Mayroong naunang pagdisrespeto dahil sa walang kabuluhang panghuhusga. Ipinaliwanag na na mali ang ganoong takbo ng pag-iisip. Hindi ibig sabihin na may opinyon lahat ng tao’y hindi na maaari pang mabago ito kung magbabasa at iintindihin ang mismong punto, at hindi yaong ibabaling ang atensyon sa hindi na kailangan pang pag-usapan.
Sakaling bagsak pa rin sa wasto at makataong ideolohiya ng pagkakapantay-pantay, tanggaping nagkakamali pa rin naman ang mangilang pag-uumpisa. Maaaring sagutin ito sa simulaing ilagay ang sarili sa sapatos ng iba, sa katauhan mismo ng siyang huhusgahan nang basta-basta na lamang.
Samakatuwid, mahirap tumanggap, mahirap na mahirap, lalo pa’t kung ito’y taliwas sa nakasanayan. Hindi porke’t lumingon yung naglalakad sa harapan ay umutot na siya. Kung ‘di rin lang pantay-pantay ang tingin sa mga hindi kilala, ano pang silbi ng pambabastos ng kabila?
No comments:
Post a Comment