diss ko, Ozone!

FlipTop - BLKD vs Shehyee

Round 1

BLKD

Oo nga, nakabag ako, walang pakialamanan. Mamaya-maya, dito ko isisilid 'yang utak mong walang laman.

Ang lakas mong manghamon, wala ka namang panama. E yung rank mo sa ligang 'to, parang mukha mo, mababa. Kaya't babatutain, babaretahin ka ng ating mga kababayan 'pagkat babatikusin, babarahin ni BLKD ang iyong kababawan.

Sumikat lang ang battle rap, bigla ka nang umextra. Siya raw ang FlipTop heartthrob, nagseselos naman kay Abra. Ako'y gutom na gutom kasi sa limelight, hindi mo mapigilan. Sa laki ng pride mo, 'pag nilunok mo, ika'y mahihirinan. Big boy na raw siya pero yung tipo ng boy na mama's. Pinapaliguan ng gatas, gumugulong sa tawas. Lumaking spoiled kaya amoy bulok na pasas. Ang pagkukulang niya sa rapping skills, dinadaan niya na lang sa angas.

Oo na, mestizo ka na, huwag mo masyadong ipagmalaki. Malaki ang tsansang isa sa mga lola mo, nirape lang ng prayle. Ako'y dugo't kutis-Katipunero, at mapapaiyak ko na 'to. 'Pag tinadiyakan kita sa kidney, yun ang Biak-na-Bato.

Round 2

BLKD

Okay, kinutya mo ang aktibismo, lagot ka ngayon. 'Wag kang sisiga-siga sa Mendiola, kasi teritoryo namin 'yon. Ito'y labang mental, 'di pisikal, hindi to NCAA o UAAP. At sa lahat ng hip hop elements, talo ang Beda ng UP. Sa DJ-ing, meron kaming Kalif, sa graff, Hepe, sa beatbox, Pikoy. At kami ang reigning battle dance crew, runner-up lang kayo, boy. At sa rap, meron kaming BLKD, kaya wala kayong binatbat sa 'min. And just to rub it in, ang finals niyo, quiz lang namin.

Tinitingala mo kami, 'wag mo nang ipagkaila. Ipinagtanong kita sa Beda, hindi ka kilala. Bilang sa 'kin ng mga Bedista, iknock out ka. 'Pag napanood 'to ng Beda admin, sigurado, kick out ka. Kaya tawagan mo na ang mangilan-ngilan mong Bedan friends para meron kang shoulder to cry on. Sa talim ng tula ko, duguan ka, literal na Red Lion.

Pero paalala sa Beda, wala ako sa inyong damdaming masama. Tinuturuan ko lang ng leksyon itong estudyante niyong hinihila kayo pababa. At sa bagong UP admin, irollback niyo tuition namin dahil ang edukasyon ay karapatan. At para maoutnumber ulit ng mga dukhang matatalino ang mga tulad nitong conyong mangmang.

Round 3

BLKD

Napansin ko, kasama mo yung jowa mo, mukhang artista. Nakapula pa, mukhang mahilig sa aktibista. At artist ka? Masyado kang mahangad. E ikaw yung bayabas na dalawang beses nang nilamon ni Juan Tamad. At ang lakas ng loob mong magparinig kay Dello nung Sabong Sumulong. E nung kinulata ka niya sa Sunugan, hindi ba't 'yang yabang mo, umurong?
 
Tapos, nung una kitang napanood, sabi ko, 'yang istilo mo, kilala mo, kilala ko. Kopyang Loonie, pati hand gestures niya, ginaya mo. Ganyan ang problema sa mga rappers na ang hanap lang ay fame. Yung nangongopya na lang sa mga sikat dahil sariling style ay lame. Kaya wala 'kong paghanga sa 'yo dahil magaling ka lang mag-imitate. Kaya nga lahat ng apir at handshake natin, boy, ikaw ang nag-initiate.

Sikat lang 'to sa mga dalaga, laging tinitilian. Pero tanungin niyo kapwa namin rappers, walang nakikinig diyan. Gusto ko sanang ipagsigawan na insulto ka sa hip hop. Pero 'di lahat ng rapper, hip hopper dahil ang genre mo, pop. Mas sikat ka lang sa 'kin ngayon dahil 'di pa masyadong mature ang Pinoy hip hop culture. I'm ahead of our time, ikaw, isusuko ka ng rappers of the future.

Overtime

BLKD

Idol mo si Shady kaya ang pangalan mo, Shehyee. Wow, hanep sa creativity. At pa'no ka naging tunay na fan ni Eminem kung lately mo lang nalaman ang Infinity? At nakakatawa, ginawa ni Em yung Real Slim Shady, pandiss sa mga gaya-gaya sa kanya. Kaya tinamaan ka sana kung inintindi mo yung kanta, at 'di mo ibabase sa kanya ang alias mo kung tunay na fan ka.

At nung poster ng Sabong Sumulong, kulang daw ng H ang pangalan niya. Cinorrect lang ni Gnome ng Ampon 'yang jejemon mong spelling, pasalamat ka sa kanya. At nung Ahon, isinalita mo ang pagtetext ng mga jejemon. Pare, ang corny mo. Bago mo sila kutyain, basahin mo pangalan mo, ipokrito.

Dahil isang hambog na wannabe celebrity 'tong huling biktima ng BLKD killing spree. Ako'y literal na lumapa ng bunga ng Ongkiko family tree. Kaya uuwi ka ngayon sa iyong hometown nang baldado't gumugulong dahil hindi kailanman kayang pigilan ng isang man ang isang daluyong. 

Ang pagbangga kay BLKD ay pagkayap sa peligro. Hindi ka magiging King of Rap porke't may kiko ka sa apelido. So, hindi ka magaling na rapper, hindi ka tunay na hip hopper, ano pa? Wala kang paglalagyan. Mabuti pang ilako mo na lang 'yang flawless, pero talentless mong katawan.

FlipTop - BLKD vs Mel Christ

Round 1

BLKD

Mas gugustuhin ko pang maging libag na nabuhay kaysa maging posero na ang mga punch line, walang kabuhay-buhay. At, Anygma, ang corny mo naman. Ang cliché naman nitong aking kalaban. Tingnan niyo nga naman, may Kristo sa sabungan.

Ako'y magsisilbing John the Baptist dahil sa FlipTop, kita'y bibinyagan. Lulunurin kita sa ilog ng iyong kamangmangan. Ako'y magpapakaanti-Kristo, hindi dahil ako'y Satanista kundi dahil aking kokontrahin ang mga banat mong panis na.

Alam mo ba, kahit magpatulong ka sa mga apostol, it won't make a difference. Papaikut-ikutin ko lang kayong parang Trip to Jerusalem, Eraserheads reference. Kaya 'wag kang parang CBCP, huwag ka masyadong mapapel. Yung RH Bill, 'wag niyo nang idiskarel dahil hindi kami pro-abortion, pro-choice ang aming ipinagtatanggol. Magiging pro-abortion lang ako kung 'tong si Romel ang sanggol.

Dahil ang tula ko'y deadly, pumapatay, kumikitil, pumapaslang, three ways. Huwag ka nang umasang magreresurrect ka pa after three days dahil hindi ka na tatalino kahit sa three wise men sumabit. Mga linya mo, nakakaantok, parang three o'clock habit.

Kaya sa mga tulad mong banong rapper, dapat ipako sa krus para wala nang marinig na banong kanta kailanman si Juan dela Cruz.

Round 2

BLKD

'Yang cap mo, pekeng DC, palibhasa, doble cara. Rapper sa gabi, carnapper sa umaga. At tinawag mo 'kong kamukha ni Bentong, wala akong paki. Batangueñong duwag, ang matapang lang sa 'yo, kape. New Yorker ang swag, kung magrap, ala Jay. New Yorker pumorma, kung magsalita, ala ey.

At sa Baked mixtape, ikaw lang ang Baked na hindi umalsa. Mga beat sa Batangas, presko, ba't mga kanta mo malansa? At huwag mong ipagyabang na Bisaya ka dahil Bisaya pod ko. 'Di ko kasulti og maayo pero kasabot ko. Ikaw yung tipo ng Bisaya na pangmamata ng madla'y hindi matutulan. Baduy at bakyang stereotype, iyo lamang pinapatunayan dahil imbes na paunlarin ang kulturang sayo'y biyaya, ikaw pa ang isa sa mga dahilan kung ba't naging pang-insulto ang salitang Bisaya.

Kaya parang Poncio Pilato, ang pandarahas sa iyo'y aking maiibigang balisong sa ngalangala, pangkaladkad sa iyo pauwing Iligan. At isusubsob ko sa turbine ng Maria Cristina Falls 'yang pagmumukha mo. Ta's diretso tayo sa Cotabato para barilin ka na ni Zaito.

Round 3

BLKD

Written generic diss, yung pinantalo mo kay Harlem, gagamitin mo pa sa 'kin? Medyo malupit pero kahit kaninong kabattle, puwedeng gamitin? Ilang taon mo 'yong sinulat at sinaulo sa bahay. Nag-iimagine ng kaaway, pinagpapraktisan ang nanay.

Kaya yung mga tula mo, sobrang simple, mistulang rap-rapan. Lampas langit na'ng antas ko, nandiyan ka pa rin sa sabsaban. Kaya yung tala sa taas mo, ibabato ko sa 'yong parang kometa. Hindi ka tagapagligtas ng rap, isa kang bulaang propeta. Dahil kung Kristo ka nga, gumawa ka nga ng himala. Gamutin mo si Righteous One, patayuin mo bigla.

Dahil kung ang hip hop ay Kristiyanismo, Hudas ka, hindi Kristo dahil taksil ka sa kultura, at matagal ko nang nabisto. Ang hip hop ay kultura ng pagkakaisa't kagalingan pero ang tingin mo lang dito'y kultura na iyong pagkakakitaan. 

Kaya naman ako ang tunay na malagim, at sa tagumpay, ako'y sakim. Son of God ka lang, ako ang Pinoy na Rakim. At kung hindi mo siya kilala, yung linya, hindi mo nakuha, huwag kang magpakahip hop, ignorante sa kultura.

FlipTop - BLKD vs 2Khelle

Round 1

BLKD

Aking tusung-tusong tutugisin 'tong tukmol na si 2Khelle. Tututulan kong tumugma para tumulala't tumigil. Tuwang-tuwa kong tutuligsain tuktok nitong tunaw. Tuturuan kong tumula 'tong tulalang tutang tungaw.

Kilala ang bayan niyo bilang maunlad na bayan sa may kalayuan pero yung mga tulad mo, kumikita lang sa pagpapaalila sa dayuhan. Basta't puti at may pera, dyinudiyos mo? Pareho kayo ni Noynoy dahil Kano ang boss mo. Kaya naman hanggang porma't salita lang ang iyong katapangan. Wala kang ginawa nung nirape ng Kano ang iyong kababayan. Alam mo'ng gagawin ng tropa mo dahil ngayon, ika'y bano? Palalayasin ka nila parang base ng Kano. 

Ito ang tunay na kargador sa barko, hindi si Target. Smuggler 'to ng ukay-ukay sa Subic Black Market. At sa tungga nitong sumasabit, alam niyo ba kung bakit? Siya yung natagpuan ni Andrew E nung humanap siya ng panget!

Round 2

BLKD

Nagsuot ako ng salamin para makita kita nang malinaw kaso tinanggal ko yung lens kasi yung talento mo, hindi nakakasilaw. Tapos, tinawag mo 'kong negrito. Wala akong pakialam. Pangalan mo, 2 kasi sa labang 'to, ako ang number 1.

At para lang alam niyo, nung tinanggap ko 'tong battle, Alpha Taktika ang pangalan ng aking kalaban. Pangalan pala 'yon ng rap group nito, huli ko lang nalaman. Natanga ka lang ba nung registration, o balak mong laban, 5 on 1? Kung nagkataon, limang jejemon ang ibinaon ko, live on cam.

At alam mo, hindi mo 'ko matatalo kahit magbitbit ka ng gabinete. Magmumukha pa rin 'tong laban ng kabayo at hinete dahil ito'y gabi ng garapalan, kami'y ganado at ganid. Gagapiin ang Gapo ng mga guwapong gago kung magalit.

At igagaya lang kita sa sikat na leader ng inyong lunan. Mukha ka nang dick, gagawin na lang kitang talunan. Tapos ang iyong kamatayan, igagaya ko sa inyong kasaysayan. Ulo mo'y aking pupugutin ta's tutuhugin ng kawayan.

Round 3

BLKD

Akala mo malupit yung freestyle mo, 'yan ang pagkakamali mo. Istilo mo, pangkanto, hindi pangmatalino. At mas marami pa 'kong fans sa 'yo kahit wala pa 'kong fan page. Maangas ka lang lumaban 'pag may home court advantage.

Kahit saan, kaya kong isagisag ang FlipTop na bandila. Ito, hindi makadayo sa Maynila, na para bang ang depensa mo ngayon sa isang unos ay marupok na bahay-kubo. E pa'no yan? Mas malakas pa 'ko magpasabog kaysa sa Mt. Pinatubo. Tatangayin, tatabunan ka lang ng liriko kong malalahar. Mapupuno ang langit ng abo 'pag pinulbos kita ng pang-aasar.

At written ang banat ko dahil hindi naman freestyle battle ang FlipTop. Ito ang modernong format ng rap battle sa mundo ng hip hop. Talentado ka, talentado ka, pero pandekada nobenta ang istilo mo. Hindi 'to pabilisan tumugma, pabigatan 'to ng liriko. Ano? Masakit na ba? Iiyak ka na? Aruy! Mag-Google ka, magresearch ka para matuto ka, baduy!

Overtime

BLKD

Susubukan ko magfreestyle. Tingnan niyo yung boxer ko, heaven. Hindi 'to makadayo sa Maynila, takot sa 187. 

At wala namang premyo dito, alam ko kung bakit ka lumahok. Gusto mo kasing simutin ang kamandang ng aking tomahawk. Feeling wannabe Loonie at Dello, hindi naman nakakaaliw. Sa susunod, huwag kang tamad 'pag may haharapin kang baliw. Walang pinagkaiba ang freestyle mo kay Silencer. At dahil wannabe DC Clan ka, ikaw ang gagawin kong target ng aking caliber.

Dahil if you look harder, malawak ang gap sa ating talento. At may binanggit akong dalawang wack battlers na mas magaling pa sa 'yo kung 'di ka alerto. Dahil para 'kong batas ng datu, hindi mababali kahit ng buo mong crew. Tinanggap ko lang ang laban natin 'cause I had nothing else to do.

Kaya alam mo, freestyler ka, pero magpractice ka pa dahil sa FlipTop ngayon, wala kang puwang. Lahat ng binanggit kong battle rapper na tinitingala mo, kaliga ko lang.

FlipTop - Sayadd vs BLKD

Round 1

BLKD

Ako ay medyo kabado kaya titira nang kalmado. Ang ganda ng delivery mo, muntik na 'kong mainis kaso lang yung mga linya mo, puro generic diss.

Sayadd na double D? Wala ka namang say bilang battle rapper pero meron kang ADD, attention deficit disorder. Kaya ka lang naman nagrarap, alam mo kung bakit? Ika'y kulang sa pansin. Mga linya ko, sumasabog, sa 'yo, kumakalansing. Dahil pagdating sa wika, ako ang artisano. Garantisado, gisado si Mr. Lizano. Uuwing tinalo at paralisado.

Hindi ka true hip hop, homeboy, wala kang alam, boy. Isa kang wannabe Am-boy na Eminem fanboy. Lumaking mom's boy, at tuwing gabi, callboy. Estudyante ka pala ng accountancy pero katangahan mo sa math ay legendary. Yung rapping skills mo, square root of negative one, imaginary. Feeling guwapo, ipapahiya ko for everyone to see. Mestizong rapper, sino ka? Si Bobby Andrew E? O baka si Carlos Agassi?

Round 2

BLKD

Oo, tama ka, scholar ako. Scholar ako ng UP dahil hindi ako bobo like you. Kinulang na nga sa melanin, kinulang pa sa IQ.

Kapareho ka lang ng ating bagong administrasyon. Adik sa giyera at armas, binalewala ang edukasyon. Kung akala mong mananalo ka sa sindak, utak mo'y pilipit, dahil hindi porke't bayolente ang linya, ito ay malupit. At kung gusto mong magrap nang brutal at patok, magpatutor ka muna kay Plazma't Apoc. At kung puro angas ka lang, better shut your mouth. Magyabang ka sa QC, 'wag dito sa South.

Baka hiwain ko lang ang iyong neck line gamit kalawanging bread knife ta's bubudburan ko yung sugat
ng tinadtad na lamang ng tahong, yung may red tide. Panis ka sa artistang mabangis pa kay Batista. Yung utak ko, makatao pero yung dila ko, pasista. 

Nung 8 Mile ka lang naman kasi naging battle rap fan. Yung obsession mo kay Em, mas masahol pa kay Stan. Si Ralph daw si Marshall, at si Sayadd si Slim. Kahit 'di ka magdye ng buhok, gaya-gaya ka pa rin. Isang buwan kang naghanda, 'yan lang ang kaya mo, pare ko? 'Pag kinain ko kuwaderno mo,
mas malupit pa'ng lirikong itatae ko.

Round 3

BLKD

Aminin mo, Sayadd, erpats ka na. meron ka nang baby. Porke't idol mo si Shady, nagmadali kang gumawa ng Hailie. At hindi ka OG, isa kang padre de pamilya. Hindi ka nagpapaputok ng bala, nagpaputok ka ng semilya. At huwag mo kaming himbilugin na habulin ka ng parak. Hindi ka nagbibitbit ng baril, nagbibitbit ka ng anak. 

Kung dismayado kang talo ka, maghamon ka na lang ulit. Huwag kang maghugas-kamay, tagahugas ka ng puwet. At magpakumbaba ka, huwag yung puro alibi. Kanta niya dito, gangsta rap. Kanta niya sa bahay, lullaby. Wala pang tiyak na hanapbuhay, gumawa na ng supling? Para lang makaraos, nagsasanla ka sa Tambunting? Pagdating sa family planning, marami naman sanang paraan. Huwag lang daw withdrawal, sabi ni misis, dahil mabilis siyang labasan.

Patunay lang ang labang 'to na hindi tayo patas. Umuwi ka na lang nang luhaan, at magtimpla ka na lang ng gatas.

Overtime

BLKD


Sayang, hindi ako naghanda ng OT kasi hindi na kailangan. Puwede pa ba mag-appeal? Hindi na 'to overtime. Ang tawag dito, overkill dahil Round 1 pa lang, tinalo na kita, tanungin mo sila. Ginawa kitang sahig, tinapakan lang kita. Ginawa kitang banig, tinulugan ka nila.

Dahil yung dila ko, si Saiha, matalim at nag-aapoy. Yung istilo mo, hindi ko maatim ang pangangamoy. Dahil yung istilo mong luma at bulok, mas mabaho pa sa burak. 'Pag ako nagrap, flip top, titiwarik ang iyong utak. 

Pagdating sa talino, yung utak natin parehong Rico. Yung sa 'kin puno, kaso yung sa 'yo, blangko. At next Father's Day, remind me if I forget to say, dahil sa araw na 'yan, babatiin kita ng Happy Motherfucker's Day.

Ayan, wala na 'kong masabi dahil wala na 'kong maisip, at wala pa 'kong nakakain kaya kain na lang sa mga kaibigan ko sa Kaingin.

October 4, 2012

Nilaga

Spolarium
by Eraserheads

Dumidilim ang paligid

May tumawag sa pangalan ko
Labing isang palapag
Tinanong kung okey lang ako
Sabay abot ng baso
May naghihintay
At bakit ba'pag nagsawa na ako
Bigla na lang ayoko na

At ngayon Di pa rin alam
Kung bat' tayo nandito
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo

Lumiwanag ang buwan
San Juan Di ko na nasasakyan
Ang lahat ng bagay ay
Gumuguhit na lang Sa 'king lalamunan

Ewan mo at ewan natin
Sinong may pakana?
At bakit ba Tumilapon ang
Gintong alak diyan sa paligid mo?

At ngayon Di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo

Umiyak ang umaga (hmm)
Anong sinulat ni Enteng at Joey diyan
Sa gintong salamin Di ko na mabasa
Pagkat merong nagbura

Ewan mo at ewan natin
Sinong nagpakana?
At bakit ba tumilapon ang spolarium
Diyan sa paligid mo?

At ngayon Di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo

Phil Games Journal 2

Nagustuhan ko ang Dr. Kwak-kwak
Hindi lang dahil sa ito’y masayang laruin
Namiss ko yung ganong paghawak
Sabay pilit kaming pagpuluputin
Hindi naman sa gusto mong mahawakan
Ang kamay ng cute sa klase
Pero hindi mo rin naman itatangging
Nangarap kang siya’y maging kakampi
Kahit nga pala dinamihan na namin ang pagsuot,
Paglundag, pagkapit at pagpulupot
Hindi ko pa rin mawari kung bakit
Parang sobrang daling sinagutan lang ang pagsusulit
Na aming inihanda sa nagvolunteer na mga taya
Kung ika’y sumubok, mahihirapan kaya?
Kung sa bagay okay na rin yun
Baka sakaling makapartner ka pa niya dahil dun
Namiss ko nga pala, kung aking babalikan
Ang mga naunang linya kanina
Noong bata ako’y nilaro sa aming palaruan
Kahit mataas ang araw, kahit pawis na pawis na
Sana’y malaro pa ito ng ibang klase,
Ng ibang bata, sa ibang panahon
Huwag sanang mamatay ang mga lumang laro
Nang ang kultura’y maiahon
Sa bawat tulak ng kasaysayan sa atin
Mamahalin at mamahalin pa rin ang orig sa atin

Nung Night and Day na ang binanggit ni Ma’am
Wala akong ideya sa kung anong mangyayari
Naglabas na siya ng tsinelas
Ang mangyayari’y di pa rin mawari
Hanggang sa inexplain na niya ang instructions
Na para bang matutuwa sa amin
Meron lang pala kaming dalawang options
Sa kung maisasalba ba ang buhay namin
At sa nalaman na nga namin ang gagawin
At ako’y hindi na mapakali
Sobrang nagtatalon ang puso ko
Para bang ang oras noo’y umikli
Hindi pa nga ibinabato’y nakababaliw na
Ano pa kaya kung bumagsak ang tsinelas?
Hala! Kami’y nagsitakbuhan na
Akala  mo’y hinahabol ng malas
Sobrang nakasisira talaga sa ulo
Ang ganitong uri ng mga laro
Kahit na anong gawin mong hula
Ang mata mo pa rin ang bahala
Kung aling direksyon ka tatakbo
Kung aling direksyon ka mabubuhay
Sakay ng tadhanang mapanghilakbot
Maabot ng bahagdan, ika’y mamamatay
Hinding-hindi ko makalilimutan ang larong ito
Nakahihilo, nakatutuliro, nakalilito

May I Touch Your Hand daw ang tawag
E iba naman talaga ang gusto naming
Ngalan ng larong nakabibihag
Ng atensyon, diwa at damdamin
Ang You and Me Against the World
Ay napagkasunduan ng marami
Kahit ano pang ipilit ni Ma’am
Iyon ang itatawag namin
Hindi lang dahil sa sobrang bagay talaga niya
Kundi dahil sa bagay talaga siya
At dahil bagay nga talaga siya
Edi ibinigay na namin sa kanya
Magkakahawak kamay ulit kami rito
Syempre, alam na naman ang agenda ng marami
Kikiligin na naman kapag natsambahan
Kapag kamay ng cute ang nahuli
Sa dalawang mundong binuo
Ng dalawang bilog; maliit at malaki
Simpleng bagay ang aming nilaro
Ngunit walang KJ ang namukod tangi
Pilit pa ngang halik na lang ang gawin
Instead of just reaching for each other’s hand
Ba’t di nagvolunteer? Halatang inggit
Edi sana’y kamay niya’y nahawakan
Kahit yung imahe lang na nag-aabutan kayo
Pangarap mo sana’y nagkatotoo


Kung Basket ng Prutas naman ang pag-uusapan
Baka wala na akong masabi
E pano ba naman, kahit na naintindihan
Mo na ang instructions na sinabi
Mababagalan pa rin ang utak mo
Kahit na nag-aaral pa kamo sa UP
Pagka nasa gitna ka na ng laro
Ang utak mo’y parang mayuyupi
Sa sobrang lag talaga ng dating niya sa amin
Para bang matataya ka nang walang alam
Kaya nga okay lang na natangang umamin
Mapatatawad ka naman ng karamihan
Dahil nga sa sobrang nakalilito
Ng larong ipinasok sa amin
Ngunit sa tuloy na pagdaloy naman nito
Unti-unti na kaming nagising
Sa katotohanang okay naman pala
Ang instructions ng Basket ng Prutas
Nabura na nang tuluyan ang akala
Na baka di na malaro at maubusan ng oras
Hanggang sa tuluy-tuloy na nga
Ang paglalaro namin
Wala nang natutulala’t nakanganga
Hindi na mataya ang layunin
Mabagal man sa simula
Kinakailangan pa ring humabol talaga

Piring Pair Pair ang nireport namin
At ilalagay ko rito sa journal
Hindi dahil sa ito ang report namin
Kundi dahil sa inenjoy ko naman ito nang walang utal
Tutal, astig naman talaga yung game
Na naisip ng aming kagrupo
Lois nga pala ang kanyang name
Naku, lagot kami kundi siya matalino
Creative, magaling, ang ganda ng kanyang naisip
Gamit lamang ang simpleng blindfold
Isang kakamping kailangang sumagip
Sa kakamping hindi niya maaaring ihold
Gamit ang kamay, no. Dapat boses
Challenge nga ng aming Piring Pair Pair
Magturo, sumigaw, tumulong nang ilang beses
Mahawakan na lahat, kamay, ulo, katawan, pati hair!
Suwerteng nagkaroon ako ng pagkakataon
Na malaro dahil sa kinulang
Ayaw ko pa noong masama sa mga kampon
Na kapwa pagtatawanan lamang
Ng mga reporter habang nanonood
Sa aming mga zombie na nalulunod
Sa kadilimang dulot ng blindfold
Masaya pa rin naman ang aming naihandog
Na laro sa aming mga kaklase
Naging okay naman ang aming huling pagbati

Salamat sa napakasayang sem Ma’am!!

October 2, 2012

Phil Games Journal 1


ANG PINAKANAHARASS SI MA’AM
Bihagan
  
Hindi ko na talaga maalala kung sa variation na nga ba iyon nangyari pero sa game na ito talagang napahiga na si Ma’am sa sahig. Pero ang mas malupit pang nangyari e hindi siya nagalit. Hindi nga siya KJ. Nakakakaba yung laro. Hindi ko alam kung mahihila ako, manghihila ako, o magpapahila ako para hilahin ako ng cute kong kateam.

ANG PINAKANAGULAT AKO
KAY MA’AM
Bagbagto
  
Hindi ko na ulit maalala kung bagbagto nga ba iyon. Basta hindi yata nacontrol nang maayos ng group facilitating the game ang mga kaklase ko, kami. Napasigaw si Ma’am tapos sabi ko, OMG, sa sarili ko lang naman. Magulo ang larong ‘to kasi dalawa ang puwedeng gawin, at maaaring pumili. Tumakbo o bumato. Kakaunti lamang ang tumakbo at bumato.

ANG PINAKANAWALA AGAD
ANG EXCITEMENT KO, AGAD
Batuhan-Bola
  
As in napasigaw talaga ako ng WOOHOO! nung sinabi ni Ma’am na ito yung lalaruin. Pero nung naglalaro na kami, napakaanti-climactic nung dating para sa akin kasi hindi pala ganoon kasaya kung hindi mo kakilala pa masyado ang mga babatuhin mo sa mukha o sa ano, sa basta yon.

ANG PINAKAMAGULO ANG VARIATION AS IN DI KO NAGETS
Agawang Panyo
  
Kahit di pa man variation yung tinuturo nila, malayo pa rin ito sa nakagisnan ko nang Agawang Panyo. Hindi rin nangyari yung pinakainabangan kong bahagi kung saan lahat ng players ang aagaw sa panyo at magpapasaha-pasahan ng panyo. Hindi ko maikukuwento yung variation part kasi nga naguluhan ako.

ANG PINAKANAPAGOD AKO
Kabayo-kabayuan
  
Nakapantalon kasi ako noon. Tapos sneakers pa. Edi bonggang nadulas ako tapos dinadala na lang ako ng kagrupo ko habang nakapatong na lang yung puwet ko sa kawayan. Ayaw ko na talaga noon, first round pa lang. Napawalangya talaga ako sa diwa ko noong umabot pa kami ng third round.

Andito rin naman Ako: Ang Imahe ng Babaeng Tauhan sa Epiko

Ang bayani ang madalas na patunghayang suriin ng mga teyorista hinggil sa mga epiko. Madalas marahil, sila nga naman ang pangunahing tauhan ng mga nabanggit na bahagi ng matanda at mayaman na oral na tradisyon, kaya naman sila na rin ang mas pinangungunahang bigyang pansin at malinaw na pakahulugan ng mga iskolar na matagal nang pinag-aaralan ang mga epiko ng Pilipinas. Malinaw na ring ineestablish at marami na ring naisulat tungkol sa kani-kanilang mga kapangyarihan, mga nauulit na gawain at tinataglay na mga kakaibang kapangyarihan maging ng mga kapanganakan. Ayon kay Eugenio (2001), ang bayani ay merong isang pambihira o di karaniwang kapanganakan, halimbawa na lamang kay Sandayo na nahulog mula sa buhok ni Bae Salaong habang siya’y nagsusuklay, isang milagrosong paglaki, napakagandang pisikal na anyo, isang napakalakas na boses, kakayahang mamuno at malasalamangkang kapangyarihan. Tulad ng nabanggit ni Arsenio Manuel kung saan ang mga epiko ng Pilipinas ay nagtataglay ng supernaturalism o ng heroism kung saan kaakibat nito ang pagiging sentral na figure ng tribal hero ng mga sinasabing bahagi ng oral na tradisyon. Halimbawa na lamang, si Tuwaang ay isang dominanteng tauhan kasama pa ang mga tauhang makapangyarihan din (Manuel, 1962). Dagdag na rin niya na ang mga sentrong tauhan sa Hinilawod ay sina Labaw Donggon (Hinilawod I) at Humadapnon (Hinilawod II) na kapwa lalaking tauhan. Ang iilang mga tauhang nabanggit ay sinasabing nagtataglay ng malalaakas na kapangyarihan at siyang mga tauhang nakikipaglaban sa daloy ng napagdesisyunan nilang paglalakbay. Maaaring sabihing sa kanila nga umiikot ang pagpapatuloy ng ganitong oral na tradisyon, mga lalaking tauhang dominante, nangunguna at siyang nais maipakilala ng mga epiko. Sinasabi ring ang mga tauhang ito ay mga kagila-gilalas at nagtataglay rin ng mga kapangyarihan tulad na lamang ni Aliguyon na may kakayahang bumuhay (Manuel, 1962). Maaari ring meron silang mga katulong sa kanilang paglalakbay na siyang merong kapangyarihan tulad ng mga bayani sa mga epikong matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pilipinas (Manuel, 1962). Ang pagiging bayani ng isang tauhan ang nagbibigay sa kanya ng maraming mata upang basahing lalo, dahil sa kanyang mga angking katangian, na maaaring nauulit sa iba pang mga epiko. Sa mga epiko ng romance, madalas na pangunahing misyon ng bayani sa kanyang paglalakbay ay ang makuha ang pag-ibig ng napili niyang babaeng pakakasalan, o kaya’y nakararating siya sa kalagitnaan ng paghahanap ng magagandang babae na kanyang maaarin pakasalan. Halimbawa, isa sa mga pangunahing pakikipagsapalaran ni Lam-ang ay ang panliligaw at pagpapakasal niya kay Ines Kannoyan. Katulad nito ang panliligaw at pagwawagi ni Banna (bayani) kay Laggunawa. May mga bayani ring hindi lamang isa ang gusto tulad ni Labaw Donggon na nanligaw nang tatlong beses; ang kanyang unang obheto ng pagmamahal ay si Abyang Ginbitinan na nakatira sa “bunganga ng Handog, sa may ilog Halawud”, ang pangalawa bilang si Anggoy Doronoon na isang magandang babae ng underworld, at pangatlo na isang kasal nang babae na si Malitung Yawa Sinagmaling Diwata, na “nakatira sa kung saan ang nagniningning na liwanag ng araw ay nagsisimula (Eugenio, 2001), ni Bantugan na nanligaw sa maraming prinsesa, Lumalindaw na nanligaw at nagwagi ng limang babae, at ni Kudaman, na kahit na naipakasal na sa isa sa simula e nakakuha pa ng siyam na dagdag sa daloy ng kanyang paglalakbay (Eugenio, 2001). Pupuwede rin silang magkaroon ng maraming babaeng asawa. Pupuwede rin kayang magkaroon ng maraming lalaking asawa ang isang babaeng tauhan? May epiko kayang ganoon? Ngunit hindi rin naman nagsisimula ang paglalakbay ng bayani dahil sa isang babaeng tauhan. Katulad ng sa kaso ni Lam-ang, ang pangunang dahilan sa pag-alis e ang misyong hanapin ang kanyang ama. Sa Labaw Donggon naman, ang dalawang anak na lalaki ng bayani, naging mga bayani rin sa daloy ng epiko, ay hinanap din at ninais na sagipin ang kanilang ama (Eugenio, 2001). Kung merong kanya-kanyang katangiang nauulit o humahawig ang mga tauhang bayani ng epiko, posible kayang meron ding pagkakahawig sa pagitan ng mga babaeng tauhan? Kung positibo man madalas ang mga tinataglay ng isang bayani, maaari rin kayang magtaglay ng makabuluhan o nakatutulong na katangian ang isang babaeng tauhan? Ang bayani lamang ba ang malakas, nangunguna at nakaaangat sa isang epiko? Kung titingnang mabuti, ang mga bayaning ito ang maaaring sabihing nagiging sentro na lamang ng mga epiko. Sila kasi ang mga ginagamit na modelo ng kanilang mga komunidad para sundin, gayahin, at para magpaunawa sa komunidad na kinabibilangan ng oral na tradisyon kung anu-ano ang mga kahilingan ng isang mabuting nilalang. Pero paano na ang mga babae? Magkakaroon ba ng malaking kaibahan kung aalisin ang mga babaeng tauhan? May mga posible pang maging papel ang kababaihang tauhan na maaaring pumantay o humigit pa sa tinataguriang bayani ng isang epiko? Puwede pa kaya ang iba pang imahe, liban sa kung anong meron sila ngayon, para naman sa mas iba pang puwedeng pagtingin, asahan, at maging ng pagkakaiba at pagkakapare-pareho ng mga tauhang nakabase sa kasariang ito?

Karaniwan nang naipagpapalagay ang mga imahe ng babaeng tauhan sa mga naunang epiko ng Pilipinas bilang, halimbawa na lamang, isang ina, kapatid o di kaya nama’y makapangyarihang diwata o diyosa. Hindi naman ito matatawaran sapagkat, iyon nga naman ang madalas na ibigay na tungkulin o nais na maipakita bilang isang tauhang babae ang kasarian. Hindi na mailalayo ang ganitong uri ng pagbibigay papel para sa mga ganitong uri ng tauhan. Para lamang sa pagpapalakas ng mga naunang pangungusap, nais ko sanang kumuha ng ilang halimbawa mula sa ilang mga epiko. Si Lam-ang ay merong inang si Namongan na ipinanganak siyang may kahirapan (Manuel, 1962; Eugenio, 2001). Mula pa lamang rito, sa simula ng ibang mga epiko, nariyan ang kapanganakan ng bayani. Hindi malamang mawawala ang isang tauhang ina kung kailangang ipanganak ng isang bayani. Ang ina rin ni Lam-ang ang kanyang kinakausap at tinatanong kung nasaan ang kanyang ama (Manuel, 1962; Eugenio, 2001). Ang ganitong imahe ng ina na lapitin ng anak sa tuwing may kailangan ito. Makikitang pinapaboran naman ng anak, kahit na siya ay isang bayani, ang kanyang ina sapagkat sa kanya naman siya nanggaling. Ilan pang imahe ng isang babaeng tauhan na madalas ipakita ay ang pagiging alipin o tagasunod ng mga ito. Meron mang mga lalaking alipin o tagasunod, mas madalang pa rin ang ganitong sitwasyon. Halimbawa na lamang, mula pa rin sa epiko tungkol kay Lam-ang, ang mga kaibigang babae (na siyamnapu’t siyam ang dami) niya ay kanyang ipinatawag para hugasan ang kanyang maruming buhok sa ilog (Eugenio, 2001); Nangyari ring ipinatawag ni Lam-ang sa kanyang ina ang mga kaibigang babae upang siya’y tulungan sa pagligaw (Villanueva, et. al., 1970), dagdag pa rito ang isa nang kanyang ipinag-utos, sa mga babae pa rin, na kuhanin ang ngipin ng buwayang kanyang tinalo sa isang labanan para gamiting anting-anting sa pagpapatuloy ng kanyang paglalakbay. Meron ding pagkakataong hiningi ni Lam-ang ang kanyang susuotin at mga kadena ng ginto para itali rito ang kanyang tandang, inahin at aso, na mga may kapangyarihan din (Manuel, 1962). Hindi lamang sa ina o sa mga malapit sa bayani siya nag-uutos. Nariyan ang pangyayaring kinausap ni Aliguyon ang ina ni Bugan upang kausapin ang kanyang anak at magdiwang ng isang pista para makapang-akit ng mga poging lalaki mula sa mga kalapit barangay. Minsan ding tinawag ni Tuwaang ang kanyang kapatid na babae na lumabas sa kanyang silid na may dala-dalang kahong puno ng nganga. Ang kapatid ay umupo sa kanang bahagi ni Tuwaang at siya’y inalayan nito ng dala-dalang nganga (Manuel, 1962). Ang ganitong pag-uutos, sa babae madalas ay pagpapakita ng imaheg mapagkakatiwalaan ang babaeng tauhan, at maaaring maalam sa maraming gawain. Sa kaso rin ng ina, ang ina madalas ang tumutulong sa anak sa kanyang mga mauunang gagawin, nagpapayo o di kaya’y umaantala sa pagdedesisyon. Sa pagdedesisyon halimbawa, ang ina ni Lam-ang ang siyang tumutol sa kanyang ligawan si Ines Kannoyan, na anak ng pinakamayamang tao sa bayan ng Kalanutian (Eugenio, 2001; Villanueva, et. al., 1970). Nariyan din ang bahagi sa epiko ni Aliguyon kung saan ang kanyang inang si Dangunay ay pumunta sa lugar ng labanan at sinabi sa kanyang anak at kay Pumbakhayon na itigil na ang kanilang pagsasagupaan dahil pareho lamang silang hindi kayang magapi o hindi nila kayang gapiin ang isa’t isa. Minsan ding sumingit ang kanyang ina para patigilin muna ang nangyayaring labanan dahil sa kailangan nilang dalawang kumain. Si Aliguyon din ay minsang pinaalalahanan ng kanyang ina na siya (Aliguyon) ay maaaring magdala ng pagkalipol sa mga hiyas na siyang nagpapalamuti sa kanyang kasal (Manuel, 1962). Isa pang tanyag na imahe ng babaeng tauhan sa isang epiko ay ang pagiging kasintahan nito o interes sa pag-ibig (love interest) ng isang bayani. Malamang sa malamang e maganda ang hubog ng katawan ng babae at inihahambing pa madalas sa araw. Halimbawa na lamang, sa epiko pa rin ni Lam-ang, nagustuhan nga ni Lam-ang si Ines Kannoyan matapos siyang hikayatin ng kanyang ina. Kung maibibigay ni Lam-ang ang dowry na hinihingi, makukuha niya na si Ines Kannoyan bilang kanyang asawa. Nariyan din ang pagkakataong inutusan ni Aliguyon ang kanyang hip bag na mapunta sa kanya bilang hudyat ng kanyang proposal sa pagpapakasal sa kapatid na babae ni Pumbakhayon. May pagkakataon pa ngang mabilis na inagaw (snatch) ni Aliguyon si Bugan at madaling tumakbo papauwi (Manuel, 1962). Mauuwi rin ang mga ito madalas sa pagpapakasal ng dalawa. Mula sa epiko tungkol kay Lam-ang, siya at ang kanyang iniirog ay ikinasal sa isang simbahan. Inabot naman ng sampung araw ang pagpipista upang mapatotohanan o makumpirma ang pagiging mag-asawa nina Aliguyon at Bugan (Manuel, 1962). Madalas may ganitong pangitain sa mga epiko, ang kasintahang nagiging asawa, hanggang sa, kung papayagan e nagiging ina na rin. Ang ganito ring mga okasyon ay makikitang pinaghahandaan at hindi lamang basta-basta, hindi lang dahil sa ang bayani ng epiko ang ikakasal, kundi dahil na rin sa mga matitinding kahingian ng mga magulang o kaanak (o minsa’y alipin) ng babaeng kinahuhumalingan ng bayani. Nariyan din pala ang grupo ng mga babaeng hindi utusan ngunit ipinakikitang may gusto sa isang bayani, o isang kapantay ng bayani (maaaring kanyang kalaban sa ibang lugar na kanyang pinagkakapagsapalaran). Halimbawa, sa epiko tungkol kay Aliguyon, hinihikayat ng mga babae si Pumbakhayon na pugutan ng ulo si Aliguyon. Hindi rin naman nagpahuli ang fans ni Aliguyon kung saan noong nakipaglaban naman siya kay Dinoyagan sa Hananga, ang mga babae sa lugar na iyon ay siya ang ipinagbubunyi (Manuel, 1962). Ang ganitong imahe ng grupo ng mga babaeng nagmumukhang fans ng isang bayani ay makikita rin sa mga epiko. May imahe ring nagmumukha na lang parating mahina ang babaeng tauhan. Pantulong-sagip na dahilan para rito ay yung noong ayaw pagawin ni Aliguyon si Bugan ng kahit anong bagay upang ito’y hindi mahirapan. Sila lamang ay itinatabi o inilalapit maaari sa bahay, sa mga gawaing bahay, na ipinipilit na ibagay sa kanila, sa kanilang katauhan, katayuan, antas at mga nakakayanan lang daw na gawin sa buhay. Pinagsabihan pa nga niya ang matatandang babae na huwag itatabi si Bugan sapagkat baka ito mahilo sa pakikipagngangaan. Sa epiko naman na Bugan sa Hudhud, inilarawan si Bugan bilang isang ulirang may-bahay (Villanueva, et. al., 1970). Mapapansing kung may nangyayari mang kasama ang isang babaeng tauhan, parati at hindi mawawala ang bayani, o ang pagbanggit sa bayani na maaaring may direktang relasyon sa kanya o malapit sa kanya. Kaakibat man ng pagpapatibay pa sa pagiging sentrong tauhan nga ng isang bayani sa epiko, makikitang hindi lumalabas ang isang babaeng tauhan nang hindi nariyan ang presensya ng isang bayani o di kaya’y may gagawin ang babaeng tauhan para sa ikabubuti o ikaliligtas, pasentro at padireksyon sa kinauukulan ng bayani. Mula rito, mukhang hinding-hindi mawawala sa bayani ang sentro ng isang epiko. Ang ganitong mga paglalarawan at pagsasabigay ng mga imahe sa mga babaeng tauhan ng mga epiko ay hindi na bago sa mata ng mga mananaliksik, at sa mga nagsisimula na ring pag-aralan ang mga epiko sa akademya. Ang ganitong mga pagtingin ay napasimulan na nga, dahil sa madali nga naman silang makita o mapansin, sa medyo mababaw na pagsusuri, at patuloy nang naididikit. Hindi ko naman sinasabing hindi na maaari ang ganitong mga pag-aaral ngunit nais ko sanang subukan pang baguhin, pagandahin o baka sakaling linangin o paigihin pa ang imahe ng mga babaeng tauhan sa epiko.

Si Mila Aguilar (2001) ay merong papel tungkol sa kanyang pag-aaral ng roles ng mga babae Philippine folktales. Ang kanyang papel ay pinamagatang Women in Philippine Folktales na pinangunahang pagtalakayan ang pagkakaroon din naman ng mga babaeng tauhang trickster sa mga ganitong uri ng panitikan ng bansa. Ilan sa kanyang mga halimbawa ng mga Filipino female trickster ay sina Tusong Marcela, asawa ni Ludovico, Mariang Sinukuan, Talang Silangan (Tagalog counterpart ni Mariang Sinukuan), at ang “banal at magandang asawang babae” na mahahanap sa parehong Kristiyano at Muslim na aral o turo. Nagbigay siya ng ilang mga excerpt mula sa iba niyang mga papel na nagpapakita ng katangiang trickster habang pinasesentruhan ng babaeng tauhan sa bawat akda. Ang pangunahing thesis ng binanggit na papel kanina ay sa kung malalaman ang papel ng mga babae sa mga kuwentong bayan ng Pilipinas, makatutulong ito sa paglalarawan nang madetalye sa kasakdalang hanay at antas ng mga posibleng kontribusyon ng mga babae sa panitikan at lipunan ng Pilipinas. Ang kanya pang pangunahing haka ay ang babae sa ganoong punto ay hindi pa rin nakikitaan ng pasakdal na sakop ng kanilang mga naitulong na sa panitikan at lipunan ng Pilipinas. Iniisip niyang ito dahil sa madalas na ikinakahon nila (babae) ang kanilang mga sarili bilang mga “feminine” na subheto ng pag-ibig, tahanan, pangangalaga sa bata, at pamamalagi sa bahay na pakiramdam. Pero mula sa mga binanggit niyang mga babaeng trickster na tauhan, maaari raw manghimlay ang function at responsibilidad ng babae sa panitikan at lipunan. Tingin ko, nais niyang bigyan pa ng ibang, sinasabi niya ngang, function, ang babae sa panitikan, hindi lamang para magkaroon naman ng bagong pagtingin, kundi para likhaing mula, o magpanganak ng bagong pagsusuri sa mga posible pang maging gamit o pagkakakilanlan ng sinusubukang iangat na kasarian sa panitikan ng Pilipinas. Siya ay nagbibigay ng mga bago at alternatibong mga papel ng kababaihan na malayo nga naman sa kasanayan ng diwang Pilipino maging sa diwa ng nakararami hindi para lamang makapagbigay man lang ng bago o “kakaiba” na paghusga kundi pati na rin maiangat pa at maisakatuparan ang mapatindi ang pagtuklas pa sa maaari pang kalikasan ng isang babaeng tauhan na maaari niyang gamitin o maaari nating mapansin bilang instrumento o kataglayan na makapanananggi sa naturang naunang naidikit na ngalan.

Kaiba naman ng isa pang artikulo mula sa Philippine Graphic (www.philippinegaphic.com.ph), na pinamagatang The Wonder of Philippine Epic Stories (2011), nabanggit sa isang bahagi ng papel ang kabuluhan ng pagpansin, mula sa mga epiko, ng mga pagkakapareho ng gender stereotyping sa pagitan ng lipunang Pilipino at ng lipunan ng ibang bansa kung saan ang kalalakihan ay merong “machong imahe” at kinokonsiderang “mas malakas” na kasarian, habang ang kababaihan nama’y merong “walang kaya/helpless/incapable na imahe” at kinokonsiderang “mas mahina” na kasarian. Ang ganitong uri ng pagbasa ay mababaw sapagkat hindi talaga ganoon kasikip lamang ang mga layunin ng babaeng tauhan sa mga epiko ng Pilipinas. Nais ko sanang baguhin, o sirain kung maaari, ang ganiton makitid na pananaw at pag-gegeneralize sa mga babaeng tauhan ng ating mga epiko. Hindi sana ganito na lamang ang pagtingin natin sa mga tauhang hindi lalaki ang kasarian sapagkat maraming mga pagkakataong nakatutulong ang angking mga kalikasan ng mga tauhang ito sa functional na daloy ng isang epiko. Sana’y magkaroon ng panibago at mas nalinang pang mata ang mga akademiko, o mas maiging sa madla, na gagamitin nila sa pagbasa ng papel ng mga babaeng tauhan, halimbawa na lamang sa mga epiko.

Ano nga ba ang maaari pang gawing pagtingin sa mga babaeng tauhan ng mga etnoepiko? Paano bang tinitingnan o binabasa ang mga layunin/gamit/asal/silbi ng mga babaeng tauhan sa epiko? May kakayahan kayang manaig/pumantay sa bayani ang isang babaeng tauhan sa daloy ng naratibo ng isang etnoepiko? Maaari bang magkaroon ng iba o alternatibong pagtingin at pagbasa sa kababaihang tauhan ng mga epiko ng Pilipinas?

Mailahad nang malinaw kung masusuri bang maiaangat ang pagiging babaeng tauhan sa mga etnoepiko ng Pilipinas. Susubukang bigyang linaw, bigyang ibang mukhang hindi naman siguro nalalayo o maling pagkakahawig sa mga naunang pagbasa ng mga babaeng tauhan, kung bakit ganoon na lamang ang nagiging katangian ng mga babae sa mga epiko at susuriin kung kailangan bang ganoon sila o may alternatibo pang maaaring pagtingin sa ganito nilang mga katangian. May pagkakataong maglalahad ako ng mga kuru-kuro batay sa mga nakalap na ibang impormasyon hinggil sa tinutukoy na pag-aaral, patungkol at patulong sa ninanais na palakasin o pataasin ang mababa o naturang madalas na pagtanaw sa mga tinataglay na kalikasan at kaugalian ng mga babaeng tauhan sa epiko.

Sasakupin lamang ng pagsusuring ito ang hinggil sa mga etnoepiko na taal sa Pilipinas. Magpopokus ako sa mga inisyal na pagbibigay-turing sa mga babaeng tauhan, nang hindi inilalayo ang sariling perspektibo sa bayani; sa mga gawain ng mga babaeng tauhan, sa kanilang mga asal at kalikasan, habang nariyan ang presensya o kanilang iniisip ang bayani ng epiko. Hangga’t maaari’y lilimitahan lamang ang nasabing pag-aaral, katulad ng nabanggit sa itaas, sa mga babaeng tauhan, upang matingnan, matunghayan kung maaari, kung lalaki lamang ba ang maaaring maging pangunahing tauhan o bida, kailangang bumida, o ang babae’y may angking mga katangian ding nauulit ngunit makapagsasabing makabuluhan naman sa patuloy na pagdaloy ng isang etnoepiko. Pinapayagan na rin ang sariling tingnan ang mga iba’t ibang mga etnoepiko ng Pilipinas para makita kung anu-ano ang naging mga epekto, anu-ano ang nakaaapekto sa naging kinabagsakan ng mga kalikasang taglay na naidikit sa mga babaeng tauhan ng mga epikong nahati sa iba’t iba ring panahon at etnisidad.

Gamit ang feminismong lapit, susuriin kung gaano nga ba kalaki ang pagiging bahagi o lumiliit lang ba ang pagtingin at pagpasok ng isang babaeng tauhan sa bawat epiko. Magpopokus na lamang sa imahe ng mga babaeng tauhan na gamit ang makapeministang pananaw. Unang-una, mula sa sosyalistang feminsmong pananaw, kung saan tinatanaw na ang inferior na posisyon ng kababaihan ay naiuugnay sa sistemang nakabatay sa antas ng tao sa kanyang lipunan at sa struktura ng pamilyang nakapaloob sa sistema. Mula rito, maaari kong ipahiwatig na madaling naitatali ang pupuwedeng maging paulit-ulit na papel ng babae sa isang epiko, base sa kanyang antas o bahaging kinalakhan sa kinapapaloobang parte ng pamilya at tahanang kanyang tinitirhan. Maging sa postmodern na feminismo, na naghahayag na lahat ng babae ay magkakaiba, na hindi na dapat nag-gegeneralize base sa kasarian, lalung-lalo na sa kababaihan, ay patuloy na sumisira sa mga naunang nang naidikit na katangian. Kaakibat ng global na feminismong tumatalakay sa pagkilala ng pagkakaroon ng iba pang pagkakaiba liban sa kasarian. Mula sa mga lapit na ito, gagamitin ko lamang nang pahapyaw at hindi lalayuning gamitin pa nang buo para lamang mapatunaya ang aking puntong may iba pang maaaring maging papel at imahe ang mga babaeng tauhan sa mga epiko. Hindi sana mabilis na maikakabit pa ang katangian ng isang babaeng tauhan kung nakabase lamang sa antas o bahaging kanyang pinapapel sa pamilya at lipunang struktura. Nais din sanang magbigay pa ng mas kaaya-ayang imahe ang mga babaeng tauhan para naman mabigyang lakas at boses din para makatayo sa pansariling matitibay na mga paa at hindi na lang parating nakaangkla ang posisyon sa pagdikit o pagsama na lamang sa bayani ng epiko. Nais ding sirain, gamit ang mga binanggit na pananaw, ang mga pag-gegenralize na nagaganap sa tuwing nakasasalubong na lamang ng konsepto ng babae sa mga epiko. Kung bibigyang kalakasan na lang din ang mga tauhang ganito, nawa’y maipaabot nang malinaw at makapagsuri ako ng naiibang pagtingin, hinggil na rin sa ikalilinang ng imahe ng mga babae sa epiko, maging ng mga babae sa lipunan, sa pamamagitan ng feminismong pananaw. Ang feministang lapit ay nagsasabi ring ang kasarian ay binuo ngunit nababago rin. Ibig sabihin, kung meron mang naitakda nang papel at mga katangian para sa isang kasarian, maaari pa ring magkaroon ng iba pa ang dagdag na pagbasa. Maaari akong magmungkahi o magsuto ng panibagong lente sa aking pagsusuri hinggil sa mga babaeng tauhan ng mga epiko. Hindi ko engrandeng gagamitin, uulitin ko, ang feminismong lapit, dahil sa hindi ko naman ganoong kasakdalang gamay ang ganitong uri ng pagpapatibay, bagkus ay maglalahad lamang sa pinakasimpleng paraan, mula sa mga payak na konseptong nabasa tungkol sa nabanggit na uri ng lapit, sa abot ng aking makakaya at sa paglalapat nito sa mga babaeng tauhan ng ating mga epiko.

Nais ko sanang simulan ang bahaging ito sa nagsasabing sa kabilang dako, inilalarawan ng mga epiko ang mga lipunang lumikha sa kanila (Castro, et. al., 1983). Kung ganito nga, maaari ring sabihing ang mga nililikha nilang tauhang bida ang siyang mga nais nilang makita sa kanilang komunidad at siyang mga kontrabida o kalabang nilikha naman sa epiko ang mga tinuturing na ipinagbabawal o masama sa kanilang pananaw. Ang pagpapakilalang halimbawa ng isang babaeng tauhan bilang mahirap kuhain, at pinaghihirapan, bilang maalam sa ‘labas’ ng kanilang komunidad, at bilang maganda at malinis ay pagrerepresenta ng pagrespeto at paghirang ng mga babae sa komunidad bilang mga makabuluhang bahagi ng lugar at esensyal sa kanilang pagbabagong buhay at pag-unlad hindi lamang ng panloob na katangian kundi bilang isang buong pamayanan.

Merong isang epiko, tungkol kay Bindian, ang bayani, na hinikayat ng isang boses na iligtas ang isang diyosang nagngangalang Bugan mula sa malulupit na kamay ni Kabuniyan, ang diyos ng daigdig sa langit. Nang nasa dulo na ng pagliligtas itong si Bindian (kung saan siya ay malapit nang magapi ni Kabuniyan), siya ay nagmakaawa para sa kaligtasan ng kanyang buhay, na sinagot naman ni Bugan na siya (ang diyosa) na lamang ang saksakin nito gamit ang kanyang patalim. Kahit na ito ang binanggit ni Bugan, dahil sa natunghayang pagsasakripisyo ng babae para sa bayani, pinatakas ni Kabuniyan ang dalawa ngunit ang diyosa ay tumakas na agad at naging isang talon (waterfall). Habang nagdadalamhati si Bindian dahil sa siya’y iniwan ni Bugan, siya pala ay sinusundan ng isang ahas na naging tao, na pinakasalan naman niya. Kahit na si Bindian ay kasal na, nagpapatuloy pa rin siya sa pag-aalay ng mga sakripisyo nang may pag-asang si Bugan ay babalik pa rin sa kanya balang araw (Manuel, 1962). Sa kontekstong ito, nakita ang matinding kalungkutang naramdaman ng bayani. Kahit na sabihin nating nakahanap pa rin siya ng isang asawa, bilang kapalit sana sa sana’y asawa niya na sanang si Bugan, makikita pa rin ang paghihintay ng bayani sa kanya. Ang ganitong paghahanap at pagmimithi sa babaeng gusto ay makikita rin sa iba pang mga epiko. Hindi lang naman pala agad-agad na ang babae ang may gusto sa bayani. Sa pagtinging ito, sa mga ginagawang panliligaw at pag-aalay ng mga bayani para makuha ang loob ng kanilang gustong mapangasawa, hindi na ang bayani ang nakayuko dahil sa nakatingin siya sa babaeng mahal niya na nasa kanyang ibaba, bagkus, ang imahe ng lalaking nakatingala sa itaas kung saan naroon ang babaeng kanyang ninanais. Naibababa marahil, mula sa pagiging sentrong tauhan ng bayani patungo sa paghingi ng kamay sa itaas, ang nakaaangat na tauhang kanyang pinaghihirapan, ay pagkakataon din palang tingalain at pahalagahan. Ang ganitong pagiging makabuluhan ng isang babaeng tauhan ay hindi maitatanggi. Kung wala siya, hindi magkakaroon ng iba pang kabuluhan ang pakikipagsapalaran ng bayani. Ang babaeng tauhan ang naging pundasyon o dahilan ng pagkakaroon ng bayani ng misyon sa kanyang buhay na kailangan niyang tuparin. Ang babaeng tauhang ito ang maaaring naging simula ng paglalakbay ng isang bayani. Dagdag pa rito, ang mga dowry na hinihingi ng mga kaanak ng babae para masukat ang kakayahan ng kanyang manliligaw. Ang ganitong mga kahingian ay hindi lamang basta-basta ngunit lubos na mahihirap na mga gawain at bagay na maaaring makapagsabing ang babaeng nililigawan ay hindi lang din naman basta-bastang nakukuha, hindi lamang basta-bastang asawang tauhan ng bayani, ngunit asawang iniibig, pinahahalagahan at siyang tumutulong sa pagpapakitang gilas at bahagdang pagpapakilalang buo, at pagkilala sa sarili ng isang bayani, na subukan ang kanyang kakayahan, at patunayan ang kanyang kapangyarihan.

Nang magtagumpay si Labaw Donggon sa panliligaw kay Abyang Ginbitinan, siya ang kanyang naging unang asawang babae. Sumunod niyang nakuha si Anggoy Durunun ng underworld bilang ikalawang asawa. Kapag nakakakita rin ang magkakapatid ng tatlong magkakapatid na babae, madalas na pinipili ng bayani ang pinakabata (Manuel, 1962). Si Aliguyon naman ay nakita at niligawan ang pinakabata sa magagandang magkakapatid na mga kapatid ni Pumbakhayon, si Bugan (Eugenio, 2001). Isa pang maaaring makita sa mga epiko ng PIlipinas ang madalas na pagpili ng bayani sa pinakabata, kung merong magkakapatid na babae. Madalas makitang pinakabata mismo ang siyang pinakamaganda at ang pinakamatandang babaeng kapatid naman ang siyang pinakamarunong o pinakamatalino. Kung maaari ko mang itanong, bakit nga ba ang maganda ang pinipili ng isang bayani at hindi ang mas maalam kaysa sa pinili niya? Hindi kaya’y sinasabi ng oral na tradisyon na ang panlabas na kaanyuan ay hindi na nalalayo sa mga katutubo bago pa man dumating ang mga Espanyol na nagbinyag at nagturo sa kanila ng ‘malinis’? Sa aking pagkakatanda, ang epiko ni Labaw Donggon ay isang bahagi ng mga epiko ng mga paganong grupo na tinipon ni Arsenio Manuel. Ang depinisyon naman ng pagano, ayon sa Merriam-Webster dictionary, ay isang tagasunod ng isang politeistikong paniniwala o ang paniniwala sa maraming diyos. Kung ang ipinakilalang relihiyon ng mga Espanyol ay ang paniniwala sa iisang diyos, masasabi na ring ang komunidad kung saan binuo ang oral na tradisyon ng Labaw Donggon ay naniniwala sa maraming diyos; ibig sabihin, may konsepto na ang mga katutubo noon ng pagiging malinis o maganda batay sa panlabas na postura, at madalas na ikinakabit sa pinipiling babaeng tauhan ng bayani sa epiko. Parating maganda ang babae, malinis. Ang ganitong pagsasakatauhan ng isang babae ay hindi lamang pagdidikit nito sa kadalisayang tinataglay madalas ng isang babae ngunit pati na rin ang pagbibigay sa kanya ng angking katangian, tulad ng pagkakaroon din ng isang bayani, na maaaring madaling idikit sa kanya. Ilan pang dagdag halimbawa sa paglalarawan ng panlabas na kaanyuan, mula pa rin sa epiko tungkol kay Labaw Donggon:

390  
Sa kanyang mahal
Kay Anggoy Doronoon (ang pinakamagandang babae sa daigdig sa ilalim ng lupa)
Ng daigdig sa ilalim ng lupa
Kilala sa kanyang karikitan
Itong pinakatatanging dilag
Na siyang muling susuyuin
Na siyang muling liligawan 
(Castro, et. al., 1983, p. 140)

Ang konsepto ng feminine beauty ay hindi malinaw na binibigyang kahulugan, pero nakakalat ang mga pinaghanguan ng mga babaeng bida na mukhang itinatampok ang kanilang nagniningning na kagandahan, at ang kanilang mga payat at mainam na pangangatawan. Sa mga epikong Manuvu, ang magagandang dilag ay inihahambing sa araw habang ang pagpapakita ng Maiden of Buhong Sky ng kanyang sarili ay katulad naman na parang nandoon ang araw kung saan naroon siya; tulad ng mga sinag ng sumasapit na araw. Ang kapatid naman ni Tuwaang na babae ay ikinumpara rin sa sumisikat na araw at sa isang matayog na batang ginintuang puno. Ang dalaga naman ng Dliyag’n sa Guman ay inilalarawan bilang “isang kumikislap na kagandahan,” “pinakakaibig-ibig sa mga bulaklak.” Ang mga asawa ni Kudaman ng Palawan naman ay “payat at ginto,” isa sa kanila ay “ginintuan hanggang sa kanyang mga kuko.” Ang mga babae ay meron ding nakahanay na mga ngipin, ang liwanag na nanggagaling sa kanilang mga ngipin ay nililiwagan ang ibang mga mundo. Isa sa mga asawa ni Kudaman ay merong transparent na balat na “kaya mo nang makita ang ngangang dumaraan pababa sa kanyang lalamunan.” (Eugenio, 2001) Mapapansing kapag may babae, tila gusto rin nilang mailarawan ang mga tauhang ito katulad ng pagkakalarawan sa isang bayani, kahit na sa panlabas na kaanyuan lang muna. O kaya naman, kapag sinusubukang ilarawan, o nagkakaroon ng paglalarawan sa babaeng tauhan sa epiko, ito’y hindi simple lamang kung hindi pagbibigay mataas na kaanyuan o kaantasan din, o kaya paghahambing sa isang napakagandang katangiang maaaring pumantay sa tinataglay na pisikal na anyo ng bayani. Ang ganitong katangian ay nasusuri ko bilang halos simpantay na rin ng dinadalang katangian ng bidang lalaki sa epiko. Nagkakaroon ng pantay na kahirangan o kapilian ang mga lalaki at babaeng tauhang may posibilidad na maging mag-asawa sa daloy ng naratibo.

Mula naman sa paghahanap ng natatanging kagandahan, nais ko ring balikan ang konsepto ng asawang babae. Ang unang asawa ang karaniwang itinuturing na pinakapunong-kabiyak noon magpahanggang ngayon (Castro, et. al., 1983). Kaakibat ng epiko tungkol kay Bindian na isinalaysay kanina, ang pagbabanggit ng katagang ‘una’ ay nahihiwatigan ng agad na magkakaroon pa ng ibang asawa liban sa isa, at humahantong na nga na magkakaroon ng maraming asawa ang bayani. Ngunit kahit na ganito, kung titingnan natin ang panahon ng pagbuo ng epiko, maituturing na hindi masama ang pagkakaroon ng maraming asawa ang bayani. Ayon sa aking isang kaklase, ginagawa ito ng bayani hindi lamang para sa napakalawak na mapagkukunan ng tulong at pagpapadali ng pag-unlad ng buhay ng bayani kundi ito na rin ay isang pagbibigkis para sa isang matibay na pagkakabuklud-buklod ng bawat miyembro ng komunidad. Kung ganitong napaiikli ang mga pagitan sa bawat kapwa nakatira sa komunidad, hindi na kinakailangan pang kuwestiyuning hindi naman problematiko ang pagkakaroon ng maraming babaeng asawa. Hindi nakapagpapababa sa antas ng babaeng tauhan sa loob ng isang epiko bagkus ito ay nakapagpapakita lamang ng maiging pagdedesisyon ng bayani para sa kanyang komunidad at pagtingin sa babaeng asawa hindi bilang tropeyong kinokolekta at napagwawagian lamang kundi bilang pag-uukol ng importansya para sa kanilang pamayanan. Hindi ko binubura ang pagkakaroon ng pag-ibig. Hindi ba’t kaya nga ginagawa ng bayani ang lahat ng kanyang makakaya e para sa makuha niya lamang ang pinakaaasam niyang kasintahan? Kung mukha mang natatalo ang ganitong konsepto ay sa panahon lamang ngayon iyon tatatak. Kung babalikan ang panahong unang isinasagawa ang oral na tradisyon ng mga epiko, hindi hadlang ang pagkakaroon ng maraming asawa ng isang bayani.

Dagdag pa sa konsepto ng mga napiling babae ng isang bayani, may isang bahagi sa epiko tungkol kay Sandayo na nais ko naman pagtuunan ng pansin. Nang dumating ang araw na inutusan ni Sandayo ang kanyang monsala (flying scarf) na sunduin si Bolak Sonday, nangyari lamang na namatay ang bayani, hindi pa man umaabot ang pinasundong babae. Napagdesisyunan ni Bolak Sonday na hanapin ang espirito ni Sandayo upang siya’y muling buhayin. Nang makarating na si Bolak Sonday sa pinaroroonan ni Bae Pendeligan na siyang may hawak sa espirito ni Sandayo, ito’y kanyang kinalaban at napanalunan at hinihingi. Binuhay niyang muli si Sandayo at sila’y bumalik sa Sumina (Eugenio, 2001). Mula naman dito, makikita ang ginawang pagtatanggol ng isang babaeng tauhan sa epiko. Si Bolak Sonday na isang pinsang babae ni Sandayo ang siyang nagpasimuno sa misyong buhaying muli ang bayani. Meron din naman palang pagkakataong ang babaeng tauhan naman, na hindi diwata o diyosa, ang nagkakaroon ng papel na makipaglaban para sa bayani. Hindi ba’t mas madalas ang pakikipagsagupaan ng isang bayani para sa isang babae? Natunghayan naman mula sa halimbawa katulad ng epikong tungkol kay Sandayo ang ginawang pakikipag-away ni Bolak Sonday kay Bae Pendeligan para sa isang lalaki, at iyon pa ay ang bayani mismo ng epiko. Naipagtanggol ang isang tagapagtanggol, ng isang babae pa! Nabubuo ang isang imahe, sa ganitong pagkakataon, ng pagtataglay rin ng lakas ng isang babaeng tauhan sa mga sitwasyong nasasangkot sila, o pinili nilang maisangkot ang kanilang sarili.

Liban sa pagiging asawa naman, ang babaeng tauhan ay maaari ring magkaroon ng imaheng bahagi siya ng pamilya ng bayani, ngunit nais ko sanang magmungkahi ng ibang lente pagbasa ng ganitong uri ng tauhan. Mula sa epiko tungkol kay Tuwaang, ang kanyang kapatid na babae ay natatakot sa mga maaaring kaharapin ng bayani sa kung sakaling sagutin niya ang hamong makipagsapalaran para sa dalaga ng Batooy (Manuel, 1962). Sinubukan ding pigilan ng kanilang mga ina sina Sandayo at Lam-ang na ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay (Eugenio, 2001). Makikita naman dito na hindi lamang pala ang nanay na tauhan ang siyang maaaring pumigil sa nais na gawing paglalakbay ng bayani. Mula sa itaas, nakitang ang kapatid na babae naman ang nangamba sa desisyon ng bayani. Isang babaeng tauhan ang nangangamba sa pag-alis ng kanyang kaanak. Hindi nito ipinapakita ang pagiging hadlang lamang ng babaeng tauhan sa pag-usad ng kuwento ng bayani kung hindi ito’y isang pagpapakilala ng isang tauhang may pakialam at maaaring may nalalaman sa labas ng unang mundo ng bayani. Kung walang alam ang babaeng tauhan sa labas, maaaring hayaan na lamang niya ang bayani kung ano nga bang meron sa labas kung sakaling makabalik siya e makatatanggap siya ng salaysay ng mga bagay mula sa bayani na wala sa kanilang loob. Ang pagiging matatakutin ng babaeng tauhan upang pagsabihan ang bayani na huwag nang matuloy ay maaaring masuri bilang isang tauhang may alam sa kahirapang daranasin sa labas, kaalaman sa mga suliraning kahaharapin ng isang bayani at pag-aangat muli sa antas ng kanyang isipang puwedeng humigit pa sa padalus-dalos na bugso ng bayani. Hindi lamang nito binibigyan ang isang babaeng tauhan bilang mas maalam sa bayani kundi nagbibigay rin pagkakataon sa kanya upang mabasa at maunawaan na maaari siya ang nauna bago pa man ang bayani ang manguna.

Nagkakaroon din ng mga katawagang sa babae lamang ginagamit. Halimbawa, sa epiko tungkol kay Sandayo, ang Bae ay tawag ng paggalang sa mga babae sa lipunan ng mga datu. Ang Magaw naman ay salita ng pagmamahal na tumutukoy sa isang babae, kapatid na babae, pinsan o kaibigan (Castro, et. al., 1983). Naiaangat din kaya ang pagkakaroon ng ganitong mga uri ng katawagan sa mga babae, ganitong mga salita para lamang sa mga babae? Hindi kaya’y ipinahihiwatig lamang nito ang hindi mabuburang paggalang na masasalamin sa komunidad na pinanggalingan ng nasimulang oral na tradisyon? Makadaragdag kaya ito para mas maiangat pa ang imahen ng babaeng tauhan sa epiko? Nagkakaroon kaya ng hindi lang ibang pagtingin kundi mas mahalagang pagtukoy sa isang babaeng nakapaloob sa isang epiko? Kasi kung may ganitong uri ng paggalang sa kababaihan, maaari kayang ipakita ng mga ito na importante rin naman sila?

Labas naman sa pagiging kamag-anak, bahagi ng pamilya o malapit sa bayani, narito ang ilan sa aking mga kuru-kuro ukol sa mga ganitong uri ng babaeng tauhan sa epiko. Dagdag na halimbawa para sa grupo ng mga babaeng nagkakagusto sa isang bayani o mortal na kalaban ng bayani; nang makarating si Tuwaang sa Pinanggayungan, siya ay naging obheto ng pamamangha at panggigilalas ng kababaihan doon. May pagkakataon ding sa epiko tungkol kay Bantugan, nang magpaalam ang bayani sa kanyang anak, at sa kanyang kapatid na babae, ang kababaihan sa kanilang lugar ay umiyak (Manuel, 1962). Sa ganito namang mga pagkakataon, mapapansing hindi nabibigyang pangalan ang mga babaeng nagkakagusto sa isang lalaki. Madalas na lamang silang ilarawan bilang ‘mga babae’ o ‘grupo ng mga babae.’ Samantala, makikita rin sa maraming epiko na ang isang babaeng merong hindi lamang isang manliligaw ay meron namang pangalan. Nababanggit pa ngang hindi lamang siya basta-basta. Kung maaari ko mang ipaliwanag, ito ay naiiba sa pagkakaroon halimbawa ng isang bayani ng maraming asawa. Nailahad kanina na ang isang mapapangasawa ay hindi lamang ganoon kadaling makuha dahil sa may mga kailangan pang gawin at kuhanin ang isang bayani, o isang lalaking maniligaw, bago pa man mapasakanyang kamay ang babaeng kanyang gusto. Kapag isinalaysay naman na nagiging subheto ng kinahihiligan ng mga babae ang isang bayani, ito ay pagpapakilala lamang sa isang bayaning malakas ang bisa ng karisma o dinadalang anting-anting, o di kaya ng katangiang pisikal. Sa pagtingin sa isang bayani ng mga babaeng tauhan tulad ng naibigay na halimbawa, pati na rin ng dami ng manliligaw ng isang babaeng binigyang ngalan, maaari kong suriin ito bilang ang pagbibigay ngalan sa isang tauhan ay pag-angat ng kanyang antas sa daloy ng isang epiko bilang isang tauhang makabuluhan sa magiging kahihinatnan ng naratibo. Hindi nawa bumaba ang pagtingin sa babae dahil sa grupo ng mga babaeng tauhang may gusto sa bayani dahil sa ebidensyang nagkakaroon ng maraming kalaban sa panliligaw ang bayani sa babaeng kanyang gusto, kung gayundin, ay may grupo rin ng mga lalaking may gusto sa isang babae.

Kasunod dito ang konsepto naman ng diwata o diyosa bilang isa pang image ng babaeng tauhan sa mga epiko. Ilan sa mga halimbawa, mula muna sa epiko tungkol kay Agyu; si Alimugkat na diwata ng tubig at karagatan na kalahating babae, kalahating isda na nananahan sa palasyong ginto sa kailaliman ng dagat, nariyan din si Undi na diwata ng tadhana at Yegpintid ne Diwata na pagtukoy sa Pinakamataas na Diwata (Castro, et. al., 1983). Sa epiko tungkol kay Sandayo naman, si Asog, ang espirito o diyosa ng mga ulap, si Bae Pigdindingan na nasalubong at tinanggihan ni Sandayo, na siya ring diwatang nagalit at gumawa ng malakas na hanging sisira sa sinasakyang Gadyong ng bayani ngunit madali paring nagapi, pati ang diyosang si Bae Asog na pumutol sa matindi at matagal na pagsasagupaan nina Sandayo at Domondianay (Eugenio, 2001). Isa pang maaaring maging papel ng isang babae sa loob ng isang epiko, liban sa pagiging kapamilya o kaanak (ina, kapatid, anak, etc.), bilang alipin o tagasunod, ay ang pagiging diyosa o diwatang makikilala ng bayani sa gitna ng kanyang paglalakbay. Makikita sa maraming epiko na maaaring tumulong o humadlang ang ganitong uri ng tauhan sa pagdaloy ng isang epiko. Mula rito, nauulit pa rin ang pagpapatibay ng bayani sa kanyang sarili at paghuhugot sa kanyang angking lakas upang lumaban, na isang babaeng tauhan ang siyang gatilyo para rito. Kung papansinin, ang nakakalabang lalaki ng bayani sa isang epiko ay nakakalaban niya nang sobrang tagal, at nasama nga naman na ito sa isa sa mga katangian ng isang epiko kung saan nagkakaroon ng napakahabang paglalaban ang dalawa; ibig sabihin, pantay o halos pantay lang ang lakas ng dalawa. Halos pantay sapagkat sa sobrang dami ng pahinga at lubos na tagal ng laban, may mananalo pa ring iisa. Kung susuriin naman ang tagal ng laban sa pagitan ng isang diyosa o diwatang nasasalubong ng bayani, unang-una’y hindi ito ganoon kahaba kumpara sa mga nakakalaban ng bayani na lalaki. Ikalawa, maaaring sabihing hindi magkapantay ang lakas ng dalawa (diyosa/diwata at bayani) sapagkat may taglay mang kagila-gilalas na kapangyarihan at kakayahan ang bayani nang siya ay ipanganak, tao pa rin siya, dahil siya ay nanggaling sa kanyang ina, na isang tao rin. Ang diwata/diyosa ay hindi kailanman maaaring maging kapantay ng isang nilalang na katulad ng bayani. Maaaring siya ay mas mahina o mas malakas, maaaring magkaiba. Ngunit maaaring ipakita nito na may imahe ang babaeng tauhang katunggali o katuwang ng bayani na hindi niya ito kailanman makapapantay, o magkalayo ang kanilang antas; nagkakaroon ng imaheng hindi pantay ang diyosa/diwata at ang bayani.

Hindi lamang naididikita sa pagiging ina, asawa, kasintahan, alipin, diwata o diyosa ang imahe ng isang babaeng tauhan. Kung magkagayunman, maaari silang magkaroon ng alternatibo pang pagbasa hinggil sa kailangan nilang maipamalas at maipakita sa takbo ng epiko. Hindi kailangang nakatali na lamang sa pagiging mahina o dalubhasa na lamang sa mga gawaing bahay at pagpapaalipin ng isang babaeng tauhan sa isang bayani ng epiko bagkus may pagkakataon pa ring lumalakas at tumitindi ang kakayahan, kalikasan at katangian ng isang babae sa oral na panitikan, maging na rin sa kanyang lipunan. Ang mga naunang pagbasa sa kababaihan ng epiko, nagkaroon man ng mababang pag-unawa dahil sa makitid na pagtingin sa karanasang naramdaman at naihatid sa mambabasa o tagapakinig, ay nabibigyan ng panibagong anyo at mukha na maaaring gamitin sa lalo pang pag-angat ng kanilang mga sarili, bilang pag-unlad at paglinang pa sa kanilang imahe hindi lamang sa pantikan, kundi maging na rin sa lipunan. Hindi natatakot ang isang babae, kundi siya ay palaban. Hindi lamang mahina ang babae kundi kaya niya ring pantayan, o higitan pa ang bayani sa epiko. Hindi lamang pambahay ang gawain ng isang babaeng tauhan kundi kaya niya ring makipagsapalaran gaya ng ginagawang pakikipagsapalaran ng bayani sa marmaing epiko. Hindi na lamang parating ang babae ang ililigtas kundi kaya niya na ring iligtas ang bayani. Hindi lamang siya isang ina o kapatid na kaya lamang mangamba para sa kapakanan ng bayani kundi isang kaanak na marunong at mas maalam pa sa mga nangyayari sa labas ng kanilang komunidad, na kaya lamang niya pinoprotektahan ang bayani e sa maaaring alam niya ang daranasin nito paglabas. Hindi lamang siya isang tagasunod o aliping may gusto o matinding paghanga sa mga bayani kundi may katangian ding magkaroon ng tagasunod o alipin, at maaaring isa sa mga ito ay ang bayani pa. Hindi lang ang bayani ang nagtataglay ng katangian at kalikasang makatatapat sa mga sinag, ningning at liwanag ng kanilang sinasambang araw, kundi pati rin ang isang babaeng kaya nag-anyong kapantay ay dahil ito’y para sa kanya. May kakayahang mag-isip para sa sarili, para sa bayani at nagtataglay ng katangiang nakapagpapababa sa loob o katayuan ng isang bayani. Ang ganitong pagtingin ng komuniad, mula sa mga nabuo nilang oral na panitikan, ang nagsisilbing patunghay na magalang na pagdakila sa mga babaeng inaapi at tinitingnan gamit ang mababaw na lente sa kasalukuyang panahon. Sa ibang salita, mas nakaaangat ang pagtingin sa kababaihan ang mga naunang komunidad, hindi pa man sila dinarayo ng mga mananakop, at hindi pa nagiging malakas ang boses o tinig ng makapeministang pananaw. Hindi na kailangang ipagtanggol ang mga babae noon, sila’y dinadakila ay may konsepto ng pagkakapantay-pantay hanggang ngayon sana, kung hindi dahil sa mga dayuhang nanakop.