Bakit kapag may narinig tayong nagsabi ng "Ang baho!", sumisinghot pa rin tayo? Ito ba ay dahil sa gusto nating umaamoy ng mabaho? Tapos tatakpan din naman yung ilong agad. Bakit ba natin ginagawa iyon? Kasi lahat na lang ng taong magsasabi no'n, hindi natin pinagkakatiwalaan, maging sino pa man sila? Bakit gano'n? Simpleng bagay, mahirap paniwalaan? Yung mga sisimpleng bagay pa yung hindi natin kayang paniwalaan? Bakit kaya? Baka naman gusto lang nating nadaragdagan yung alam nating amoy? Bakit hindi? Parang puwede rin naman 'di ba? Ikaw? Bakit ba sumisinghot ka pa rin kapag may nagsabi na ng "Ang baho!"? Tayo ako nang tayo tapos tatanungin pa rin kita kung ginagawa mo iyon? Bakit kaya? Tanga ba ako? Papalitan ko pa ba yung una kong ginamit na panghalip? Huwag na. Huwag na lang. Tutal, aamuyin at aamuyin mo pa rin naman kahit na narinig mo na.
No comments:
Post a Comment