May pagmamadaling tungong panaginip. Hindi matigilan ang araw-araw inaasahan ngunit wala namang katuturan. Saka na iyong mga sandaling nakapagbabahagi pa ng kaunting aliw sa salita ng ibang mga wika, ibang sistema, ibang kultura.
Maiba naman, nakakalungkot din isiping kaunti na lamang pala ang hihintayin bago pa makapagpabangong muli ng pangalan, ng siyang kulot at barya. Sandali na lamang pala, pero wala rin namang may hawak ng mundo, at wala rin namang may pakialam.
Pagkubli, magpapaalam ngunit magbabalik sa tindig na alam na ng lahat, o ng iisa, o ng higit pa sa wala. Ang kalawakan ay isinasambutil ang bawat likhang makakati lang naman sa labi ng iisa. Mapariwara ka sana. Sa pagyayabang ng limahid at kuwarta mong kay libog lamang ng langit, mas maigi naman talagang hindi ka na maarok ng nakararami sa ibaba, sa ibabaw ng iyong panga. Ay siya!
No comments:
Post a Comment