January 27, 2024

café conundrum

i invited myself in this game
of words between window pane
rivulets, lightly casting screenshows
upon the sidewalk. that lamppost,
i can almost guarantee you, it was
half-blinking before i even started
talking shit to myself into this game,
stirring cold cups, strange pups,
old grumpies i mock. don't stop

for me, please, nothing is necessary.
you shouldn't have to worry. i brought
my own umbrella, and besides, it is
more fun for me to actually fumble
inside homilies than to step outside
and scale with my aching ankles.

i'd sigh but for relief, unknowingly
shaping hollows on this window again,
rushes and clangors filling up an
unleft void 'til that fucking lamppost
snaps me back in just to spite me.

we will not ever know what
it was supposed to be.

January 10, 2024

framed still

a story develops
hindi nang biglaan
na lang may bunga
at mga hayop na
nag-aagawan.

now, it could very well
start at the very end
knowing na hindi na
lutang ang nakikinig.
mayroon lang kaunting
kalituhan, 'di babayaang
maging intense masyado
sa metaphors, structures,

pero sometimes, kahit na
indifferent ang paghahalo,
at some point, matatapos
pa rin sa pagkakaunawaan,
sa bungang kakahilingan.

January 2, 2024

sa hardin ni mama

lumabas ako ng bahay. naupo lamang sa may harap tanaw ang hardin ni mama. sari-saring gulay at bulaklak ang ayaw pumansin sa akin. kumulog saglit ang langit. pagtingala ko'y saka lang naging halta ang pagkulimlim. saka lang din nakaramdam ng haplos ng ginaw. mag-isa nga lang pala ako.

inilapit ko ang ashtray na matagal-tagal nang nakaligtaan. naglabas ako ng kaha at lighter. pinaikot at pinaglaruan ang kaha. nagdadalawang-isip. binuksan ang kaha, kahit na alam ko naman kung ilan pa ang natitira. sa tatlong stick na nagpapalipat-lipat ng sandal sa aking bawat pagtanggi, lalong nagdilirim at umaalala ang paningin.

kumulog muli.

nakatulala na pala ako sa isang sigarilyo. inabot ko ang lighter. sa unang pagpitik ay hindi ito sumindi. ginising na ang mga dahon sa iwang masidhi ng lumipas na hangin sa hardin ni mama. humalik na sa labi ang filter. ikinubli sa kabilang kamay ang sindihan nang hindi mahanginan kung sakali. pumitik muli ang lighter. wala pa rin. inilpat ko sa ibang anggulo ang ashtray na kanina pa ako tinatawanan. pumitik ako ng isa pa. at ng isa pa. at ng isa pa.

kumulog kasabay ng pagliyab ng pitik. humipak ako ng isa at binugahan sa mukha ang ashtray. ipinatong ko na ang lighter sa mesa.

bumuhos ang malakas na ulan.