November 10, 2012

Paksiw na Ayungin ni Jose F. Lacaba

Paksiw na Ayungin
ni Jose F. Lacaba

Ganito ang pagkain

ng paksiw na ayungin:
bunutin ang palikpik
(para sa pusa iyan
at ang matirang tinik),
at ilapat sa labi
ang ulo, at sipsipin
ang mga matang dilat;
pagkatapos ay mismong
ang ulo ang sipsipin
hanggang sa maubos ang
katas nito.
           Saka mo
umpisahan ang laman.

Unti-unti lang, dahan-

dahan, at simutin nang
husto--kakaunti iyang
ulam natin, mahirap
humagilap ng ulam.
Damihan mo ang kanin,
paglawain sa sabaw.
At huwag kang maangal.
Payat man ang ayungin,
pabigat din sa tiyan.

11 comments:

Unknown said...

I performed this back in 1999 when I was in Kinder 2. I didn't know then what the poem meant and everybody was laughing if not, smiling as I performed this.

Ka Pete said...

Dapat "ilapat sa labi," hindi "ilapit." Salamat na rin sa pagpost ng tula :-)

Ka Pete said...

At saka "kakaunti," hindi "kokonti." Pasensiya na medyo old style ang bigkas ko.

aled cruz said...

Bagay Poetry po kasi ang paraan ng pagtula kaya pinag-eksperimentuhan ang tono at pananalitang kumbersasyunal sa pagtula. :)

Unknown said...

Why did he right this?

Ka Pete said...

Because when I was a teenager living in Pateros, we often had paksiw na ayungin as ulam, and my mother (or was it my grandmother?) would advise me on how to eat it so that there would be no part wasted. We often ate with our hands and fingers back then (nagkakamay), especially when our viand (ulam) was fish.

Unknown said...

Para sa aking pagkauna, ang Paksiw na ayungin ay hindi literal na pagpapakahulugan,
Ito ay may mga malalalim na pagpapakahulugan na ang ibig sabihin ang mga pangyayari ngayon sa lipunan na mga suliranin. Maliit ang ayungin ngunit pabigat din sa tiyan, Pabigat sa lipunan, ang mga taong hindi tapat sa kanilang serbisyo o tungkulin sa bayan,
Tinutukoy rito ang mga Politiko na hindi totoo sa serbisyo.

Unknown said...

salamat po

Unknown said...

Ito ay ipinakikita Ang iba't Inang pandama natin..makahulugan

Unknown said...

ask ko lang po kung kailan po ito isinulat at saan po?

Unknown said...

when did he make this