January 17, 2026

go try

ang sining ay pag-alala na hindi kailangan ng kahit ano pa mang paliwanag. ito ang pinakakusa ng iyong kaluluwa na walang sino pa man ang makapipigil. ito ay bigla ngunit walang bahid ng pamimilit ni pagpapapansin. hindi ito talagang nagkukulang bagkus ay nanggagaling lamang sa tulo ng pinigang pagkalimot sa mga guni-gunitang papitik-pitik ang pangingirot.

sadyang makakamot mo lang talaga ang kung anong makati sa iyong mangungulit hanggang sa bumigay na lang patangay ang natitira mong pagkilala sa iyong tunay na sarili. walang hiya. walang pagod. walang mga batas at kakuntentuhan. walang gutom na kailangang busugin. ang mga naghahanap ng wala ay agad na pinaaalis. lahat ng galit at ismid ay mahusay na ipinangmamarka ng iyong mga labi bago sila tuluyang makipagsapalaran sa mga pinili nilang kasabayan.

hanggang sa pag-iisa, may yakap na parang langit ang pagiging malaya. tuloy ang paggising sa araw-araw na ingay galing sa naunang mga nalikha. payapa ang sining sa aspeto ng pagpapaubayang mangialam, at kung subukan mang ibigin ay mayroong mapapalunok na lamang ng laway.

No comments: