Hindi ko na rin masyadong maalala. O baka, hindi ko na rin masyadong inaalala. Sino ba kasi yung nag-umpisa ng ganito? Wala na ring may pakialam. Kung hindi na lang din kinayang sungkitin pa ang puno eh, wala rin namang nagbalak na sumilip ng ilalim. Hindi mo na ibinalik. Minsan ko na lang din hanapin. Kung ano pa man yung hindi mo pa ipinapakita, maraming salamat na lang ulit. Tapos, paumanhin, nararapat naman sa'yo lahat ng payapa at kasinungalingan na hiningi mo sa akin. Hindi naman siguro, sana, pinag-isipan nang maayos kasi taos na naubusan ng bala. Wala bang may kusang sinadya? O pawang ako na lamang ang nanloloko sa sarili ko? Si Batman na lang siguro ang makapagsasabi. Siya naman madalas. Ang akala ko lang naman talaga, dalawa yung pinagtuos mo. Tatlo / Apat pala.
Muntik na akong magtatlong tasa ng kape. Hindi ko kasi alam kung kinakabahan yung kawani o kinikilig. Martin. Pansamantala muna akong nagbabagu-bago ng anyo. Hindi rin ako takot gumamit ng bantas. Ang kaso, binibinatog ako madalas / minsan kapag kaharap na ang nakasanayang liwanag. Lilipat na rin muna ako ng espasyo. Kakaiba rin dahil parang binulungan lang ako ng kuwaderno eh, daupang burulyado naman talaga yung habol ko kanina, bilang bahagyang ensayo para sa'yo.
Putang ina mo.
No comments:
Post a Comment