Kinakalawang na ang gitara mo. Matagal mo nang hindi ginagamit. Ang kanyang tugtog ay hindi na napakikinggan. Kailan mo siya muling babatiin? Matagal mo na siyang hindi kilala, matagal mo nang hindi kilala ang iba pang bahagi ng iyong kaakuhan. Kaunting tipo lang ng mamaya na, sira na ang buong kapalaran. Huwag maging maingat, sirain ang lahat nang todo, hindi ka naman nag-umpisang magaling. Hindi ka mamamatay nang kalawang.
Patugtugin ang muling pagbabalik sa kalesa, sa nagtataasang mga pader at itlog. Sa bawat maning ibinenta at mais na nginatngat, ang semento at padyak ay nagmamahalang tunay. Mapangingiti kang sumaglit, kakalabitin mong muli ang kuwerdas, iigting ang pansimayo nang paulit-ulit hanggang sa manggaling kang muli sa paghinga nang malalim. Magugulantang ang iba maging ikaw na naaasinta mo nang bigla ang mga hindi mo iniisip noong araw. Mayroong siyamnapung pagseselos sa lahat ng babalikan ngunit iisa lamang ang maisasayaw sa iisang huling gabi.
Kahit na hindi ikaw ang may desisyon sa iyong mga sinabi, ikaw pa rin ang may sabi. Iba ang kanilang maririnig mula sa iyong ipinaparating. Magagalit kang saglit sa mga utos hanggang sa malaman ang katotohanang walang katotohanan. Sila rin mismo ang lumikha ng mababango sa kanilang tenga at hindi mo sinasabing hindi sila tama. Hindi mo rin sasabihing mayroon kang sariling tugtog na tama, at ngingitian ka nila sa likod ng iyong mga ngiti rin. Ano na lamang ang silbi ng mga hindi totoo?
No comments:
Post a Comment