Nagkita
kami sa may Sarah's dati. Walang may dalang pera. Wala ring may kasiguraduhan
kung bakit pero parang totoo ang siyang nais. Walang gustong kumibo talaga
kumbakit, basta ang siya, ipinaaako niya na lang muna sa akin.
Malamang
sa inodoro, walang bumili ng beer. Pero tingin ko, tingin namin, okay lang.
Tingin ko, tingin namin, hindi na namin kailangan niyon. Gangster na kung
barikada, kapuwa na lamang kaming nagsindi ng paubos na ring yosi.
Usok
na lamang ang namagitan sa amin. Gustuhin ko mang gustuhin niya, natatakot pa
rin akong pagtawanang muli ng buwan.
May
iniabot na lamang siya sa akin. At alam ko ring naaalala niya ako, at maaalala
ko rin siya. Nakakatuwa ang hiyaw ng lapis at kulay. Minsan lang ulit akong
nakaramdam ng ganito.
Umalis
na kami sa Sarah's matapos ang bullshitan, tungo sa panibagong bullshitan.
Naghanap kami ng mauupuan, at tila naipaghahalo ko na naman ang lahat ng dapat
na hindi maalala.
Siya lamang
ang gusto kong maalala.
Ang
kanyang boses ng pag-aya noong nagbiruan kami, sa likot ng aming mga kamay.
Siya ring boses na tumulang lalong umanyaya sa akin. Ang kanyang ngiting ang
sarap bigyang-kahulugan, o mayroon lang talaga akong pilit na iniilagan, at
inaalagaan. Ang kanyang paghingi sa aking hindi ko kinayang talikuran.
Siya'y
nagpaalam. Umalis na ako. Hindi naman masakit, binalot lamang kami ng mga
tanong na siyang sinagot din, sa isang gabi ng awitan at hintayan, makalipas
ang ilang buwan.
Ilang
buwan din ang lumipas. Hindi na samantala ang bawat hapon. Paulit-ulit ko na
lamang binasa ang kaisa-isa niyang mensahe sa aking cellphone,
"Oo."
"Oo."